Share

Kabanata 4

Author: MaoMao
last update publish date: 2026-03-20 04:22:42

“Dad, ayoko talaga sa kaniya! Hinding hindi ko siya pakakasalan—” isang suntok ang muling dumapo sa mukha nito dahilan para matumba ito. Muling aambaan sana nitong muli ng suntok si Ethan ngunit pumagitna ang umiiyak na si Wendy.

“Tito, wala po siyang kasalanan. Huwag niyo pong saktan si Ethan…” iniharang nito ang sarili sa harap ng galit na si Enrique.

Sa halip na pakinggan ito ay mabilis nitong itinulak ito dahilan para mawalan ito ng balanse at bumagsak sa lupa pagkatapos ay nawalan ng malay. “Wendy!” kaagad na dinaluhan ito ni Ethan bago binuhat at puno ng pag-aalalang tumakbo palabas.

Pagkatapos ng palabas ay nagsiuwian na ang mga tao. Mabilis na tumakas si Ruby at bumalik sa dressing room para magbihis. “Ikaw ang may pakana nun diba?” tanong ng baritonong boses sa likod niya. Hindi niya namalayan na muli pala siya nitong sinundan sa pangalawang pagkakataon.

Nilingon niya ito. Muli, nagmaangmaangan siya. “Baki ako? Paano mo nasasabi yan Tito?”

Natawa ito. “Huwag ka ng magmaang maangan pa. Alam kong ikaw ang may gawa nun hindi ba?” muling tanong nito sa kaniya.

Ngumiti siya rito. “Hindi mo ba nakita kung paano kinuha ang video?” napatingin pa sa camera si Wendy kaya halatang ito ang kumuha ng video. Hindi niya ito ginawa, talagang desperada lang ito kaya nito nagawa iyon kahit na masira pa ang reputasyon nito.

“Sa tingin mo ba ay sapat na iyon para hindi matuloy ang engagement niyong dalawa?”

Ipinilig niya ang kanyang ulo at sumandal sa likod niya. “Hindi niyo pa rin ba nakita kung gaano ako kinamumuhian ng lalaking iyon? Bakit hindi mo na lang kaya ako tulungan na hindi matuloy ang kalokohang ito?”

Tumaas ang sulok ng labi nito. “At ano naman ang mapapala ko kapag tinulungan kita?” tanong nito sa kaniya.

“Hmm?” napahawak siya sa kanyang baba at nag-isip. “Kapag tinulungan mo ako ngayon, tatanawin ko iyong utang na loob at bilang kapalit, kapag ikaw naman ang nangailangan ng tulong ko, hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka.” sagot niya rito.

Natawa ito ng mahina. “Sa tingin mo kakailanganin ko ng tulong mo? What a joke.” napailing pa ito.

Napasimangot si Ruby. “kung ayaw mo akong tulungan, what if sabihin ko sa kanila ang nangyari sa pagitan nating dalawa kagabi?”

Ngumiti ito sa kaniya ngunit ang mga mata nito ay naging mapanganib habang nakatingin sa kaniya. “Sa tingin mo ay paniniwalaan ka nila? Sa itsura mong yan?”

Nagkibit balikat siya. “Well, alam kong pangit ako pero bakit ni hindi ka man lang nagreklamo kagabi?”

“So, plinano mo talaga ang lahat?” nagtagis ang mga bagang nito.

Sa halip na itago pa ang totoo ay bakit hindi niya na lang aminin diba? “Mahalaga pa ba iyon? Don’t tell me, hindi ka nag-enjoy kagabi?”

Bumuka ang bibig nito ngunit mabilis din na sumara bago tumalikod ng madilim ang mga mata at iniwan siya.

******

Pagkatapos ng ilang oras na kaguluhan ay nagtipon-tipon ang lahat ng pamilya para kumain. Nagsimulang magsalita si Ethan ng hindi magagandang salita patungkol sa lalaking nakaupo sa tabi niya dahilan para magkaroon ng hindi magandang atmosphere sa paligid. Kababalik lang din nito galing sa ospital kung saan nito isinugod si WEndy.

Nilingon ni Enrique si Zach. “pasensya ka na talaga sa asal ng pamangkin mo. Huwag mo na lang siyang pansinin at ako na ang humihingi sayo ng paumanhin.” sabi nito na may nag-aalalang mukha. Halatang-halata na takot itong magalit ang lalaki.

Madilim ang mukha nitong nakatingin kay Ethan. “Hindi ko alam na hindi mo pala kayang palakihin ng maayos ang iyong anak. Bakit hindi ka humanap ng taong pwedeng magturo sa kaniya ng magandang asal?”

Ang bawat isang nakaharap sa mesa ay halos nagyuko ng ulo, bagamat walang ibang mababanaag na emosyon sa mukha ng lalaki ay ramdam na ramdam nila ang nakakapangilabot na awra nito.

“Uhm, bakit hindi na lang tayo umuwi sa mansyon?” pag-iiba nito ng usapan. Nagsitayuan ang lahat para sumakay sa mga sasakyang nakahanda at syempre, kasama siya sa sasama sa mga ito.

Napansin kaagad ni Ruby na ibang-iba ang ugali ngayon ng ama ni Ethan, dahil ba sa kapatid nitong si Zach?

Ipinilig niya na lamang ang kanyang ulo at tahimik na sumakay ng sasakyan hanggang sa tuluyan silang makarating sa mansyon ng mga Montefalco.

Ang mansyon ay mala palasyo sa laki at bukod pa doon ay kakikitaan ito ng labis na karangyaan sa labas man o sa loob. Pagdating nila ay kaagad na nagpaalam si Ruby na magbanyo samantalang si Zach ay inimbatahan ng ama ni Ethan na umakyat sa itaas.

SAMANTALA, nakasunod naman ng tingin sa likod si Erika— ang nakababatang kapatid ni Ethan na nasa tabi ng kanyang inang si Miranda. Ang mga mata nito ay puno ng galit habang nakatingin sa likod ni Ruby. simula pa kanina ay pigil na pigil niya na ang kanyang galit.

“Napaka kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon kahit na kailan! Akala mo kung sino.” puno ng disgustong saad nito.

Umarko rin naman ang mukha ni Miranda at umikot ang mata bago napakuyom ng mahigpit ang kamay. “Sinabi mo pa, isa pa paanong sa kaniya napunta ang jade na bracelet na iyon na dapat ay sa akin?” nagpupuyos ang galit na bulalas niya.

Hinawakan ni Erika ang balikat niya para aliwin siya. “Mommy, huwag kayong mag-alala. Akong bahala, babawiin ko iyon sa kaniya.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 74

    Ang mga mata ni Ruby ay malamig na nakatingini sa mukha ng lalaki. Mabilis niyang binuksan ang kanyang camera at nag-record ng video. “Kung gusto mo na patawarin kita ay kailangan mong sabihin sa akin ngayon kung sino ang nag-utos sayo na gawin ang lahat ng iyon sa akin.” walang emosyon ang kanyang mukhang sabi rito. Alam niya na may nag-utos ditong gawin iyon sa kaniya.Napuno ng pag-aalinlangan ito sandali ngunit sa huli ay ibinuka din nito ang bibig para magsalita. “Ang nag-utos sa akin na gawin iyon ay walang iba kundi si Wendy. Si Wendy ang nag-utos sa akin na gawin ang lahat ng ito. Ang sabi niya sa akin, kung magagawa ako ang iniuutos niya ay bibigyan niya ako ng pera ay higit sa lahat at ipinangako niya sa akin na kung maging asawa na siya ni Ethan Montefalco ay sisiguraduhin niya na ako ang unang magkakaroon ng koneksyon sa pamilya Montefalco.” Nang marinig ni Ruby ang sinabi nito ay halos gusto niya na lang matawa. “At naniwala ka naman sa sinabi niyang magiging asawa niya

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 73

    “Ma’am, ayos lang po sana ang tungkol sa kahalayan ng ginawa ng asawa niyo. Kung iyon lang po ang problema sana ay pwedeng-pwede rin siyang makauwi kaagad kaso nga lang po ay may nagsampa sa kaniya ng kaso dahil sa tangkang panghahalay.” sabi ng pulis sa asawa ni Benedict.“What?!” namilog ang mga mata nito bago nilingon ang kanyang asawa. “Anong sinasabi ng pulis? Totoo ba ang lahat ng ito?” Dahil wala ng magawa pa si Benedict ay napilitan na lang itong sabihin ang totoo sa kanyang asawa. Kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari para lang makalabas na siya kaagad doon. “Pero hindi ko talaga siya hinawakan man lang. Alam mo naman kung anong itsura niya hindi ba? Hinding-hindi ko siya pag-iinteresan. Siya nga itong namahiya sa akin nitong mga nakaraan.” paliwanag niya sa kanyang asawa.Sa galit nito ay muli siya nitong pinaghahampas. Talagang galit na galit ito dahil sa ginawa niya ngunit pagkatapos nito ay umalis din naman ito kaagad para linisin ang gusot na ginawa niya. Samanta

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 72

    Sa backstage ay hindi na napigilan pa ng ama ni Mrs. Lozano ang galit nito. Hinarap niya ang kanyang anak at galit na galit na sumigaw. “Tingnan mo nga kung anong kahihiyan ang ibinibigay ngayon ng asawa mo sa akin! Sa dami dami ng lalaking pwede mong pakasalan ay talagang siya pa ang napili mo! Napakarami niya ng gusot at kahihiyang ginawa sa mga nakalipas na taon!” sigaw nito sa anak. “Sa tingin mo ba sa ginawa niyang ito ay hindi makakaapekto sa career ko? Kapag nasira niya ang lahat sisiguruhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito!” ******Nang dalhin sa presinto si Benedict ay wala pa siyang kaalam-alam kung gaano na kagulo ang mga tao ngayon sa internet para pag-usapan siya. Hinid lang sa f@cebook siya ngayon sikat kundi sa ibat-ibang platform pa. Bukod pa doon, mabuti na lang at pinayagan sila ng mga pulis na kontakin ang kanilang mga pamilya para maayos na ang gusot. Sinabi rin sa kanila ng mga pulis na kailangan nilang manatili sa presinto ng sampung araw o higit pa

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 71

    Hindi alam ni Ruby kung saan siya ngayon lalapit dahil naging palpak ang pakikipag-usap niya sa mga taong iyon. Kung sana lang ay matino silang kausap e di sana ay wala siyang problema ngayon. Ginamit lang siya ng mga ito para makapaghiganti sa kaniya ang Mr. Lozano na iyon sa kahihiyang ito rin naman ang may gawa. Ngayon ay mukha talagang kailangan na niyang seryosohin ang paggawa ng sarili niyang brand ngunit dahil hindi naman siya kilala ng mga tao ay tiyak na magiging napakahirap nito para sa kaniya. Ang una niyang naisip ay ang kumuha ng mga taong mag-iinvest sa kaniya at siya lang ang gagawa sana ng mga pabango at sila na ang bahalang magbenta. Pero ngayon ay malabo na iyon.Para makuha ang hustisya dahil sa ginawa ng mga ito sa kaniya ay tumawag siya sa police station at inreport ang insidente para na rin makasuhan ang mga taong sangkot. Bukod pa doon ay may ebidensya naman siyang hawak at may mga kuha din ng cctv sa hotel. ******Nang dumating ang mga pulis sa silid kung saa

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 70

    Halos magkandaligaw-ligaw si Ruby dahil sa lawak ng villa. Ni hindi niya natandaan ang mga dinaanan niya kanina. Mabuti na lang at naroon lang ang mga kasambahay kung saan ay itinuro sa kaniya ang daan. Bumalik muna siya sa silid na tinulugan niya para kuhanin ang mga gamit niya bago nagpaturo ng daan palabas. Napakalaki ng bahay na iyon at mag-isa lang ang lalaking nakatira. Sa dami ng bahay na napasukan niya ay parang ito pa lang yata ang napasok niyang ganito kalaki. Mas malaki pa ito sa mansyon mismo ng mga Montefalco. Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa lalaking katulad ni ZAchary Montefalco e talaga namang napakayaman talaga nito as in. Huminga siya ng malalim. Mabuti na lang at paglabas mismo halos ng villa ay highway na kaya may mga dumadaang sasakyan kung saan ay kaagad siyang pumara ng taxi para pumunta sa kanyang studio. Habang sakay siya ng taxi ay nakatanggap siya ng isang message galing sa kanyang kaibigan na si Missy at pinapapunta siya nito sa kumpanya dahil may kai

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 69

    Pagkatapos lang umalis ni Alex ay tumayo na rin si Zach at nagtungo sa kusina. Umupo siya at hindi sinasadyang mapasulyap sa babaeng nauna ng nakaupo doon. Kahit na may makeup na ito ng mga oras na iyon ay ang tunay pa rin nitong mukha ang nakikita niya. Nagbawi lang siya ng tingin at hindi na ito nilingon pa nang marinig niya ang tinig nito. “Mukhang wala ka pang bumalik sa ibang bansa Tito…” Tumango siya.Hindi malaman ni Ruby kung bakit bigla na lang siyang napangiti nang malaman niyang hindi pa ito babalik sa ibang bansa. Para siyang isang bata na napagbigyan sa kahilingan niya. Muling napasulyap ng wala sa oras si Zach sa babae at ang unang napansin niya ay ang ekspresyon nitong masayang masaya. Bakit parang masaya ito na malaman na wala pa siyang balak bumalik sa ibang bansa? Hindi niya maiwasang hindi mapaisip. Sa murang edad nito ay baka ma mis interpret nito ang mga kilos niya lalo na at iniligtas niya ito mula sa mga taong iyon kagabi. Ito ang nobya ng pamangkin niya at

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 39

    Mas lalo pang naging malamig ang mga mata ni Ruby dahil sa mga sinabi ni Ethan. Wala na siyang pagdadalawang isip pa na itinaas ang kanyang paa at biglang tinapakan ang paa nito. Ang suot niyang takong ng mga oras na iyon ay pointed kaya dahil sa pagtapak niya sa paa nito ay halos mapatalon ito ng

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 38

    Kitang-kita ni Wendy kung paano tingnan ni Ethan ang babaeng iyon na nakatayo sa gilid. Kaagad na naging malamig ang kanyang mga mata dahil dito. Ilang sandali pa ay pilit niyang kinalma ang sarili niya dahil alam niyang walang mangyayari kung uunahin niya ang galit niya. Isa pa ay baka magalit lan

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 37

    Ang totoo, kaya ganun na lang ang reaksyon ni Andrea ay dahil nakita niya mula sa malayo na makailang beses sinulyapan ni Tobi ang babaeng kasama ni Missy. Kahit siya na babae ay nagagandahan dito kaya paano pa ang lalaki hindi ba?Hindi siya nagkaroon ng problema sa pagtataboy sa mga babaeng nagka

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 36

    Nilingon ni Missy ang kaibigan pagkatapos nilang masaksihan pareho ang pangyayari. “Nakita mo ba iyon Ruby? Mukha yatang may plano na namang humanap ngg ibang babae ang lalaking iyon. Paniguradong hindi magtatagal ay ibabasura na rin niya ang WEndy na iyon.” Mabilis na umikot ang mga mata ni Ruby.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status