Share

Kabanata 5

Author: MaoMao
last update publish date: 2026-03-20 04:23:38

Paglabas ng banyo ni Ruby ay kaagad niyang nakita si Erika na nakasandal sa pader at mukhang hinihintay siya. Nang makitang lumabas siya ay kaagad na itong lumapit sa kaniya at hinawakan ang braso niya bago siya nito hinila paakyat sa taas. Ang mga mata nito ay nag-aapoy sa galit habang nakatingin sa kaniya.

“Alam mo, hindi ko alam kung anong nakita sayo ni Daddy at bakit niya ipinagpipilitang ipakasal ka kay Kuya e ang pangit mo naman. Hamak na mas maganda sayo si ate Wendy kaya hindi nakakapagtaka kung bakit sukang-suka din si Kuya sa pagmumukha mo!”

Hindi lang ang mga ito ang nagsabing pangit siya sa, maraming tao na ang nagsabi ng salitang iyon sa kaniya kaya sanay na siya. Isa pa, siya rin naman ang may gawa nun sa sarili niya kaya wala siyang pakialam kahit na anong sabihin pa ng mga ito sa kaniya.

Ngumiti siya rito. “Kung ganun naman pala, bakit hindi mo na lang kumbinsihin ang iyong ama na kanselahin na ang engagement na ito?”

Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito bago siya bago sila tumigil sa isang silid. “Ito ang magiging silid mo ngayong gabi.” sabi nito sa kaniya.

Sa isip isip ni Erika, kapag pumasok ang pangit na babae sa silid na iyon ay baka tuluyang hindi matuloy ang engagement ng kapatid niya rito. Isa pa, ang silid na iyon ay ang magiging silid ng kanilang tiyuhin na si Zach at kapag nakita nito sa loob ang babae ay tiyak na hindi nito iyon palalampasin. Ang isipin pa lang na makakatikim ito ng katatakot-takot na mga salita mula sa tiyuhin niya ay halos maging masaya na siya.

Binuksan niya ang pinto at biglang itinulak ito papasok si Ruby. ini-lock niya ang pinto mula sa labas para hindi ito makalabas bago siya ngumiti, tingnan lang natin ngayon ang galing mong babae ka.

******

Hindi makapaniwalang napatitig si Ruby sa pinto, sinubukan niyang buksan iyon ngunit sarado ito. Nagdilim ang kanyang mga mata. Nang ilibot niya ang kanyang tingin sa loob ng silid ay napansin niya kaagad ang nakasarang pinto ng banyo at mula doon ay maririnig ang lagaslas ng tubig, tanda na may tao sa loob.

Samantala, mabilis na tumalikod si Erika para hanapin ang kapatid niya. Kailangan niyang magmadali. Mabuti na lang at nakita niya rin naman kaagad ang kapatid niya, “Kuya, kuya! Nakita ko si Ruby at… at…”

Naging madilim ang mga mata nito kaagad nang marinig ang pangalang binanggit niya. “Wala akong pakialam sa babaeng iyon kahit na mamatay pa siya.” tatalikod na sana ito ngunit pinigil niya ito.

“Nakita ko siyang pumasok sa kwarto ni Tito! Mukhang plano niyang akitin si Tito kaya kailangan mo siyang mahuli sa akto!”

Napuno ng dilim ang mukha nito bago naglakad paakyat. “Desperada talaga ang babaeng iyon!” nakakuyom ang mga kamay nitong sabi habang naglalakad. Sumunod siya kaagad dito.

*****

Biglang tumigil ang lagaslas ng tubig sa banyo a kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto. Napatingin siya rito at nakita ang lalaking nakatapis lang ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nito. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin mula rito. Hindi niya kayang tingnan pa ang perpektong pangangatawan nito.

“I-ikaw pala Tito…” halos mautal-utal na sabi niya dahil hindi niya akalain na ito pala ang nasa loob ng banyo.

Kaya pala, talagang sinadya ng lalaking iyon na ikulong siya sa silid na ito.

Malamig ang mga matang tumingin ito sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” malamig ang boses na tanong nito sa kaniya. Hindi siya nakasagot kaya nagpatuloy ito. “Ganun na ba kalakas ang loob mo para gawin ulit ang ginawa mo kagabi? At talagang dito pa kung saan ay napakaraming matang nakatingin?” puno ng panunuya ang mga matang nakatingin sa kaniya.

Halata sa mga mata nito na iniisip nitong sinadya niyang pumasok sa loob ng silid nito para akitin ito na para bang isang babaeng gold digger.

Sinalubong niya ang mga mata nito. “Sa tingin mo ba talaga ay ganun na ako katapang Tito? Hindi ako ang may pakana nito, isa itong trap.” sagot niya na totoo naman.

“Sa tingin mo ay maniniwala ako sayo?”

Napakuyom ang mga kamay niya. “Subukan mong buksan ang pinto para maniwala ka, inilock ng magaling mong pamangkin ang pinto mula sa labas pagkatapos nila akong itulak dito papasok.”

Para maniwala ito ay mabilis niyang inilagay ang kamay sa pinto at binuksan ito, isang click ang narinig nila. Namilog ang kanyang mga mata. Ang kaninang naka-lock na pinto, ngayon ay bukas na.

Malamig na tiningnan siya ng lalaki. “Nice acting.” komento nito.

Napahiya siya sa totoo lang pero paano niya ipapaliwanag rito ang totoo? Alam niya na sa mata nito ay katawa-tawa siya. “Kung ayaw mo akong paniwalaan, wala akong magagawa.” sabi niya at akmang aabutin na sana ang seradura ng pinto nang mula sa likod niya ay hinila siya ng lalaki paatras at ito ang humakbang sa harapan niya upang harangan ang pinto.

“At sinong nagsabi sayo na pwede kang umalis ng hindi ko sinasabi?”

Halos maliit lang ang espasyo sa pagitan nila ng lalaki. Napatingala siya rito, mula sa kinatatayuan niya ay kaagad niyang naamoy ang mabangong amoy ng ginamit nitong sabon maging ang mabangong hininga nito.

Bumaba ang kanyang mga mata sa adam’s apple nito an nag-umpisa ng tumaas baba.

Sa halip na matakot ay dahan-dahang kumurba ang isang ngiti sa labi niya. “Gusto ko ng lumabas pero ayaw mo akong paalisin, don’t tell me Tito nahihiya ka lang aminin na interesado ka sa akin dahil sa nangyari sa atin kagabi?” panunukso niya rito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 74

    Ang mga mata ni Ruby ay malamig na nakatingini sa mukha ng lalaki. Mabilis niyang binuksan ang kanyang camera at nag-record ng video. “Kung gusto mo na patawarin kita ay kailangan mong sabihin sa akin ngayon kung sino ang nag-utos sayo na gawin ang lahat ng iyon sa akin.” walang emosyon ang kanyang mukhang sabi rito. Alam niya na may nag-utos ditong gawin iyon sa kaniya.Napuno ng pag-aalinlangan ito sandali ngunit sa huli ay ibinuka din nito ang bibig para magsalita. “Ang nag-utos sa akin na gawin iyon ay walang iba kundi si Wendy. Si Wendy ang nag-utos sa akin na gawin ang lahat ng ito. Ang sabi niya sa akin, kung magagawa ako ang iniuutos niya ay bibigyan niya ako ng pera ay higit sa lahat at ipinangako niya sa akin na kung maging asawa na siya ni Ethan Montefalco ay sisiguraduhin niya na ako ang unang magkakaroon ng koneksyon sa pamilya Montefalco.” Nang marinig ni Ruby ang sinabi nito ay halos gusto niya na lang matawa. “At naniwala ka naman sa sinabi niyang magiging asawa niya

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 73

    “Ma’am, ayos lang po sana ang tungkol sa kahalayan ng ginawa ng asawa niyo. Kung iyon lang po ang problema sana ay pwedeng-pwede rin siyang makauwi kaagad kaso nga lang po ay may nagsampa sa kaniya ng kaso dahil sa tangkang panghahalay.” sabi ng pulis sa asawa ni Benedict.“What?!” namilog ang mga mata nito bago nilingon ang kanyang asawa. “Anong sinasabi ng pulis? Totoo ba ang lahat ng ito?” Dahil wala ng magawa pa si Benedict ay napilitan na lang itong sabihin ang totoo sa kanyang asawa. Kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari para lang makalabas na siya kaagad doon. “Pero hindi ko talaga siya hinawakan man lang. Alam mo naman kung anong itsura niya hindi ba? Hinding-hindi ko siya pag-iinteresan. Siya nga itong namahiya sa akin nitong mga nakaraan.” paliwanag niya sa kanyang asawa.Sa galit nito ay muli siya nitong pinaghahampas. Talagang galit na galit ito dahil sa ginawa niya ngunit pagkatapos nito ay umalis din naman ito kaagad para linisin ang gusot na ginawa niya. Samanta

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 72

    Sa backstage ay hindi na napigilan pa ng ama ni Mrs. Lozano ang galit nito. Hinarap niya ang kanyang anak at galit na galit na sumigaw. “Tingnan mo nga kung anong kahihiyan ang ibinibigay ngayon ng asawa mo sa akin! Sa dami dami ng lalaking pwede mong pakasalan ay talagang siya pa ang napili mo! Napakarami niya ng gusot at kahihiyang ginawa sa mga nakalipas na taon!” sigaw nito sa anak. “Sa tingin mo ba sa ginawa niyang ito ay hindi makakaapekto sa career ko? Kapag nasira niya ang lahat sisiguruhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito!” ******Nang dalhin sa presinto si Benedict ay wala pa siyang kaalam-alam kung gaano na kagulo ang mga tao ngayon sa internet para pag-usapan siya. Hinid lang sa f@cebook siya ngayon sikat kundi sa ibat-ibang platform pa. Bukod pa doon, mabuti na lang at pinayagan sila ng mga pulis na kontakin ang kanilang mga pamilya para maayos na ang gusot. Sinabi rin sa kanila ng mga pulis na kailangan nilang manatili sa presinto ng sampung araw o higit pa

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 71

    Hindi alam ni Ruby kung saan siya ngayon lalapit dahil naging palpak ang pakikipag-usap niya sa mga taong iyon. Kung sana lang ay matino silang kausap e di sana ay wala siyang problema ngayon. Ginamit lang siya ng mga ito para makapaghiganti sa kaniya ang Mr. Lozano na iyon sa kahihiyang ito rin naman ang may gawa. Ngayon ay mukha talagang kailangan na niyang seryosohin ang paggawa ng sarili niyang brand ngunit dahil hindi naman siya kilala ng mga tao ay tiyak na magiging napakahirap nito para sa kaniya. Ang una niyang naisip ay ang kumuha ng mga taong mag-iinvest sa kaniya at siya lang ang gagawa sana ng mga pabango at sila na ang bahalang magbenta. Pero ngayon ay malabo na iyon.Para makuha ang hustisya dahil sa ginawa ng mga ito sa kaniya ay tumawag siya sa police station at inreport ang insidente para na rin makasuhan ang mga taong sangkot. Bukod pa doon ay may ebidensya naman siyang hawak at may mga kuha din ng cctv sa hotel. ******Nang dumating ang mga pulis sa silid kung saa

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 70

    Halos magkandaligaw-ligaw si Ruby dahil sa lawak ng villa. Ni hindi niya natandaan ang mga dinaanan niya kanina. Mabuti na lang at naroon lang ang mga kasambahay kung saan ay itinuro sa kaniya ang daan. Bumalik muna siya sa silid na tinulugan niya para kuhanin ang mga gamit niya bago nagpaturo ng daan palabas. Napakalaki ng bahay na iyon at mag-isa lang ang lalaking nakatira. Sa dami ng bahay na napasukan niya ay parang ito pa lang yata ang napasok niyang ganito kalaki. Mas malaki pa ito sa mansyon mismo ng mga Montefalco. Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa lalaking katulad ni ZAchary Montefalco e talaga namang napakayaman talaga nito as in. Huminga siya ng malalim. Mabuti na lang at paglabas mismo halos ng villa ay highway na kaya may mga dumadaang sasakyan kung saan ay kaagad siyang pumara ng taxi para pumunta sa kanyang studio. Habang sakay siya ng taxi ay nakatanggap siya ng isang message galing sa kanyang kaibigan na si Missy at pinapapunta siya nito sa kumpanya dahil may kai

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 69

    Pagkatapos lang umalis ni Alex ay tumayo na rin si Zach at nagtungo sa kusina. Umupo siya at hindi sinasadyang mapasulyap sa babaeng nauna ng nakaupo doon. Kahit na may makeup na ito ng mga oras na iyon ay ang tunay pa rin nitong mukha ang nakikita niya. Nagbawi lang siya ng tingin at hindi na ito nilingon pa nang marinig niya ang tinig nito. “Mukhang wala ka pang bumalik sa ibang bansa Tito…” Tumango siya.Hindi malaman ni Ruby kung bakit bigla na lang siyang napangiti nang malaman niyang hindi pa ito babalik sa ibang bansa. Para siyang isang bata na napagbigyan sa kahilingan niya. Muling napasulyap ng wala sa oras si Zach sa babae at ang unang napansin niya ay ang ekspresyon nitong masayang masaya. Bakit parang masaya ito na malaman na wala pa siyang balak bumalik sa ibang bansa? Hindi niya maiwasang hindi mapaisip. Sa murang edad nito ay baka ma mis interpret nito ang mga kilos niya lalo na at iniligtas niya ito mula sa mga taong iyon kagabi. Ito ang nobya ng pamangkin niya at

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 50

    Sinubukang kumalma ni Ruby. “hindi naman iyon ang ibig kong sabihin Tito.” sabi niya at pilit itong itinutulak. “Dahil gusto niyo ng matulog ay bakit hindi na lang tayo matulog? Hmm?” ang malapad nitong dibdib ay napakainit at halos mapaso siya sa totoo lang. Bukod pa doon ay napakatigas nito at ha

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 48

    Natigilan si Ruby ng marinig niya ang sinabi nito. So kumain lang sila bago siya naman ang kainin nito ganun ba? Hindi niya akalain na may ganitong pag-iisip ang lalaki. Iba rin talaga ito. Dahil dito ay hindi na siya nagsalita pa at pumunta na lang sa banyo. Bago pumasok sa loob ay inabutan siya n

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 47

    Ilang oras ang makalipas ay muling kumatok si Ruby sa pinto ng silid ng lalaki. “Pasok.” sabi nito kaya binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob.Tumaas ang kilay niya. “Uhm, tapos ka na ba Tito sa ginagawa mo?” tanong niya rito.Sandali namang natigilan si Zach nang marinig niya ang sinabi nito.

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 46

    Hindi na nagdalawang isip pa na humakbang si Ruby papalapit sa kotse at pagkatapos ay binuksan ang pinto nito bago pa magbago ang isip ng lalaki. Nang makita niyang hindi ito naka-lock ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil hindi naman pala ganun katigas ang puso nito. Pumasok siya sa loob

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status