DINALA ni Dewei ang mag-ina sa kuwarto niya sa loob ng kanyang opisina. Namangha si Marilyn at anak nito sa mga nakikita sa loob ng kuwarto. Natuwa rin si Dewei sa nakikita sa mag-ina. Kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata ng kanyang anak nang makita ang maraming iba't ibang klaseng laruan na pambabae. "Ang dami pong laruan, Mama," ang narinig ni Dewei na sabi ng kanyang anak. Napangiti siya nang malamang nagustuhan niyo ang mga inihanda niya. "Do you want to play with them? You can have them if you want. They're all yours, baby girl," pilit na pinapalambing ni Dewei ang boses niya, ginagaya ang timbre ng boses ni Marilyn kapag kausap ang anak nila. Nanlaki ang mga mata ni Marizca. Maging ito ay hindi makapaniwala na para sa kanya lahat ang mga laruan. "T-Thank you po..." mahina ang boses na pasasalamat ng bata. Iniabot ni Dewei ang kanyang kamay kay Marizca. Tiningnan ito ng bata, halatang nagtataka. "Come, a-anak..." aniya, bahagyang nanginginig ang tinig habang nakalahad pa
TUMAKBO si Marizca nang makapasok sila park. Sinusuyod ng tingin ang buong paligid. Hindi magkamayaw ang saya ng bata sa lahat ng nakikita. "Papa, gusto ko pong sumakay sa merry-go-round at sa bump car! Pagkatapos, kakain tayo ng ice cream..." masiglang sabi ni Marizca, hindi matapos-tapos sa pagsasalita habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng ama. Pagkatapos ay muling tumakbo papunta sa grupo ng mga bata, iniwan si Dewei na tahimik na nakamasid. Unang beses nilang magkasama sa ganitong lugar, isang bagay na hindi niya kailanman inakala na mararanasan niya. Napatingin siya sa di kalayuan, sa isang babaeng nakaupo sa bench, nakamasid din sa kanila. Si Marilyn. Tahimik lang ito, pero alam niyang mula kanina pa siya nito pinagmamasdan. Sa ngayon ayaw muna niyng isipin anf tungkol sa kanilang dalawa ni Marilyn pero alam niyang iisa lang ang dahilan kung bakit sila narito ngayon—si Marizca. "Papa!" Masiglang bumalik ang bata at hinila siya sa kamay. "Puwede na tayo sumakay!" Napating
TINITITIGAN ni Velora ang mga nakahain sa lamesa. Kanina pa siya naghihintay kay Dewei na umuwi. Napahinga nang malalim si Velora saka natingin sa orasan na nasa kusina. Biglang narinig niya ang tunog ng sasakyan. Dumating na si Dewei. Mabilis na tumayo si Velora at tumakbo papunta sa labas. Ang bilis ng tibok ng puso ni Velora. Para siyang hiningal sa kanyang pagtakbo. Napahinto siya nang makita ang kotse ni Dewei na nakaparada sa parking lot sa gilid lang ng bahay. Agad namataan ng dalaga si Dewei na lumabas nang kotse. Nakasampay ang coat nito sa balikat at nakatupi ang manggas ng polo hanggang siko. Naglakad ito palapit sa kanya. "Hi..." natigilan si Velora nang lagpasan siya ng binata. Dire-diretso itong pumasok sa loob ng bahay. Naiwan siyang nakat@nga lang sa bahay. Sumikdo ang puso niya sa sakit. Agad niyang hinabol nang tingin si Dewei. Pero wala na ito. Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Pilit niyang nilalaban ang pagtulo ng mga luha niya at kaaw
HINDI na niya alam kung ano ang lugar niya sa buhay ni Dewei. Bakit patuloy siyang binabalewala nito? "Mahal mo ba si Dewei?" Marahang tumango si Velora. Hindi niya kayang ikaila ang sariling damdamin. Matagal na niyang mahal si Dewei. Empleyado palang siya nito nararamdaman na niya. Pero, pilit niyang nilalabanan. Alam niya kasing darating ang panahon na siya lang ang masasaktan. "Sobra-sobra po. Pero, hindi ko po alam kung mahal din niya ako. Umaasa lang po yata ako sa wala. Hindi ako kailanman mamahalin ng isang Dewei Hughes," amin niya ng buong puso. Kita niya kung paano mahabag si Nanay Igna sa nararamdaman niyang sakit. "Huwag kang magagalit, hija. Gusto ko lang malaman, totoo bang mag-asawa kayo ni Dewei?" Usisa ni nanay. Pinupunasan ni Velora ang mga luha niya pero wala pa rin tigil ito sa pagbuhos. Napayuko siya. Hindi niya kayang iharap ang kanyang mukha kay Nanay Igna. Parang naging tunay na ina niya ito. Halos ituring siyang hindi na iba. Kaya nahihiya siya sa mga p
NAKAUWI na sina Velora sa resthouse. Masaya pa silang nagkukulitan ni Nanay Igna habang papasok sa loob ng bahay. Biglang naputol ang malakas na tawa ng dalaga nang makita niya si Dewei. "Where have you been?" bungad na tanong ni Dewei, walang kangiti-ngiti habang nakatitig sa kanya. "Huh? Naipasyal ako nina Nanay Igna at Tatay Tacio sa Matabungkay Beach," sagot niya, pilit na nginingitian ito. Napalunok si Velora nang makita ang madilim na titig ni Dewei. "Hijo, ipinasyal lang namin si Velora. E, palagi na lang siyang mag-isa dito sa bahay. Paminsan-minsan, e, nakakalanghap naman ng sariwang hangin itong asawa mo galing sa labas,' sabat na pagtatanggol ni Nanay Igna sa dalaga. Bumaba ang tingin ni Velora sa kuyom na kamao ni Dewei. "Nay, ang sa akin lang sana nagpapaalam siya kung saan siya nagpupunta. Para hindi ako nagugulat na wala siya dito sa bahay kapag uuwi ako," may diing sabi ng binata. "Maaga pa naman, Dewei. Alas sai palang ng gabi. Lumabas ako kasama ko sina
MAGKAHIWALAY ng kuwarto sina Dewei at Velora. Walang tigil ang pag-iyak ng dalaga habang nakahiga sa kama. Pinunasan ni Velora ang mga luha niya at umupo sa kama. Isinandal ang likod sa headboard. "Iiyak-iiyak ka. Di ba, ginusto mo 'to?" Bulalas niya. "Mahal mo, e, mag-tiis ka." Dagdag pa niya. Parang ang hirap-hirap nang mahalin ni Dewei. Hindi na niya kaya pero nagtitiis pa rin siya. Napabuntong-hininga si Velora at napatingin sa kisame. Pakiramdam niya, parang siya na lang ang lumalaban para sa kanila. Bakit ba hindi niya ako kayang mahalin nang buo? Hinila niya ang kumot at niyakap iyon nang mahigpit, pilit na pinipigilan ang muling pagpatak ng luha. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maitatangging masakit. Mahal niya si Dewei, pero hindi niya alam kung hanggang kailan pa siya makakapaghintay. Nasa hapag si Velora, nakaalis na si Dewei. Hindi na naman sila nagkita bago ito pumasok sa trabaho. Namumugto ang kanyang mga mata dahil sa kaiiyak. "Velora, sinabi ko
NAGLALAGAY si Marilyn ng make up sa kanyang mukha. Nakabihis na siya nang isang simpleng black dress. Nabihisan na niya si Marizca at nasa sala na ito naghihintay sa kanya. Napalingon siya sa pintuan nang may kumatok. "Bukas po 'yan!" Bumukas ang pinto at pumasok ang papa niya sa loob ng kuwarto niya. "Tapos ka na ba? Andiyan na si Dewei sa labas. Nakikipaglaro na nga kay Marizca," giit ng papa niya. "Malapit na po akong matapos, Papa." Umupo si Vener sa maliit na sopa. Pinagmamasdan ang kanyang anak. "Masaya akong makita na nagiging maayos ang pagsasama niyo ni Dewei. Kita ko sa mukha mo kung gaano ka kaligaya, anak." Napatigil si Marilyn. "Kung ano po ang mayroon kami ni Dewei ay kuntento na po ako at hanggang doon lang po. Ayoko pong umasa na kasama ako sa lahat nang ibinibigay niya sa anak namin. Ang importante lang po ay maligaya ng anak namin." "Tama 'yan, Marilyn. Ang mahalaga ay ang anak ninyong dalawa. Makakatagpo ka pa rin ng lalaking totoong magmamahal sa'yo," sabi n
"OH, my God! Marilyn! Ikaw nga, hija!" Nabibiglang sambit ng ina ni Dewei. Nilapitan nito ang dalaga, hinalikan sa pisngi, saka niyakap nang mahigpit. "Ang tagal nating hindi nagkita," sabi pa nito nang bahagya siyang bitawan si Marilyn, pero nanatiling nakahawak sa braso nito, waring ayaw pang bumitaw. "Oo nga po, tita. Seven years din tayong hindi nagkita," nahihiya pang ngiti na sagot ni Marilyn. Napabaling ang tingin ng ina kay Dewei, at ngumiti ito nang malapad. Ngunit bago pa siya makapagsalita, nagulantang siya sa narinig. "Mom..." Tumikhim si Dewei, halatang may kaba. "I want you to meet my daughter." Saglit na katahimikan. Halatang hindi agad na-absorb ng ina ang sinabi. "Daughter?" nauutal nitong tanong, tila hindi makapaniwala sa pakilala niya sa bata nilang kasama ni Marilyn. "Anak po namin ni Marilyn si Marizca," buong tapang na dugtong ni Dewei. Nanlaki ang mata ng kanyang ina, at unti-unting napaawang ang bibig. Ilang saglit siyang natigilan, tila nag-aali
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma
MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a
TUMATAKBO na si Aster papasok sa hotel, kung saan sila aayusan lahat na bridesmaids at ang bride. "Aster, careful. Ang lampa mo pa naman," hirit ni Jai. Matalim na tinapunan ng tingin ng dalaga si Jai. "Bilisan mo kasi. Naghihintay na sila.." madiing tugon niya. "Oo na. Magkaiba naman ang suite natin. Kaya mauna ka na. Just be careful, baka matalisod ka." Sabi ni Jai na may bahid ng concern sa tono ng boses. Natuwa naman ang puso ni Aster nang marinig iyon sa binata. Wala siyang oras para lumando, kailangan na niyang magmadali na pumunta sa suite nila. Pagkapasok sa loob ni Aster sa suite nila ay nakita niyang bihis na ang mga bridesmaid na sina Vanna at Marilyn. Maid of honor siya ni Velora. "Late ka. Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaibigan niya. "Ti-Tinanghali ako ng gising," sagot niya na napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Napatitig si Velora sa kaibigan niya. "Oh, siya. Magpa-make up ka na at pagkatapos ay magbihis ka na. Marami kang utang na kwento sa
Hi Dear Readers, Maraming salamat po za pagsubaybay at pagbabasa ng story nina Dewei at Velora. Magtatapos na po ang story nila at kasunod po ang story nina Aster at Jai. Hindi pa rin po mawawala sina Daddy De at Queen V, mananatili po silang kasama sa kuwento. Sana'y suportahan niyo rin po ang love story nina Jai at Aster. Muli po, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa isinulat ko, kina Dewei at Velora. Nababasa ko po lahat ang mga comment niyo. Happy reading and love lots, Rida Writes ♥️
NAGISING si Aster, nag-inat at pupungas-pungas pa ng mga mata. Napasinghap siya nang may biglang may naalala. Kasal ng kaibigan niya ngayon, ni Velora. Napatingin siya sa relong suot. Napatampal si Aster sa kanyang sariling noo. Alas otso na ng umaga, kailangan na niyang magmadali. Marami pa namang gagawin sa kasal at isa siya sa mga bridesmaid ng kaibigan sa kasal.Nadaanan ng kanyang tingin ang isang pigura. Doon lang niya napansing iba na ang suot niyang damit. Naka-t-shirt na siya? Sinong nagbihis sa kanya?"Hala!" Buladas niyang nagugulat at nanlalaki ang mga mata.Bigla siyang lumingon sa kanyang katabi. Lumuwa ang mata niya sa nakita, hindi siya nakagalaw. Parang biglang huminto ang mundo niya.May nakahubad na lalaking nakadapa sa kanyang kama at katabi pa niya?Napatingin siya sa kanyang kabuuan. "Wait... may damit pa 'ko? Pero, bakit siya nakahubad?" Usal niyang tanong na may pagtataka. Napakamot pa ng kanyang ulo si Aster.Pilit na sinasariwa ang mga nangyari kagabi. Pina
AKAY ni Jai si Aster papasok sa loob ng apartment na inuupahan ng dalaga. Nahirapan pa siya sa pagkuha ng susi ng bahay dahil hindi na niya makausap ng matino si Aster. Nakayuko na lang ito at tulog sa sobrang kalasingan. "Hey, Aster! Where is your room here?" Tinatapik ni Jai ang pisngi ng dalaga para magising. Pero, wala. Hindi ito sumasagot at ang himbing ng tulog. Muling tinapik ni Jai sa pisngi si Aster. Nagmulat ng kaunti ang mata nito at nginitian siya. "S-Si Jai ka ba?" Sisinok-sinok na tanong nito. Napakunot ang noo ng binata. "Of course. Sino bang inaakala mong maghahatid sa'yo pauwi? Otherwise, may inaasahan kang lalaking maghatid sa'yo..." Ngumisi si Aster. Malakas na sinampal ang pisngi ni Jai. "Ouch! Bakit mo ako sinampal?" Daing na tanong ng binata. "Naninigurado lang ako," sabay tawa ni Aster. "Confirm, si Jai ka nga. Nangungunot na kaagad ang noo mo." "Tell me where your room is, para makauwi na ako..." mariing sabi ni Jai. Natutop ni Aster ang kanyang bibig
PINATAYO si Velora ng lalaking stripper. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Napaigtad at nagmulat ng mata nang maramdamang halos ang lapit ng katawan ng dancer sa kanya. "Lumayo ka nga!" Singhal niya. Ngumisi lang ang lalaki at iniyakap ang dalawang kamay ni Velora sa beywang niya. Todo iwas naman si Velora. Hindi na talaga nakakatuwa ang pinaggawa ng lalaki sa kanya. Napadako ang tingin niya sa mga kapatid. Nanlaki ang mga mata niya nang pati si Marilyn ay sumasayaw kasama ang isa sa mga dancer. Si Aster ay yakap-yakap na ang isa pang stripper at walang pakialam. "Sila na ang nag-e-enjoy." Nausal ni Velora. "Why? You're not having fun, too?" tanong ng lalaking kasayaw. Parang nanigas si Velora sa kanyang kinatatayuan. Pamilyar sa kanya ang boses na 'yon. Parang kilala niya kung sino ang kanyang kasayaw. Mariing napatiim siya at hinarap ang lalaki. Hinawakan niya ang maskara nito at tinanggal. Malawak na ngisi ng asawa niya ang bumungad kay Velora. Malakas niyang hinampas
MABILIS na tumulin ang mga araw. Makalipas ang isang taon, kinabukasan ay kasal na nina Velora at Dewei. Ginanap ang bridal shower ni Velora sa condo ni Dewei. Sabi ng asawa niya mas okay na roon kaysa umupa pa sila ng mamahaling kuwarto sa hotel. Pero ang totoo ayaw ni Dewei payagan ang asawa sa idea ng bridal shower. At dahil kasal na rin nila kinabukasan ay pinagbigyan siya ng kanyang asawa. "Sure ka bang walang palpak ito, Aster? Baka pagalitan ako ni Dewei kapag malaman niyang may lalaki sa bridal shower ko. Ang kondisyon pa naman nun ay dapat walang lalaki," nag-aalalang tanong ni Velora. "Ako pa. Kapag ako ang nagplano walang palpak. Huwag mo ngang intindihin ang asawa mo. First time mo lang mararanasan ang bridal shower. Itodo mo na! Enjoy mo lang ang gabi mo!" May agam-agam naman si Velora. Hindi niya talaga gusto ang idea na 'to ni Aster. Nag-hire ang kaibigan niya ng stripper. Kabado siya sobra. Ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na mag-asawa, lalo na sa
"I want us to get married in the church, babe. Hindi pa tayo nagpapakasal sa simbahan. Ako lang ang nakakaalam na kasal tayong dalawa. Maybe it's time I show the world how much I love you, Velora," wika ni Dewei, punong-puno ng pagmamahal. Suminghot si Velora habang nakatitig sa mga mata ni Dewei. Tumulo na ang luha, hindi na niya iyon napigilan nang pumatak sa kanyang pisngi. Inihilig niya ang ulo sa balikat ng asawa. "Ano, itutuloy pa ba natin ang pag-uusap na 'to? Mukhang okay na ang lahat kina Dewei at Velora," biro ni Donny, sabay ngiti habang tinitingnan ang dalawa. Nagmo-moment na sila sa kanilang upuan. Nagtawanan ang lahat. Napaayos ng upo si Velora, namumula ang pisngi, pero bakas sa mukha ang tuwa at kilig. "Puwede ko po bang makausap kayo, Papa Vener?" seryosong tanong ni Dewei sa ama ni Velora. Biglang natahimik ang paligid. Lahat ng mata ay nakatuon kay Dewei, nakikiramdam sa susunod niyang sasabihin. "Oo naman, hijo. Ano ba 'yon?" sagot ni Vener, tumango-tango hab