Share

077

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-03-26 16:57:01

"SURE ka ba na okay lang kay Sir Dewei na dito ako matulog ngayong gabi? Nakakahiya naman sa kanya," nag-aalangan na sabi ni Aster.

"Oo naman. Sasabihin ko. Alangan pauwiin pa kita. Anong oras na?"

"Hindi talaga ako makapaniwala na kayo ni Sir Dewei." Komento ni Aster, lumapit pa siya sa kaibigan. "Ano, ha? Malaki ba? Masarap ba?"

Nanlaki ang mata ni Velora at mabilis na tinakpan ang bibig ni Aster.

"Ang bibig mo, marinig ka niya.." mahina niyang sabi.

Tumawa-tawa si Aster habang tinatanggal ni Velora ang kamay sa bibig nito.

"Ikaw ang naggawi, girl. Buruin mo, nagsasama kayo ni Mr. Hughes sa isang bahay na parang mag-asawa. Akala ko noong una ay masama talaga ang ugali niya. Pero, shete! Napatino mo ang terror na boss natin!" Giit ni Aster. Hindi maiwasan niya na magtaka sa relasyon nila ni Velora.

Napilitan na ngumiti si Velora. Marami itong hindi nalalaman tungkol sa kanila ni Dewei. At hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan kung paano nagsimula ang lahat. M
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   315

    "KUMAIN ka na ba, Zander?" Untag ni Len sa anak. "Tapos na po," sagot ng binata na ang mata ay na kay Vanna. "Halika at magkape. Ipagtitimpla kita, Zander. Gusto mo ba?" "Ah, Ate Len, ako na lang po," sabat na prisinta ni Vanna. Napangiti si Len. May kakaibang kislap ang kanyang mga mata na napatingin sa kanyang nag-iisang anak. "Sige, Vanna. Ikaw na ang magtimpla para sa Kuya Zander mo. No sugar at no cream ang gusto niya sa kape..." sagot ni Len na tinanguan ng dalaga. "Oh, siya. Maiwan ko na kayong dalawa rito. Ako'y matutulog na." Maya-maya'y nagpaalam na si Len sa dalawa. Pagkaalis ni Len ay saglit na natahimik sina Vanna at Zander. Kumuha ng tasa ang dalaga at nagsalin ng mainit na tubig sa baso habang kinukuha rin ang garapon ng kape. Ramdam ni Zander ang bahagyang paninikip ng dibdib habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng babae. "Na-miss ko ang bahay na 'to," biglang nasambit ni Vanna na hindi lumilingon kay Zander habang hinahalo ang kape. "Lalo na siguro ‘yong inga

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   314

    PUMASOK si Zander sa loob ng bahay nila. Hinanap kaagad ng kanyang mata ang ina. Ginabi na siya ng uwi, pero inaasahan pa rin naman siya ng ina na umuwi. "Ma..." tawag niya. Tumungo siya papunta sa kusina. Habang papalapit ay napangiti siya nang makita ang isang babae na abala sa ginagawa sa lababo. "Ma, andito lang po pala kayo. Kanina ko pa po kayo tinatawag. Bakit nasa kusina pa rin kayo? Alas nuebe na po ng gabi..." dire-diretsong sabi ni Zander. Nilapitan niya ang ina at agad hinalikan sa pisngi. Pero, bigla siyang natuod nang mapagtantong hindi iyon ang kanyang ina. Hinalikan pa naman ang pisngi nito, na ipinagdiwang na rin ng kanyang kalooban. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa babae, at sa isang iglap, parang tumigil ang lahat. "Vanna?" halos pabulong pero malinaw niyang nasambit. Ang babaeng matagal na gumulo sa kanyang isipan. Ang pinangarap niya noon. Anong ginagawa ni Vanna sa bahay nila? Ang alam niya ay hindi siya nito naalala. Bigla atang naalala nito ang

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   313

    "KUMUSTA ang Ate Velora mo?" tanong ni Len habang banayad na nakangiti. Kita sa mga mata niya ang sinserong interes. "Maayos naman po," sagot ni Vanna, sabay ayos ng pagkakaupo. "Apat na buwan pa lang mula noong manganak siya sa second baby nila ni Kuya Dewei. Babae po ang anak nila." Napangiti si Len. "Masaya ako para sa kanila ni Dewei. Mukhang naging maayos na talaga ang pagsasama nila. Tahimik na rin ang buhay nila ngayon sa Batangas… Hindi tulad dati." Tumango si Vanna. "Opo. Ang dami na pong nagbago. Nakakatuwa po silang panoorin, si Ate, laging abala sa mga bata, tapos si Kuya Dewei, mas hands-on na rin ngayon." Sandaling natahimik si Vanna bago muling nagsalita. "Puwede po kayong dumalaw sa bahay para makita n'yo si Ate at ang mga anak niya. Lagi po kayong nababanggit ni Ate Velora kapag nagkukuwentuhan kami." Napatingin si Len sa kanya, tila nabigla sa sinabi. Maya-maya’y ngumiti ito, may bahid ng lungkot at galak sa kanyang mga mata. "Talaga? Hindi ko akalaing naaalala

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   312

    PINAGMAMASDAN ni Vanna ang dating bahay na tinirhan nilang magkapatid noon. Ito ang bahay na tinuluyan nila matapos siyang gumaling sa malubhang sakit. Sandali lamang silang nanirahan dito, dahil makalipas ang ilang buwan ay dinala na sila ni Ate Velora sa poder ni Kuya Dewei, ang asawa ng kapatid niya. Parang kailan lang, pero ngayon, ang bahay ay pag-aari na ng pamilya nina Ate Len. Ang tahimik ng paligid, pero para kay Vanna, ang katahimikan ay may dalang bigat, mga alaala ng kahapon na hindi na maibabalik. Naalala niya ang dating tagapag-alaga nila. Parang nanay ang turing niya rito, siya na rin halos ang nagpalaki sa kanya sa mga taong sakitin siya. Mabait, maasikaso, at laging nariyan sa tabi niya. Tuwing may sakit siya, ito ang nagbabantay, naghahaplos sa likod niya, at nagdarasal nang mahina habang nakayuko sa paanan ng kama. Napabuntong-hininga si Vanna. Parang kahapon lang ang lahat. Pero ngayon, isa na lang itong alaala, tulad ng bahay na hindi na kanila. "Tao po... tao

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   311

    NAKARATING sa boarding house si Vanna nang matiwasay. Nakita niya agad si Lyca na naghihintay sa kanya sa sala. "Anong nangyari sa pag-uusap n'yo? Ang bilis mo namang nakauwi..." usisa ni Lyca sa kaibigan. Parang walang gana si Vanna na tumingin kay Lyca. "Binasted ko na si Tony..." sagot ni Vanna na ikinatahimik ng kaibigan. Kita pa rin sa dalaga ang labis na kalungkutan. "Halika nga at pag-usapan natin." Sabay hila ni Lyca sa kaibigan patungo sa sopa at naupo sila. "Nakokonsensiya ako. Napakabait ni Tony, e. Pero hindi ko naman kayang pilitin ang sarili ko. Mas maaga, mas madali sa kanya na move on. Di ba?" Nabakas na rin sa mga mata ni Lyca ang lamlam ng mga mata. "Desisyon mo 'yan. Dapat hindi ka nalulungkot. Desidido ka na ba sa plano mo?" "Lyca, kailangan. Puwede siguro ang naisip mong ideya para layuan ako ni Mayor Oscar. Baka sakali na mahalin ako ng Kuya Zander ko..." Napahinga ng malalim si Lyca. "Iyon ba talaga ang dahilan o ginagamit mo lang iyong dahilan para maku

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   310

    SABAY na umuwi sina Lyca at Vanna. Hindi na siya nagpaiwan pa sa university sa takot na baka nakaabang na naman sa labas si Mayor Oscar. Habang naglalakad sila papalabas ng gate, mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Lyca. Mabilis ang pintig ng puso niya, at pakiramdam niya'y kahit anong sandali, may biglang susulpot na kotse at babati ng pamilyar na boses na kinatatakutan niya. Pero wala. Wala ang mamahaling itim na kotse. Wala ang matandang lalaki. Nakahinga siya ng maluwag. Para siyang tinanggalan ng mabigat na batong nakapatong sa dibdib. Sa unang pagkakataon ngayong linggo, nakaramdam siya ng kaunting kapanatagan. Hawak-kamay silang naglakad ni Lyca. "Buti na lang at makakauwi tayong hindi kinakabahan," ani Lyca, nakangiti nang malaki habang sinusulyapan siya. Ngumiti si Vanna bilang pagsang-ayon, pero bahagya pa rin ang pagngiti niya. Hindi pa rin lubusang nakakawala sa anino ng takot. Tumango si Vanna, pilit na ngumiti habang inaamoy ang mga bulaklak, parang may nai

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status