Share

085

Aвтор: RIDA Writes
last update Последнее обновление: 2025-03-30 16:49:53

TAHIMIK ang umaga sa mansyon ng mga Hughes. Ang mag-asawang sina Solara at Donny lamang ang nasa hapag.

"Minda, si Marizca nakakain na ba ng breakfast?" tanong ni Solara sa kanilang kasambahay.

"Ma'am, dinalhan na po ni Ma'am Marilyn kanina sa kuwarto nila."

"Eh, si Marilyn ba kumain na?"

Tumango ang kasambahay sa kanya. "Opo. Nabanggit niya pong sabay na sila ni Marizca kaya hindi siya makakasabay sa dining po."

"Okay..." tanging nasambit ni Solara.

Marahas siyang napahinga nang malalim.

Ibinaba ni Donny ang newspaper na binabasa. Pinagmamasdan ang asawa sa reaksyon nito habang nagsisimula nang kumain.

"Wala kang gana?" untag niya. Panay ang buntong-hininga ng asawa.

"Sinong gaganahan sa mga nangyayari? Don't you see it o nagbubulag-bulagan ka lang? Hindi nababagay ang babaeng iyon sa pamilya natin. Dumating lang siya sunod-sunod na problema ang dumarating. I don't like her for our son Dewei," mahabang sagot ni Solara.

Hayagan ang pagsasabi ni Solara nang hindi pagkadisgust
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Заблокированная глава

Related chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   086

    NANG makarating sa resthouse ay dumiretso si Velosa papasok sa loob ng bahay. Nadaanan niya si Nanay Igna pero hindi siya huminto para batiin ito. Iniiwasan niyang makita ang pamumugto ng kanyang mga mata.Nagtaka naman si Igna sa naging kilos ng dalaga. Dahil sa pag-aalala niya ay sinundan kaagad niya ito sa kuwarto nila.Agad siyang kumatok sa pinto, walang sumagot sa kanya. Pinihit ang seradura, bukas. Kaya pumasok na siya sa loob."Velora, hija..." tawag niya. Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa kama. "Anak, bakit mag-isa ka lang umuwi? Maysakit ka ba?" sunod-sunod niya pang tanong.Umupo na si Igna sa gilid ng kama at hinawakan ang balikat ni Velora. Pansin niya ang pag-alon ng balikat nito at ang palihim na pagpunas ng luha sa mata."May maitutulong ba ako? Baka gusto mong ilabas 'yan. Masama daw kapag kinikimkim sa loob ang lungkot," aniya.Dahan-dahang bumangon si Velora at umupo. Isinandal ang kanyang likod sa headboard habang tiklop ang dalawang tuhod."Naiwan po si Dewei

    Последнее обновление : 2025-03-30
  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   087

    NANLAKI ang mga mata ni Dewei. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Paanong nalaman ni ina na si Velora ang babaeng kasama niya sa video pati ang dating trabaho ng dalaga? "Nagtataka ka siguro kung paano namin nalaman ng daddy mo, Dewei. Tama ba ako?" Tumaas ang sulok ng labi ng binata. "Hindi na po ako nagtataka kung malaman n’yo man. Wala na akong pakialam sa nakaraan. Mahal ko si Velora, at kahit anong pangba-blackmail n’yo, hindi ko iuurong ang kasal namin!" madiin at matapang niyang sagot. Napaamang si Solara sa tapang na nakikita sa mukha ng panganay na anak. Talagang pipiliin nito ang babaeng iyon kaysa magulang niya. "Ganyan mo tratuhin ang sarili mong magulang?" sigaw ni Solara, lalo pang nag-alab ang galit niya dahil sa babaeng bayaran na ‘yon. Binalingan niya ang asawang nanatiling tahimik. "Donny, magsalita ka nga! Tell your child what will happen if he continues to disobey us! Masyado nang humahaba ang sungay ni Dewei, pati tayong magulang niya, hindi na n

    Последнее обновление : 2025-03-31
  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   088

    MATAMAN na naghihintay si Velora sa pag-uwi ni Dewei. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sopa at nakatingin sa pintuan. Inaabangan niya ang pagbukas nito. "Velora, 'wag mong kalimutan na i-lock ang mga pintuan. Iyong mga bintana rin, 'wag mong hayaang nakabukas. Ikaw lang mag-isa dito. Sa kusina na-lock ko na lahat ng mga binata at pinto, pati sa ibang kuwarto," mga bilin ni Igna sa dalaga. "Opo, Nay. Saka, sino naman po ang papasok dito?" "Mas mabuti na sigurado tayo. Mahirap na masalisan tayo ng mga magnanakaw. Di bale, kung may kasama ka dito," sabi ni Igna. Iniisip lang niya ang magiging kaligtasan ng dalaga. "Opo, Nay. Okay lang po ako dito. Huwag kayong mag-alala. Baka rin po umuwi si Dewei mamaya-maya lang po." Pagtatakip sa binata. Pero ang totoo, hindi niya alam kung sigurado ito uuwi. Dahil 'di naman ito nagparamdam sa kanya. Ni hindi tumawag para sabihin na uuwi ito o kamustahin siya, simula noong makauwi sa Batangas. "Mag-iingat ka dito, anak. Tumawag ka lang sa akin kung

    Последнее обновление : 2025-03-31
  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   089

    PAGKABUKAS ng pinto ng kuwarto, nadatnan ni Dewei si Velora na mahimbing ang tulog sa kama. Napangiti siya na nilapitan ang asawa. Ang kontrata na ibinigay niya ay pinalitan niya ng marriage contract na pinapirmahan niya dito at ipinalakad niya kay Jai para maging legal niyang asawa si Velora. Dinukwang niya ang asawa para mahalikan sa pisngi. Nagising si Velora at nagmulat ng kanyang mata. Kaagad na sinalubong ng matamis na ngiti ni Dewei ang asawa. Napabalikwas ito ng bangon. "A-Andito ka na pala. Kumain ka na ba?" Untag ni Velora. Tumango-tango si Dewei. "Yeah, tapos na. Nakainom din konti," ngingiti-ngiting sagot ni Dewei. "For you.. peace offering," sabi pa niya na ibinigay ang mga bulaklak. Tinanggap iyon ni Velora nang makita ang bulaklak. "Thank you." Namumula ang pisnging aniya. Hinawakan ng binata ang kamay niya. "I want to apologize. Hindi ako nakahingi ng tawad sa'yo dahil itinago ko ang tungkol sa anak ko," panimula niya. "Natatakot ako na baka hindi mo matanggap

    Последнее обновление : 2025-04-01
  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   090

    NAPABANGON bigla mula kama si Velora nang maramdaman na parang bumabaliktad ang kanyang sikmura. Kipkip niya ang kumot na naitakip niya sa kanyang katawan at saka tumakbo papunta sa banyo. Sumuka siya pero parang wala laman. Mabilis siyang nagmumog at hinahabol ang paghinga na napatingin sa salamin. "Babe..." biglang tawag ni Dewei sa kanya. Biglang kinabahan si Velora. Inilock niya ang pinto ng banyo. Muli siyang napaharap sa salamin. Bigla siyang pinagpawisan ng malapot. Kaya dali-dali siyang naghilamos ng mukha. At kinuha ang face towel saka pinunasan ang kanyang buong mukha. Pilit na pinapakalma ang sarili. "B-Buntis ako..." ang nausal niya sa isip. "Babe... Are you alright?" Katok ni Dewei sa pintuan. "O-Oo. Okay lang ako," medyo nangangatal na sagot niya. "I sense something is wrong. Can you open this door." Huminga nang malalim si Velora. Sinipat maigi ang mukha. Baka mahalata ni Dewei na parang naging kabado siya. Mabilis niyang binuksan ang pinto. "Tingnan mo, okay l

    Последнее обновление : 2025-04-02
  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   091

    PASEKRETONG bumili si Velora ng pregnancy test kit sa botika. Gusto niyang makasigurado kung tama ang kutob niya. Tamang-tama rin na pumasok sa opisina si Dewei. "Okay, inhale… exhale… Kung ano man ‘to, handa na ako," sabi ni Velora habang nasa kanyang dibdib ang hawak na pregnancy test kit. Binuksan niya ang box na lagayan ng kit at nilagyan ng kanyang urine. Ipinatong lang muna niya sa sink at saka, naghintay pa siya ng limang minuto bago lumabas ang results ng pt. Kabado si Velora. Sobrang ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang napapabuga ng hangin. Lumipas pa ang limang minuto, muli niyang sinilip ang kit. Lumabas si Velora ng banyo, tulala at parang balisa. "Kailangan ko bang sabihin kay Dewei?" tanong niyang usal na napatigil. Hanggang sa paglabas niya ng kuwarto ay parang tuliro pa rin si Velora. Masyadong okupado ang isip niya sa nalaman. "Hija, dumating na ang Tatay Tacio mo galing sa palengke at bumili siya ng kamias para sa'yo," biglang sabi ni Nanay Igna sa kanya

    Последнее обновление : 2025-04-02
  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   092

    "MUKHANG masaya ka ngayon, Mr. Hughes. Iba ng awra mo. Huhulaan ko pa ba kung bakit?" Tudyong tanong ni Jai sa amo na, kaibigan pa. Ngumiti si Dewei nang umangat ang tingin niya sa kanyang assistant. Inilapag nito sa ibabaw ng kanyang lamesa ang ilang dokumento na kailangan niyang mabasa at pagkatapos ay pirmahan.Umupo si Jai at ngingiti-ngiti ito sa kanya."Yup. I'm the happiest man in the world! Siyempre, because I’m marrying the woman I love." Ang aliwalas ng ngiti niya, kita rin ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin."Aba'y, dapat lang. Matagal nang wala sa kalendaryo ang edad mo. Baka gusto mong paabutin pa ng 50 ang edad mo bago ka magpakasal sa simbahan.""I can't wait any longer. I want Velora to be my wife, at malaman ng maraming tao na ikakasal ako. Kahit wala akong pamilyang dadalo sa kasal ko, ang importante sa akin ay maikasal kami sa simbahan na dalawa. Walang sapilitan at hindi na kailangan itago sa lahat," seryosong sabi ni Dewei."Then, what's your plan ab

    Последнее обновление : 2025-04-03
  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   093

    "P-PATAWARIN n'yo po ako kung gusto ko nang magpahinga. Ayokong mawalan ng pasensiya at makalimutan ko na ina kayo ng lalaking mahal ko," nanginginig ang boses ni Velora na paalam sa ginang. Mas maganda na umiwas na lang siya kaysa may masabi pa siyang hindi maganda sa ina ni Dewei. Ganoon na kababa ang tingin nito sa kanya. Hindi siya magpapa-impress para magustuhan nito at pumanig sa kanya. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Ang mga kagaya mo na babae kaya kayo pumapatol sa mayayaman ay dahil sa pera. Ikaw, kagaya mo pumatol ka kay Dewei ay dahil sa pera. Pera lamang ang katapat mo, Velora." Madiing sabi ni Solara. A woman like Velora, a low-class sl*t, is not suitable for his son. Hindi niya kailanman hahayaang mapunta sa isang katulad nito ang anak niya—isang babaeng walang ginawa kundi ibenta ang sarili kapalit ng pera at luho. Para kay Velora, men were nothing but walking wallets, and she had mastered the art of seduction to drain them dry. But not his son. Never his son. "Hi

    Последнее обновление : 2025-04-03

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   162

    MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   161

    TUMATAKBO na si Aster papasok sa hotel, kung saan sila aayusan lahat na bridesmaids at ang bride. "Aster, careful. Ang lampa mo pa naman," hirit ni Jai. Matalim na tinapunan ng tingin ng dalaga si Jai. "Bilisan mo kasi. Naghihintay na sila.." madiing tugon niya. "Oo na. Magkaiba naman ang suite natin. Kaya mauna ka na. Just be careful, baka matalisod ka." Sabi ni Jai na may bahid ng concern sa tono ng boses. Natuwa naman ang puso ni Aster nang marinig iyon sa binata. Wala siyang oras para lumando, kailangan na niyang magmadali na pumunta sa suite nila. Pagkapasok sa loob ni Aster sa suite nila ay nakita niyang bihis na ang mga bridesmaid na sina Vanna at Marilyn. Maid of honor siya ni Velora. "Late ka. Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaibigan niya. "Ti-Tinanghali ako ng gising," sagot niya na napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Napatitig si Velora sa kaibigan niya. "Oh, siya. Magpa-make up ka na at pagkatapos ay magbihis ka na. Marami kang utang na kwento sa

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   Author's Note

    Hi Dear Readers, Maraming salamat po za pagsubaybay at pagbabasa ng story nina Dewei at Velora. Magtatapos na po ang story nila at kasunod po ang story nina Aster at Jai. Hindi pa rin po mawawala sina Daddy De at Queen V, mananatili po silang kasama sa kuwento. Sana'y suportahan niyo rin po ang love story nina Jai at Aster. Muli po, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa isinulat ko, kina Dewei at Velora. Nababasa ko po lahat ang mga comment niyo. Happy reading and love lots, Rida Writes ♥️

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   160

    NAGISING si Aster, nag-inat at pupungas-pungas pa ng mga mata. Napasinghap siya nang may biglang may naalala. Kasal ng kaibigan niya ngayon, ni Velora. Napatingin siya sa relong suot. Napatampal si Aster sa kanyang sariling noo. Alas otso na ng umaga, kailangan na niyang magmadali. Marami pa namang gagawin sa kasal at isa siya sa mga bridesmaid ng kaibigan sa kasal.Nadaanan ng kanyang tingin ang isang pigura. Doon lang niya napansing iba na ang suot niyang damit. Naka-t-shirt na siya? Sinong nagbihis sa kanya?"Hala!" Buladas niyang nagugulat at nanlalaki ang mga mata.Bigla siyang lumingon sa kanyang katabi. Lumuwa ang mata niya sa nakita, hindi siya nakagalaw. Parang biglang huminto ang mundo niya.May nakahubad na lalaking nakadapa sa kanyang kama at katabi pa niya?Napatingin siya sa kanyang kabuuan. "Wait... may damit pa 'ko? Pero, bakit siya nakahubad?" Usal niyang tanong na may pagtataka. Napakamot pa ng kanyang ulo si Aster.Pilit na sinasariwa ang mga nangyari kagabi. Pina

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   159

    AKAY ni Jai si Aster papasok sa loob ng apartment na inuupahan ng dalaga. Nahirapan pa siya sa pagkuha ng susi ng bahay dahil hindi na niya makausap ng matino si Aster. Nakayuko na lang ito at tulog sa sobrang kalasingan. "Hey, Aster! Where is your room here?" Tinatapik ni Jai ang pisngi ng dalaga para magising. Pero, wala. Hindi ito sumasagot at ang himbing ng tulog. Muling tinapik ni Jai sa pisngi si Aster. Nagmulat ng kaunti ang mata nito at nginitian siya. "S-Si Jai ka ba?" Sisinok-sinok na tanong nito. Napakunot ang noo ng binata. "Of course. Sino bang inaakala mong maghahatid sa'yo pauwi? Otherwise, may inaasahan kang lalaking maghatid sa'yo..." Ngumisi si Aster. Malakas na sinampal ang pisngi ni Jai. "Ouch! Bakit mo ako sinampal?" Daing na tanong ng binata. "Naninigurado lang ako," sabay tawa ni Aster. "Confirm, si Jai ka nga. Nangungunot na kaagad ang noo mo." "Tell me where your room is, para makauwi na ako..." mariing sabi ni Jai. Natutop ni Aster ang kanyang bibig

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   158

    PINATAYO si Velora ng lalaking stripper. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Napaigtad at nagmulat ng mata nang maramdamang halos ang lapit ng katawan ng dancer sa kanya. "Lumayo ka nga!" Singhal niya. Ngumisi lang ang lalaki at iniyakap ang dalawang kamay ni Velora sa beywang niya. Todo iwas naman si Velora. Hindi na talaga nakakatuwa ang pinaggawa ng lalaki sa kanya. Napadako ang tingin niya sa mga kapatid. Nanlaki ang mga mata niya nang pati si Marilyn ay sumasayaw kasama ang isa sa mga dancer. Si Aster ay yakap-yakap na ang isa pang stripper at walang pakialam. "Sila na ang nag-e-enjoy." Nausal ni Velora. "Why? You're not having fun, too?" tanong ng lalaking kasayaw. Parang nanigas si Velora sa kanyang kinatatayuan. Pamilyar sa kanya ang boses na 'yon. Parang kilala niya kung sino ang kanyang kasayaw. Mariing napatiim siya at hinarap ang lalaki. Hinawakan niya ang maskara nito at tinanggal. Malawak na ngisi ng asawa niya ang bumungad kay Velora. Malakas niyang hinampas

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   157

    MABILIS na tumulin ang mga araw. Makalipas ang isang taon, kinabukasan ay kasal na nina Velora at Dewei. Ginanap ang bridal shower ni Velora sa condo ni Dewei. Sabi ng asawa niya mas okay na roon kaysa umupa pa sila ng mamahaling kuwarto sa hotel. Pero ang totoo ayaw ni Dewei payagan ang asawa sa idea ng bridal shower. At dahil kasal na rin nila kinabukasan ay pinagbigyan siya ng kanyang asawa. "Sure ka bang walang palpak ito, Aster? Baka pagalitan ako ni Dewei kapag malaman niyang may lalaki sa bridal shower ko. Ang kondisyon pa naman nun ay dapat walang lalaki," nag-aalalang tanong ni Velora. "Ako pa. Kapag ako ang nagplano walang palpak. Huwag mo ngang intindihin ang asawa mo. First time mo lang mararanasan ang bridal shower. Itodo mo na! Enjoy mo lang ang gabi mo!" May agam-agam naman si Velora. Hindi niya talaga gusto ang idea na 'to ni Aster. Nag-hire ang kaibigan niya ng stripper. Kabado siya sobra. Ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na mag-asawa, lalo na sa

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   156

    "I want us to get married in the church, babe. Hindi pa tayo nagpapakasal sa simbahan. Ako lang ang nakakaalam na kasal tayong dalawa. Maybe it's time I show the world how much I love you, Velora," wika ni Dewei, punong-puno ng pagmamahal. Suminghot si Velora habang nakatitig sa mga mata ni Dewei. Tumulo na ang luha, hindi na niya iyon napigilan nang pumatak sa kanyang pisngi. Inihilig niya ang ulo sa balikat ng asawa. "Ano, itutuloy pa ba natin ang pag-uusap na 'to? Mukhang okay na ang lahat kina Dewei at Velora," biro ni Donny, sabay ngiti habang tinitingnan ang dalawa. Nagmo-moment na sila sa kanilang upuan. Nagtawanan ang lahat. Napaayos ng upo si Velora, namumula ang pisngi, pero bakas sa mukha ang tuwa at kilig. "Puwede ko po bang makausap kayo, Papa Vener?" seryosong tanong ni Dewei sa ama ni Velora. Biglang natahimik ang paligid. Lahat ng mata ay nakatuon kay Dewei, nakikiramdam sa susunod niyang sasabihin. "Oo naman, hijo. Ano ba 'yon?" sagot ni Vener, tumango-tango hab

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   155

    KIMING nakaupo lang si Velora habang nasa harapan niya ang mag-asawang Hughes. Biyenan pala niya ang mga ito. Parang ang hirap mag-sink in sa utak niya na hindi iba sa kanya ang mag-asawa. Ang bilis ng pintig ng puso niya sa kaba. Sana'y dumating si Dewei para makaalis na siya. Pinagpapawisan na kaya ang mga kamay niya sa sobrang nerbiyos. Napayuko siya na itinago ang mukha sa sobrang hiya. Nakatitig lang ang mag-asawa kay Velora. Mamaya pa'y napatingin na sa kanyang relo si Donny saka napatingin sa pintuan na tila may hinihintay. "Why did they take so long? Dapat kanina pa sila andito.." Napaangat bigla si Velora sa narinig. Kinokontrol na mang-usisa. Hindi pa rin sila close at ayaw niyang magkamali. "Let's just wait, hon. They will come..." sabi naman ni Donny. Halata na ang pakainip sa mukha ni Solara. Sabay na napatingin sina Donny at Solara sa pintuan. Umaliwalas ang mga mukha ng mag-asawa. Sumilay din ang magandang ngiti sa kanilang mga labi. "They are here..." kita ang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status