NAGKAGULO sa labas ng mansyon. Sinuntok ni Dewei sa mukha si Dwight. Dumudugo ang ilong ng nakababatang kapatid habang itinatayo ito ng kanilang ama. "Bawiin mo ang sinabi mo, Dwight!" bulyaw ni Dewei habang dinuduro ang kapatid. Nanlilisik ang kanyang mga mata at nagngangalit ang bagang. Pinunasan ni Dwight ang dugo sa gilid ng labi niya. "Alin sa sinabi ko ang babawiin ko? Galit na galit ka dahil sa sinabi ko! Hindi ko na babawiin ang mga nasabi ko na!" Napatiim-bagang si Dewei. Muli na naman siyang susugod sa kapatid pero nahawakan siya ng ama. "D^mn, you! May kasalanan ka pa sa akin, Dwight. Seven years ago, kayo ni Marilyn. And now, inuulit mo na naman!" Napaamang si Donny sa narinig kay Dewei. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawang anak. "What are you saying, Dewei?" Untag niya. May pagtataka sa kanyang mukha. Papalit na rin sa kanila sina Solara at ang mag-inang sina Marilyn at Marizca. "What's happening here?!" tanong din ni Solara. Napabaling ang tingin
"GOOD morning, Sir," nakangiting bati ng isang empleyado ni Dewei sa kanya. Hindi niya ito ginantihan man lang ng ngiti o bati. Malamig ang ekspresyon ng mukha na diretso ang lakad na parang walang nakikitang ibang tao patungo sa lift. Napakamot sa kanyang ulo ang lalaking empleyado nang makalagpas si Dewei. Sa executive floor, walang reaksyon ang mukha ni Dewei na dumaan sa harapan ni Magenta na nakatayong nakatingin sa kanya. Sa sulok ng kanyang mga mata, kita niya ang pagsunod ng mata ng kanyang sekretarya. Pumasok si Dewei sa loob ng opisina niya at naka-dekwatrong umupo sa kanyang swivel chair. Marahas siyang napabuntong-hininga. Natuon ang kanyang pansin sa mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Kinuha niya ang receiver ng intercom. "Magenta, cancel all my appointments today and don’t accept any visitors," madiing utos ni Dewei, hindi na niya hinintay ang sagot ng sekretarya at agad niyang ibinaba ang tawag. Pinindot niya ang lock ng remote sa pintuan. Napa
GABI na, mamatyag na naghihintay si Marilyn sa pag-uwi ni Dewei. "Mama, tulog na po tayo," aya ng anak niya na nakasalampak sa carpet at naglalaro ng kanyang mono blocks. "Gusto mo na bang matulog?" Untag niya na tinanguan ng anak. "Sabihin ko kay Ate Aida na samahan ka sa kuwarto." "Bakit hindi ka pa po matulog?" "Hintayin ko pa ang Papa mo. Sige na, mauna ka na matulog," nakangiting sagot ni Marilyn. "Okay po." Tumayo si Marilyn at pumunta sa kusina para tawagin ang kasambahay ng mga Hughes. Isang linggo na silang mag-ina nakatira sa mansyon. Ang Papa niyang si Vener ang naiwan sa condo. Inakay ng kasambahay si Marizca paakyat ng hagdanan habang naiwan si Marilyn na nakaupo sa sopa. Makalipas ang isang oras, dumating si Dewei na lasing at may kasamang babae. Nakaakbay siya rito habang ang babae naman ay humahagikhik at tila walang pakialam kahit nasa loob ng ibang bahay. Napatingin si Marilyn. Nanlaki ang mga mata niya, pero hindi siya kumibo. Hinintay niyang mapansin siya
"GET out of my room, Marilyn! I'm warning you!" Sigaw na babala ni Dewei. Bigla-bigla na lamang itong pumasok sa kuwarto niya. Umiling-iling si Marilyn habang nakangisi. "Hindi ako lalabas ng kuwarto mo hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko..." "What! You're insane and desperate!" Bulyaw ng binata. Nakainom siya ngayon pero matino pa naman ang utak niya. Hindi niya papatulan si Marilyn sa kahibangan nito. Pumunta sa kama si Marilyn at humiga naka-crossed legs. Tila inaakit si Dewei. Alam na alam niya ang kahinaan ng dating katipan. 'Di magtatagal ay bibigay din ito. "Huwag mo nang kontrolin ang sarili mo. Kailangan mo 'ko," sabi ni Marilyn sa malamyos na tinig. Para bang inaanyayahan ang binata. Natawa si Dewei habang napapailing. Kung si Velora ang nasa harapan niya ngayon at ganyan ang suot, mabilis pa sa alas kuwatro ay kinubabawan na niya ito sa kama. Pero hindi si Velora ang kaharap niya. "You're really crazy... do you really think mapapasunod mo ako sa gusto mo?" t
HAWAK ni Solara sa isang kamay ang apo. Kanina pa umiiyak si Marizca at hinahanap ang ina. "Nasaan ba ang Mama mo, apo?" tanong niya habang tumingin sa bata. "Sabi po kasi ni Mama kagabi, hihintayin niya si Papa na makauwi." Pinupunasan ni Marizca ang kanyang mga mata habang humihikbi. "Ha? Ibig sabihin, hindi mo siya kasama natulog kagabi?" tanong ni Solara, halatang nagtaka. "Opo, Grandma. Si Ate Aida po ang kasama ko sa room." Lalong naintriga si Solara. Bakit naman hindi natulog si Marilyn sa anak niya? At saan naman siya nagpunta kung gabi na rin siya naghihintay kay Dewei? Wala namang ibang puwedeng puntahan si Marilyn. Isa pa, nasa loob ng mansyon si Marizca, kaya imposibleng basta na lang iwan ng ina ang anak. "Let's go and ask your Papa. Baka alam niya kung nasaan ang Mama mo," aya ni Solara habang tinungo nila ang kuwarto ni Dewei. Pagdating sa tapat ng kuwarto ng anak, kumatok si Solara. "Dewei..." tawag niya sa panganay. Walang sumagot sa pagtawag niya. N
NAKAYUKO si Marilyn habang tahimik na nakaupo sa tabi ni Dewei. Halatang balisa ang binata, hindi maipinta ang mukha sa tindi ng paninibugho at pagkalito. “Now, I’ll let you explain everything, Dewei,” mahinahong wika ni Donny. “Ikaw naman ang lalaki. Hahayaan ka naming magsalita. Ako at ang Mommy mo ay makikinig sa lahat ng sasabihin mo." Katabi ni Donny ang kanyang asawa. Pareho silang seryoso, mabigat ang mga tingin. Napabuntong-hininga si Dewei. Tinapunan niya ng malamig na tingin si Marilyn. “I really don’t know what to say,” mahina niyang bungad. “Gusto ko sanang itanggi na may nangyari sa amin. But I’ll admit it—yes, she slept in my bed last night.” Gusto niyang itanggi. Gusto niyang baguhin ang nangyari. Pero paano? Huling-huli sila ng sariling ina, at si Marizca mismo ang nakakita sa kanila. Wala na siyang kawala at maitatago pa. Sa kabila ng katahimikan, sumilay ang isang lihim na ngiting tagumpay sa labi ni Marilyn. Hindi siya tumingin kahit kanino, pero sa loob
PARATING wala sa mood si Dewei. Laging salubong ang kilay at palaging nakakunot ang noo tuwing pumapasok sa Solara Essence. Kalat na rin sa buong kompanya ang balita tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Marilyn. Ipinamalita na ito ng kanyang ina sa buong Solara. Hinayaan na lang niya iyon kaysa makipagtalo pa. "Magenta, what is this? Mali lahat ng report na 'to! I want you to make it again and pass it to me. Huwag kang titigil hangga't hindi mo 'to nakukuha nang tama!" bulyaw ni Dewei sa kanyang sekretarya, habang nakatayo at madilim ang anyo ng mukha. Nakayuko lang si Magenta habang nakatayo, halatang kinukubli ang takot. Napagbubuntungan na naman siya ng galit at init ng ulo ni Dewei. "O-Okay po, S-Sir..." mahina niyang sagot, halos hindi makatingin. Nakatiim na inihagis ni Dewei ang mga papel. Nagulat si Magenta at napatitig sa mga nagkalat na report sa sahig. Hindi na niya napigilan ang luha. Kung noon ay masungit na si Dewei, mas tumindi pa ngayon ang ugali nitong, walang k
"I miss her, Jai. Anong balita sa private investigator na kinuha ko para hanapin si Velora?" malungkot na tanong ni Dewei. Marahang umiling si Jai. "Wala silang ibinabalita sa aking progress ng paghahanap nila. Maghintay lang tayo." "How long I will wait? Naiinip na ako." Napatingin si Dewei sa kawalan at napainom ng beer sa bote. Pinalis ang mga takas na luha sa mata niya. "Why don't you accept that you and Velora are not meant for each other? Ibaling mo na lang ang pagtingin mo kay Marilyn. Subukan mo lang naman," sabi ni Jai. "Ayoko. For me, tanging si Velora lang ang mahal ko. Wala na akong ibang babaeng mamahalin kundi si Velora." Tugong hayag ni Dewei. Kakayanin pa niyang maghintay para kay Velora. Alam niya na babalik ito sa piling niya. Umaasa siyang sanay mayroong nabuo doon sa isang buwan nilang magkasama. Wala sa sariling, napangiti si Dewei nang sumagi sa isip niya ang pagkakaroon nila ng anak ni Velora. Sinabi niya sa asawa na gusto niyang mabuntis ito. "Paano kaya
UMAGA nang magising si Aster at may nakalagay na tatlong mga paper bag malapit sa pinto. Nagtaka siya. Nai-lock niya ang pintuan kagabi. Paano siya nakapasok ni Jai? Napatampal siya sa sariling noo. Nakalimutan niyang pag-aari nga pala ni Jai ang unit, at lahat ng kuwarto ay may duplicate key. Bumangon na si Aster at nilapitan ang tatlong paper box. Isa-isa niyang binuksan at tiningnan ang laman. Nagulat pa siya na damit, underwear at sandals ang laman nun. Hindi basta-basta ang tatak, lahat ay branded. Muli siyang napatingin sa kanyang kama. Biglang tumunog ang kanyang phone. Dali-dali siyang tumayo, kinuha ang kanyang phone at sinagot. "Ma," masayanga sambit ni Aster. "Anak, pauwi na kami ng Papa mo..." balita ng Mama ni Aster sa kanya. Nangingilid na ang luha niya sa magandang balita ng ina. Naisip niya si Jai. Tinotoo nga ng binata ang sinabi nito sa kanya. Pero, bakit ang bilis naman nitong umaksyon? "Talaga po, Ma?" "Oo, Aster. Tumawag sa akin ang bangko at sinabi na na
NASA kuwarto si Jai at naiwan si Aster sa kusina, may kukunin daw ang binata. Naigala ng dalaga ang mga mata sa kusina ng condo ni Jai. Hindi basta-bastang kusina ito at mukhang mamahalin ang unit nito. Sobrang yaman din siguro ng Tatay ni Jai para magkaroon siya ng ganito kamahal na condo unit. Tingnan mo nga naman ang kapalaran ng tao. Mabilis lang magbago. Dati taga-sunod lamang sa utos si Jai at isang hamak na assistant ng isang CEO, pero ngayon, isa na rin itong bilyonaryo. "I'm back," anunsyo ng nakangiting si Jai. Bahagyang napangiti rin si Aster sa pagbabalik ng binata. "Ano 'yang hawak mo?" Usisa niya na ang mata sa nasa papel. "Our contract... inihanda ko na ito since the other day. And you need to sign it, para sealed na ang napag-usapan natin." Nagtaas-baba ang tingin ni Aster mula sa papel na hawak ni Jai papunta sa mukha nito. "O-Okay..." Para pa ngang nag-aalangan si Aster. Inabot ni Jai sa kanya ang ballpen, na kaagad naman niyang kinuha. "Saan ako pipirma?" "
"HINDI ko alam na marunong ka palang magluto," komento ni Aster matapos silang kumain. Beef steak ang niluto ni Jai, mayroon pa itong salad at dessert. "Lumaki ako sa hirap. Sanay ako sa gawaing-bahay. Dahil hindi naman talaga kami mayaman. Naigapang ko ang pag-aaral ko noon. Magkakilala na kami ni Dewei noong mga bata pa kami. Alam mo si Nanay kasi ay dati nilang labandera sa mansyon," saad ni Jai na magaan ang loob na naikwento ang kanyang naging buhay noon sa dalaga. Lalo lang humanga si Aster sa kasipagan at dedikasyon ni Jai. He’s almost perfect, has good looks, a kind soul, and a heart of gold. Nakaka-insecure. Parang wala siyang kapintasan. Naiisip tuloy ni Aster na kung nababagay siya sa isang katulad ni Jai. Malayo na ang narating nito dahil sa pagsisikap. Ni hindi nga niya nabalitaang nagkaroon ito ng nobya o babaeng na-involved dito sa Solara Essence. "Alam mo, dati ang first impression ko sa'yo, masyado kang seryoso sa buhay, istrikto, gano’n. Pero guwapo ka, ha! Kaya
HINDI kaagad nakapagsalita si Jai. Tinitigan niya ang kaakit-akit na mukha ni Aster. Napansin niya ang mata nitong may tuyong luha pa at namumula rin ito. Nag-alala siya bigla kay Aster. Parang mayroon sa kanyang kalooban na dapat niyang tulungan ang dalaga. Ginagap ni Jai ang mga kamay ni Aster. "Do you want to talk about it? You can share it with me. I'm here if you need me," sabi niya habang umuupo sila sa sopa. Nakayuko si Aster at hindi pa rin binibitawan ni Jai ang kamay niya. Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha. Kusa na itong kumawala at dumaloy sa kanyang pisngi. "M-May taning na ang buhay ng Papa ko... at kailangan nilang kong mapauwi sila dito. Pero, hindi sila makakauwi kung hindi nila mababayaran ang malaking utang nila dahil sa pagpapagamot ni Papa," kuwento niya habang panay pa rin ang pag-agos ng mga luha niya. Dahan-dahang itinaas ni Jai ang kanyang isang kamay at iniakbay iyon sa balikat ni Aster, nais iparamdam ang suporta para sa dalaga. "I'm willing
NAGKATITIGAN sina Aster at Jai. Nang dahan-dahan nang lumalapit ang mukha ng binata sa kanya ay pilit niyang iginalaw ang mga daliri sa kamay at mariing napapikit ng kanyang mga mata habang tikom ang bibig. Sabay tulak kay Jai palayo. Napaiwas ng tingin si Aster. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi na normal ang tibok ng puso niya. Hinihingal siya na parang tumakbo ng sampung kilometro. "Inhale, exhale, Aster. Breathe..." pagpapakalma niya sa sarili. Tumalikod si Jai at marahas na napabuga ng hangin. Muntik na siyang makalimot. Kamuntikan na niyang mahalikan si Aster. "As I was saying, pumapayag ka na ba, Aster? Or, gusto mo bang dagdagan ko pa ng limang milyong piso pa? Name your price para lamang pumayag ka..." sabi ni Jai na may pagkadesperado. Kailangan na niyang may maiharap na asawa sa Tatay Rey niya. Nang sa gayon ay mapanatag ang loob nito na magagawa niya ang lahat sa napagkasunduan. Napaawang ng malaki ang bibig ni Aster. Umaakyat ang offer ni Jai hangga't hindi si
KINAGABIHAN, kabado na kipkip ni Aster ang kanyang bag habang na tahimik nakaupo sa sopa, nasa condo siya ni Jai. Hindi pa niya alam kung ano pa ang pag-uusapan nila bukod sa magiging kontrata nila bilang mag-asawa.Puwede naman kasing totoohanin na lang nila. Bukas siya sa usaping 'yon at hinding-hindi tatanggi. Sino ba siya para tanggihan ang isang Jai Gonzales? Para siyang nagtampo sa bigas. Halos nasa binata na ang lahat ng gusto niya sa isang lalaki. Saka, si Jai na 'to, ang pangarap niyang lalaki.Napangiti si Aster sa kilig sa mga tumatakbo sa kanyang isip.Isang tikhim ang kanyang naulinagan. Napaigtad siya sa gulat at napaayos ng upo. Napatunghay siya sa matangkad na binata sa kanyang harapan.Lumabas mula sa kusina si Jai na walang pang-itaas na damit at naka-pajama lamang na puti. Inilapag nito ang dalang drinks sa ibabaw ng center table.Napaawang ng malaki ang bibig ni Aster at naihilig ang ulo.Isang mala-Piolo Pascual ang lalaking nasa kanyang harapan. Sa tindig, tangka
ANG aga-aga pa ni Aster sa bahay nina Velora at Dewei. Dumayo pa siya sa Batangas para lamang sabihin ang napag-usapan nila ni Jai kagabi. Hindi na naman mapakali ang makating dila para ikuwento sa kaibigan ang lahat ng napag-usapan nila ng kaibiga. Nangako ito na dapat sila lang dalawa ni Jai ang makakaalam ng sekreto nila. "Ewan ko sa'yo, Aster. Baka magalit si Jai na sinabi mo sa akin ang sekreto ninyong dalawa. Ikaw talaga, oh. Hindi mo talaga kayang magtago ng sekreto. Nangako ka pa naman sa kanya. Lagot ka talaga kapag nalaman ni Jai 'to." "Sa excited lang ako. Bigyan mo nga ako ng tips," sabi ni Aster. Napaismid si Velora. "Tips? Para saan?" "How to be a good kisser? Siyempre, ikaw may asawa ka na. May anak na rin kayo ni Dewei. So, may experience ka na," kaswal na sagot niya. Gustong bumanghalit ng malakas na tawa ni Velora. "Loka-loka ka talaga. Tips, paano talaga maging good kisser?" Lumapit pa siya sa kaibigan at inilapit ang bibig sa tenga niya. "Ano kaya kung 'yung a
"BE my contract wife for one year, Aster. Isang taon lang, tapos babayaran kita ng limang milyong piso," seryoso at walang pasubaling alok ni Jai. Nanlaki ang mga mata ni Aster sa pagkabigla. Hindi kaagad siya naka-react at tinapik-tapik ang mukha. "Paki-kurot nga ang pisngi ko..." Napakunot ang noo ni Jai. Tumaas ang isang kilay niya sa inasta ng babaeng kaharap. Napa-roll naman ang mga mata ni Aster sa reaksyon ng binata. "Ito naman, hindi na mabiro. Gusto ko lang malaman kung gising ba ako o nanaginip. Tapos iyong mukha mo, akala ipinaglihi sa sama ng loob..." "Act formal and normal, Aster. Seryoso ako." Nalaglag ang panga ng dalaga. Mukha ba siyang mongoloid o sinto-sinto para sabihin ni Jai 'yon? "Huh? E, kasi naman ikaw. Nangbibigla ka. Saka, bakit ako?" tanong ng dalaga na tila hindi pa rin makapaniwala sa inaalok ni Jai. "Sobrang ang laki naman ng ibabayad mo para lang maging asawa mo. Iba rin ang umaasenso, no?" Parang nabingi ata siya sa narinig niya kanina. Inaya s
AFTER three days na pahinga, nag-report na rin sa trabaho si Aster. Todo ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kanyang desk. "Good morning, people," masiglang niyang bati sa mga kasamahan. Napalingon isa-isa ang mga ka-trabaho ni Aster sa kanya. "Iba ka, Aster. Ang saya-saya mo, ha. Iba talaga kapag galing sa bakasyon ng tatlong araw," kantiyaw ng isang kasama niya sa trabaho. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Aster sa trabaho. Pero ganyan naman talaga siya, laging nasa mood, kwela, at madaling pakisamahan. Hindi siya nauubusan ng kwento, at kahit pagod na ang lahat, may energy pa rin siyang magpatawa. Pero sa likod ng masigla niyang boses at matatamis na tawa, may mga gabing hindi rin siya makatulog. Nag-iisa lang siya dahil ang parehong magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi rin siya malapit sa mga kamag-anak niya both side ng parents niya dahil hindi siya madalas makihalubilo sa kanila. Tanging si Velora lang at ang pamilya nito ang ka-close niya. "Anak, kumust