BIGLANG lumitaw ang mga pulis na na hindi inaasahan ni Carlita. Nanlaki ang mga mata niya at dahan-dahang napaatras. "A-Anong gagawin n'yo? W-Wala akong kasalanan... bakit n'yo ba ako hinuhuli?" mga tanong ni Carlita na pilit itinatanggi ang kasalanan. Lumabas ng kuwarto si Tony. Agad niyang nilingon ang anak. "Tony, anak... ikukulong nila ako. Tulungan mo ako," pagmamakaawa niya. "May nagawa po kayo ni Daddy. Dapat ninyo pong pagbayaran lahat 'yon. Hayaan n'yo po, madalas ko naman kayong dadalawin sa loob ng kulungan," tugon ni Tony. Naawa man siya sa ina pero kailangan nila niyang harapin ang mga ginawa nila. Napaluha si Carlita. âTonyâĶ anak ko, ako ang nanay mo. Pinalaki kita, inalagaanââ âAlam ko,â putol ni Tony sa kanyang litanya, âpero hindi âyon sapat para kalimutan ko ang lahat ng pagkakamaling ginawa ninyo. Si Tito ReynaldoâĶ sinaktan ninyo siya, at hindi lang siya ang nasaktan, pati ang sariling magulang ni Daddy. Si Jai at Aster pati sila'y hindi nakaligtas.â Lumapit
Mabilis ang bawat galaw ni Carlita habang nag-eempake ng kanyang mga damit. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa kaba, at tila bawat segundo ay isang banta. "Renan, huwag mo akong idadamay sa ginawa mong guloâĶ" bulong niya habang sinasara ang maleta. âHindi ako sasama sa pagkakaladkad mo sa kulungan.â Kanina lang, natanggap niya ang balitang hinuli na si Renan ng mga pulis. Si Braganza naman ay nakakulong na rin. Parang gumuho ang mundo niya sa isang iglap. Ang plano nilang dalawa ay tuluyan nang nasira, at alam ni Carlita na siya na ang susunod kung hindi siya kikilos. Pagkasara ng kanyang maleta, mabilis niyang tinungo ang isang bahagi ng dingding sa loob ng kwarto. Doon, lihim na nakatago ang vault na si Renan mismo ang nagpahanap at nagpabitbit ilang buwan na ang nakaraan. Dito rin itinatago ni Renan ang perang kinukuha mula sa kumpanya ng kapatid. "Hindi mo na 'to magagamit," madiin niyang sabi habang ikinokonekta ang fingerprint niya sa sensor. Bumukas ang vault kasabay ng m
BIGLANG bumukas ang pinto at pumasok si Dewei na tulak-tulak ang wheelchair, nakaupo roon si Reynaldo. Nanlaki ang mga mata ng mga taong nasa loob ng conference room, lalo na si Renan. Maging si Tony ay napatulala. "T-Tito Reynaldo?" Nasambit ni Tony. "Yes. I'm alive... hindi pa ako patay. Thanks to my son and his friend, Dewei," sabi ni Reynaldo. Parang umiksi ang dila ni Renan na hindi na nakapagsalita. Nabato balani siya sa kanyang nakikita. Hindi makapaniwala si Renan. Nanlamig ang buong katawan niya, parang binuhusan ng malamig na tubig. Gusto niyang tumayo at lumabas, pero nanigas ang kanyang mga tuhod. Lumapit pa si Reynaldo sa lamesa, pinigilan ng anak ang pag-ikot ng wheelchair para humarap siya sa lahat. "Akala ko baâ" putol-putol ang tanong ni Tony. "Akala n'yong patay na ako?" singit ni Reynaldo, malamig ang boses. "âYan ang plano mo, Renan, hindi ba? Patayin ako, o kaya'y palabasing wala na ako para makuha mo ang lahat ng ari arian ko at itong kompanya. Pati sina
"ILABAS mo ang sinasabi mo!" mariing sigaw ni Renan, nanlilisik ang mga mata habang matalim ang tingin sa kanyang pamangkin. Nilapitan ni Tony si Jai, may halong kaba at pagtataka sa mukha. "May iba ka pa bang pruweba para pabagsakin si Daddy?" mahinang tanong niya. Ang alam lang niya ay ang mga dokumentong kanina pa nila hawak, at sa tingin niya, kulang pa iyon para pilitin ang ama nilang umamin. Ngumisi si Jai, mabigat at puno ng kumpiyansa. Saka siya tumango-tango, waring may tinatago pa. "Huwag kang masyadong nagmamadali, Tito Renan," aniya. "Baka hindi mo kayanin ang mga susunod kong ilalabas." Napatingin si Tony sa kanya, habang si Renan ay tahimik pero halatang naiinip at naiirita. Tumalikod si Jai saglit, saka tumango sa lalaking naghihintay sa labas ng conference room. Pumasok ang isang matandang lalaki na naka-itim na amerikana, bitbit ang ilang folder. "Meet Atty. Emilio Dominguez," sabi ni Jai habang pormal na pinakikilala ang bagong dating. "Siya ang totoong a
MABIGAT ang bawat hakbang ni Jai habang papalapit sa gusali ng kompanya. Sa dibdib niyaây kumakabog ang kaba, pero mas malakas ang sigaw ng konsensiya. Wala nang atrasan, kailangan nang malaman ng lahat ang totoo. Tinapik siya ni Dewei sa balikat. "Sigurado ka na ba rito?" tanong nito. Marahang tumango si Jai at itinuro ang tingin kay Tony, ang pinsang seryosong nakamasid. "Kailangan kong gawin 'to para kay Tatay Rey, at para sa buong pamilya ko." Wala nang sinayang na segundo si Jai. Matapang siyang naglakad papasok sa gusali ng kompanya ng Tito Renan niya. Tila tumigil ang oras nang bumukas ang pintuan ng opisina ng Board Room kung saan kasalukuyang may meeting. Lahat ng mata ay agad tumuon sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito, Jai?" masungit na tanong ni Renan, kita ang pagkabigla at iritasyon sa mukha nito. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy. Matalim ang tingin niyang hinarap ang tiyuhin. "Narito ako para ilabas ang katotohanan, lahat ng ginawa mong panlilinlang laban kay Tatay."
MALAKI ang pagtataka ni Aster. Pumayag siya kagabi sa sinabi ni Jai tungkol sa bakasyon, pero ang hindi niya inaasahan ay ngayon na agad iyon. Nag-eempake na ang Mama niya ng mga damit nila para sa pag-alis, kasama si Nanay Jena. Iyon ang sabi ng kanyang asawa. "Ano bang pumasok sa isip ng asawa mo at bigla-bigla tayong gustong magbakasyon, ha, Aster?" tanong ni Wendy, halatang litÃģ. Naguguluhan siya sa inaakto ng manugang. Kababalik pa lang nila sa condo, tapos aalis na naman, at para sa bakasyon pa. "Ma, nagtataka rin po ako. Wala naman po siyang ibang sinabi kundi magbakasyon daw ako. Mas mabuti raw na magpahinga muna ako. Hindi ko na rin po alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng asawa ko," sagot ni Aster, sabay hawak sa tiyan. "Sinong maghahatid sa atin?" "Si Jai po, Ma. Pinuntahan po niya si Nanay Jena para sabay-sabay na tayong bumiyahe papunta sa private resort," sagot ni Aster. "Hindi ko nga rin po alam kung saang resort kami pupunta. Basta ang sabi niya, sa probinsya ra