GABI ng pagpunta nina Zander at pamilya niya sa Batangas. Binubutones ni Zander ang kanyang white polo nang mapansin iyon ni Vanna. Nilapitan niya ang asawa at siya na ang nagbutones ng natitira. "Tawagin mo naman ako. Mag-asawa na tayo, ‘di ba? Siyempre, kahati mo na ako sa lahat ng bagay," malumanay na sabi ni Vanna. Napangiti si Zander at biglang kinabig si Vanna palapit sa kanya. Napaigtad naman ang asawa sa ginawa nito. "Sure, love," bulong niya, nakatitig sa mga mata ni Vanna. Hinaplos niya ang pisngi nito, mabagal at puno ng lambing. "Kahit anong mangyari mamaya, kasama mo ako. Hindi kita pababayaan sa harap nila. Tayong dalawa lang, magkasama na haharap sa kanila. Ipagmamalaki natin ang pagmamahalan natin." Napangiti si Vanna, may halong kaba at saya. "Alam kong kakayanin natin 'to, Zander. Basta magkasama tayo, ha." Ngumiti si Zander at idinikit ang noo niya sa noo ng asawa. "Yan ang gusto kong marinig. Handa ka ba?" Hinalikan ni Zander nang buong puso si Vanna
NAGLALAKAD palabas ng mall sina Vanna, Zander, at Lyca. Nagtaka si Vanna nang mapansin na patungo sila sa parking lot. "Magta-taxi lang tayo, ‘di ba? Bakit tayo nandito sa parking area?" tanong ni Vanna habang nakatingin sa asawang hawak pa ang kanyang kamay. Ngiti lang ang isinagot ni Zander. "Baka may hinihintay na taxi dito, Vanna," sabad ni Lyca. Napatingin si Vanna sa kaibigan at bahagyang tumango, tila umayon sa sinabi nito. Biglang binitawan ni Zander ang kamay niya. Naglakad ito papunta sa isang puting, bago pang SUV at nakangiting sumandal sa harap ng sasakyan. Napahinto si Vanna. Nanlaki ang mga mata at hindi siya makapagsalita habang nakatitig sa bagong-bagong sasakyan. "Z-Zander… atin ba ‘yan?" halos pabulong na tanong niya, halatang nagugulat at natutuwa. "Wow! Ang ganda!" biglang sigaw ni Lyca na halos tumakbo palapit. "Bagong-bago, amoy brand new pa! Sa inyo ba ‘to, Zander?" aniya na parang mas na-excite pa kay Vanna. Ngumiti lang si Zander at tiningnan ang asaw
UMUWI si Zander sa kanila na may pasa sa mukha at may may sugat ang gilid ng labi. Ang lakas ng pagkakasuntok sa kanya ng asawa ni Velora. Tinanggap niya iyon. Dahil para kay Vanna. Walang-wala ang sakit na dulot ng sugat niya sa sakit na nadarama ng kalooban ng kanyang pinakamamahal. Ginagamot ni Alex ang sugat ng kanyang anak. Natatawa naman si Len sa nakikitang itsura ni Zander na napapangiwi sa tuwing dumadampi ang bulak na may gamot sa labi nito. "Bakit ka kasi pumunta doon na wala kang kasama? Sugod ka nang sugod, hindi ka naman handa. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo..." litanya ni Len sa anak. "Ma, gusto ko lang pong makausap si Velora ng masinsinan. Tungkol sa amin ni Vanna. Pero andoon po pala ang asawa niya. Kaya si Mr. Dewei Hughes po ang nakaharap ko." Katwiran ni Zander na muling napangiwi nang idiin ng kanyang ama ang bulak sa sugat niya. "Oh, e, anong desisyon mo?" Muling tanong ni Len sa anak. "Haharapin ko po sila ulit bukas. Sasamahan n'yo po ako," sagot ni
HUMINGA muna ng malalim si Zander. Nakatayo siya ngayon sa mataas na gate ng bahay nina Velora at Dewei. Nasa Batangas siya at mag-isa niyang haharapin ang kapatid ng kanyang asawa. Nagdoorbell siya. Maya-maya'y narinig na ni Zander na may nagbubukas ng gate. Dumungaw kaagad sa labas ang isang matandang lalaki. "Sinong kailangan nila?" "Magandang araw po. Andiyan po ba si Velora Hughes? Ako po si Zander Santos. Kilala, ho, niya ako." Niluwagan ni Tacio ang pagkakabukas ng gate. "Halika, hijo. Pumasok ka. Nasa loob ang mag-asawang Hughes." "Maraming salamat po," magalang na tugon ni Zander. Ngumiti siya kahit na kinakabahan. Pumasok na siya sa loob, sinundan niya ang matandang lalaki papunta sa bahay ng mag-asawang Hughes. Hindi alam ni Zander kung ano ang naghihintay sa kanya. Pero nakahanda siya at buo ang loob niyang makausap ang kapatid ng kanyang mahal na asawa. "Velora, may bisita ka. Pinapasok ko na. Kilala ka raw, e," imporma ni Tatay Tacio. Sabay na napatingin sina Ve
YAKAP ni Lyca si Vanna habang humahagulhol ito ng malakas na iyak. Bumitaw ito sa kanya at pinunasan ang mga luha sa mata. "Nagsisisi ako sa ginawa ko, Lyca," nausal ni Vanna habang tumatangis. "Pero hindi ko pinagsisisihan na ikinasal kami ni Zander. Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko," sabi pa niya na mapait ang ngiti habang patuloy na umiiyak. Ikinasal siya sa lalaking pinapangarap niya. Pero kapalit nito ang pagkawala ng kapatid na dati’y kasa-kasama niya sa lahat ng naging laban niya. Ramdam niya ang bigat ng desisyon na iyon. Pero, umaasa pa rin siya na magkakaayos silang magkapatid. "Vanna..." mahinang wika ni Lyca habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Hindi mo kailangang magdusa mag-isa. Nandito pa rin ako para sa’yo." Umiling si Vanna, mahigpit na hawak ang kamay ni Lyca. "Paano kung hindi niya ako mapatawad? Paano kung tuluyan na niya akong talikuran bilang kapatid?" Napabuntong-hininga si Lyca, pinipilit ngumiti kahit ramdam niya rin ang bigat ng sitwasy
SA kusina, kinausap ng mag-asawa ang kanilang anak. Hindi rin sila mapakali at halos hindi nakatulog si Len sa pag-iisip. "Anak, anong plano mo ngayong alam na ni Velora ang pagpapakasal ninyo ni Vanna? Nagiging kalaban mo ang kapatid ng asawa mo. Hindi sa nakikialam ako at sinisisi ko kayo, pero sana kasi iniisip n'yo muna ang mga taong nakapaligid sa inyo. Iyong mga taong masasaktan." "Ma, 'wag mo ng pagsabihan ang anak mo. Alam ko na gagawin niya ang tama para sa kanilang dalawa ni Vanna. Mahal ni Zander ang asawa niya. Hindi naman siya papayag na maghiwalay sila nang dahil lang doon," sabat na saway ni Alex sa asawa. Napayuko si Zander at napahawak sa sentido. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon at ang presyur mula sa parehong pamilya. "Hindi ko rin gusto na humantong kami sa ganito," mahina niyang sabi. "Pero ayokong pakawalan si Vanna. Ginawa ko ang lahat para siya ang mapangasawa ko... hindi ko siya kayang mawala." Lumapit si Alex at marahang tinapik ang balikat ng anak. "K