Share

EXOTIC GIRL 2

2000

Simula nang dumating si Senyor Roberto at ang kanyang pamilya ay tuluyan nang nag-iba ang aming pamumuhay. Si Madam Carmina ay napakasama ng ugali. Laging sinasaktan ang Nanay Lucia ko pag may iniutos at hindi kaagad nagagawa. Pero pag si Manang Letty at Manang Diday ay sinisigawan lang niya at hindi sinasaktan. Dahil sa nakikita kong trato nila sa Nanay Lucia ko ay unti unti nagkakaroon ako ng galit sa kanila. Ang kambal din ay napakasama ng ugali. Nagmana sa kanilang ina.

Akala ko noong una dahil pareho lang kaming mga bata ay mababait sila pero hindi nila ako kinakausap. Si Ronila lagi akong sinisigawan pag may iniutos at pag hindi ko nagagawa ay sinasabunutan ako. Iiyak nalang ako.

Hindi ako nagsusumbong kay Nanay Lucia dahil baka pagalitan niya ang kambal at pag ginawa niya 'yon, baka palayasin kami sa mansiyon. Titiisin ko nalang ang pagmamaltrato sa akin ng kanilang pamilya. Kahit nga ang drayber na si Mang Gener ay hindi din maganda ang trato sa amin. Lagi kaming sinisigawan ni Nanay Lucia.

Bobo daw kami dahil isa kaming katutubong aeta. Iiyak nalang kami ni Nanay Lucia. Walang kaming magawa dahil nakikitira lang kami. Kung meron lang sana kaming ibang mapupuntahan.

Isang umaga ay abalang abala sa paglilinis ng buong bahay ang mga katulong dahil mamayang gabi ay may gaganaping kasayahan sa hardin. Ako naman ay pauwi pa lang galing sa eskwelahan.

Mahilig magdaos ng kasayahan para sa kanyang mga amiga si Madam Carmina. Kung hindi siya ang nagdadaos ay siya naman ang wala sa mansiyon para dumalo sa kasayahan ng kanyang mga amiga. Ang hindi alam ni Madam Carmina ay pag wala siya sa mansiyon ay may dinadalang

ibang babae si Senyor Roberto. Kami lang ni Nanay Lucia ang natitira lagi sa mansiyon dahil sinasama ni Madam Carmina ang kambal at ang dalawang katulong. Mabait naman si Senyor Roberto nadadala lang ng masamang ugali ng asawa.

Kahit bata pa ako ay alam kong masama din ang ginagawa ni Senyor Roberto na pagdadala ng babae sa mansiyon lalo pa at may pamilya ito. Minsan ay nahuli sila ni Nanay Lucia sa kusina dahil uminom ito ng tubig. Binantaan niya si Nanay Lucia na wag magsusumbong kay Madam Carmina kundi ay palalayasin niya kami. Tikom din ang aming labi dahil ayaw naming mapalayas sa mansiyon.

Habang naglilinis ay hindi napansin ni Nanay Lucia ang isang balde na inilagay ni Manang Letty sa gitna nang sala. Naapakan niya ito at natumba…

"Ay!" bumagsak si Nanay Lucia sa sahig. Kasabay ng pagbagsak niya ay ang pagkabasag din ng isang mamahaling vase.

Regalo ito ng amiga ni Madam Carmina na galing pa daw sa Thailand.

"Ano ang nari-" napahinto si Madam Carmina nang makita ang basag na vase sa sahig. Bumaba ‘to galing sa pangalawang palapag nang may marinig sa baba.

"T*nta! Napakab*ba mo talaga," sabay sabunot sa Nanay Lucia ko. "Kaya ayaw ko talaga sa mga taong bundok dahil mabagal na nga magtrabaho, nambabasag pa ng gamit."

"M-madam...pa-pa-sensiya na po...h-hindi ko lang po nakita ang balde..." tigmak na sa luha ang Nanay Lucia ko. " H-hindi ko po sinasadya..." iyak na ng iyak si Nanay Lucia. Masakit na ang kanyang anit sa sabunot ni Madam Carmina.

Kakauwi ko lang galing sa eskwelahan nang marinig ko ang iyak ng Nanay Lucia ko na galing sa

loob ng mansiyon. Imbis na dumiretso ako sa aming silid ay tumakbo ako sa loob ng sala.

"Bitiwan niyo ang Nanay Lucia ko," biglang naipon lahat ng galit ko kay Madam Carmina ng makita ko siyang sinasabunutan ang Nanay Lucia. Tumakbo ako at sinabunutan ko din si Madam Carmina. Kahit bata pa ako at alam kong hindi kakayanin ng lakas ko ang pagsabunot ay hindi ko na nakontrol ang aking sarili sa sobrang galit.

"Aahhhh......Manang...Manang...tulong....kunin niyo ang p*nyetang batang to..aahh...ang buhok ko..." nagsisigaw na si Madam Carmina. Pilit niyang tinatabig ang aking kamay para matanggal sa pagkakasabunot ko.

"A-anaya, w-a-ag!" hinila na ako ng Nanay Lucia ko. Iyak ako ng iyak pero hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakasabunot kay Madam Carmina.

Tumulong na si Manang Letty sa paghila sa akin. Dahil bata pa lang ay madali nila akong natanggal kay Madam Carmina. Nang makatayo na ang Madam Carmina.

Pak! Pak Pak!

Magkabilang sampal ang pinadapo niya sa aking mukha dahilan para ako ay matumba. Naramdaman kong may pumuslit na dugo sa gilid ng aking labi. Nang malasahan ko ang dugo ay napadaing ako sa hapdi.

"Aray!"

Nang makita ng Nanay Lucia ko ang ginawa sa akin ni Madam Carmina ay kaagad na nag-apoy ito sa galit. Agad na dinaluhong si Madam Carmina at pinagsasampal din sa mukha.

"Mga walanghiya kayo...hindi ko kayo mapapatawad sa pananakit sa anak ko.." sinabunutan nito si Madam Carmina at pinagsasampal ng walang puknat. Kahit na maliit na babae lang si Nanay Lucia ay malakas ito dahil sanay sa trabaho. Kahit na tumulong na si Manang Letty ay wala din itong nagawa kaya sumaklolo si Manang Letty para tawagan si Senyor Roberto na umuwi. Tiyempo naman na kadarating din ng kanilang drayber na si Mang Gener at kaagad na inihiwalay si Nanay Lucia kay Madam Carmina.

Nang mapaghiwalay na sila ay gumanti si Madam Carmina at sinampal din si Nanay Lucia. Puno na ng dugo ang mukha ng Nanay Lucia ko pero hindi pa rin tinitigalan ni Madam Carmina.

"B-bitawan niyo ang N-nanay ko," pagmamakaawa ko. Nakayakap na ako sa paa ni Madam Carmina. Hindi naman makapalag si Nanay Lucia dahil hinawakan ni Mang Gener ang dalawa niyang kamay.

"Napakawalanghiya niyong mag-ina. Nagawa niyo pa akong saktan matapos namin kayong patuluyin dito. Mga p*nyeta!" nanggigigil si Madam Carmina. Nang mapagod ay napaupo na ito sa isang upuan.

"Hu! hu! hu!" panay na ang hagulgol naming mag-ina. Lugmok na ang aking Nanay Lucia sa sahig. Pagapang kong nilapitan at niyakap si Nanay Lucia.

"Ang sama-sama ninyo!" sigaw ko sa kanilang lahat. Masamang masama ang loob ko. Sa murang isip ko ay nakatanim na ang galit sa pamilya at mga kasambahay pati na sa drayber na si Mang Gener dahil sa ginawa nila sa Nanay Lucia ko. Balang-araw makakapaghiganti din ako.

"Aba't talipandas ka talagang bat-" naudlot ang sana ang pagtayo muli ni Madam Carmina. Akmang lalapitan niya ako.

"Carmina! What happened here?!" humahangos na pumasok si Senyor Roberto. Kasunod niya ang kambal dahil dinala niya ito sa kanilang Poultry Farm.

"Roberto, buti at dumating ka na," kaagad na lumapit si Madam Carmina kay Senyor Roberto. Pinakita ang mga galos sa mukha at ang kanyang buhok na sabog sabog dahil sa pagsabunot ko at ni Nanay Lucia.

"Tingnan mo ang ginawa ng p*nyetang mag-ina na 'yan sa aki-n.." bigla bigla ay humagulgol si Madam Carmina at yumakap kay Senyor Roberto. Niyakap naman ni Senyor Roberto si Madam Carmina at pinatahan.

"Bullsh*t! Lucia! anong ginawa mo sa asa-" galit na galit si Senyor Roberto.

Pagbaling ni Senyor Roberto sa aming mag-ina ay bigla itong natahimik dahil nakita niya rin kaming tigmak ng luha at puno ng dugo ang aming mukha. Namumula din ang aming mga pisngi na may marka pa ng kamay ni Madam Carmina. Pati ang aming buhok ay may bahid na rin ng dugo galing sa aming mukha.

Lumambot ang ekspresyon ni Senyor Roberto nang makita ang aming kalagayan. Alam niyang mas dehado kami dahil sa aming hitsura. Napalitan ng awa ang kanyang mukha pero bago makapagsalita si Senyor Roberto ay naunahan na siya ni Madam Carmina.

"Roberto, I want them out of our house right now! Right now, Roberto! I don't want to see them again," nagwawala na si Madam Carmina.

"Calm down, Carmina. Bakit anong nangyari? B-bakit umabot sa g-ganito?" parang naipit na din si Senyor Roberto.

"Binasag ng b*bang Lucia na 'yan ang aking Vintage Jade Vase na galing pa ng Thailand. Regalo iyan ni Dulce noong engagement natin, Roberto. Kaya nagalit ako. Hindi siya nag-iingat." galit na sabi ni Madam Carmina.

"Carmina, it's just a vase. Patawarin mo nalang si Lucia. Look at her. Look at them. Kawa-"

"So ngayon Roberto mas pinapanigan mo pa ang p*nyetang mag-ina na 'yan kesa sa akin na asawa mo. Ha?!" mas lalong nagalit si Madam Carmina sa sinabi ni Senyor Roberto.

"Sige Roberto, mamili ka ngayon. Palalayasin mo ang mag-inang 'yan o kami ng anak mo ang aalis sa mansiyon na 'to?"

"Mamili ka?!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status