Walang mapagpipilian si Senyor Roberto kundi ang palayasin kami. Kahit na labag sa kanyang loob dahil alam niyang wala kaming mapupuntahan ay sinabihan na niya kaming umalis.
Dala dala ang aming mga gamit ay binalot na namin ni Nanay Lucia sa bayong ang kakaunting damit. Malungkot naming nilisan ang mansiyon na sa loob ng sampung taon ay naging tahanan namin. Nang dahil lamang sa isang vase ay napalayas kami.
Nilakad na namin ni Nanay Lucia ang daan papunta sa bayan. Sabi ni Nanay Lucia na kailangan naming maghanap ng matutuluyan dahil kung hindi ay magiging palaboy ulit kami kagaya ng naranasan niya noong dalagita pa lang siya.
Halos mga dalawang oras din bago namin narating ang bayan. Malayo ang mansiyon sa bayan dahil malawak ang lupang pagmamay-ari ng pamilya Capili.
Pagdating sa bayan hinanap muna namin ni Nanay Lucia ang simbahan at nanalangin muna. Pagkatapos manalangin ay pumunta kami sa palengke. May ilang karinderya doon na mura ang binebenta.
Dahil gutom na ay napilitan kaming bumili kahit na konti lang ang dala naming pera.
Nagtatanong din ang Nanay Lucia ko sa may-ari kung may mga bakante ba o mayroon silang alam na naghahanap ng katulong o kasambahay. Imbis na tulungan kami ay masama pa ang tingin sa amin ng mga tao doon. Siguro dahil nanlilimahid na kami sa dumi dahil sa malayong nilakad. Amoy araw at tagaktak na ang pawis namin ni Nanay Lucia.
Akala siguro nila ay mga masasamang tao kami o di kaya busabos. Hindi nila sinasagot si Nanay Lucia pero nakikita ko sa kanilang mga mata ang panririmarim at pandidiri sa amin.
Pagkaubos ng pagkain ay kaagad na kaming umalis ni Nanay Lucia sa karinderya.
Sinabi niyang papasok kami sa loob ng palengke at magtatanong sa mga may-ari ng gulayan kung may nangangailagan ng katulong o tindera sa kanilang puwesto. Nilibot na naming lahat ng puwesto ng gulayan pero walang may tumanggap sa Nanay Lucia ko. Kasunod naman naming pinuntahan ay ang puwesto ng mga karne. Nilibot din naming lahat ng puwesto at nagtanong sa may-ari pero wala pa ring tumanggap sa Nanay Lucia ko. Pagod na kaming dalawa at kinakabahan na dahil hapon na. Kailangan na naming makahanap ng trabaho o di kaya ng lugar na mapagpahingahan kahit ngayong gabi lang.
Ang huling lugar na pinuntahan namin ay ang palaisdaan. Nasa dulo ito ng palengke kaya hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao.
Nilibot na naman ulit namin ni Nanay Lucia ang buong palaisdaan. Tinanong namin ang mga may-ari kung naghahanap sila ng tagabantay o tindera o di kaya baka may kakilala silang naghahanap. Pero wala man lang pumansin sa amin. Doon ko napagtanto na mahirap pala talaga ang buhay sa labas lalo na sa katulad namin. Kahit na nagtatanong lamang kami ay mas marami ang masama ang tingin sa amin.
Sa sobrang pagod nagpahinga na muna kami sa isang bakanteng puwesto. Ito na nga ‘ata ang pinakadulo at sa kanan ay labasan na ng palengke. Mabuti at walang tao kaya nakapagpahinga kami ni Nanay Lucia. Maya maya ay may naalala si Nanay Lucia. Tumayo ito at nagtanong sa katabing puwesto.
“Kuya, nasaan po ang may-ari nang puwesto dito?” tanong ng Nanay Lucia ko sa lalaking nagtitinda sa katabing puwesto.
Hindi pinansin ng lalaki ang Nanay ko kahit inulit pa ulit ang pagtatanong.
“Kuya, ako po ang katulong ni Don Ramon dati. ‘Yong mag-asawang Capili. Hinahanap ko po ang nagtitinda dito.” Iniba ni Nanay Lucia ang kanyang pagkakasabi sa lalaki.
“Ah, ikaw ba ang kanilang katulong. May sakit si Manang Inday. Dalawang araw ng wala kaya walang bantay diyan. Kung gusto mong bumili ng isda, dito muna sa akin,” nag-iba na ang tono ng lalaki ng sinabing sa pamilya Capili nagtatrabaho ang Nanay Lucia ko.
“Gusto ko lamang sana kunin ang address po kung saan siya nakatira kasi po may pinapasabi lang po si Senyor Roberto, ang bago kong amo.” Pagsisinungaling ng Nanay Lucia ko. Masama ang magsinungaling pero mukhang hindi kami pakikisamahan ng maayos ng lalaki kong hindi kami magsisinungaling.
“Ah, ganoon ba? Sige ibibigay ko basta sa susunod bumili din kayo sa akin ha.” Tumango lang ang Nanay Lucia ko. Nang maiabot na sa amin ang address ng may-ari ng bakanteng puwesto ay nagpasalamat na kami at umalis. Nagtanong tanong si Nanay Lucia sa labas ng palengke kung nasaan ang lugar na nasa address. May mga napagtanungan naman kaming mabait at itinuro sa amin. Mabuti at malapit lamang pala ito sa bayan. Isang kilometro lamang ang layo kaya nilakad na namin. Ayon sa aming napagtanungan sa Barangay Naluoyan, ang bahay ni Manang Inday ay nasa may kanto lang. Pagdating namin sa kanto ay may nakita kaming isang bungalow na bahay. Malapad ang bakuran na may mga nakatanim na bulaklak sa kanang bahagi malapit sa bakod na kawayan. Sa kabilang banda naman ay may mga nakatanim na gulay.
“Tao po! Tao po!” Sigaw ni Nanay Lucia.
“Tao po! Tao po!” Sigaw ulit namin ni Nanay Lucia.
Gabi na pero walang ilaw ang bahay. Ayon doon sa lalaking napagtanungan namin kanina na may sakit daw si Manang Inday. Baka nagpunta sa ospital o kamag-anak kasi nakasara ang bahay.
“Tao po! Tao po! May tao po ba diyan!” mas nilakasan pa ni Nanay Lucia ang kanyang sigaw.
“Anaya mukhang walang tao. Patay tayo wala tayong matutuluyan.” Malungkot na sabi sa akin ni Nanay Lucia.
Paalis na kami ng may marinig kaming kalabog mula sa loob.
“May tao po ba diyan! Tao po!” Sigaw ni Nanay Lucia.
“P-pasooook….” may paos na boses kaming naririnig sa loob.
Hindi na nagdalawang isip pa si Nanay Lucia at binuksan ang tarangkahan ng bakod na kawayan. Hindi iyon naka lock kaya inaya niya din ako sa loob. Pagbukas namin ng pinto ay hindi din ito naka-lock.
Panay lang tawag ni Nanay Lucia kung may tao.
“A-andi-di-to…” paos na boses na galing sa isang silid.
Sinundan namin ang pinanggagalingan ng boses. Nakarating kami sa isang maliit na kwarto malapit sa kusina. Wala itong pinto kundi kurtina lamang ang harang.
Pagpasok namin ni Nanay Lucia ay may isang may-edad na babae na nakaratay sa katre. Nakapikit ang mata nito na halatang nahihirapang huminga.
“Anaya, mag-init ka ng tubig sa kusina. Kumuha ka na din ng bimpo sa bayong. ‘Yong malinis. Maghahanap muna ako ng gamot. Susunod din ako at magluluto para may makain siya bago uminom ng gamot.” Utos sa akin ni Nanay Lucia.
Nang makaluto na ang Nanay Lucia ay pinakain muna niya ang may-edad na babae saka pinainom ng gamot. Nilagyan ng bimpo sa ulo at nakatulog na ito. Hindi din namin napansin na nakatulog na din kami sa silid ng babae dahil sa sobrang pagod.
Kinabukasan.
Nagising kami ni Nanay Lucia sa ingay sa kusina. May mga kawali at kaldero na hinuhugasan. Niligpit muna namin ang mga kalat sa loob ng kwarto saka ako inaya ni Nanay Lucia sa kusina.
“M-magandang umaga po. Pasensiya na po kung basta na lang kami pumasok kagabi.” bati namin ni Nanay Lucia sa babae. Mukhang wala na itong sakit at ngayon ay masigla nang nagluluto sa kusina.
“Naku, ako nga ang dapat magpasalamat sa inyo. Mahirap talaga ang mag-isa sa buhay. Akala ko mamamatay na akong mag-isa. Salamat sa inyo.” Pasasalamat ng babae.
“Ako po pala si Lucia at ito ang aking anak na si Anaya. Pasensiya na po kayo kung makikiusap po sana ako. Naghahanap po ako ng trabaho at matutuluyan dahil pinalayas po kami sa mansiyon ng mga Capili. Ako lagi ang bumibili ng isda sa inyo dati. Galing po kami sa palengke at walang may tumanggap sa amin.” Pakiusap ng Nanay Lucia ko.
“Ano ang nangyari bakit pinalayas kayo sa mansiyon ng mga Capili. Hindi ba mabait ang anak ng matandang mag-asawa?” nagtatakang tanong ng babae.
“Mabait naman si Senyor Roberto. Ang masama ang ugali ay ang asawa niya pati na ang mga anak at ang katulong at drayber. Lagi nila kaming sinisigawan at sinasaktan pag may nagawang mali. Kahapon ay hindi ko sinasadyang mabasag ang vase ni Madam Carmina kaya napalayas kami ng ‘di oras. Ipinagtanggol naman kami ni Senyor Roberto nang makita ang galos at kalmot sa aming mukha. Kaso pag hindi niya kami pinaalis ay si Madam Carmina at ang mga anak nila ang aalis.” Mahabang paliwanag ni Nanay Lucia.
“Wag kayong mag-alala. Simula ngayon Lucia kukunin kitang katuwang sa palaisdaan. Dito na rin kayo tumira sa akin kung gusto niyo. Ngayon ko lang napagtanto na mahirap mabuhay ng mag-isa. Katulad niyan, nagkasakit ako, kung hindi kayo dumating baka inaamag na ako sa aking silid.” Paliwanag ng babae.
“Siya nga pala, tawagin niyo nalang akong Manang Inday ha. Wag kayong mahiya sa akin. Itong anak mo, ang ganda ganda. Ako na ang bahala sa pag-aaral niya. Alam niyo kasi gusto ko din magkaroon ng pamilya o kahit anak man lamang. May isa akong kapatid na babae pero nasa kabilang bayan at nagtatrabaho bilang katulong. Hindi din kami nagkikita kasi hindi kami malapit sa isa’t isa. May sakit kasi akong polio,” pinakita sa amin ng Manang Inday ang kanyang paa. Ngayon lang namin napansin na hindi nga pantay ang paa niya.
“Kaya nga tumandang dalaga na ako ay wala man lang nanligaw sa akin dahil sa aking kalagayan. Alam niyo kaya mag-isa lang din ako sa buhay dahil noong bata pa ako ay lagi din ako nabubully. Kahit sarili kong mga magulang ay ikinahihiya ako. Kaya dati galit din ako sa mundo pero sa katagalan ay parang napag isip isip ko kung magpapadaig ako sa galit at mga pangungutya ng tao ay hindi ako uunlad. Kaya nagsikap talaga ako. Marami akong mga pinasukan dati, tapos nag-ipon ako at nag negosyo. Mahirap din sa una ang pagnenegosyo sa palaisdaan pero tiyaga lang talaga. Kailangan lang na masipag at maabilidad para maraming suki.” Pagmamalaki pa ni Manang Inday.
“Sana ay lalo ka pang pagpalain sa pagtulong mo sa amin,” naluluhang pahayag ni Nanay Lucia kay Manang Inday.
Sa murang kong edad, habang napapanood at napapakinggan ko sila ay bigla parang naging ibang tao na din ako. Ang aking pananaw ay hindi na dapat katulad sa mga batang kaedaran ko dahil magkakaiba kami ng sitwasyon.
Salamat talaga kay Manang Inday at may kagaya pa niya na pwedeng maging inspirasyon sa kabila ng kapansan at handang tumulong sa nangangailangan.
2005Kinse anyos na ako.Simula nang tumira kami kay Manang Inday ay naging matapang na ako. Sila ni Nanay Lucia ang naging inspirasyon ko. Natuto ako kay Manang Inday na wag magpapadaig sa mga taong mapangmata sa kapwa. Natuto din akong lumaban pag inaapi ako. Kung dati ay wala akong kaibigan ngayon ay may mga kaibigan na akong maituturing. Kaibigan na kapareho ko ay nilalait din dahil pangit, maitim o may kapansanan.Natuto na din akong mag-ayos dahil kikay si Manang Inday. Binibilhan ako ng gamit pampaganda at mga ipit. Ang ipit ang hindi ko nagagamit dahil makapal at kulot ang aking buhok. Ang ginagawa ko na lamang ay purong niyog ang ginagamit ko para itim na itim at malambot pa rin pag hinawakan. Niyog din ang ginagamit kong panligo kaya kahit maitim ang aking balat ay pantay ang kulay at kumikinang kinang. Nagkaroon na rin ako ng tiwala sa sarili kaya iba na ang dating ko sa tao.‘Pag wala din akong ginagawa at walang pasok ay tumutulong ako sa pwesto sa palaisdaan. Nagtitinda
Dito sa Santa Barbara Comprehensive School kilala si Ronnie at Ronila Capili dahil isa si Senyor Roberto sa Director ng eskwelahan. Nag-iisang exclusive school eto sa bayan ng Santa Barbara kaya maraming mayayaman at kilalang pamilya na dito nag-aaral ang kanilang mga anak. Kilala din ang kambal na mahilig mam-bully sa kapwa estudyante lalo na kung trip nila. Wala ding may magtangkang bumangga sa kanila dahil takot mapatalsik sa eskwelahan. Kung si Ronila ay kabi-kabila ang nobyo. Si Ronnie ay ganun din. Paiba- iba din eto ng nobya bawat buwan. Hindi pa rin sila nagbabago dahil tuwing nakikita nila ako ay inaalipusta at pinapahiya pa rin nila ako na dati nila akong katulong at ang Nanay Lucia ko. Pero kapag walang tao ay sinasabi din ni Ronnie na gusto niya akong maging nobya. Patago nga lang ang pagkakasabi niya dahil baka makantiyawan siya. May hitsura din naman si Ronnie. Matangkad, gwapo at maputi 'yon nga lang nagmana din kay Senyor Roberto ang pagkapalikero. Alam kong katawan k
Inaasahan ko nang ipapatawag kami sa Principal dahil sa nangyaring kaguluhan sa gym pero lumipas na ang ilang araw ay walang guro, officer, o kaklase namin ang may nagsabi sa akin na pinapatawag kami. Simula din ng mangyari ang sabunutan sa gym ay hindi na lumalapit sa akin si Johnson. Hanggang tingin na lang siya. Pero hindi ko na rin sila nakikitang nag-uusap ni Ronila.Kasalukuyan kaming nasa lilim ng punong acacia sa malawak na field. Ako, si Julia at Miana. Tanghalian ngayon at kalimitan ang mga estudyante ay kumakain at nagpapahinga dahil magsisimula ang klase sa hapon ng ala-una."Hindi niyo ba narinig na malapit na ang Miss Santa Barbara Comprehensive School 2005. Sa 2nd week ng August, Biernes daw gaganapin para kinabukasan ay Sabado, walang pasok. Di ba July na ngayon, malapit na." excited si Julia. "Naku, Anaya baka ikaw ang kuning representative sa atin. Ikaw kasi ang pinakamaganda at seksi. Kaso sa Q & A medyo sablay ka dun," nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni Miana ka
"Anaya, sige pa. Kembot. Kembot. Napakatigas ng katawan mo. Mabuti pala at maaga akong kinausap ni Manang Inday na sasali ka sa pageant sa school niyo." Pinagpapalo na ni Mama Baby Mara ang aking tagiliran. "Ganito, gayahin mo ako." at kumendeng kendeng na ang kilalang bakla sa amin. Kilala si Baby Mara sa amin dahil noong kabataan niya ay suki siya ng mga Gay Pageants at lagi siyang nanalo. Kapitbahay at kaibigan siya ni Manang Inday dahil magkaedaran lang silang dalawa. " Oh , ikaw na Anaya.""Okay! Iyong lakad lang muna ngayong araw ha. Sa susunod ang tamang pag pose naman. Tapos sa susunod ay talent. Sa ganda at tindig mo Anaya bagay sa 'yo ang belly dancing o fire dance. Ako din ang magtuturo sa 'yo kaya dapat lahat nang 'yan kailangan gawin mo. Tamang posture. Ha. Entiendes. " istrikto pa nitong paalala sa akin. Pag nasa eskwelahan naman ay pinapraktis ko ang tamang tindig at postura kagaya nang sabi ni Mama Baby. May praktis din kami sa auditorium sa aming rampa at productio
“Rodolfo, hijo, I’m glad na bumisita ka dito. Ilang beses na kitang inimbitan na magbakasyon dito,” turan ni Senyor Roberto kay Rodolfo.Nasa hapagkainan silang lahat at naghahapunan. Si Madam Carmina ay tensiyonado habang kumakain. Si Ronnie at Ronila naman ay nagtataka kung sino ang lalaking kasalo nila sa malaking hapagkainan.“Papa, who’s he?” si Ronila ang naunang nagtanong kay Senyor Roberto. Hindi mapigilan ang kuryusidad. Hindi sila basta basta nagpapasabay sa hapagkainan tuwing kakain sila. Tiningnan nito ang lalaki na naka puwesto sa kanyang harap.Tiningnan din siya ng matiim ng lalaki. Hindi niya nakayanan at umiwas na lamang siya.“Ronnie, Ronila.. Uhm.. Eto na siguro ang tamang panahon para malaman niyo ang totoo. Si Rodolfo ay anak ko. Siya ang panganay kong anak sa una kong asawa, si Venus Villarica. Hindi ko lamang nasabi sa inyo dahil nagkalayo din kami matapos mamatay sa aksidente ang kanyang Mama. Let's say na hindi maganda ang aming relasyon dati. But eventually h
Santa Barbara Comprehensive School (Pre-pageant)"Good morning Anaya." sabay na bati ni Julia at Miana."Good morning din Julia, Miana." balik na bati ko sa kanila."Excited ka na ba mamaya para sa Coronation Night. Manonood kami mamaya para suportahan ka." excited na talaga si Julia."Salamat sa inyong suporta. Mamaya pupunta din ang Nanay Lucia, si Manang Inday, Mama Baby Mara at iba kong kapitbahay para manood at sumuporta sa akin. Nakakatuwa lang talaga." nagagalak ako at may mga taong sumusuporta sa pagsali ko sa pageant."Pero dinig ko na baka ang papanalunin nila si Ronila. Alam mo naman Anaya na ang Papa nun ang isa sa may-ari ng SBCS." umandar na naman ang pagkatsismosa ni Julia."Wag ka namang nega, Julia." kontra ni Miana. "Totoo 'yon. Naririnig ko sa mga tauhan namin dahil alam mo naman ang mga tao dito. Kung tayo ay inaapi at nilalait dahil sa mukha natin, may iba din na walang magawa kundi bantayan ang buhay ng mga mayayaman at kilalang pamilya sa Santa Barbara at ang p
Pagbalik ko sa aming table ay Top 3 na.Emcee: It is really a tough fight between our 10 lovely candidates. From their Introduction Number, to Casual Wear, Talent Portion, Swimwear, and Evening Gown...Students of Santa Barbara Comprehensive School, who do you think will be included in our Top 3???No. 1..No. 3... No 5... No. 2No. 6...No. 2...Anaya.... Go! go!go! Anaya...No. 1...Ronila... Go! go! go! Ronila...No. 2....Emcee: It seems na maraming fans si Candidate No. 2. Okay guys, please settle down. I will announce our Top 3 .... In no particular order. Please step forward when I call your number, ladies. Okay....You are in.....Candidate No. 5..Miss Maria Nerissa de la Vega.. Congratulations..Please step forward Candidate No. 5. Thank you.Okay guys, our next contestant is.......Candidate No.???.... Candidate No. 6, Miss Mia Angelique Hernandez. Congratulations. Thank you Candidate No. 6, please step forward.And now, to complete our Top 3...Please step forward.. Candidate No.??
Pagdating sa likod ng library ay napasalampak kaagad ako sa lupa. Wala akong pakialam kesehodang madumihan ang gown ko. Napahagulgol ako ng iyak. Tinimpi ko lang kanina sa harap ng ibang tao ang aking nararamdam kahit na gusto ko nang bumunghalit ng iyak at magsusumigaw sa sama ng loob. Wala akong may nakikitang mali sa performance ko. Lahat binigay ko. Kahit hindi ako manalo. Kahit man lang sana sa Top 3. Kahit ang mga manonood ay humihiyaw sa aking pangalan kanina.Anaya..Anaya…Pero lahat nang ‘yon ay nawalan ng saysay. Ngayon ko napagtanto na ang hirap pala kalaban ang mga mayayaman at may koneksiyon sa lipunan. Kahit anong pagpupursige mo, may mga balakid sa iyong pangarap. Katulad ni Ronila, mas magaling at maganda ang performance ko pero dahil isa si Senyor Roberto sa may-ari ng eskwelahan ay siya ang nanalo.“Huhuhu…” sumisinok pa ako habang tumaas baba ang aking balikat sa pag iyak.Habang umiiyak ay pilit kong inaabot ang zipper ng aking suot na gown. Lalo akong pumalahaw