Share

Earth Meets Berethemus
Earth Meets Berethemus
Author: Riel

Prologue

Madaming sorpresa ang buhay, ang mundo. Hindi ko aakalaing mangyayari ang ganito sa tanang buhay ko.

Naalala ko noon, iniimagine ko lang ang sarili kong nasa ibang planeta na raw. Mahirap mag-adjust no'ng una pero kalaunan ay nasanay din naman daw ako. Ngayon kaya, masasanay din kaya ako rito? Sa bagong planeta na 'to? 

Bagong planeta... hays.

Sino ang mag-aakalang ang isang Tyria Petreon ay makakarating sa ibang planeta? At hindi lamang basta planeta. Isang planetang kamukhang-kamukha ng planetang pinanggalingan ko. Ang Earth.

Ang bilis ng mga pangyayari. Parang noong nakaraang mga buwan lang ay iniisip ko pa kung ano kaya ang magiging itsura ng panibago naming planeta. Ngayon eto na siya sa harapan ko. 

Ang ganda. Sobrang ganda niya. Never in my entire existence that I've seen such beauty. This is different from what we have on Earth. This is amazing. It's... magical.

Nagkalat ang mga makukulay na halaman sa paligid. Hindi pamilyar sa amin ang mga halamang nakikita namin pero talaga nga namang ang gaganda nila. I can see a rose-like plant on a purple galaxy color. Everything here looks like a galaxy or the outer space, or the stars, or anything from the space. This is really really really amazing. And fascinating too! Like, really!

“Is it safe to take off our helmets?” Lei asks.

May kinakalikot si Mark sa hawak niyang tablet. Maybe he’s checking if it’s safe for us to remove our helmets. Pabilog kaming nakatayo habang inililibot ang paningin namin sa paligid. Hindi muna namin sinubok maglakad-lakad. We need to make sure if it’s safe first.

I heard Mark gasped. “It’s safe! There’s an oxygen. Katulad na katulad siya ng Earth!”

Dahil sa sinabi niya ay kaniya-kaniya na kami ng tanggal sa mga helmet namin. Ito ‘yong mga helmet na ginagamit ng mga astronaut noon, and now we’re the ones using it.

Gano’n na lamang ang takot at gulat na naramdaman namin nang matapos mahubad ang mga helmet ay isang grupo ng mga nilalang ang lumitaw sa kung saan. Damn, aliens!

Tatakbo na sana kami pabalik sa spaceship nang biglang maramdaman namin ang pagbigat ng mga katawan namin. Wala nga pala kami sa Earth. Maaaring ang pagkakaroon lang ng oxygen ang pagkakatulad ng planetang ‘to sa planeta namin.

Dahil sa mabagal na paglalakad dahil sa bigat ng mga katawan ay tuluyan kaming naabutan ng mga nilalang. My breathing hitched when I’m met by an amazing pair of space-like eyes. It’s eyes are like the infinite space. Dark and bluish, yet full of stars.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status