Share

Chapter 2 - How we Started

“Nasaan na ba kayo?!” Usal ko sa telepono matapos kong tawagan si Kaila.

“Gurl, sorry tinatamad akong bumangon. I’ll see you later! i-attendance mo ako I love you!” dali-dali nitong saad saka pinatay ang tawag.

We are having a fun run right now. Ang aga kong gumising para rito kahit na ayoko naman talagang umattend, kaso nga lang ay may attendance. Pang blackmail ng mga professor sa mga college students ang attendance.

After Kaila ended the call. I received the same text from Cha saying the same thing na ako na raw ang bahala sa attendance nilang dalawa.

Isa pa sa mga rason kung bakit pinilit ko talagang bumangon ng maaga ay alam kong wala sa mga kaibigan ko ang may balak na umattend ng fun run.

Aside from the fact that they are not a morning person, they don’t really do this kind of stuffs, they said it’s so childish daw, fun run is for high school stuffs lang daw at college na raw kami.

Ewan ko sa kanilang dalawa kung bakit ganoon ang tingin nila, but that’s their opinion. I mean, who I am to question them?

“Tala!” I heard someone call my name. It was Attorney Marquez, our professor in CrimLaw 1.

“Yes Attorney?” I responded and faced him fully.

“Here’s the attendance sheet. We’ll start in 3 minutes so make sure to make your mates write their names and signature here.” He instructed and handed me the sheets. He bid goodbye and told us some stuffs then after that he left.

Attorney Marquez is labelled as a hot bachelor in our department. His body is well built, he has this super manly aura, he’s also genius, and what everyone loves about him is that he is still single.

I’m not praising him because I like him or I have a crush on him but, my naked eye couldn’t lie.

I wrote my name first and then pinasa ko na sa mga mates ko, I will just write Kaila and Cha’s name after nilang makapag-sign lahat para hindi gaanoong halata.

Habang naghihintay na matapos silang magfill-up ng attendance ay tinext ko ang dalawa kong kaibigan na pumunta agad ng school dahil nag-announce na may quiz daw kami after ng fun run sa Constitutional Law 1.

After that, inilagay ko na ulit sa bag ko, but the next thing happened to me was one of the biggest shocking life experience that happened to me. Because someone just slide his arms to me and hugged me so tight.

I gasped so loud because I was really startled! And I swear rinig na rinig iyon. Kahit ang mga classmates kong busy sa pagpipirma ng attendance sheet ay napatigil at napasinghap din.

“Sorry dito, pero help me miss.” I heard him uttered that.

“So you really cheated on me?!” a woman whom I think has the same age as me shouted out of her lungs.

“We are not in a relationship so why would you call that cheating?” tugon naman ng lalaki at saka ngumisi, he looks like a bad boy the way he smirk.

“You kissed me!”

“You want that, I just gave want you wanted. I’m a generous man you know.”

“And you! Lolokohin ka lang din niyan, better yet stop for whatever level you have with him!” huling banat ng babae bago umalis na umuusok ang ilong dahil sa pinaghalong galit at inis sa lalaki.

Nang umalis na ang babae ay saka ako naman ang napatitig sa lalaki, for the moment, napahinto ako sa pagbuka ng bibig ko para singhalan siya, my god he’s hella good looking. But that didn’t kept me from shouting at him dahil hindi tama ang ginawa niya.

Who the eff would hug a random person like this?

“Gago ka ba? Bakit ka bigla-biglang nanyayakap?!” singhal ko sa kanya at lumayo sa kanya. titig na titig ang mga classmates ko sa akin, no – scratch that, hindi sila nakatitig sa akin kundi sa lalaki.

“Grabe gago agad? But fine, I’ll accept that for now because of what I did. But, I’m really sorry miss, I just need your help and presence.” He said. I saw his apologetic face so somehow, I eased.

“Para mapaalis o mapatigil ang babae sa kung ano mang bagay ang ginagawa niyo?”

“Sort of. She’s crazy, I mean we just kissed, how can she considered that as a relationship when I didn’t even even like her a bit right?”

“Boys like you really just wanted to have fun.” I said and heaved a sigh. Tumalikod na ako sa kanya dahil naiinis ako sa pagmumukha niya.

Mga lalaki nga naman talaga, sex lang ang habol sa babae at physical touching.

“You judge so easily.” He uttered.

“Then don’t make things that can easily be judge by the people.” I fired-back. Magsasalita pa sana siya kaso tinawag na siya ng mga barkada niya.

Totoo nga ang sinabi ni Atty. Marquez dahil pagkatapos nga ng tatlong minuto ay nag-umpisa na. At sa tatlong minutong ‘yon, my god andaming nangyari.

Dahil wala nga ang dalawang bruha, kasama ko sa pagtakbo ngayon si Belle na super late dumating, hindi na niya naabutan ang eksena kanina. Lakad-takbo lang ang ginawa naming dalawa dahil parehas kaming hindi sporty at hindi nasanay ang katawan namin sa pag-eexercise.

“God, ubos na ang tubig ko!” saad ni Belle saka ngumuso. Napatingin ako sa tumbler ko na wala na ring laman. My throat felt so dry, lakad-takbo lang ang ginawa ko pero walang pahinga ‘yon.

“Let’s just buy water, tigil muna kaya tayo?” she suggest while we are still walking. May mga kasabayan kami dahil marami rin namang mga law students ang parehos sa amin na hindi gaanong pinagpala sa mga ganitong event.

“Mamaya na siguro, malapit na rin lang tayo at baka mahuli pa tayo kung titigil.” Tumango siya bilang tugon kaya kahit na uhaw na uhaw na kaming dalawa ay pinagpatuloy pa rin namin ang ginagawa.

True to what we agreed, pagkadating namin pabalik sa department ay puntirya talaga namin ang tubig. There’s so much students lining up kaya kahit gaano man namin kagustong uminom ng tubig, we just can’t dahil may pila.

Panay ang reklamo ni Belle dahil hindi umuusad ang pila. Muntik na ngang mapaaway kung hindi ko pa sinuway.

“Gagi, kumalma ka nga.” I said to her. Her forehead was creased and I felt her boiling temperature.

“I couldn’t! Mamamatay na ako sa uhaw, ayoko namang ma-headline kinabukasan na isang college law student patay dahil sa uhaw.” I don’t know if maaawa ako sa kanya o matatawa dahil sa sinabi niya.

“I’ll call Kuya, maraming bottled water ‘yon sa kotse niya.”

“Dapat kanina mo pa ginawa, hayop ka.” Saad ko.

“Ngayon ko lang din naiisip.” She said and laughed. Hinatak niya ako at nagpunta kami sa parking lot dahil nandoon daw ang kuya niya. There were students there pero hindi ganoon karami.

Belle shouted to the man who’s wearing a big white plain shirt and a black short with his messed hair.

Damn! Bakit hindi sinabi ni Belle na may gwapo siyang kapatid? I mean, bakit niya naman sasabin right? Hindi pa kit ang itsura pero sa likod pa lang ang gwapo na.

“Give me some water.” Agad na sabi ni Belle sa kanya, hindi pa man ito nagsabi ay pumunta binuksan na nito ang likod ng kotse. Nakatayo lang ako roon dahil wala naman akong sasabihin, at saka si Belle naman na mismo ang kumuha.

I was standing there waiting for belle when his brother faced me. His forehead was creased when have this bored look, but when he saw me, he was shocked but he knows to handle himself so he had this composure.

Belle’s brother is this man?!

“If you want to slap me because of what I did earlier, please do the honor para kwits tayo.” Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Hindi ba niya halata na magkasama kami ng kapatid niya?

“Magkasama kami ni Belle.” Saad ko, I made sure that I look like I am bored.

“Oh sorry about that, I didn’t know Belle have a mate who looks like Aphrodite.” He smirked at me after. He really looks like a playboy who have some humor. Cancel sa akin ang ganitong lalaki, it will just jeopardize my being.

“You stop with jokes like that. I’m not some goddess.” Iritadong sabi ko sa kanya.

“I’m not joking though.” He said.

I heaved a sigh, I was about to speak up when I heard Belle’s voice, kumuha lang siya ng tubig pero ang tagal no’n ha? Lumapit siya sa amin at binigyan ako ng tubig. I opened my wallet, kinuha ko roon ang 100 pesos dahil wala akong barya.

“Thanks,” sabi ko saka ko ibinigay sa kanya ang pera pero hindi niya tinanggap kaya ako na mismo ang kumuha ng kamay niya at iniligay sa palad niya. But for some reason, the moment our hands touched, I felt a volt of electrifying strings running down my hands.

“Libre ‘yon,” I heard him said. Umiling ako sa kanya habang binabalik sa bag ko ang wallet.

“I don’t want to owe someone.” I said before pulling Belle.

“Okay, what was that?”

“Wala ‘yon, that’s just that.”

Habang naglalakad si Belle sa harap ng classroom ng crush niyang si Kyle ay panay ang tanaw nito habang ako naman ay nakasunod lang sa likod niya. Yeah, Belle has a lot of crushes pero dito talaga siya nauulol kay Kyle. I don’t know kung anong nakita niya rito, ang sungit tingnan ng crush niya.

“Bilisan mo, mag-aaral pa ako!” I said to Belle sa mahinang tono sapat na para marinig niya.

Hindi ako ganoon katalino, so I wonder why I decided to be a law student, naging sandigan ko na lang ang fact na masipag naman akong mag-aral.

“Oh, okay ka na?” tanong ko sa kanya nang nakalapit na siya sa akin.

She nodded while grinning widely. “Yup, buo na ang araw ko.”

Napakamot ako sa noo ko at natawa na lamang sa kanya. Siguro ay kailangan ko rin ng crush, motivation lang para naman hindi ako gaanong stress sa pagmaintain ng acads ko.

Saka parang ang saya kung mayroong crush, ‘yong pakiramdam na ishi-ship kayo ng mga ka-blockmate mo, tapos kung magkikita or magkakasalubong ay parang maglulupasay ka sa kilig.

I received a text from Kaila at Cha that they’re already in the classroom kaya sinabihan ko si Belle na bilisan ang paglalakad.

“Salamat na lang sa lahat ha,” sabi ko nang makaupo sa upuan ko.

“Sis, sorry pero hindi ko talaga bet ang fun run, libre na lang kita ng shawarma mamaya.” Kaila said and winked at me.

“Talaga lang ha.”

“Oo nga, seryoso ako.”

“Okay.”

“Tangina!” biglang sigaw ni Cha. Agad naman ito nagsorry dahil nagbaba at nag-aaral ang iba naming mates.

“Bunganga mo naman bakla, ano ba ‘yan.”

Reklamo ni Kaila at tiningnan ang cellphone ni Cha.

“Finollowback ako ni Nigel Sis!”

“Taray, naging crush mo lang kahapon finollow mo na? Malandi ka.” Kaila muttered.

“Ganoon talaga sis, mas mabuti nang gumalaw ng maaga. Sabi nga nila diba, early bird catches the eagle.” Sabi naman nito sa mahinang humalakhak.

“Tanga! Worm ‘yon beh hindi eagle!”

“Alam ko! Pero ibang eagle ang tinutukoy ko!”

“Talande kang babae ka! Bakit kasi wala pa akong mahanap na sakto sa taste ko? Lipat kaya ako ng engineering department mukhang maraming papa roon.” Kaila uttered. Binatukan ko naman dahil sa naiisip.

“Marami namang gwapo rito.” I said.

“Oo, marami nga, pero sis ayoko namang mag-asawa ng lalaking mas mahal pa ang libro kaysa sa akin.”

“Gago, na-imagine ko bigla kung ano na lang role mo sa bahay kapag ganoon.” Cha said.

“Diba?! My god.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status