LOGINLIA POV
Alas sais ng umaga nang magising ako dahil sa ingay ng tricycle na dumaan sa kalsada. Masakit ang buong likod ko. Ibang-iba ang nipis ng lumang sofa bed na ito kumpara sa memory foam mattress na kinasanayan ko sa mansyon. Pero sa halip na mainis, huminga ako nang malalim at napangiti.
First day of freedom.
Bumangon ako at nagtimpla ng 3-in-1 coffee gamit ang manipis na takureng naiwan sa kusina. Habang naghihintay kulo ng tubig, pinagmasdan ko ang maliit kong space. Walang maid na kakatok para itanong kung anong gusto kong breakfast. Walang security guard sa baba. Ako lang. At sa unang pagkakataon sa buhay ko, pakiramdam ko nakakahinga ako nang maluwag.
Tok. Tok. Tok.
Napatigil ako sa paghiwa ng pandesal. Kumunot ang noo ko. Ang aga naman yata maningil ng landlord para sa water bill?
Pinunasan ko ang mga kamay ko at binuksan ang pinto.
Nawala ang ngiti ko.
Nakatayo sa labas ng unit ko ang isang lalaking naka-tailored navy blue suit na mukhang mas mahal pa sa buong apartment building na ito. Maayos ang pagkakasablay ng buhok niya, malinis, at perpekto—tulad ng lagi niyang hitsura sa mga business magazines at high-society events.
Si Caleb. Ang CEO ng pamilyang umampon sa akin. Ang lalaking tinawag kong "kuya" noong mga panahong hinawakan niya ang nanginginig kong kamay paglabas ko ng ampunan.
Tiningnan niya ang kabuuan ng apartment ko, at nakita ko ang mabilis na pagdaan ng pandidiri sa mga mata niya. Pagkatapos, dumapo ang tingin niya sa akin. Mapula ang mga mata niya, at halatang hindi siya nakatulog.
"Sino ang nagbigay pahintulot sa'yo na iwan ako?" Mababa, paos, at mapanganib ang boses niya. Hindi siya nagtatanong; naniningil siya.
"Wala na akong kinalaman sa pamilya niyo, Caleb," sagot ko, pilit pinapatapang ang boses ko. "Umalis na ako. Nakuha niyo na si Chloe. Ano pa bang kailangan mo?"
Humakbang siya papasok nang hindi man lang nagpapaalam. Sa sobrang tangkad at lapad ng balikat niya, biglang lumiit lalo ang sala ko. "Family arrangements have nothing to do with this, Lia. Pack your things. Uuwi tayo."
Bago pa ako makasagot, isang nakakabinging ugong ng makina ng motorsiklo ang umalingawngaw mula sa labas, sinundan ng mabilis na mga yabag sa makitid na hagdanan.
Bumukas nang malakas ang pinto, halos tumama ito sa pader.
Nakatayo sa doorway si Jax. Suot niya ang paborito niyang black leather jacket, magulo ang buhok, at may maliit na gasgas sa ibabang bahagi ng labi niya na mukhang galing na naman sa isang underground street fight.
Nang makita niya si Caleb sa loob, isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa mukha niya.
"Well, look what the cat dragged in," pang-aasar ni Jax, pumasok din sa loob na parang siya ang may-ari ng lugar. "Akala ko ba tinapon na ng mga Montellano ang pekeng prinsesa nila? Bakit nandito ang paboritong aso ng pamilya?"
Lumingon si Caleb, malamig na tiningnan si Jax mula ulo hanggang paa. "Know your place, trash. Wala kang karapatang tumapak dito."
Tumawa nang malakas si Jax. Lumapit siya sa akin at walang pakialam na inakbayan ako, na agad namang nagpakunot ng noo ni Caleb. Naramdaman ko ang init ng katawan ni Jax at ang amoy ng usok at mamahaling pabango na pamilyar na pamilyar sa akin.
"Spoiled little princess," bulong ni Jax, pero sapat ang lakas para marinig ni Caleb. Tumingin siya sa akin nang may mapanuksong ngiti. "Umalis ka lang sa mansyon niyo, in-expect mo na bang lahat kami susunod sa'yo rito para punasan ang mga luha mo?"
"Hindi ko kayo pinapunta rito," matigas kong sagot, pilit na tinatanggal ang braso niya sa balikat ko, pero mas hinigpitan niya lang ang yakap niya.
"Good morning."
Isang kalmado at pormal na boses ang pumutol sa tensyon.
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto. Nakatayo doon si Professor Julian. Nakasuot siya ng malinis na white button-down shirt, maayos ang pagkakalagay ng gold-rimmed glasses niya, at may hawak siyang isang paper bag mula sa isang sikat na café.
Kung paano niya nalaman ang address ko, hindi ko na rin alam. Sa kanilang tatlo, si Julian ang pinakatahimik, pero siya rin ang may pinakamalawak na koneksyon sa likod ng malinis niyang imahe bilang pinakabatang professor sa unibersidad.
Bumuntong-hininga siya habang nakatingin sa magulo kong hitsura at sa dalawang lalaking nagbabatuhan ng matatalim na tingin sa loob ng unit ko.
"Salamat sa Diyos... natagpuan kita," mahinang sabi ni Julian.
Pumasok siya sa loob, dahan-dahang inilapag ang paper bag sa maliit kong mesa. Lumapit siya sa akin, hindi pinansin si Jax na nakadikit pa rin sa tabi ko. Hinubad ni Julian ang suot niyang mamahaling trench coat at maingat na ipinatong iyon sa mga balikat ko, na parang nilalamig ako kahit napakainit sa loob ng apartment.
"Prof, hindi ko kailangan—"
"You left without a word, Lia," putol ni Julian, ang boses niya ay malambing ngunit may diin. "Nag-alala ako."
"Back off, teach," banta ni Jax. Tiningnan niya si Julian nang masama. "Ako ang unang makakausap niya."
"Wala siyang kakausapin sa inyong dalawa," malamig na sabat ni Caleb. Hinawakan niya ang pulso ko para hilahin ako palapit sa kanya, pero mabilis na hinarang ni Julian ang braso niya.
Sa isang iglap, ang maliit at tahimik kong apartment ay naging isang warzone. Tatlong lalaki. Tatlong magkakaibang mundo. Lahat sila ay nakatitig sa isa't isa, handang manakit anumang oras kung may isang gagawa ng maling galaw.
Ngumiti nang mayabang si Jax at tiningnan ang dalawa. "Fair competition? Pasensya na sa inyo. Hindi ko kailanman balak maglaro nang patas."
"At tingin mo hahayaan ko siyang sumama sa isang hamak na racer na tulad mo?" sagot ni Caleb, ang mga mata ay nanlilisik sa galit.
"Gentlemen, you're scaring her," kalmadong paalala ni Julian, pero ang mga kamay niya na nakapatong sa balikat ko ay humigpit.
Sumakit ang ulo ko. Lumipat ako para magsimula ng bagong buhay, pero dinala yata ng tadhana ang mismong gulo na tinatakasan ko papunta sa mismong pintuan ko.
Kumawala ako sa hawak nilang lahat at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito nang malaki at itinuro ang hagdan sa labas.
"Labas," utos ko. Matigas. Walang halong biro.
Tiningnan nila akong tatlo, walang nagbalak na gumalaw kahit isang pulgada.
Kinuha ko ang walis tambo sa gilid at inihampas ito sa hamba ng pinto para gumawa ng malakas na tunog. "Sabi ko, lumabas na kayong lahat bago ako tumawag ng pulis at i-report kayo for trespassing!"
LIA POVInilapag ko ang huling piraso ng sewing pins sa maliit kong magnetic tray. Sa wakas, tapos na. Isang linggong walang tulugan, puro kape, at sumasakit na likod—pero worth it ang lahat nang makita ko ang gown na nakasabit sa may pinto ng closet ko. Malinis ang bagsak ng champagne gold satin sa ilalim ng ilaw ng kwarto ko.Sana lang talaga maging kasing linis nito ang mangyayari bukas.Noong isang araw, pagkatapos ng mabilis at medyo awkward na pagbisita ni Julian para ibigay ang syllabus ko, hindi ko mapigilang mapaisip. Mukhang seryoso nga ang sinabi niya tungkol kay Caleb. At nang tumawag si Caleb sa akin noong gabi ring iyon, napatunayan ko lang kung gaano siya kadesididong makuha ulit ang kontrol. Natatakot silang maging mitsa ako ng pagbagsak ng imahe ng mga Montellano, pero hindi nila alam na matagal na akong tapos sa pagiging sunud-sunuran.Mas lalo na kay Troy. Naalala ko ang mukha niya noong harangin niya ako sa labas ng convenience s
JULIAN POVIniligpit ko ang huling bundle ng exam sheets sa loob ng briefcase ko habang nakikinig sa mahinang bulungan ng mga natitirang estudyante sa hallway. Halos alas-otso na ng gabi. Ang buong unibersidad ay unt-unti nang binabalot ng dilim, pero ang utak ko, parang kanina pang tanghali naka-overdrive.Sumandal ako sa gilid ng desk ko at tinanggal ang salamin ko para masapo ang aking noo.Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o humanga na lang sa katapangan ni Lia.Noong gabi pagkatapos ng eksena sa opisina ng Dean, hindi ko mapigilang mapangiti habang nagmamaneho pauwi. Nakita ko kung paano manginig ang panga ni Tita Helen at kung paano tuluyang mawalan ng salita si Chloe nang ilapag ni Lia ang dokumento mula sa Cruz Legacy Trust. Akala ng mga Montellano, dinala lang nila si Lia sa rurok ng tagumpay para ihulog kapag nalaman nilang hindi nila ito kadugo. Hindi nila alam, ang babaeng itinapon nila ay hawak na ngayon ang mismong upuan na nagpapasy
LIA POVIsang linggo na lang bago ang gala.Nakatitig ako sa gown na nakasabit sa tapat ng pinto ng closet ko habang umiinom ng kape. Ang ganda ng bagsak ng tela sa ilalim ng sinag ng araw na tumatagos sa bintana ng apartment ko. Malinis ang tahi, lapat na lapat ang bawat tupi, at perpekto ang pagkakalagay ng invisible zipper na pinagpuyatan ko nitong mga nakaraang gabi. Handang-handa na ang gown ko. Pero ang tanong, handa na ba ako sa magiging gulo kapag pumasok ako sa ballroom na suot ito?Siyempre naman, Lia. Wala ka nang dapat katakutan. Matagal mo nang gustong kumawala sa anino nila, 'di ba?Ibinaba ko ang baso ng kape sa lamesa at binuksan ang laptop ko para i-check ang email ko. Bukod sa mga transaksyon ng aking online shop, may isang email mula sa admin ng unibersidad na naglalaman ng pormal na imbitasyon para sa Shareholders’ Gala. Naka-attach doon ang digital pass na may logo ng Cruz Legacy Trust at ang upuan na nakalaan para sa akin.
JAX POVPinunasan ko ang dumi at grasa sa braso ko gamit ang basahan habang pababa ng hagdanan ng apartment building ni Lia. Hindi ko pa rin maiwasang mapangiti habang naalala ko kung paano niya niluto 'yung mami at siopao na dinala ko sa kanya kanina. Pero kasabay ng ngiti na 'on, may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maalis-alis.Gown para sa gala ng mga Montellano? Seryoso ba talaga siya sa plano niyang 'yan?Noong gabing tawagan niya ako para sa panggugulo ni Troy, handa na akong sumugod kahit saan para lang basagin ang mukha ng lalaking 'on. At noong makita ko si Caleb at si Julian sa unibersidad na umaali-aligid sa kanya, mas lalo lang akong nairita. Si Caleb, akala mo kung sinong santo na magliligtas kay Lia samantalang ang pamilya naman niya ang dahilan kung bakit ito nagdurusa sa maliit na apartment ngayon. At ang sarili kong kapatid na si Julian—lagi na lang gumagamit ng mga pormal na dahilan, keso thesis o academic requirements, para lang mapa
LIA POVMaingat kong isinuot ang champagne gold column gown na halos isang linggo kong pinagpuyatan. Dahan-dahan kong hinila ang invisible zipper sa tagiliran, at nang marinig ko ang swabe at tuyong tunog ng pagsara nito, nakahinga ako nang maluwag.Tumingin ako sa salamin.Ang bagsak ng satin ay sumunod sa bawat kurba ng katawan ko nang walang labis at walang kulang. Ang draping sa may balikat ay malinis, at ang neckline ay may sapat na lalim para magmukhang elegante pero hindi bastos. Sa ilalim ng bumbilya ng maliit kong kwarto, tila may sariling liwanag ang tela. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng sarili kong gawa na suot ko mismo.Hindi masama, Lia. Hindi masama para sa isang pinalayas.Noong nakatira pa ako sa mansyon, bawat gown na isinusuot ko sa mga charity gala o corporate events ay pinipili ni Tita Helen. Laging kulay pastel, laging Conservative ang tabas, at laging may mabulaklak na detalye na tila ba sinasabi sa mundong
CALEB POVNiluwagan ko ang knot ng suot kong necktie habang nakatitig sa kawalan mula sa malaking salaming bintana ng opisina ko sa Montellano Holdings. Mula rito sa tuktok ng building, kitang-kita ko ang buong skyline ng BGC. Ang dambuhalang syudad na binuo ng pamilya namin, ang imperyo na kahit kailan ay hindi ko hinayaang may makayanig.Pero nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko ay may mga bagay na unt-unting nawawala sa kontrol ko. At ang pinakamasakit doon—si Lia 'yon.Anong nangyayari sa'yo, Lia? At bakit parang mas malayo ka na ngayon sa akin kaysa noong nasa ilalim ka pa ng bubong ko?Simula noong gabing pinalayas siya nina Papa at Tita Helen, hindi ako nakatulog nang maayos. Galit ako kay Papa dahil sa mabilisang desisyon niyang itapon si Lia nang malamang si Chloe ang totoong anak. Galit ako kay Tita Helen dahil sa kawalan niya ng konsensya sa batang pinalaki niya ng mahigit dalawang dekada. Pero mas galit ako sa sarili ko.Noong
LIA POV Nakahinga ako nang maluwag pagkaalis ng kapitbahay ko. Pumasok agad ako sa loob ng unit at isinara ang pinto. Seryoso, hindi ko kailangan ng dagdag na atensyon ngayon. Ang layunin ko kaya ako lumipat dito ay para maging invisible, hindi para maging tampulan ng tsismis sa buong building. I
LIA POV Nakaabang pa rin ako sa may pinto, hawak ang doorknob habang hinihintay silang kumilos. Seryoso, pakiramdam ko ay nagpapakita ako ng exit sign sa mga multong ayaw umalis sa bahay. Unang tumayo si Julian. Inayos niya ang pagkakasampay ng coat niya sa kanyang braso at hinarap ako gamit ang
LIA POV Walang gumalaw sa kanilang tatlo. Seryoso, para silang mga estatwa na nakatayo sa gitna ng sala ko. Kung hindi lang ganito kagulo ang sitwasyon, baka natawa na ako sa hitsura nila—tatlong makapangyarihan at sikat na lalaki, pero tiklop sa isang lumang walis tambo. "Lia, let's talk about t
LIA POV Lahat ng tao sa loob ng grand living room ng mga Montellano ay nakatingin sa iisang direksyon. Hindi sa akin, kundi sa babaeng nakaupo sa gitna ng mamahaling velvet sofa. Umiiyak siya habang yakap-yakap ng mga taong tinawag kong Mommy at Daddy sa loob ng mahigit dalawang dekada. Si Chloe.







