Mag-log inUmangat ang sulok ng labi ni Rozen dahil sa sinambit ng dalaga.‘Finally, she’s already mine!’ wika niya sa isip, Pakiramdam niya ay naka-secure siya ng isang business deal.Kahit gumamit siya ng kaunting pagmamanipula upang sabihin iyon ni Lianne, mas lamang pa rin ang tuwa sa kan’yang puso, lalo na at sa dalaga mismo nanggaling na boyfriend siya nito.Habang mas inaasar niya ang dalaga, mas lalo lang din siyang nagagalak.Sa sobrang tuwa tuloy niya ngayon, hindi niya napigilang hawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. Hinalikan niya ito sa labi.Naglikha ito ng malakas na tunog na umalingawngaw rin sa hallway.“Very good, my girl,” bulong pa nito sa mahinang boses, pero sinigurado niyang maririnig din ito ni Flynn.Sa ganoong paraan, ipinapakita niya kung sino talaga ang panalo sa kanilang dalawa, hindi dahil itinuturing niya na isang kompetisyon lamang si Lianne.Gusto niya lang ipaalam sa lahat, hindi lang kay Flynn, na sa kan’ya lang ang dalaga, at wala nang iba.‘Anak ng tokwa!
‘Damn rude,’ isip pa ni Flynn habang nakakunot ang noo. ‘I was rejected, at hinahamak pa ako ng lalaking ‘to?’Lalo lang tuloy sumama ang loob niya. Nagtiim-bagang ang lalaki bago itinuro si Rozen. Halata ang inis sa ekspresiyon ng kan’yang mukha.“Kung ni-reject mo ako, dapat ay i-reject mo rin ang lalaking ‘yan!” wika pa ni Flynn bago itinuro ang binatang prente lang na nakatayo sa gilid.“Hindi gawain ng matinong tao ang ginawa niya sa ‘yo. He forced himself on you, Lianne!”Umismid lang si Rozen nang marinig iyon. Pagkatapos ay tiningnan niya ang dalaga habang mapaglaro ang ekspresiyon ng kan’yang mga mata.‘What would she say?’ tanong ni Rozen sa kan’yang isip bago umangat ang sulok ng labi. ‘Sasabihin niya bang hindi niya ako matanggihan… dahil gusto rin naman niya ang ginagawa ko sa kan’ya?’Sobrang nae-excite siya ngayon, at hindi niya alam kung hanggang kailan niya pa iyon makikimkim.Walang balak si Lianne na sagutin ang nakahihiyang tanong na iyon, kaya naman iniba na lan
Naiinis si Flynn dahil hindi na niya alam ang isasagot kay Rozen. Ibinalik na lang tuloy niya ang tingin kay Lianne at nagtanong.“Lianne, nagpadala ako ng bouquet ng rosas sa kumpanya mo kanina. Natanggap mo ba?”“Ha?” Napanganga si Lianne sa gulat.‘’Yong bouquet ng bulaklak kanina na itinapon ni Rozen… kay kuya Flynn pala iyon galing?’ isip niya pa. ‘Pero bakit naman niya ako bibigyan ng bulaklak?’Napansin naman ni Flynn ang pagkagulat sa ekspresiyon ng mukha ni Lianne, kaya mas lalo lang siyang nakaramdam ng kaba.“I didn’t know what kind of flowers you liked… kaya rosas na lang ang napili ko,” dagdag niya pa sa mahinang boses. “Nagustuhan mo ba?”Ibinuka ni Lianne ang
“Ano?” Hindi makapaniwala si Flynn sa kan’yang narinig. “Agresibo ang halik niya sa ‘yo, tapos ay kinuha ka pa niya papalayo. Hindi pa ba masama ‘yon sa paningin mo?”Hindi kaagad nakasagot si Lianne. Napakagat lang siya sa pang-ibabang labi at umiwas ng tingin.‘Kung alam lang niya ang iba pang pinaggagagawa ni Rozen sa akin, baka ora mismo ay tumawag na talaga siya ng pulis…’ wika pa nito sa isip.Sobra na ang bilis ng tibok ng puso niya ngayon dahil sa kaba. Pinagpapawisan na rin siya nang malagkit.‘Kaya mo ‘yan, Lianne. Magpapaliwanag ka lang naman…’ pag-e-encourage niya sa sarili, ngunit hindi iyon tumalab.‘Aaahhh! Hindi k
Nakasuot pa si Rozen ng kulay itim na suit na bumagay sa mala-prinsipe niyang mukha. Doon pa lang, mukhang superior na kaagad siya sa lahat.Nang makita ang lalaking iyon, bigla na lang napamura si Flynn.“It’s you! Ang pervert na nagpapanggap na boyfriend ni Lianne!” sigaw pa nito habang nanlalaki ang mga mata. “What are you doing here?”Hindi kaagad sumagot si Rozen. Nakalagay lang sa bulsa ng kan’yang pants ang magkabila niyang kamay bago tumitig sa lalaki.“What’s wrong with me being a pervert?” kaswal na tanong ni Rozen bago umangat ang sulok ng kan’yang labi.Bigla namang nakaramdam ng pagpa-panic si Flynn, lalo na at nasa likod pa ni Lianne ang lalaki.“Poprotektahan kita, Lianne!”Lumapit si Flynn sa dalaga. Hihilahin na sana niya si Lianne papalayo, pero bago niya pa iyon magawa, biglang humakbang paharap si Rozen at hinarangan ang dalaga.Dahil doon, hindi sinasadyang mahawakan ni Flynn ang belt ng binata. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at kaagad bumitaw na para bang nad
Umismid naman si Rozen sa narinig.Dahil nandito na rin naman siya sa Serene Hotel, at wala rin siyang ibang gagawin, wala ring dahilan para maghiwalay sila ni Lianne ngayon.Ngayong gabi, gusto niyang sumama sa dalaga kapag inilakad na nito ang dalawang aso mamaya sa park.‘Puwede ngang sumama sa kan’ya ‘yong dalawang aso. Tapos ako, hindi?’ tanong pa ni Rozen sa sarili, halatang nagmamaktol. ‘Kung ano ang puwedeng gawin ng iba, dapat ako rin!’Isa pa, alam niyang may gusto si Flynn kay Lianne, kaya hindi siya papayag na maiwan ang dalawa nang walang ibang kasama.“Sasama ako sa ‘yo,” wika ni Rozen matapos ang ilang segundong pananahimik.Nanlaki naman ang mga mata ni Lianne. “Ha?”“Kailangan mong ilakad ang dalawang bubuwit na ‘yon, hindi pa?” dagdag na tanong ng lalaki. “Ako na ang bahalang humawak sa mga tali nila. Sumama ka na lang sa akin.”“Hindi na,” mabilis na pagtanggi ng dalaga. “Kaya ko naman na ‘yon.”Umiling si Rozen. “Nope.”“Kaya ko na nga sabi,” pangungulit naman ng
Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k
Pagkatapos bumili ng mga gamot, umalis na si Lianne sa clinic.Maganda naman ang panahon. Maaraw at maaliwalas ang hangin, pero bakit parang hinahabol siya ng kamalasan?Hindi lang niya nakasalubong ulit ang lalaki. Nagpanggap pa itong doktor at pinahubad pa ang pantalon niya para sa examination!K
Napanganga si Lianne. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Paano ko mache-check ang kondisyon mo kung hindi ko makikita?”Napatango ang dalaga.‘May point siya roon, pero…’Hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-aalangan siya. Paano niya iyon magagawa sa harap ng isang lalaki.At hindi la
Pagkabalik sa inuupahang kuwarto, kaagad kumuha si Lianne ng tubig upang inumin ang pills na binili niya kanina.Pagkatapos ay nag-shower siya at hinugasan nang sobra ang sarili, mula ulo hanggang paa.Napansin niya ang balat na punong-puno ng marka galing sa lalaki. Maging ang hita niya ay hindi p







