Share

Chapter 262: I Care For You

Author: Starstellar
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-01 22:52:16

Noon, kaya lang naman palaging sumusunod si Lianne kay Rain ay dahil akala niya, mabait sa kan’ya ang lalaki.

Ganoon siya magpakita ng kabutihan. Kung sa tingin niya ay tunay ang ipinapakitang kabaitan sa kan’ya ng isang tao, handa siyang suklian ‘yon, kahit sa paraan pa na higit pa sa kakayahan niya.

Pero nang mapagtanto niyang may bahid pala ng pagkukunwari ang kabaitan noon ni Rain, alam ni Lianne na wala nang dahilan pa upang ipagpatuloy ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Dumilim ang ekspresi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cristita Cula
huwag na po sana masyadong pahabain kung paligoy2 na
goodnovel comment avatar
Cristita Cula
ano po ito happy ending ba between Lianne and Rozen?
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 262: I Care For You

    Noon, kaya lang naman palaging sumusunod si Lianne kay Rain ay dahil akala niya, mabait sa kan’ya ang lalaki.Ganoon siya magpakita ng kabutihan. Kung sa tingin niya ay tunay ang ipinapakitang kabaitan sa kan’ya ng isang tao, handa siyang suklian ‘yon, kahit sa paraan pa na higit pa sa kakayahan niya.Pero nang mapagtanto niyang may bahid pala ng pagkukunwari ang kabaitan noon ni Rain, alam ni Lianne na wala nang dahilan pa upang ipagpatuloy ang pagkakaibigan nilang dalawa.Dumilim ang ekspresiyon ng mukha ni Rain, ngunit sa loob-loob niya, ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yon.Iniba niya na lang ang topic. “Sinong kasama mo kaninang lunch?”“Sorry, Manager, pero hindi ko kailangang sagutin ang tanong na ‘yan,” sagot naman pabalik ng dalaga. “Wala ‘yang kinalaman sa trabaho ko.”“I know,” nakatiim-bagang din na wika ni Rain. “I know it’s a private matter, pero pinapaalalahanan lang kita.”“Gusto ko lang na umiwas ka sa mga delikado na tao para sa ‘yo. ‘Yong hindi babah

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 261: Hindi Ako Ang Nagbago, Kundi Ikaw

    Napakurap si Marian sa narinig, at ang kaninang ngiti niya ay kaagad ding nawala.Kinampihan na nga ni Rain si Lianne, pasimple pa siyang pinahiya nito sa harap ng subordinates niya.‘Akala ko ay magagalit siya dahil natapunan siya ng kape, kaya naman tinulungan ko siyang pagalitan si Lianne…’ isip ng babae. ‘Pero hindi pala ganoon…’Parang napasama pa tuloy siya, kaya huminga na lang nang malalim si Marian, halatang masama pa rin ang timpla ng mood.“Lianne, dahil hindi ka naman pagagalitan ni Manager Rain sa ginawa mo, sige at bumalik ka na,” pagbawi nito sa inutos niya kanina.“Pero sa susunod ay mag-iingat ka. Huwag ka na ulit gagawa ng ganoong klaseng pagkakamali!”Mas tumindi ang pagkagat ni Lianne sa pang-ibaba niyang labi bago ibinaling ang paningin sa sahig.Naghihimutok na ang damdamin niya, pero wala rin naman na siyang magawa kundi tumango lang.“N-Naiintindihan ko po…”Nang makita naman ni Marian na parang iiyak na si Lianne dahil sa mga pinagsasasabi niya kanina, hindi n

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 260: Sorry, Hindi Ko Sinasadya!

    Nang matapos na si Lianne magtimpla ng kape para sa team leader, pati na rin sa mga kasamahan niya sa trabaho, nag-uumpisa na ang meeting.Saktong si Marian ang nasa unahan at nagpapaliwanag tungkol sa kan’yang report, nang mapatigil siya dahil sa biglaang pagsulpot ng dalaga.Maging ang mga katrabaho ay napatingin din sa kan’ya.May dala-dala siyang tray na maliit, na siyang ginagamit kapag maramihan ang kailangang ibigay na kape, katulad na lang sa mga ganitong klase ng meeting.“Nagsisimula na ang meeting, tapos ngayon ka lang dumating?” naiiritang tanong ni Marian, na para bang sinusumpong na naman ito ng PMS. “Bakit ang tagal mo?”Napakagat ng labi si Lianne at nag-isip.‘Halos twenty minutes lang ang ibinigay na palugit sa akin para ihanda ang lahat. Hindi rin naman biro ang magtimpla ng maraming kape…’ reklamo niya.‘Kahit instant coffee lang naman ‘to, kahit papaano ay sasalinan ko pa ‘to ng mainit na tubig isa-isa, tapos ihahanda ko pa nang maayos para dalhin dito.’Mas maram

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 259: Magugustuhan Niya Kaya Ang Regalo Ko?

    “Hmm… Anong kulay kaya ang maganda para sa kan’ya?” tanong ni Lianne sa sarili bago naglibot ng tingin sa paligid.May isang kulay na pumukaw sa atensiyon niya.“Pula na lang,” wika niya pa bago hinimas ang baba, sinusubukan i-imagine si Rozen habang suot ang kulay pula na necktie. “Sa tingin ko, bagay naman ‘yon sa kan’ya…”“Hmm… Pula? Wait, tulungan kita maghanap.”Sa pagtitingin ni Eunice, sakto ay nakakita siya ng magandang kulay pula na necktie. Inabot naman niya iyon kay Lianne.“Ito, maganda ang design kasi unique, tapos malambot din ang tela,” aniya na para bang saleslady siya sa department story na iyon. “Ano sa tingin mo?”Hindi kaagad sumagot si Lianne. Imbes ay hinawakan niya ang necktie, at namangha naman siya dahil sa ganda ng tela nito.Malambot at parang silk. Mukha itong mamahalin sa unang tingin pa lang.Itinalikod niya ang necktie para makita kung magkano ang presyo no’n, at pakiramdam niya, umaray ang kan’yang puso at bulsa nang makita ang halaga ng necktie.‘Seve

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 258: Ang Praktikal Na Regalo Para Kay Rozen

    Sa mga oras na ito, parang gusto na lang lumubog ni Lianne sa lupa at iwan mag-isa ang kan’yang kaibigan.Parang kamatis na rin kasi ang mukha niya ngayon dahil sa sobrang pamumula nito, at umiling na lang siya dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na ‘yon.“Eunice… itigil mo na ‘yan. Hindi mo naman dapat tinatanong ‘yan na parang normal lang…”Hinilot pa ni Lianne ang sentido na para bang sobrang stressed na siya.“Huwag ka nang makulit, at huwag na nating pag-usapan ‘yan, okay? Mamili na lang muna tayo ng damit…” aniya at naglakad na sa unahan habang tumitingin ng mga suit.Wala mang kasiguraduhan sa kung ano ang size ni Rozen, pero siguro ay magtitingin na lang din muna siya. ‘At kung mali man ang size na makuha ko, puwede naman siguro namin mapapalitan ‘yon pagkatapos namin sukatin…’Hahakbang pa sana si Lianne ulit, pero natigilan siya sa sinabi ng kaibigan.“Hindi naman tayo nandito para bilhan siya ng damit,” ani Eunice sa seryosong boses. “Bibilhan natin siy

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 257: Anong Size Ng Ano Niya?

    Hindi naman sumagot si Lianne sa mga litanya ng kaibigan. Magkaiba naman kasi silang dalawa ng paraan ng pag-iisip.Nag-aalangan pa nga siya bago nagsalita, pero sa huli, sinabi niya na rin kay Eunice kung ano talaga ang binabalak niyang gawin.“Ngayong nalaman ko na kung gaano talaga kamahal ang kuwintas… gusto ko sanang ibalik na ‘to sa kan’ya,” pag-amin ng dalaga. “Masyado palang malaki ang halaga nito. Baka mamaya, mawala ko pa.”“Kapag nawala ‘to, kahit ibenta ko pa lahat ng laman-loob ko, hindi ‘yon sasapat para mabayaran ko siya…”Sinamaan naman siya ng tingin ni Eunice. Mukha itong disappointed sa kan’yang kaibigan.Napahilot pa nga siya sa sentido bago uminom ng tubig at pumapak na lang ng biko, isang pagkain na kinuha niya rin kanina.“Anong magbenta ng laman-loob para mabayaran siya?” pag-uulit ni Eunice, ngayon ay naniningkit na ang mga mata. “Una sa lahat, regalo niya iyon sa ‘yo. Ibig sabihin, hindi mo kailangan bayaran.”“Pangalawa, ibinigay mo na ang sarili mo sa kan’y

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 2: Siya Na Naman?

    Pagkabalik sa inuupahang kuwarto, kaagad kumuha si Lianne ng tubig upang inumin ang pills na binili niya kanina.Pagkatapos ay nag-shower siya at hinugasan nang sobra ang sarili, mula ulo hanggang paa.Napansin niya ang balat na punong-puno ng marka galing sa lalaki. Maging ang hita niya ay hindi p

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 1: Ang Mainit Na Gabi

    Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 6: Lahat Naman Ng Lalaki, Nagloloko

    Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 7: May Boyfriend Na Ako

    Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status