LOGIN“Apo, umuwi ka na nga kasi roon. Mag-shower ka na, magpalit ng damit, at magpahinga,” muling utos ni Miranda. “Tatawagan ko na ang tita at tito mo.”Gamit ang kaliwang kamay, kinuha ni Miranda ang luma niyang cellphone at tinawagan si Sera pati na rin ang iba.Pero habang kausap niya ang mga ito sa kabilang linya, kung anu-ano ang excuses na ibinibigay ng mga ito para lang hindi siya puntahan sa ospital.“‘Nay naman, sabi ko naman sa ‘yo, kailangan kong bantayan ang mga bata!” wika ni Sera sa kabilang linya, halatang naiinis na. “May mga assignment sila at kailangan ko silang turuan!”“Alangan namang iwan ko sila para pumunta lang riyan?!”Sa galit na nararamdaman ni Miranda ngayon, parang gusto na lang niyang magmura.Naisip niya, ‘Si Lianne nga na sa Maynila pa nanggaling at sobrang layo pa ng binyahe, nakarating dito para lang puntahan ako.’‘Tapos ang mga ingratang ito, ayaw akong alagaan kahit isang araw lang? Lahat sila gumagawa ng mga excuse para lang pabayaan ako!’‘Hah. Ang s
Imbes na sagutin ang sinabi ni Rozen kanina, nag-iba na lang ng topic si Lianne.[Kailangan ko na bumalik sa ospital para bantayin si Lola. Iyon lang muna. Chat ulit kita mamaya.]Kumunot ang noo ng lalaki nang mabasa iyon. Hindi kasi sinagot ni Lianne ang tungkol sa sinabi niyang pagpapakasal, at pakiramdam niya ay isang malaking problema iyon.‘Pero hindi ko rin naman kailangang magmadali…’ isip ni Rozen bago kinagat ang pang-ibaba niyang labi. ‘Nakaya ko siyang paamuhin ang puso niya noon, kaya kami na ngayon.’‘Hindi magtatagal at mapapapayag ko rin siyang magpakasal sa akin.’Ngumiti na lang si Rozen at nagtipa ng mensahe.[Huwag kang magpagod masyado. Magpahinga ka rin.]Nang mabasa iyon ay bahagyang nanubig ang mga mata ni Lianne. Mahaba ang biyahe niya kanina, at galing din siya sa trabaho kaya dire-diretso lang talaga ang naging ganap niya hanggang sa ospital.Ni isa sa mga kamag-anak niya, kahit alam ng mga ito na sa Maynila pa ang pinanggalingan niya, ay walang naging pakia
Kaagad namang sumagot si Lianne.“Tita, nagsisimula pa lang naman po kami mag-date, kaya hindi ko pa talaga iniisip ang pagpapakasal…”“Hay naku, ikaw na bata ka…” Umiling-iling si Sera na para bang mas lalo lang siyang nadi-disappoint kada nagsasalita ang dalaga. “Nag-aalala lang ako kasi sinasayang mo ang kabataan mo. Bakit kasi hindi ka na lang dito tumira at maghanap ng mapapangasawa?” dagdag nito.“Saka, maaasahan ba ‘yang boyfriend mo? Paano kung unemployed pala ‘yan at hindi ka kayang buhayin? Masasayang lang ang buhay mo sa kan’ya, kaya maghanap ka ng nararapat talaga para sa ‘yo. ‘Yong mas maayos kaysa sa mga nakita mo lang sa tabi tabi!”Napakagat si Lianne sa pang-ibaba niyang labi matapos marinig ang mga sinabi ng kan’yang tita.Hindi siya natutuwa na hinuhusgahan nito si Rozen, ngunit ganoon pa man, alam din niyang hindi nila kilala ang lalaki kagaya ng pagkakakilala nila rito.“Tita… Mabait ang boyfriend ko?”“Mabait? O baka tingin mo lang ‘yon?” Umismid si Sera. “Kahit
Umiinit na naman ang ulo ni Miranda, at nahalata naman iyon ni Sera.“‘Nay naman, tinutulungan ko lang naman siyang mamili ng tamang lalaki para sa kan’ya,” wika ng babae bago muling sumulyap kay Lianne na tahimik lang ngayon. “Huwag kang mag-alala kasi ‘yong mga anak ng mga amiga ko, puro mababait at kayang buhayin ang mapapangasawa nila. Kaya pangako, walang magiging problema!”“Wala akong pakialam kung magkakaroon ng problema o hindi! Tanungin mo muna ang apo ko kung gusto niya ba ang ipagagawa mo, hindi ‘yong ikaw ang nagdedesisyon para sa kan’ya!” galit na sagot naman ng matanda.“Alam mo, ikaw, sinasamantala mo lang na walang kahit sino ang kayang magprotekta sa kan’ya, kaya kung anu-ano ang sinasabi mo rito sa bata!”Ang totoo niyan, pangarap din naman ni Miranda na makitang mag-asawa na ang kan’yang apo, nang sa gayon ay kapag dumating na ang araw at lumisan siya sa mundo, alam niyang hindi magiging kawawa ang kan’yang apo.Tumatanda na rin kasi siya, pero alam din ni Miranda
“Bakit ko pa kayo pinaaral at pinalaki kung ipapasa n’yo lang din sa iba ang responsibilidad n’yo sa akin?!” dagdag pa ni Miranda.“Kapag may nangyayari sa akin, lahat kayo, puro na lang kayo excuse na hindi n’yo ako puwedeng alagaan, kesyo may mga gagawin kayo o ano pa man.”“Pero kapag kay Lianne, dapat ay iwanan niya ang trabaho niya at dito manirahan?! Wala ba kayong kahihiyan?!”Umiwas ng tingin ang mga kamag-anak ni Lianne, ngunit hindi pa tapos si Miranda sa kan’yang mga litanya.“Lintik na ‘yan… Puro mga walang kuwenta pala kayong mga anak ko! Sa sobrang buwisit ko sa inyo, sumisikip na ang dibdib ko!”“Nanay naman…” angal ni Bert nang marinig ang mga sinasabi ni Miranda. “Hindi ba at pinalaki mo rin naman si Lianne? Kaya hindi ba dapat ay bumalik talaga siya rito para sa ‘yo?”“Oo nga naman, ‘nay!” pagsang-ayon pa ni Sera. “Gusto ka rin naman naming alagaan kaya huwag mong masamain, pero may mga anak kami, kaya hindi kami makahanap ng sapat na oras.”“Saka kailangan ko ring m
Tila kumirot ang puso ni Lianne nang makita niya ang kan’yang lola na nakahiga sa kama, maputla ang labi at balat, at may cast pa sa kaliwa nitong braso.“Lola… Nakabalik na po ako.”Nanlaki naman ang mga mata ni Miranda sa gulat nang makita ang kan’yang apo na nakatayo sa may pintuan.“Hija, bakit nandito ka? Sinong nagpabalik sa ‘yo rito?” tanong nito habang nakakunot ang noo. “Ang layo ng pinagtatrabahuhan mo rito sa probinsya natin, kaya alam kong hindi ganoon kadali ang bumiyahe rito…”“Bumalik ka na roon. Nandito naman ang tita at tito mo para alagaan ako sa bahay,” dagdag pa ng matanda.Nanatili namang tahimik ang tito at tita ni Lianne habang nakatayo lang sa gilid.Ganoon pa man, nakararamdam sila ng inis dahil kailangan pang magtrabaho ni Miranda kahit matanda na ito, at sa palayan pa talaga. Dahil doon kaya nadale ang braso niya, at para sa kanila, kung nagpapahinga na ito ay hindi na sana siya maaaksidente pa.‘Hay, ang matandang ito kasi. Nampeperwisyo pa talaga siya ng i
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di
Nanlaki ang mga mata ni Lianne dahil sa narinig.“Saglit… bakit naging ikaw ‘yong agrabyado rito? First time ko iyon…”“At ako rin,” sagot naman ng binata sa malalim na boses. “Sa babae lang ba mahalaga ang first time nila? Sa tingin mo ay agrabyado ka, pero ako, hindi?”Nakakunot ang noo ni Rozen,
Pagkatapos bumili ng mga gamot, umalis na si Lianne sa clinic.Maganda naman ang panahon. Maaraw at maaliwalas ang hangin, pero bakit parang hinahabol siya ng kamalasan?Hindi lang niya nakasalubong ulit ang lalaki. Nagpanggap pa itong doktor at pinahubad pa ang pantalon niya para sa examination!K
Napanganga si Lianne. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Paano ko mache-check ang kondisyon mo kung hindi ko makikita?”Napatango ang dalaga.‘May point siya roon, pero…’Hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-aalangan siya. Paano niya iyon magagawa sa harap ng isang lalaki.At hindi la







