Share

Chapter 18

Nakayuko at pakiramdam ko gusto ng sumabog ng ulo ko sa pag-iisip. Asar na asar ako dahil nawala na sa paningin ko si Elisa, hinabol ko siya matapos kong mag-isip ng malalim, ngunit huli na ako dahil wala na siya at kahit saan ko siya hanapin walang Elisa akong nakita.

Fuck you Smael, kasalanan mo 'yan.

"Boss, wala talaga siya, nakarating na kami ng bayan ng palingke pero wala talaga."

Napaangat ang mukha ko dahil sa sinabi ni Alex, imposible na mawala siya agad dahil hindi niya alam ang lugar na ito at wala siyang sasakyan. Napapikit ako dahil parang kumikirot ang sintido ko, dahil kanina pa lang no'ng magsalita si Elisa may kung ano akong naramdaman hanggang sa umalis na siya at doon ko lang lubos na naunawaan ang damdamin ko.

Napukaw ako sa malalim na pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa gilid ng suot ko. Pagtingin ko sa screen, isang unknown number ang tumatawag sa akin. Sinagot ko pero hindi nagsalita hinayaan ko lang na mauna ito.

"Smael, kamusta?"

Natigila
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status