Share

CHAPTER TWO

Chapter 2

AMARA

Tahimik kami ni Senyorito Zach habang lulan sa kanyang sasakyan pabalik ng Maynila. Naka steady lang ang mukha kong napabaling sa bintana ng sasakyan at lihim na ipinahid ang aking mga luhang nagsilaglagan. Ngayon pa lang nasasabik na ako kay Lola Olivia. Gusto kong sabihin sa aking amo na babalik na lang ako ng mansiyon, pero malayo-layo na rin ang itinakbo ng sasakyan kaya nanahimik na lang ako baka magalit pa ang senyorito.

Hindi ko maiwasan ang malungkot lalo pa't nakita ko ang mahal kong lola na lumuluha.

“Mag-iingat ka, Apo. Huwag mong pabayaan ang sarili mo,”

Lalong bumulusok ang aking mga luha habang niyakap ko si Lola at nagpapaalam sa kanya kanina.  Ito ang kauna-unahang pagkakataon malayo ako sa kanya. Nagtatalo ang kalooban ko kung tutuloy pa ba ako. Nag-aalala ako sa kanya ngunit naka, Oo, na rin ako kay Donya Felimina at ito rin ang kagustuhan ni Lola. Ito na raw ang pagkakataon na makapag-aral ako sa kolehiyo.

Napabaling ang mukha ko kay senyorito Zach na seryosong nagda-drive. Napa gatla ang noo nito nang napansiyan niyang nakatitig na pala ako sa kanya. Guwapo pa rin ito kahit mas daig pa ang ermitanyo sa kanyang hitsura. Matindi pala kung magmahal itong si senyorito Zach dahil hanggang ngayon tila pasan pa rin ang daigdig dahil sa laging nakabusangot ang mukha nito na animo'y walang kaligayahan.

Hindi naman daw ito ganyan dati, masayahin at mapagbiro raw ito. Pero simula nang maghiwalay ito sa kanyang modelong nobya isang taon na ang nakalipas dahilan na napabayaan na nito ang kanyang sarili at naging bugnutin na ito. Kaya heto, ang papel ko ang alagaan ang baby damulag. Siguradohing makakain raw bago pumasok sa opisina. Pero kahit pa-paano naawa pa rin ako sa kanya. Siguro ang sakit noon na iwan ng tao pinakamamahal mo.

“Will you stop staring at me! Hindi ako makapag focus sa pagmamaneho sa ginagawa mo."

Ay, shutah! Hindi ko napansin na hindi ko  pala na alis ang tingin ko sa kanya. Pasimple kong hinawakan ang gilid ng aking bibig baka tumutulo na pala ang laway ko habang nakatitig sa kanya.

“Hala, Senyorito hindi po kita tinitigan,” pagsisinungaling ko, sabay iwas nang tingin. Ang arti naman, para titig lang ayaw pa.

“Huwag ka ng magsinungaling pa dahil huli kita sa akto," dagdag pa nito kaya nanahimik na lang ako.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog. Nakakaantok pala ang mahabang biyahi. Napakalayo ng Manila sa Kamalig Bicol.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang may mahinang tumatapik sa aking pisngi. At napangiti pa ako dahil ang gwapong mukha ni senyorito Zach ang nabungaran ko.

“Ano pang nginingiti-ngiti mo r’yan? Nagugutom ka ba o hindi? Kung hindi, iiwan kita rito sa loob.” Napahawak ako bigla sa aking manipis na tiyan ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.

“Nagugutom po ako, Senyorito," pahabol kong sabi sa kanya. Mabilis pa sa alas kwatro  tinanggal ang suot kong seat belt at halos patakbong sumunod sa kanya dahil mabilis na itong nakababa ng sasakyan. Grabe naman ang pagkasungit ng lalaking ito. Napaka ungentleman pa. Hindi naman ganito ang ugali ni Donya Felimina at Don Romano. Pero siya daig pa ang pinaglihi ng sama ng loob. Laging nakalukot ang mukha.

Pumasok ito sa mamahaling restaurant na nadaanan namin. Hingal akong umupo sa kanyang harapan.

“Senyorito, bakit mo ako iniwan?”

“Tssk...nagtanong ka pa? Kakain ka naman pala. Sa pamamahay ko ayaw ko sa taong babagal-bagal. Tandaan mo iyan! Kung hindi lang dahil kay lola never kitang isasama,"   mahina nitong saad pero ramdam ko pa rin ang inis sa tono ng kanyang pananalita.

“Ouch! Ang harsh naman no'n, Senyorito. Bulgaran talaga ang pagka disgusto mo sa akin.” halos pabulong kong sambit ngunit narinig pala nito ang aking sinabi. Hindi ko alam na matalas pala ang pandinig ng kasama ko.

“Sinabi ko lang ang totoo. Kaya huwag kang assuming na gusto rin kita maging kasama."

Ang sarap sabunutan ng lalaking ito. Kung hindi lang ito apo ni Donya Felimina kanina ko na 'to nilampaso sa sahig.

“Hindi ako assumera, noh! At isa pa, mas ayaw ko rin na makasama ang isang arroganting katulad mo. Binabawi ko na ang pagka-crush ko sa iyo dati. Akala ko pa naman na mabait ka rin. Scam pala iyong picture frame mo na sa iyong silid dahil mukha kang Anghel do'n. Pero kabaligtaran pala ang ugali mo. Nuknukan ka naman pala ng yabang. Kaya ka siguro iniwan ng nobya mo dahil sa sama ng ugali mo!" mahabang tugon ng aking isipan. Siyempre hindi ko ito naisa tinig baka iwan na lang ako rito. Wala pa naman akong perang pamasahi pabalik ng Bicol.

“Ano 'yang binubulong-bulong mo? Parang p***t ng manok, kikibot-kibot iyang bibig mo.”

Napaismid ako sa kanyang sinabi grabe naman iyang p***t ng manok. Mayabang na nga, laitira pa.

“Ahee...wala senyorito. Nag-practice lang akong mag-rap.” sarkatiko kong tugon sabay irap sa kanya. Hayop talaga ang lalaking ito.

“Whatever! Just finished your food. Kung ayaw mong maiwan dito."

“Hala! wala namang ganyanan, Senyorito. Alam mo namang wala akong pera.”

“So what! I don't care.”

Grabe talaga ang lalaking ito. Mabilaukan ka sana.

“Ahu...hu...Give me water,” utos nito sa akin.  Kaagad ko namang inabot ang kanyang bottled water na nasa kanyang harapan. Gusto kong humagalpak ng tawa. Totoo nga ang sinabi nila. Digital na ang karma ngayon napakabilis dumating.

“Pinagtatawanan mo ba ako?” 

“Ako ba ang tinatanong mo, Senyorito?” Nagpalinga-linga pa ako sa aking tabi nagkunwaring 'di alam ang kanyang sinasabi.

“Sino pa nga ba ang kasama ko rito? ‘Di ba ikaw lang naman.”

“Pinagtatawanan? Ofcourse not, bakit naman kita pagtatawanan? Wala namang katawa-tawa sa taong nabilaukan.” Pigil ang ngiti kong sabi. Ngunit nagulat ako nang biglang ibinagsak nito sa mesa ang bitbit niyang water bottle na lumikha ng ingay. Pagkatapos mahigpit nitong hinawakan ang pulsuhan ko. Napangiwi ako dahil sa nasasaktan akong pinilipit nito ang aking braso. Nang inilibot ko naman ang paningin sa paligid halos sa amin napunta ang atensiyon ng mga customer na kumakain. Bigla na lang rumaragasa ang kaba sa aking dibdib nang tumayo ito at inusog palapit sa akin ang kanyang upuan. Nang muli itong naupo, nanlaki ang mata ko dahil sa bahagya nitong inilapit ang kanyang mukha  sa akin at mataman akong tinitigan dahilan ng pagkaasiwa ko.  Dahil ramdam ko pa rin ang mainit na tingin ng mga tao sa amin. May side din ng mga kababaihan ang tumitili at iyong iba parang nayayamot sa akin.

“Ganyan na ba ang taste na babae ngayon ng isang, Zach Monterde? A big yuck for him,! Kung ako sa kanya hindi ako hahalik sa ganyang klaseng babae. Napakalayo naman kay Rain ang ipinalit niya. Napaka manang ang dating, walang ka class-class, ew!” maarting saad ng babae sa kasunod naming mesa. Hindi ko alintana ang panghuhusga nila sa akin dahil hindi naman totoo ang sinasabi nila. Ngunit mas lalong namilog ang mga mata ko dahil sinabi nitong hahalikan ako.

‘Oh, my! Is he going to kiss me? Wala pa naman akong experience sa mga halik-halik na 'yan.' Ngunit napatigil ako sa aking pagpapantasya nang mas lalong inilapit nito ang kanyang mukha sa akin. Nagkadikit na nga ang tungki sa aming ilong sabay bulong sa akin.

“Don't fool me, woman! Ang pinaka ayaw ko sa lahat ang gawin akong tanga.You don't know me, kaya huwag mo akong subukan. Kung ayaw mong mayari sa akin.” 

Napakurap-kurap ako sa kanyang sinabi. Grabe legit na kinakabahan talaga ako sa ginawa ni Senyorito. Paano na  kapag totohanin nito ang kanyang banta. Totoong hindi ko alam ang tunay niyang pagkatao. Isa lang ang alam ko, ang apo ito ng mag-asawang Monterde bukod doon wala na akong alam sa kanya. Baka leader ito ng grupo ng mga sindikato o hindi kaya rapist.  Kapag natapos niya akong pagsamantalahan itapon na lang nito ang walang buhay kong katawan sa ilog.

'Oh, no! Kawawa naman ang kagandahan ko.' Napakabata ko pa para mawala sa mundong 'to. Tapos paano na ang lola Olivia ko? Hindi ko pa natupad ang pangako ko sa kanya na iahon ko siya sa kahirapan. Dahil sa takot ko naiyapos ko ang aking sarili. Lalo na at doon nakapunterya ang mga mata ni Senyorito Zach sa lumihis na kwelyo sa suot kong blusa at medyo lumantad ang aking cleavage. Sabi ko na ba maniac itong lalaking ito. Akmang bubulyawan ko na sana siya dahil sa paninilip sa aking dibdib nang mabilis nitong inalis ang tingin sa akin sabay sabing.

“Ayusin mo iyang suot mo. Napakapangit tingnan sa dibdib mong pang grade six.”

Tse...laitera talaga. Pang grade six daw. Eh, halos lumuwa na nga iyong mata niya.

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa sasakyan. Muli na naman itong seryosong nagmamaneho at minsan nahuli  kong nakatingin sa akin. Hindi na lang ako nagsalita baka mayari na naman ako nito. Baka ibang panlalait na naman ang matatanggap ko. Ngunit hindi ko talaga matiis ang hindi magtanong sa kanya kung malayo pa ba kami. Pero laging sinasagot nito na matulog na lang daw ako kaya sinunod ko na lang ang gusto niya.

Muli na naman akong nagising dahil sa  medyo may kalakasang pagtapik sa aking pisngi.

“Bumaba ka na riyan huwag kang mag-fe-feeling senyorita.”

Napairap ako sa kanyang sinabi. Alam ko naman ang papel ko rito sa pamamahay niya kaya hindi na niya kailangan pang sabihin ’yon.

************

Katulad ng sinabi ni Donya ni Felimina sinamahan ako ni Senyorito Zach na namili ng mga gamit ko sa eskwela. At pati sa pang -enroll ko sa kolehiyo siya rin ang nag-asikaso.Nahihiya ako sa lola nito dahil sa magarbong paaralan ako pinapaaral. Okay, lang naman sa akin kahit na hindi kilalang paaralan basta ang makapagtapos ako. At isa pa nahihirapan akong makipag halubilo sa mga anak mayaman kong mga kaklase. Wala rin akong masyadong kaibigan dahil pakiramdam ko nandidiri sila sa akin. Malayo kasi ang pananamit ko sa kanila. Hindi ko kasi sinusuot ang binibiling damit ni senyorito sa akin. Hindi ako sanay magsuot ng mga sexy na damit lalo na ang lagpas tuhod na dress. At isa pa ayos lang na hindi nila ako kaibiganin. Ayaw ko naman na baguhin ang nakasanayan ko para lang sa kanila. Hindi ako mapagpanggap na tao. Gusto ko na kung kaibiganin man ako hindi dahil sa the way ako magsusuot ng damit o magpapanggap mayaman kundi dahil sa totoong pagkatao ko tanggap nila ang pinanggalingan ko.

At isa pa itong amo kong masungit na parang may allergy sa presinsiya ko. Kahit sa ilang buwan kong pananatili sa puder nito hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ito ka inis sa akin. Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya.

Katulad na lang ngayon, halos humiwalay na ang kaluluwa ko dahil sa sobrang kaba.  Sa akin ba naman sinisisi kung matagal siyang nagising. Male-late na raw ito sa kanyang ka-meeting.

Kaya ito galit na galit, gustong manakit. Halos kainin na ako ng buhay.

“I've told you, wake me up before seven! Look! Ano'ng ginawa mo? Mag-aalas otso na ng umaga hindi mo pa rin ako ginising! Kapag hindi ko naabutan si Mr. Sandoval malalagot ka talaga sa akin babae ka! I swear, I will punish you!” Halos mapalundag ako dahil sa sobrang takot dahil sa malakas nitong boses na umaalingaw-ngaw sa buong kabahayan. Nakatungo lang ako sa sahig ayaw kong tumingin sa kanya dahil n*******d baro lang ito dahil kakagising pa lang nito nang tawagin ako. Ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag- kuyom ng kanyang kamao at ramdam ko ang marahas natitig nito sa akin. Kung hindi lang ako nangako kay Donya Felimina na aalagaan ko ang damohong ito nungka na magtatagal pa ako sa kanya. At kung may ibang choice lang talaga ako para maipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo matagal ko ng nilayasan ang lalaking ito.

“Se-senyorito, ginising po ki–” hindi ko na tapos ang sasabihin ko dahil mabilis ako nitong sinupalpal.

“Enough! Huwag ka ng sumagot pa! Dahil baka hindi pa ako makapagpigil!”

Pagkatapos walang sabi akong tinalikuran at pumasok na sa banyo.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Fizz Jhyane
............ ilike this na
goodnovel comment avatar
Switspy
ahahha ang bad
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
kasalanan ba niya napasarap ang tulog mo Saka Niya mo pa sinisisi Ang kapabayaan mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status