LOGINHALOS kaaalis alis lang naman ni Bella nang dumating si Xander. Pagbukas niya pa lang ng pinto ay kaagad na niyang naamoy ang mabangong amoy ng pagkain. Mukhang masarap yata ang inihanda ng kanyang tagalinis.Kaagad niyang hinubad ang suot niyang sapatos at binuksan ang lagayan para ilagay doon ang sapatos niya at kuhanin sana ang tsinelas niya ng mapansin niya ang kulay pink na tsinelas doon. Medyo maliit ang size ng paa nito kumpara sa kaniya. Base sa kulay ng tsinelas ay naisip niya na hindi pa ganun katanda siguro ang naglilinis sa bahay niya at kung huhuluaan niya ay baka nasa twenty pa lang ito o nasa early thirties dahil sa choice of color nito. O baka mamaya ay senior citizen na ito? Ang Mommy niya ay nasa fifties na ngunit mahilig pa rin ito sa pink kaya hindi niya tuloy maiwasang hindi mapaisip. Bukod pa doon ay matagal tagal na ri siyang hindi nakauwi sa bahay nila dahil masyado pa siyang busy at ganun din naman ito. Sa ngayon ay nasa ibang bansa ito at nagbabakasyon kas
LIMANG taon, limang taon silang nagsama nito sa iisang bubong simula ng maghiwalay silang dalawa ni Bella at bukod pa doon ay tatlong beses siyang nagpalaglag ng anak nila ngunit naatim pa rin nitong gawin iyon sa kaniya? Limang taon siya nitong kasama ngunit hanggang ngayon ay si Bella pa rin ang tinitibok ng puso nito? Ganun na ba talaga kalalim ang pagmamahal nito sa babaeng iyon at hanggang ngayon ay ito pa rin ang hinahanap hanap nito? Alam niya na simula pa noon ay tanging ito lang ang nasa puso nito ngunit umasa siya na balang araw ay matututunan siya nitong mahalin dahil ginagawa niya naman ang lahat para lang mapasaya ito. Pero bakit? Kulang pa rin ba ang lahat ng iyon? Nanginig ang kanyang mga kabi at maging ang kanyang mga balikat ay nanginig dahil sa matinding galit. “Anong klaseng tao ka ba talaga Kyle huh? Ilang beses ka ng tinanggihan ni Bella pero hanggang ngayon ay pilit mo pa ring ipinagsisiksikan ang sarili mo sa kaniya!” galit na sigaw niya rito. Napakasakit para
UMIKOT si Kyle patungo sa harapan niya at pagkatapos ay hinawakan nito ang mukha niya gamit ang magkabila nitong mga kamay. Napuno ng sakit ang mukha nito. “Bella, hindi mo na ba talaga ako mahal?” puno ng hinanakit nito sa kaniya. “Nakalimutan mo na aba ng mga sinabi mo noon sa akin na ako lang ang lalaking pakakasalan mo at mamahalin mo sa buong buhay mo?” tanong nito sa kaniya.“Nakalimutan mo na ba?” Napuno ng lungkot ang mga mata ni Bella. Paano niya nga ba iyon makakalimutan? Ang lalaking nasa harapan niya ay walang iba kundi ang lalaking una niyang minahal sa buong buhay niya. Oo, aaminin niya na minsan na niyang pinangarap itong makasama sa kanyang buhay bilang asawa niya ngunit noon iyon, iba na ngayon. Idagdag pa na tuluyan ng naglaho ang kanyang nararamdaman para rito, hindi na niya ito mahal pa. Mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kanyang mukha.Dahan-dahan niya itong tinanggal. Muli siyang nagpakawala ng isang mahabang bunt
NAKASALUBONG ni Sandra si Bella dahil eksakto itong lumabas sa opisina ng kanyang boss nang akmang papasok naman siya. Nakita niya kung gaano kasama ang mukha nito ng lumabas at kaagad niyang naisip na baka napagtripan na naman ito ng kanyang boss. Hindi niya ba alam ngunit mukhang ito na yata ang bago nitong trip na pagalitan at hindi na siya. Masaya siya na hindi na siya pinapagalitan ng kanyang boss ngunit hindi niya rin naman maiwasang hindi maawa kay Bella dahil nasalo nito ang lahat ng ka-abnohan ng kanilang boss. Napa buntong hininga na lang siya tuloy. Halos kung tutuusin ay dalawang araw pa lang ito sa kumpanya ngunit nakuha na nito kaagad ang atensyon ng kanilang boss. Matalino naman ang babae at bukod pa doon ay napaka sipag pa nito at masasabi niyang napakabait din naman nito dahil ang ilang empleyado ay nakasundo na nito kaagad ngunit ang hindi niya talaga maintindihan ay kung bakit trip na trip ito ng boss nila. “Sandra, nakausap mo na ba ang may ari ng housekeeping c
NAPA tigil sa paglalakad si Bella nang marinig niya ang tanong ng lalaki. Parang may kung anong kirot ang naramdaman niya sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Huminga siya ng malalim at napapikit bago niya ibinuka ang kanyang bibig. “Sir, pwede bang hindi ko sagutin ang tanong niyo lalo na at hindi naman ito konektado sa trabaho ko?” malamig na tanong niya rito.Pati ba naman ang sarili niyang buhay ay gusto nitong pakialaman. Hindi lahat ng bagay ay kailangan pa nitong malaman. Tama na ang alam nito tungkol sa kaniya. Ngunit wala din itong pakialam at akala mo tsismosong nilalang. “Kapag sinagot mo ang mga tanong ko, sa bawat sagot mo ay magkakaltas ako ng limang daan sa utang mo.” sabi nito sa kaniya.Natigilan naman sandali ni Bella bago tuluyang nagliwanag ang kanyang mga mata. Mukha yatang maganda ang alok nito hindi ba? Kung isang sagot niya ay limang daan ang mababawas sa utang niya ay mas maganda sigurong mag question and answer na lang sila, ngunit bigla siyang napaisip. Ku
RINIG na rinig ng apat na bata ang sagutan mula sa kabilang linya ngunit wala na silang ibang makita pa sa screen kundi tanging black na lamang. Napuno ng galit ang mukha ng batang si Annie at hindi niya na napigilan pang mapasigaw sa galit. “Hoy bakit mo inaaway ang Mommy ko?! Kapag nakita kita sisipain kita!” galit na sigaw niysa cellphone. Nang marinig ni Beatrice ang boses ng bata ay kaagad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Sino ang tinutukoy nitong Mommy? At tama ba ang narinig niya o namali lang siya ng rinig? Bigla niyang inilibot ang kanyang tingin sa paligid at doon nga ay napansin niya ang nakataob na cellphone ni Bella sa sahig dahilan para mapangisi siya, so doon galing ang boses ng bata? Napatingin siya rito na puno ng pang-uuyam ang mga mata. “So nagkaanak ka pala? Kawawang inutil na bata, walang ama.” sabi niya rito.Nagpanting ang mga tenga ni Bella nang marinig niya ang sinabi ni Beatrice. Binitawan niya ang baunan kung saan nakalagay ang kinakain niya at tumayo
PINANATILI ni Addie ang sariling gising habang nakaupo siya sa sofa. Hinihintay niya si Sevi dahil gusto niyang makausap ito patungkol na rin sa kanyang pag-uwi. Nang patayin nya ang tawag kanina ay halos manikip ang dibdib niya. Naisip niya bigla ang mukha ni Zeus habang umiiyak at halos madurog a
NAKIPAG kamay si Mr. Guanzon. Ngumiti ito at pagkatapos ay tumingin sa babaeng katabi niya. “I didn’t know iba na naman pala ang secretary mo.” nakangiting sabi nito sa kaniya.Alanganin namang ngumiti si Laida nang marinig ang sinabi ng matandang nasa harapan niya. Kaagad niyang itinaas ang kanyan
NANG magising si Addie kinabukasan ay medyo masakit ang katawan niya. Napahilot siya sa kanyang sentido at dahan-dahang bumangon. Inalala niya ang mga nangyari kagabi at halos mag-init ang buong mukha niya sa labis na kahihiyan dahil sa ginawa niya. Napatakip siya sa kanyang mukha. ‘Shit, anong gi
BINUHAT siya ni Sevi patungo sa mga bench na nasa tabi ng pool. Sa totoo lang, hindi alam ni Addie kung ano ang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon sa lalaki. Hindi niya lubos akalain na siya ang mag iinitiate na may mangyari sa kanilang dalawa. Par







