LOGIN
⚠️ DISCLAIMER
This story is a work of fiction. All names, characters, places, institutions, and events mentioned in this story are purely products of imagination. Any resemblance or similarity to real persons, living or deceased public officials, politicians, personalities, organizations, or actual places and events is entirely coincidental and unintentional. This work is created solely for entertainment, creative storytelling, and literary purposes. It is not intended to depict, suggest, or imply any real-life individual, organization, or event. --- Dear Readers, Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa oras na inilaan mo para buksan at simulang basahin ang SILAKBO. Sa napakaraming kuwento at librong maaari mong piliin, malaking bagay para sa akin na napadpad ka rito. Bilang isang manunulat, walang mas espesyal kaysa sa ideyang may isang taong handang sumabay sa mundong binuo ko gamit lamang ang mga salita, emosyon, at imahinasyon. Ang SILAKBO ay hindi lamang simpleng kuwento ng pag-ibig. Isa itong paglalakbay sa pagitan ng tama at mali, pagnanais at konsensya, pagmamahal at obsession. Isa itong kuwento tungkol sa mga pusong nasugatan, mga damdaming matagal na itinago, at mga desisyong maaaring magpabago ng buhay ng isang tao habang-buhay. Hindi perpekto ang mga karakter na makikilala mo rito. May mga pagkakataong mamahalin mo sila. May mga pagkakataong maiinis ka sa kanila. Baka minsan ay hindi mo maintindihan ang kanilang mga desisyon, at baka mayroon ding sandaling makita mo ang sarili mo sa kanilang sakit, pangungulila, o takot. At iyon ang isa sa mga layunin ng kuwentong ito. Hindi upang sabihin kung sino ang tama o mali. Kundi upang ipakita na ang tao, gaano man kalakas o kaganda ang imahe sa paningin ng iba, ay may sariling kahinaan, sugat, at mga laban na hindi agad nakikita. Sa SILAKBO, makikilala mo si Gavin isang lalaking tila nasa kanya na ang lahat ngunit may bahagi ng sarili na nananatiling hungkag. Makikilala mo si Helena isang babaeng matagal nang lumalaban para mapanatili ang mundong pinaghirapan niyang buuin. At makikilala mo si Elyse isang pusong hindi inaasahang masangkot sa pag-ibig na alam niyang maaaring sumira hindi lamang sa iba, kundi pati sa sarili niya. Hindi ito fairy tale. Hindi ito kuwento ng perpektong pag-ibig na walang sugat at komplikasyon. Ang kuwentong ito ay may mga temang maaaring mabigat para sa ilan pagkakanulo, emotional conflict, obsession, toxic attachment, at moral dilemmas. May mga eksenang maaaring magdulot ng matinding emosyon dahil sinisikap ng kuwento na maging tapat sa bigat ng nararamdaman ng mga tauhan. Kung minsan, ang pag-ibig ay hindi lamang puro kilig. May mga pagkakataong kasama nito ang takot, pagkawasak, pagkalito, at mga tanong na mahirap sagutin. At doon umiikot ang SILAKBO. Bilang may-akda, hindi ko layuning i-romanticize ang maling gawain o hikayatin ang sinuman na tularan ang mga desisyong gagawin ng mga karakter. Ang layunin ng kuwentong ito ay magkuwento upang tuklasin ang emosyon at komplikasyon ng pagiging tao, at kung paano minsan ay dinadala tayo ng puso sa mga lugar na hindi natin inaasahang puntahan. Kaya habang binabasa mo ang mga susunod na kabanata, hinihiling kong buksan mo hindi lamang ang iyong isip kundi pati ang iyong damdamin. Hindi mo kailangang sumang-ayon sa bawat karakter. Hindi mo kailangang kampihan ang lahat. Ngunit sana ay bigyan mo sila ng pagkakataong ikuwento ang panig nila. Dahil sa bawat tao, may dahilan. Sa bawat sugat, may pinagmulan. At sa bawat desisyon, may emosyon sa likod nito. Isa pa, nais ko ring ipaalala na ang kuwentong ito ay bunga ng malikhaing imahinasyon. Ang anumang pagkakatulad sa totoong tao, sitwasyon, o pangyayari ay hindi sinasadya at purong pagkakataon lamang. Kung minsan, bilang mga mambabasa, natural na maghanap tayo ng pagkakatulad sa totoong buhay ngunit ang mundong ito ay hiwalay sa realidad. Ang mga karakter dito ay isinilang mula sa mga ideya, tanong, at emosyon na gustong tuklasin ng isang manunulat. At gaya ng ibang kuwento, maaaring hindi palaging komportable ang paglalakbay. May mga kabanatang mabigat. May mga eksenang masakit. May mga rebelasyong maaaring ikagulat mo. Pero sana ay manatili ka. Sana ay samahan mo silang harapin ang mga desisyong magbabago sa buhay nila. Sana ay hayaan mong dalhin ka ng kuwento sa pagitan ng galit at awa, ng paghatol at pag-unawa, ng pag-ibig at pagkawala. At higit sa lahat, sana ay maging ligtas at masaya kang tahanan ang kuwentong ito habang binabasa mo ito. Para sa mga matagal nang sumusuporta sa aking pagsusulat maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal. Ang bawat comment, vote, reaksyon, at simpleng pagbabasa ay malaking inspirasyon para ipagpatuloy ko ang pagsusulat. At para naman sa mga bagong readers welcome. Masaya akong nandito kayo. Huwag kayong matakot magbahagi ng nararamdaman ninyo habang nagbabasa. Natutuwa akong makita ang iba't ibang pananaw at emosyon ng bawat reader, dahil naniniwala akong ang isang kuwento ay mas nagiging buhay kapag may mga pusong handang makinig at makiramdam. Gayunpaman, hinihiling ko rin ang respeto sa comment section at sa kapwa readers. Magkakaiba tayo ng pananaw at interpretasyon, at iyon ang nagpapaganda sa karanasan ng pagbabasa. Maaaring may karakter kang mamahalin at may karakter na hindi mo matitiis. At okay lang iyon. Dahil minsan, ang pinakamagagandang kuwento ay hindi iyong may perpektong bida kundi iyong may mga karakter na totoong nagkakamali, nasasaktan, at lumalaban para sa nararamdaman nila. Habang sinusulat ko ang SILAKBO, dala ko ang isang tanong: Hanggang saan kayang dalhin ng pag-ibig ang isang tao? At marahil, habang binabasa mo ito, magkakaroon ka rin ng sarili mong sagot. Kaya ihanda mo ang puso mo. Dahil sa mundong ito, hindi lahat ng pagmamahal ay dalisay. Hindi lahat ng katotohanan ay madaling tanggapin. At hindi lahat ng apoy ay madaling apulahin kapag minsan na itong nagliyab. Maraming salamat sa pagsisimula ng paglalakbay na ito kasama ako. Sana ay samahan mo ang SILAKBO hanggang sa huling pahina. With love and gratitude, — Anne Author ✍️Pagkaalis ni Elyse sa hallway, parang may kung anong naiwan sa hangin. Tahimik. Mabigat. At mas lalong mabigat dahil naroon si Helena. Katabi ko. Tahimik ding nakatingin sa direksyong nilakaran ni Elyse. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya. O gaano karami. Pero kilala ko ang asawa ko. At ang katahimikan niya hindi iyon kawalan ng iniisip. Mas delikado. Iyon ang sandaling nag-iipon siya ng tanong. “Interesting employee,” sabi niya sa wakas. Napatingin ako. Neutral ang tono. Too neutral. “She’s good at her job.” Tumango siya. “So I’ve heard.” Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi niya. Hindi accusatory. Mas masama. Parang sinusukat. Ilang segundo kaming walang imik. Hanggang sa siya mismo ang nagsalita. “Dinner tonight?” Napakurap ako. “Dinner?” “At home.” Bahagya siyang ngumiti. “Unless may emergency trip ulit.” Mabigat ang hangin. At sa likod ng simpleng tanong may kung anong hindi ko mabasa. Pero tumango ako. “I’ll be home.” “Good.” At pa
Gavin POV May mga araw na kahit gaano ka ka-busy, may isang bagay na paulit-ulit bumabalik sa isip mo. At buong araw si Elyse iyon. Hindi iyong alaala ng gabi sa lodge. Mas mabigat. Iyong paraan ng pagtanggi niya kanina sa hallway. Wag niyo po akong pahirapan. Simple. Pero parang may naiwan na sugat sa pagitan naming dalawa. Nakatayo ako sa loob ng opisina, nakaharap sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang makulimlim na langit ng Maynila. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakairita ang guilt? O ang katotohanang gusto ko pa rin siyang kausapin kahit alam kong wala akong karapatan. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Yes?” “Sir.” Mababa ang boses niya. Professional. Pero may kakaiba. “Update?” “About the access tracing.” Humigpit ang hawak ko sa telepono. “Talk.” “Someone has been requesting movement information.” Tahimik ako. “Media?” “Negative.” Malamig ang hangin sa office. “Then who?” May ilang segundong katahimikan. “At first, we thought internal curios
Elyse POV May mga umagang gusto mong paniwalaan na panaginip lang ang lahat. Na kapag dumilat ka mabubura ang gabing hindi mo maintindihan. Na may paraan para balikan ang isang sandaling pinagsisihan mo bago pa ito tuluyang mangyari. Pero paggising ko alam kong wala nang ganoong himala. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan habang pauwi kami mula sa outreach site. Tahimik. Masyadong tahimik. Nakatitig lang ako sa bintana habang mabilis na lumalampas ang mga puno at basang kalsada. Hindi ko magawang tumingin kay Gavin. Hindi dahil galit ako. Mas mahirap. Dahil natatakot ako sa sarili kong nararamdaman. At mas natatakot ako sa katotohanang kahit ilang beses kong ulitin sa isip ko na mali ang nangyari… hindi mabura ang alaala ng init ng mga yakap niya. At iyon ang pinakakinaiinisan ko. Humigpit ang hawak ko sa bag. Hindi dapat. Hindi dapat nangyari. Hindi ako ganoong babae. Hindi ako iyong madaling matangay. Matagal kong iningatan ang sarili ko. Hindi dahil mahin
Helena POV May mga umagang hindi mo kailangang tumingin sa salamin para malaman na may mali. Ramdam mo agad. Sa bigat ng dibdib. Sa sakit ng batok. Sa katahimikang parang may hinihintay na masamang balita. At iyon ang klaseng umagang bumungad sa akin. Maaga akong nagising. Madilim pa ang langit sa labas ng penthouse, nababalutan ng manipis na ambon ang salamin ng malalaking bintana. Humiga ako nang ilang segundo, nakatingin sa kisame. Tahimik. Masyadong tahimik. Paglingon ko sa kabilang bahagi ng kama walang tao. Bahagya akong napapikit. Hindi na bago. Matagal nang hindi pareho ang oras ng pagtulog namin ni Gavin. Minsan sa study siya natutulog. Minsan naman, madaling-araw na kung umakyat. Pero nakakainis aminin bawat pagkakataong wala siya sa tabi ko, may maliit na bahagi ng sarili kong napapagod nang umasa na babalik pa sa dati ang lahat. Dahan-dahan akong bumangon. Paglabas ko ng kuwarto, agad kong napansin ang ilaw sa kusina. Naroon si Gavin. Nakatayo sa har
Gavin POV Hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin ni Helena kay Elyse. Hindi dahil may karapatan akong mainis. Kundi dahil alam ko ang asawa ko. Kapag tahimik siya, mas delikado. At habang nakaupo ako sa opisina matapos ang meeting, hindi mawala sa isip ko ang imahe nilang dalawa sa café sa ground floor. Coffee. Conversation. Simple. Pero bakit parang may kung anong humihigpit sa dibdib ko? Humigpit ang hawak ko sa ballpen bago ko ito ibinaba. Nakakainis. Dahil wala akong dahilan para maapektuhan. Wala. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Sir.” “Update?” “Still tracing the access issue.” “Anything useful?” “May internal routing, pero hindi pa complete.” Sumandal ako sa upuan. “Keep digging.” Pagkababa ng tawag, naiwan akong nakatingin sa bintana. Sa ibaba, makapal ang ulap. Mukhang uulan ulit. At hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang gabing nasa driveway kami. Ang ulan. Ang halik. At ang paraan ng pag-alis ni Elyse. Parang may kung anong sumikip
Helena POV May mga gabi na kahit pagod ang katawan mo, tumatanggi pa ring matulog ang isip. At iyon ang klaseng gabi na mayroon ako. Mahina ang ulan sa labas ng penthouse habang nakaupo ako sa dining area, hawak ang malamig nang tsaa na matagal ko nang hindi iniinom. Alas-onse na. Wala pa si Gavin. Hindi naman bago iyon. Pero nitong mga nakaraang linggo, napapansin kong may pagbabago sa paghihintay ko. Dati, may inis. Ngayon may kaba. Hindi dramatic. Hindi hysterical. Mas tahimik. Mas mapanganib. Iyong tipong hindi mo maipaliwanag pero ayaw kang patahimikin. Tumunog ang elevator. Napatingin ako. Ilang segundo lang lumabas si Gavin. Bahagyang basa ang buhok. N*******d na ang coat at nakasukbit sa isang braso. Pero hindi iyon ang una kong napansin. Kundi ang mukha niya. Tahimik. At may kung anong magulo sa likod ng mga mata niya. “You’re late,” sabi ko. Huminto siya. “Power issue sa foundation.” Tumango ako. Possible. Normal. At bakit parang hindi sapat ang







