로그인Helena POV
May mga taong akala nila, ang pagiging malakas ay natural na katangian. Hindi. Pinipili iyon. Araw-araw. Kahit unti-unti kang kinakain ng pagod. Kahit paulit-ulit mong pinipilit na huwag bumigay kahit sa harap ng taong matagal nang hindi na sa iyo buo. Si Gavin. Ang asawa ko. Ang lalaking minsan kong inakala na hindi ako kayang bitawan. Nakatayo ako sa harap ng salamin habang inaayos ang hikaw ko. Maayos ang lahat sa paningin ng iba ang buhok kong nakaayos, ang mamahaling damit na eksaktong tumutugma sa imahe ng “De La Vega wife,” ang postura na natutunan kong buuin sa loob ng maraming taon. Pero sa loob ko? Parang may unti-unting nagkakalas na lubid. Dahan-dahan. Tahimik. Nakakainis. Huminga ako nang malalim at pinilit kong hindi pansinin ang bigat sa dibdib ko. “Hindi ka pwedeng mag-isip ng ganiyan, Helena,” bulong ko sa sarili ko. Dapat kontrolado. Lahat. Nagsimula ang lahat sa simpleng bagay. Isang linggong hindi siya umuuwi sa oras. Isang gabing hindi niya na ako tinanong kung kumain na ako. Isang umagang hindi niya na ako tiningnan nang diretso sa mata. At sa isang relasyon na matagal nang kulang sa init… Ang maliliit na bagay na iyon ang unang senyales ng pagkamatay. Pero hindi ako bobo. Alam ko kung paano gumagana ang mga lalaki sa mundong ginagalawan namin. Stress. Business. Pressure. Ganiyan lagi ang dahilan. At matagal ko nang tinanggap iyon bilang katotohanan. Hanggang sa hindi na sapat ang mga dahilan. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa dining area. Tahimik ang buong penthouse. Masyadong tahimik para sa isang bahay na kasing laki nito. “Good morning, Ma’am Helena,” bati ng kasambahay. Tumango ako. “Nasaan si Gavin?” Nagkatinginan sila sandali bago sumagot. “Umalis po siya kanina pa. May meeting po daw.” Tumango ako ulit. Syempre. Meeting. Palaging meeting. Palaging trabaho. Palaging dahilan para hindi umuwi ng maaga. “Okay,” sabi ko lang. Pero hindi ako umupo. Hindi ako kumain. Kasi alam ko ang totoo hindi naman pagkain ang hinahanap ko. Pagdating ko sa opisina ng De La Vega Foundation, agad akong sinalubong ng staff. “Ma’am Helena, nandito po ang listahan ng bagong applicants for outreach.” Kinuha ko ang folder. “Review later,” sabi ko. “Noted po.” Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa private office ko sa foundation wing. Ito ang bahagi ng buhay ko na akin. Hindi dahil sa apelyido. Kundi dahil pinaghirapan ko ito. Ang mga programang ito, ang scholarships, ang outreach projects ito lang ang lugar kung saan nararamdaman kong may kontrol ako sa isang bagay na hindi lang umiikot kay Gavin. Umupo ako sa desk at binuksan ang laptop. Sunod-sunod ang emails. Sunod-sunod ang problema. Sunod-sunod ang taong humihingi ng tulong. At sa gitna ng lahat ng iyon… Isang pangalan ang napadaan sa screen ko. Elyse Valencia. Huminto ang kamay ko sa pag-scroll. Hindi ko alam kung bakit. Consultant. Outreach program. Simple lang. Walang dapat bigyan ng pansin. Pero may kung anong hindi ko maipaliwanag na init sa loob ng dibdib ko. Hindi galit. Hindi rin kaba. Basta… pakiramdam na may hindi ako kontrolado. At ayokong may hindi ako kontrolado. “Ma’am?” Napatingin ako sa assistant ko. “May revisions po sa gala seating arrangement. May request po si Sir Gavin—” “Anong request?” putol ko. Nag-atubili siya. “May ililipat po siyang guest seating. Sa table niya po mismo.” Tumahimik ako. Isang segundo. Dalawa. “Sinong guest?” tanong ko. “Hindi po naka-specify sa system. Pero may note po na… new consultant ng foundation.” Hindi ko kailangan tanungin kung sino. Alam ko na. Elyse Valencia. Tumayo ako. “Send me the full guest list,” sabi ko. “Ma’am, ngayon po?” “Now.” Hindi na siya umimik. Lumabas siya agad. At ako, naiwan sa gitna ng opisina na biglang pakiramdam ko ay mas malamig kaysa kanina. May mga bagay na hindi mo kailangang makita para maramdaman. At sa puntong iyon, naramdaman ko na ang unang crack. Hindi sa kasal namin. Kundi sa bagay na akala ko ay matibay ang posisyon ko sa buhay niya. Pag-uwi ko ng hapon, wala si Gavin. Syempre. Tinanggal ko ang coat ko at itinapon sa sofa nang hindi iniisip kung maayos ba iyon. Hindi ako ganito dati. Hindi ako yung taong basta na lang nagagalit sa maliliit na bagay. Pero nitong mga nakaraang buwan… lahat ay maliit na bagay. At lahat ay unti-unting sumisira sa akin. Naglakad ako papunta sa bar at nagsalin ng wine. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil kailangan ko ng kahit anong magpapabagal sa utak ko. Huminga ako nang malalim. At doon, sa katahimikan ng bahay na ito, nagsimulang pumasok ang mga alaala. Si Gavin noong una. Hindi pa ganoon kalamig. Hindi pa ganoon kalayo. May mga gabi na hinahawakan niya ang kamay ko kahit walang kamera. May mga sandali na hindi siya businessman—kundi lalaki lang na pagod. Ako rin. Hindi ako ganito ka-istrikto noon. Hindi ako ganito kaingat. Pero sa mundo namin, natutunan ko ang isang bagay: Kung hindi mo hahawakan ang lahat, may kukuha niyan sa’yo. At ayokong may kumuha sa kanya sa akin Tumawa ako nang mahina sa sarili ko. Irony. Kasi mukhang matagal na pala siyang may kinukuha. At hindi ko man lang napansin agad. Tumunog ang phone ko. Unknown number. Hindi ko sinagot agad. Second ring. Third ring. Sinagot ko. “Hello?” Sandaling katahimikan. Tapos isang babae. “Ma’am Helena?” Malamig ang boses ko. “Sino ’to?” “Ah… sorry po. Si Elyse Valencia po. From outreach—” Pinutol ko siya. “Anong kailangan mo?” Sandaling natigilan siya. “May schedule po sana akong meeting with Sir Gavin tomorrow regarding gala preparations. Pero kailangan po pala ng approval niyo sa seating arrangement—” Humigpit ang hawak ko sa baso. “Bakit ako ang tatawagan mo para kay Gavin?” Tahimik. “Ma’am, sabi po kasi—” “Hindi mo kailangan ng approval ko para sa asawa ko,” putol ko ulit. Mas mahinang katahimikan. At sa katahimikang iyon, naramdaman ko ang unang tunay na bagay na hindi ko gustong maramdaman: may koneksyon siya sa asawa ko na hindi na kailangang ipaliwanag. “Gawin mo kung ano ang trabaho mo,” sabi ko malamig. “Okay po, Ma’am Helena.” Pinatay ko ang tawag. At sa sandaling iyon… hindi ko na alam kung bakit biglang nanginginig ang kamay ko. Umupo ako sa couch. Hindi ako umiiyak. Hindi ako ganun. Hindi ako yung babaeng bumibigay sa luha. Pero may iba. May mas masahol. Yung pakiramdam na unti-unti kang pinapalitan, pero walang direktang sinasabi sa’yo. “Helena.” Napatingin ako sa likod ko. Wala. Syempre. Walang Gavin. Walang kahit sino. Ako lang. Pero narinig ko pa rin. Parang echo ng pangalan ko sa loob ng bahay na matagal nang hindi na tahanan. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana. Tumingin ako sa lungsod. Gaya ng ginagawa ko palagi. Dito ko laging kinokontrol ang sarili ko. Dito ko laging sinasabi sa sarili ko na kaya ko. Pero ngayon… iba na. May bagong elemento. Isang pangalan. Isang babae. Elyse Valencia. At sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon hindi ko alam kung kaya ko pa bang panatilihin ang lahat sa lugar kung saan ko sila inilagay. Huminga ako nang malalim. “Hindi ko siya papayagan,” bulong ko sa sarili ko. Hindi malinaw kung sino ang “siya.” Si Elyse ba? O si Gavin? O ang sarili ko na unti-unti nang nawawala sa kontrol? Sa likod ng perpektong imahe… may babaeng matagal nang lumalaban. At sa gabing iyon, sa katahimikan ng isang marangyang bahay nagsimulang gumalaw ang isang bagay na mas delikado kaysa galit. Takot. At ang takot, kapag hindi mo napigil nagiging simula ng pagkawasak.Pagkaalis ni Elyse sa hallway, parang may kung anong naiwan sa hangin. Tahimik. Mabigat. At mas lalong mabigat dahil naroon si Helena. Katabi ko. Tahimik ding nakatingin sa direksyong nilakaran ni Elyse. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya. O gaano karami. Pero kilala ko ang asawa ko. At ang katahimikan niya hindi iyon kawalan ng iniisip. Mas delikado. Iyon ang sandaling nag-iipon siya ng tanong. “Interesting employee,” sabi niya sa wakas. Napatingin ako. Neutral ang tono. Too neutral. “She’s good at her job.” Tumango siya. “So I’ve heard.” Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi niya. Hindi accusatory. Mas masama. Parang sinusukat. Ilang segundo kaming walang imik. Hanggang sa siya mismo ang nagsalita. “Dinner tonight?” Napakurap ako. “Dinner?” “At home.” Bahagya siyang ngumiti. “Unless may emergency trip ulit.” Mabigat ang hangin. At sa likod ng simpleng tanong may kung anong hindi ko mabasa. Pero tumango ako. “I’ll be home.” “Good.” At pa
Gavin POV May mga araw na kahit gaano ka ka-busy, may isang bagay na paulit-ulit bumabalik sa isip mo. At buong araw si Elyse iyon. Hindi iyong alaala ng gabi sa lodge. Mas mabigat. Iyong paraan ng pagtanggi niya kanina sa hallway. Wag niyo po akong pahirapan. Simple. Pero parang may naiwan na sugat sa pagitan naming dalawa. Nakatayo ako sa loob ng opisina, nakaharap sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang makulimlim na langit ng Maynila. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakairita ang guilt? O ang katotohanang gusto ko pa rin siyang kausapin kahit alam kong wala akong karapatan. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Yes?” “Sir.” Mababa ang boses niya. Professional. Pero may kakaiba. “Update?” “About the access tracing.” Humigpit ang hawak ko sa telepono. “Talk.” “Someone has been requesting movement information.” Tahimik ako. “Media?” “Negative.” Malamig ang hangin sa office. “Then who?” May ilang segundong katahimikan. “At first, we thought internal curios
Elyse POV May mga umagang gusto mong paniwalaan na panaginip lang ang lahat. Na kapag dumilat ka mabubura ang gabing hindi mo maintindihan. Na may paraan para balikan ang isang sandaling pinagsisihan mo bago pa ito tuluyang mangyari. Pero paggising ko alam kong wala nang ganoong himala. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan habang pauwi kami mula sa outreach site. Tahimik. Masyadong tahimik. Nakatitig lang ako sa bintana habang mabilis na lumalampas ang mga puno at basang kalsada. Hindi ko magawang tumingin kay Gavin. Hindi dahil galit ako. Mas mahirap. Dahil natatakot ako sa sarili kong nararamdaman. At mas natatakot ako sa katotohanang kahit ilang beses kong ulitin sa isip ko na mali ang nangyari… hindi mabura ang alaala ng init ng mga yakap niya. At iyon ang pinakakinaiinisan ko. Humigpit ang hawak ko sa bag. Hindi dapat. Hindi dapat nangyari. Hindi ako ganoong babae. Hindi ako iyong madaling matangay. Matagal kong iningatan ang sarili ko. Hindi dahil mahin
Helena POV May mga umagang hindi mo kailangang tumingin sa salamin para malaman na may mali. Ramdam mo agad. Sa bigat ng dibdib. Sa sakit ng batok. Sa katahimikang parang may hinihintay na masamang balita. At iyon ang klaseng umagang bumungad sa akin. Maaga akong nagising. Madilim pa ang langit sa labas ng penthouse, nababalutan ng manipis na ambon ang salamin ng malalaking bintana. Humiga ako nang ilang segundo, nakatingin sa kisame. Tahimik. Masyadong tahimik. Paglingon ko sa kabilang bahagi ng kama walang tao. Bahagya akong napapikit. Hindi na bago. Matagal nang hindi pareho ang oras ng pagtulog namin ni Gavin. Minsan sa study siya natutulog. Minsan naman, madaling-araw na kung umakyat. Pero nakakainis aminin bawat pagkakataong wala siya sa tabi ko, may maliit na bahagi ng sarili kong napapagod nang umasa na babalik pa sa dati ang lahat. Dahan-dahan akong bumangon. Paglabas ko ng kuwarto, agad kong napansin ang ilaw sa kusina. Naroon si Gavin. Nakatayo sa har
Gavin POV Hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin ni Helena kay Elyse. Hindi dahil may karapatan akong mainis. Kundi dahil alam ko ang asawa ko. Kapag tahimik siya, mas delikado. At habang nakaupo ako sa opisina matapos ang meeting, hindi mawala sa isip ko ang imahe nilang dalawa sa café sa ground floor. Coffee. Conversation. Simple. Pero bakit parang may kung anong humihigpit sa dibdib ko? Humigpit ang hawak ko sa ballpen bago ko ito ibinaba. Nakakainis. Dahil wala akong dahilan para maapektuhan. Wala. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Sir.” “Update?” “Still tracing the access issue.” “Anything useful?” “May internal routing, pero hindi pa complete.” Sumandal ako sa upuan. “Keep digging.” Pagkababa ng tawag, naiwan akong nakatingin sa bintana. Sa ibaba, makapal ang ulap. Mukhang uulan ulit. At hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang gabing nasa driveway kami. Ang ulan. Ang halik. At ang paraan ng pag-alis ni Elyse. Parang may kung anong sumikip
Helena POV May mga gabi na kahit pagod ang katawan mo, tumatanggi pa ring matulog ang isip. At iyon ang klaseng gabi na mayroon ako. Mahina ang ulan sa labas ng penthouse habang nakaupo ako sa dining area, hawak ang malamig nang tsaa na matagal ko nang hindi iniinom. Alas-onse na. Wala pa si Gavin. Hindi naman bago iyon. Pero nitong mga nakaraang linggo, napapansin kong may pagbabago sa paghihintay ko. Dati, may inis. Ngayon may kaba. Hindi dramatic. Hindi hysterical. Mas tahimik. Mas mapanganib. Iyong tipong hindi mo maipaliwanag pero ayaw kang patahimikin. Tumunog ang elevator. Napatingin ako. Ilang segundo lang lumabas si Gavin. Bahagyang basa ang buhok. N*******d na ang coat at nakasukbit sa isang braso. Pero hindi iyon ang una kong napansin. Kundi ang mukha niya. Tahimik. At may kung anong magulo sa likod ng mga mata niya. “You’re late,” sabi ko. Huminto siya. “Power issue sa foundation.” Tumango ako. Possible. Normal. At bakit parang hindi sapat ang







