Beranda / Romance / FATED / CHAPTER SEVEN

Share

CHAPTER SEVEN

Penulis: Miss Che
last update Terakhir Diperbarui: 2026-03-13 15:39:11

Nang araw na iyon ay napag-utusan si Alexa ni Lucas na mag-grocery. Paubos na kasi ang laman ng refrigerator nila. Inutusan din siya nitong bumili ng kung ano raw ang magustuhan niya. Ibang klase din si Lucas, ang galanteng amo.

Dahil hindi naman niya kabisado ang lugar kaya nag-taxi na siya papunta sa grocery store. Ayaw niyang maligaw at baka kung saan-saan pa siya mapunta. Or worse baka matuntun pa siya ng tiyo Magno niya.

Habang naglilibot sa grocery store at abala sa pagkuha ng mga nasa l
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • FATED   CHAPTER NINE

    Hindi mapakali si Alexa nang araw na iyon. Kinakabahan siyang di niya mawari. Natatakot siyang baka mapaano si Lucas sa kamay ng tiyo Magno niya, at sa pinagkakautangan nito.“Sir Lucas, huwag na lang kaya tayong tumuloy, kinakabahan kasi ako. Hindi natin kilala ang taong pinagkakautangan ni tiyo Magno, baka kasi mapahamak ka pa.”“Ano ba ang ikinatatakot mo, I hate people na mahilig manlamang ng kapwa. In your case, hindi makatarungan na gawin kang pambayad utang. Dapat lang malagay sa tamang kalalagyan ang mga taong ganid.”“Pero sir Lucas, sa laki ng halagang, ibabayad mo sa taong iyon, ako naman ang magkakautang sa inyo. Alam niyo namang hindi ko kayang magbayad sa'yo ng ganoong kalaking halaga.“Huwag mo munang isipin yan sa ngayon, hindi pa naman kita sinisingil, ang importante ay makalaya ka sa kamay ng walang kwenta mong tiyuhin.Ngunit hindi pa rin mapanatag ang loob ni Alexa, makakalaya nga siya sa tiyuhin niya, baon naman siya sa utang kay Lucas. Saan siya kukuha ng sampong

  • FATED   CHAPTER EIGHT

    Namilog ang mga mata ni Alexa sa sinabi ni Lucas. Hindi niya lubos maisip na nagawa nitong magpanggap na kasintahan niya para lang ipagtanggol siya.“Totoo ba ang sinasabi ng kumag na ‘to Alexa? B-boyfriend mo siya? “matigas na sambit ni Magno na nanlilisik ang mga mata.Napalunok si Alexa at napatingin ng diritso kay Lucas, seryoso ang mukha nito at bahagya itong tumango, senyales na nagpapahiwatig na sakyan niya na lang ang sinabi nito.“Po, O-opo,” nauutal na wika niya.“Kaya hindi ko hahayaan kung ano man ang binabalak mo na gawin kay Lexie. Hindi makaturangan na gawin mo siyang pambayad utang,” matalim ang mga tingin na sambit ni Lucas sa Tiyuhin niyang si Magno.Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganun na lang ka sidhi na gusto niyang protektahan si Lexie. Basta ang alam niya lang ay biglang nagpuyos sa galit ang dibdib niya nang malaman niyang gawing pambayad utang si Lexie sa isang matandang hukluban. Bigla siyang kinilabutan na hindi niya mawari.“Wala ka t

  • FATED   CHAPTER SEVEN

    Nang araw na iyon ay napag-utusan si Alexa ni Lucas na mag-grocery. Paubos na kasi ang laman ng refrigerator nila. Inutusan din siya nitong bumili ng kung ano raw ang magustuhan niya. Ibang klase din si Lucas, ang galanteng amo. Dahil hindi naman niya kabisado ang lugar kaya nag-taxi na siya papunta sa grocery store. Ayaw niyang maligaw at baka kung saan-saan pa siya mapunta. Or worse baka matuntun pa siya ng tiyo Magno niya.Habang naglilibot sa grocery store at abala sa pagkuha ng mga nasa listahan niya, ay nalula siya sa presyo nang mga nakalagay doon.“Ba't ang mamahal naman nito? Iba talaga Pag mayaman walang pakundangan sa pag gastos,” naiiling na lang siya habang isa-isang inilagay sa cart niya ang mga pinamili.Matapos mabili ang lahat ng nasa listahan ay nag-ikot ikot pa siya. Naghanap siya nang kung anong pwedeng bilhin niya para sa sarili. Hanggang sa mapako ang paningin niya sa isang taong tinakasan niya, ang ito Magno niya.“Anong ginagawa ni tiyo Magno rito? Hanggang di

  • FATED   CHAPTER 6

    Nang gabing iyon, ay nawala ang antok ni Alexa, dama niya pa rin ang lakas ng dagundong na kanyang dibbib. Pilit niya mang ipikit ang mga mata, ay mukha ni Lucas ang nakikita niya.“Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?” tanong niya sa sarili habang tinapik tapik pa niya ang dalawang pisngi.“Kainis naman o, anong oras na ba? At ayaw pa ako dalawin ng antok. Naku! Alas dos na ng madaling araw, mulat pa rin itong mga mata ko.” Bulalas niya nang mapatingin sa pambisig niyang relo.Nag-inhale, exhale siya at pilit ikinalma ang sarili. Ipinikit niya ang mga mata at nanalangin na sana ay makatulog na siya. Hanggang sa unti-unting namigat ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan na siyang nakatulog ng hindi niya namamalayan.Kinaumagahan ay naghihikab pa siya at nag-uunat habang papasok sa kusina. Naudlot ang pagpasok niya nang makita si Lucas na nauna na sa kanya sa loob at humihigop ng kape. Bagong ligo ito at ang bango tingnan. “God, nagka-crush na yata ako sa amo

  • FATED   Chapter Five

    Alas nuebe na nang gabi, ay wala pa rin si Lucas, inaatake na ang antok si Alexa ngunit hindi pa niya magawang matulog. Hinihintay pa niya ang pagdating ni Lucas. Nasa meeting ito kasama ang mga investor at ang sekretarya nitong si Maricel.“Ba’t ang tagal nila,” pagmamaktol pa niya.Umupo siya sa sofa, at dahil sa antok ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Naalimpungatan siya nang may maramdaman siyang ingay sa paligid. Iminulat niya ang mata, ayon sa pambisig niyang relo ay pasado alas onse na nang gabi. Pupungas-pungas siya na tumayo at tinungo ang pinto. Narinig niya ulit ang sunod-sunod na pagkatok na siyang nagpagising sa kanya.“Bakit ang tagal mo?” Naiinis na wika sa kanya ni Maricel, nakaalalay ito kay Lucas na halatang lasing, dahil namumungay na ang mga mata nito at namumula ang mga pisngi, hindi na rin ito makatayo ng diritso.“Bilisisan mo, tulungan mo ako, nangangalay na ang balikat ko. Hindi ko akalaing ang bigat pala ni sir Lucas pag lasing,” pag-apura nito

  • FATED   Chapter Four

    Habang naghihintay sa opisina ni Lucas, ay hindi niya maisawasang maalala ni Alexa ang tiya at tiyo niya.“Kumusta na kaya sila? Hanggang ngayon ba ay hinahanap pa rin nila ako? Pasensya na po kayo tiya, tiyo, kung nagawa kong tumakas. Hayaan ninyo balang araw babalik din ako, at umaasa akong sa pagbalik ko ay hindi na kayo galit sa akin dahil sa ginawa ko. Mag-iipon po ako, para kahit papano ay makatulong ako para makabayad sa pagkakautang ninyo. Sa ngayon mananatili muna ako sa poder ni Lucas, wala mang kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan nang paglayas ko, ngunit ramdam kung mabuting tao siya at sa ngayon ay ligtas ako sa piling niya.” Kausap ni Alexa sa sarili.“Ang lalim yata ng iniisip mo?” Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Lucas, hindi niya napansin na nakapasok na pala ito sa opisina nito.“Hindi naman, may naalala lang ako,” tipid na sagot niya rito.“Salamat nga pala sa paghatid mo nang mga papeles, buti na lang at nandun ka sa bahay, kung hindi ay nasayang pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status