Share

FINDING MY DADDY
FINDING MY DADDY
Author: EL Nopre

Chapter 1

Author: EL Nopre
last update publish date: 2026-05-25 10:17:27

[Betrayal]

''HANGGANG kailan ka magtatanga-tangahan, ha? Matagal ka nang niloloko ni Alvin!''

Napapikit si Celine habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ng kaibigan.

Ilang beses na ring nakarating sa kanya ang akusasyong iyon ni Marie, pero mas pinipili niya na paniwalaan si Alvin. Mahal siya nito. Hindi nito magagawa na lokohin at saktan siya. Dahil nangako ito.

Umusal muna ng taimtim na panalangin si Celine bago siya nagmulat. Tumanaw siya sa labas ng sinasakyan na jeep. At napatingala siya sa makulimlim na kalangitan. Tila lalo lang niyong pinabigat ang kanyang nararamdaman.

''Hindi ako dapat maniwala sa mga sinasabi nila. Masaya kami ni Alvin,'' pagkumbinse niya sa sarili. ''Marami kaming pangarap para sa kinabukasan namin. At nangako rin siyang sabay namin iyong aabutin.''

Nagpakawala siya nang mahabang buntong-hininga upang pagaanin ang nararamdaman. Mabuti na lang at nakatulong ang malamig na hampas ng simoy ng hangin kaya bahagya siyang naginhawahan.

Sinipat niya ang oras sa suot na relo. Alas tres na ng hapon. Nag-undertime siya sa trabaho para kumpirahin na mali ang paratang ni Marie. Kapag nalaman niyang gusto lang talaga nitong sirain ang relasyon nila ni Alvin, puputulin na niya ang kanilang mahigit dalawang dekadang pagkakaibigan.

Ilang minuto pa ay huminto na ang jeep sa tapat mismo ng Lazarous University, isa itong pribadong paaralan sa sentro ng Pangasinan kung saan ay kumukuha ng Master's Degre in Business Management ang kanyang nobyo. And she is proud to say na siya ang nagpapaaral dito.

Matalino si Alvin at determinado na makapagtapos upang maiahon ang pamilya nito sa kahirapan at matupad din ang mga pangarap nila lalo na kapag nagplano na silang dalawa na magpakasal.

Gusto sanang payapain ni Celine ang dibdib na kalmado na kanina, pero bumangon na naman doon ang kakaibang kaba. Dahil nang bumaba siya sa jeep, unang humatak sa kanyang pansin ang nakasabit na malaking banner sa mataas na arko ng paaralan. Marami ring tao sa paligid. At nakasuot ng itim na toga ang mga estudyante na nakaupo na sa kani-kanilang mga puwesto.

Tumalikod na siya. At saka naglakad palayo. Hindi siya dapat nakinig kay Marie. Para na rin tuloy niyang pinagdudahan si Alvin. Hindi ito kailanman magsisinungaling sa kanya.

Sasakay na sana si Celine sa humintong jeep sa tapat niya nang matuon ulit ang tingin niya sa nakasabit na banner sa arko.

''Hindi,'' sinaway niya ang sarili sa pag-iisip na naman ng negatibo. ''Siguradong ibang batch ito. Tama. Hindi siya kasama rito. Imposible kasing hindi sabihin sa akin ni Alvin ang araw ng kanyang graduation. Alam niya na napakahalaga niyon sa akin.''

''Miss, sasakay ka ba?''

Napukaw sa pag-iisip si Celiene nang sitahin siya ng driver. Napalingon din siya. May ilan nang pasahero ang nakapila sa kanyang likuran. ''Ah, sorry po. May nakalimutan ako.''

Mabilis na siyang umalis mula sa pagkakaharang sa bukana ng jeep. At pabalik na sana siya sa paaralan nang mahagip ng kanyang tingin ang isang pamilyar na babae.

''Saan ko ba siya nakita? Parang pamilyar siya sa akin.''

Bihis na bihis ang babae. Nagmamadali ang mga hakbang nito, pero nakalarawan sa mukha nito ang kasiyahan na tila ba ang araw na iyon ay espesyal dito.

''Babe!''

Ipinako si Celine sa kinatatayuan nang matanaw sa entrada ng arko si Alvin. Nakasuot ito ng itim na toga at nakangiti na kumakaway sa paparating na babae. Sinundan niya ng tingin ang paglapit nito sa kanyang nobyo. At halos pigain sa sakit ang puso niya nang maghalikan ang dalawa.

''Hindi. Hindi totoo ang nakikita ko.''

Kinurot niya ang sariling braso. At nasaktan siya. Hindi iyon halusinasyon na baka dulot nang ilang buwang overtime niya para matustusan ang mga pangangailangan ni Alvin. Hindi rin iyon isang panaginip dahil tirik na tirik pa ang araw.

Saka lang naalala ni Celine kung saan niya nakita ang babae. Ipinakilala ito sa kanya ng nobyo na pinsan nito.

Gusto niyang pumalahaw ng iyak, pero walang mga luha na gumulong sa kanyang mga pisngi. Kahit ang tinig niya ay para siyang inabandona. Nanginginig ang mga tuhod niya. Ang nanatili lang malakas at gising sa parte ng katawan niya ay ang kanyang mga mata dahil malinaw na malinaw niyang nasasaksihan ang panloloko sa kanya ni Alvin.

Napasapo sa tapat ng dibdib si Celine. The pain is killing her, or should she say na sa mga oras na iyon ay parang gusto na niyang pumatay ng tao.

After all she have done...

Isinuko niya ang sariling mga pangarap para kay Alvin. Mas naging priority niya ito kaysa sa kanyang pamilya. Siguro ay dahil naniwala siya sa sinabi nito na kapag nakapagtapos na ito ng pag-aaral at nakahanap na nang maganda at maayos na trabaho ay tutulungan siya nito.

Napakuyom ng mga kamao si Celine habang hatid-tanaw ang dalawa na magkayakap nang pumasok sa loob kung saan ay nag-uumpisa na ang seremonya.

Kahit nanghihina at nanginginig ang mga tuhod ay pinilit niyang humakbang. Hindi niya inaalis ang tingin kay Alvin. Kahit malayo ito sa kanya ay aninag niya sa mukha nito ang labis na kasiyahan tulad nang babaing kaabay nito hanggang sa pag-akyat sa entablado.

Siya dapat iyon. Siya dapat ang kasama nito sa pag-ani ng tagumpay. Siya dapat ang kasalo nito sa saya dahil malaki ang naiambag niya kaya ito tatanggap ng parangal at diploma.

''Neng, okay ka lang?''

Napahawak siya sa katabing ginang nang muntikan nang tumiklop sa panginginig ang kanyang mga tuhod.

''Gusto mo ba ng tubig?''

Napatingin muna siya sa plastic water bottle na inialok ng kanyang katabi bago niya iyon inabot at kinalahati ng inom.

''Napakainit kasi ng panahon. May ilan na ngang nahimatay kanina. Mag-iingat ka.''

''Salamat po.''

''May kasama ka ba rito? Nasaan? Para tawagin ko. Namumutla ka na. Baka himatayin ka rin.''

"Okay lang po ako.''

''May kapatid o kapamilya ka ba na magtatapos ngayon?''

Natuon ang tingin ni Celine kay Alvin habang sinasabitan ng medalya ng kasama nitong babae.

Masakit. Masakit na masakit. Kung alam lang niyang hahantong sa ganito ang lahat, dapat mas pinili niyang unahin ang sarili.

Inipon ni Celine ang natitira pang lakas at humakbang pasalubong sa pagbaba nina Alvin sa stage. Nakita niya pareho sa mukha ng dalawa ang pagkagulat sa kanyang presensiya.

''Please, huwag kang mag-iiskandalo rito.''

Napangisi si Celine. Wala pa ring luha sa mga mata niya. Mukhang mas matatag at wais ito kaysa sa puso niya na basta na lang nagtiwala isang pag-ibig na balatkayo. Pero ipinagpapasalamat niya iyon. Dahil ayaw niyang maging kawawa sa harap ng dalawa. ''Wow! Takot ka rin palang maiskandalo.''

"Mag-usap na lang tayo mamaya.''

''Wala nang mamaya. Dahil ito na ang huling pagkakataon na magkikita tayo. Kaya kung gusto mo pang humaba ang buhay mo, kailangan mo akong iwasan.''

"Celine- ''

''Huwag kang mag-alala...'' Pinutol na niya ang iba pang sasabihin ni Alvin dahil alam niyang puro kasinungalingan lang naman ang lalabas sa bibig nito. ''Hindi kita sisingilin sa lahat nang mga nagastos ko saiyo. Abuloy ko na iyon sa iyo.''

''Bawiin mo ang sinabi mo!''

Napatingin siya sa kasamang babae ni Alvin. ''Bakit? Nag-aalala ka ba na baka magdilang-anghel ako at maagang mamatay ang PINSAN mo?''

''Celine, umalis ka na lang.''

''Pinagtitinginan na ba tayo ng mga tao? Nahihiya ka? Ang ginawa mo sa akin, hindi ba kahiya-hiya?''

"Mag-usap na lang tayo pagkatapos nito.''

''Sinabi nang wala na tayong pag-uusapan!''

Nakakuha na nang mas maraming atensiyon ang tatlo dahil sa malakas na sigaw ni Celine.

''Congratulation! Nakapagtapos ka na rin!''

"Celine- ''

"Sana humaba pa ang buhay mo para matamasa mo pa ang tagumpay na natanggap mo ngayong araw!''

Pagkatapos ng huling sigaw ni Celine ay tumalikod na siya at umalis na sa lugar na iyon. Saka lang nag-unahan sa paggulong ang kanyang mga luha nang makalayo na siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FINDING MY DADDY    Chapter 131

    [Who's The Real Boss?]''BOSS! Boss!''Nabaling ang atensiyon ng apat na nasa loob ng meeting room sa kahabaan ng glass wall kung saan ay sinundan nila ng tingin doon ang sumisigaw at tumatakbong lalaki na ilang beses nang muntik sumubsob sa sahig dahil sa pagmamadali nito sa pagtakbo.''Boss! Boss!''Marahas na bumukas ang pinto at habol sa paghinga ang lalaki na napatukod pa ang dalawang kamay sa mga tuhod nito.''Ano ba, Albert?'' asik ni Lucio. ''Hindi mo ba nakikita na may meeting kami rito?''''Boss...'' Sumagap muna ito ng hangin, ''May malaking problema tayo.''''Sino bang walang problema, ha? Lumabas ka nga rito!''''Boss, importanteng marinig niyo ang dala kong balita. Kailangang- ''''Labas!''''Pero, boss...''''Gusto mong tanggalin kita sa trabaho at huwag na uling patapakin sa kompanyang ito?''''Nandito si Mr. Villamerez!'' deretsong anunsiyo ni Albert bago pa man muling putulin ang pagsasalita nito.Napakunot ng noo si Lucio. ''Sino?''''Ang 'big shot' nating kliyente.

  • FINDING MY DADDY    Chapter 130

    [The Rescue]HINDI nahirapan sa paghahanap ng lugar sina Noel at Arnold. Tulad nga nang sinabi ni Dex, may naghihintay na sa kanila sa gilid ng kalsada. Naroon na rin ang isang ambulansiya.''Huwag ka nang sumama.''''Hintayin ko ba kayo rito, sir?''Napasuyod sa paligid si Noel. ''Siguraduhin mo na nailigaw mo ang mga nakasunod sa atin. Kung ako ang tinawagan ni Dex at hindi ang mga pulis, then may hinala siya na mayroong involve rito na mataas na tao.''''Pero -''Sinundan ng tingin ni Noel ang pagtukoy ng mga mata ni Arnold sa nakahimpil na ambulansiya. ''Matalino si Dex. He knows whom he should trust. Sige na. Umalis ka na. Bumalik ka sa ospital. Pero huwag mo munang sabihin ito kay Celine. Kapag sigurado na, ako na mismo ang tatawag sa kanya.''''Sige, sir.''Bumaba na ng sasakyan si Noel. Sinalubong siya ng isa sa tatlong lalaki na naghihintay. Gumanti muna siya sa pagbati nito. ''Dalhin niyo ako kay Dex.''''Medyo malayo-layo ang lalakarin natin.''Bumaba ang tingin ni Noel sa

  • FINDING MY DADDY    Chapter 129

    [And They Survived]''BAKIT hindi ka na lang umuwi sa bahay para makapagpahinga ka roon nang maayos?''''Ate, hindi rin naman mapapanatag ang isip ko sa pag-aalala kina Nanay at Tatay.''Nakaalalay si Celine kay Jeff habang patungo sila sa silid ng kanilang ina na mula sa ICU ay inilipat na ito recovery room hanggang sa private ward.''At saka wala naman akong dadatnan sa bahay. Malulungkot lang ako. Wala ring mag-aasikaso sa akin doon.''Kaka-discharge lang ni Jeff nang araw na iyon. Halos isang linggo lang itong naka-confine. Maayos na ang kondisyon nito. Pero kailangan nitong gumamit ng saklay dahil nang mangyari ang aksidente ay naipit ang kanang paa nito sa likuran na bahagi ng upuan ng sasakyan.''Marami tayong kamag-anak at kapitbahay roon na puwedeng kong paghabilinan sa iyo.''''Ayokong makaabala sa iba. Busy rin ang mga iyon sa trabaho nila. Hayaan mo na muna ako rito. Gusto ko na kapag nahanap si Tatay ay malalaman ko kaagad.''Hindi na sumalungat ulit si Celine. Nanahimik

  • FINDING MY DADDY    Chapter 128

    [The Mafia Boss]SINUNDAN ng tingin ng ilan sa mga pasahero sa eroplano ang pagpasok sa business class ng apat na matitipunong lalaki. Nangunguna ang isa rito na nababalot ng tattoo ang kahabaan ng kaliwang braso, paakyat sa maliit na parte ng nakahantad na dibdib mula sa suot na pulang polo shirt hanggang sa kalahati ng leeg paikot sa likurang bahagi ng kanang tainga.His looks are fierce and intimidating. Kaya naman kahit ang mga stewardess at travel attendant sa aisle ay napapaiwas sa halip na magiliw na bumati, tulad ng laging ginagawa ng mga ito.He is Dominico Villamerez. The New York underground mafia society knows him as a notorious person. Dapat lang talaga na ilagaan siya because he's not in a good mood.Flying long distances may be his favorite part of being a businessman, but collecting debts isn't really his job. It is always his men who do the collection. Ibang klaseng utang lang ang sisingilin niya sa pagkakataon na iyon kaya siya mismo ang kailangang pumunta. And that

  • FINDING MY DADDY    Chapter 127

    [A Foe or An Ally]"HOW bold!"Umalingawngaw sa katahimikan ng bahay ang malakas na boses ni Doña Betina na sinabayan pa niya nang marahas na paglapag sa hawak na tasa ng tsaa na ang ilan sa natitirang laman niyon ay tumapon pa sa ibabaw ng mesa.Kasalukuyan pa rin silang nasa loob ng kusina. Doon na nila sinimulan ang pag-uusap. Hinintay lang niya na matapos si Manolo sa pagkain bago ginamot ang mga sugat nito lalo na sa parte ng mga braso at paa na may bakas nang matagal na pagkakakadena rito. He greatly suffered from the hands of her enemies."Gusto talaga nilang magdeklara ng giyera!""Mukhang wala na nga silang takot sa iyo.""I know. They are even fearless enough to show their faces to you."Isa nga sa mga inilahad na kuwento ni Manolo ang ilang ulit na pagpunta sa warehouse nina Gemma at Jomar. They wanted his confession para sa mga plano niya."Dahil siguradong-sigurado sila na hindi na ako mabubuhay pa sa oras na sabihin ko sa kanila ang lahat. Mali ang naging hakbang nila. I

  • FINDING MY DADDY    Chapter 126

    [One After Another]PABALIK-BALIK sa pagsilip sa bintana si Doña Betina. Tumawag kasi sa kanya kanina si Dex. At maganda ang balitang inihatid nito sa kanya. Pero nag-aalala pa rin siya. Posible kasi na may iba pang mangyari sa lilipas na segundo o minuto. The enemies are cunning and vigilant. Hanggang may nakikita ang mga ito na pagkakataon para gumawa ng masama ay susunggaban ng mga ito. Kaya kahit gaano pa sila katuso o kagaling, there's always a possibility that the table will turn against their side.Mula sa pagkakatanaw sa labas ay napapitlag ang matanda nang marinig ang tunog ng cellphone. Agad niyang tinungo ang center table sa living area na pinaglapagan niyon.Napakunot ng noo si Doña Betina nang rumihestro sa screen ang pangalan ni Noel. He don't usually call her unless it's an important matter.Dinampot niya ang cellphone. At hindi pa man niya naririnig ang boses ng apo sa kabilang linya ay ramdam na agad niya sa paghinga nito na may hindi magandang nangyari. She knew him

  • FINDING MY DADDY    Chapter 9

    [Super Tonic]HINDI pa rin nawawala ang pagkahilo ni Noel kahit nakatulog na siya sa biyahe. Nang magising siya ay nakahinto na sila sa driveway ng kanyang villa.Sinulyapan muna niya si Celine na nahihimbing pa rin sa tabi niya. Saka siya bumaba nang sapo ang ulo.''Sir, kumusta po ang pakiramdam

  • FINDING MY DADDY    Chapter 8

    [Fated Encounter]AS he fondly caressing the arms wrapped around him, he then made a slow turn. He even felt like he did it in a very romantic and dramatic way. Siguro dahil pinanatili niyang nakayakap sa kanya ang babae. The warmth of her touch gives him the chill of both joy and desire.Sa mga or

  • FINDING MY DADDY    Chapter 7

    [Achilles Heel]''IS this how you handle matters at hand?''''Bakit? Natatakot ka ba, Mr. Crisologo?''Napangisi si Noel. Mula sa pagkakaupo, in-ekis niya ang mga hita. At saka isinandal ang likod sa backrest. Ang isa niyang braso ay nakapatong sa armrest habang ang mga daliri niya roon ay marahang

  • FINDING MY DADDY    Chapter 6

    [Her Regrets]NAPASUNTOK sa hangin si Celine habang hatid-tanaw niya ang papalayong sasakyan. Mabuti na lang at bitbit niya ang kanyang handbag bago sumakay kanina. May ilang piraso rin siyang damit dito at personal na mga gamit. Pero lahat nang dokumento na gagamitin niya sa pag-aapply ng trabaho

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status