Share

Chapter 47 (Taking Care of Her)

Nawalan ng malay sa taas ng lagnat si Kiara kaya naman nagkagulo ang apat na lalaking kasalo niya sa pagkain. Mabuti na lamang at maagap si Aidan nang tumayo siya sa upuan ay agad siyang nasalo nito ng matumba dahil kung hindi baka tumama ang ulo niya sa kantuhan ng lamesa.

Binuhat ni Aidan ang asawa patungo sa masters bed room kasunod ang tatlo at si Yaya Celly.

"Tumawag ka ng doctor Max pakibilisan." utos ni Aidan na tila mababaliw sa pag aalala.

"Hindi na kailangan sir ako nalang po ang mag iintindi sa kanya." suhestyon ni yaya Celly at napatingin naman ng masama sa kanya si Aidan.

"Yaya kailangan niya ng doctor!" giit nito.

"Takot si Kiara sa turok ayaw na ayaw niyang tinuturukan at ayaw rin niya sa ospital kaya wala kayong magagawa kung hindi ang magtiwala sa akin. Ako ang nagpalaki at nag alaga sa batang ito, sa tuwing lalagnatin siya ay nawawalan ng walay dahil hindi kinakaya ng katawan niya ang sobrang init kaya mabuti pa ay ikuha ninyo ako ng planganita na may yelo at kaunti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Inlove huhuhuh
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status