LOGINReign’s POV
Palabas na sana si Michael ng silid ko nang hawakan ko ang braso niya. Natigilan siya at seryosong tumingin sa akin. “Sorry, akala ko kasi—” idinampi niya ang daliri sa labi ko. “No worries, ayoko ng maulit ang ginawa mong pag-alis at pagkakalat sa bar kagabi. Nakakahiya.” Tumalikod siya at isinara ang pinto. Napaupo ako sa kama at naaalala ang eksena kagabi. “Muntik na siyang mamatay dahil sa akin.” Kung nagkataon… baka namatay pa siya sa mismong birthday niya. ‘Ano ba kasing pumasok sa utak mo, Reign? At pumunta ka doon!’ Sermon ko sa sarili. “Hindi ko man lang siya nabati.” Tumayo na ako at gumayak. Balak kong bumili ng regalo para kay Michael. Saktong palabas na ako ng mansyon nang… “Trying to escape again?” malamig na tanong ni Michael. “A-ah hindi, ano… m-may bibilin lang ako.” Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nauutal? Tumango lang siya. “Here! This is your card, galing kay Dad.” “H-hindi na, may pera naman ako.” Pagtanggi ko. “Reign—” “Hindi ko pa kailangan, okay? But thank you. Sapat na sa akin na nakatira ako sa malaking bahay at kumakain sa oras, pero ‘yan…” sabay turo ko sa card na hawak niya. “Sobra na kung tatanggapin ko pa ‘yan.” Napangiti ako nang bahagya. Naiilang ako sa pagtitig niya. Tumango lang si Michael. “Just tell me when you need it. Let's go!” Napaatras ako. “Michael, sabi ko aalis ako.” “Oo nga, ihahatid na kita.” Napabuga na lang ako ng hangin habang binubuksan niya ang pinto ng kotse. Tahimik lang ang byahe namin papunta sa mall. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa sinabi ng mukhang Korean kagabi, pero parang napipipi na naman ako. “M-Michael…” napangiti siya. “You mean, Kuya Michael?” pagtatama niya sa ‘kin. “Ikaw na ang nagsabi, hindi tayo magkapatid.” Matigas kong sagot. “Kung hindi tayo magkapatid, ano tayo?” Tanong niya habang naka-focus lang sa daan. “Amh… ano… friends!” Kinakabahan kong sagot. Tinawanan lang niya ako. “‘Wag na tayong maglokohan pa, Reign Nicole Del Pilar.” Napalingon ako sa kanya nang banggitin ang full name ko. First time niyang tawagin ako sa buong pangalan ko simula nang lumipat ako sa mansyon. Nakakakilabot. Naglalakad kami sa mall, dala-dala ang bucket ng popcorn at soft drinks, habang papasok ng sinehan. Hays. Ang sabi ko may bibilin lang ako, pero heto ako ngayon… Hindi ko mapigilan ang luha sa eksena—malungkot kasi yung movie. Pilit pinaglalayo ang mga bida. “Ngayon ko lang nalaman, iyakin ka pala, Reign!” pilyong bulong niya, sabay tapik sa balikat ko. Parang kino-comfort ako pero nang-aasar lang naman talaga. Napapailing ako at tinapik rin siya pabalik, nang siya naman ang parang maiiyak. “Panyo oh!” Sabay abot ko sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Kumabog ng malakas ang puso ko, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. “Baka malusaw ako!” bulong niya. Siniko ko siya at bumitiw. Pagkatapos ng sine, naglakad kami papunta sa mini bowling lane sa arcade area ng mall. Nakatingin ako sa mga pins na maayos na nakapila sa dulo. Hawak ni Michael ang bola, ngumisi siya sa akin. “Game time! Kung sino ang matalo, siya ang maglilibre ng lunch!” sigaw niya. Hinawakan ko ang bola, pinapagalaw pababa sa lane. Tumumba ang ilang pins. “Yes! Panalo ako!” sigaw ko, sabay tawa. Pero hindi siya nagpatalo. Sa sumunod na round, natalo siya. “No way, one more round!” galit niyang sambit, sabay tawa. Naglaro ulit kami, panalo ulit ako. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang magpatalo o hindi talaga siya marunong. “Okay, fine, you win. My treat. Ikaw na ulit ang panalo, pero ‘wag ka masyadong mayabang ha,” ngumiti siya nang nakakaloko. “May basketball pa!” aniya, sabay hatak sa akin. “Ano naman ang ipupusta mo ngayon?” tanong ko habang hawak ang bola, akmang mag-sho-shoot. “Kiss… sa lips!” biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Nataranta ako sa pagshout, pero wala talagang pumasok kahit isa. Tawa siya ng tawa nang matalo ako. “Hays… ang daya naman,” bulong ko. “Takot ka pala sa kiss, baby sister!” Nang-aasar pang sambit niya. “Miss, ang gwapo naman ng boyfriend mo!” bulong ng saleslady na halatang kinikilig habang nasa boutique kami ni Michael. “Hindi Miss… hindi ko siya boyfriend!” mabilis kong itinanggi, pero may part sa puso ko na… nanghihinayang. “Kung hindi mo siya boyfriend, miss… pwede mo ba akong ireto sa kanya?!” tila na-e-excite na tanong ng babae. “Bakit kaya hindi ikaw ang magtanong kung type ka ba niya at kung pwedeng maging kayo!” inis kong sagot. Napatingin si Michael sa akin, halatang napansin niya ang reaksyon ko. Pumikit ako ng bahagya, nag-iinit ang pisngi ko. Bakit ganito? Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Nakakainis! Naglakad na lang ako palayo para maghiwalay kami ng konti. Huminto ako sa section ng mga relo at pinili ang pinakamagandang relo para kay Michael. Pabalik na sana ako sa boutique nang mapansin ko ang isang cute na stuffed toy. Lumapit ako at hinawakan ito—malambot, may masungit na emoji na mukha. Parang kamukha ni Michael kapag naiinis. Napangiti ako nang bahagya at dinala iyon papunta sa counter para bayaran. Pagkatapos, kumain na kami ng lunch at bumalik sa kotse para umuwi. Ibinigay ko ang regalo ko kay Michael, ramdam ko ang kaunting kaba habang tinitingnan niya ito. “Belated happy birthday, Michael.” Kinuha niya ang regalo. “Thank you! Baby sister!” Nakangiting sambit niya, pero nakatingin pa rin siya sa stuffed toy na yakap ko. “Mas gusto ko ‘yang yakap mo,” sabi niya na may banayad na ngiti. “Huh? Ayaw sa akin to,” sagot ko. Nag-pout siya… ang cute naman niya! Nakakainis. “Sige, na sa ’yo na ’yan. Basta ingatan mo, ha!” sabi ko habang inaabot iyon sa kanya. Parang batang niyakap niya ang stuffed toy ko. “Thank you!” sabay kindat pa niya. “Salamat din sa pagtatanggol mo sa akin kahapon at sa pag-alaga mo sa akin, and sorry kung muntik ka nang mamatay dahil sa akin.” “Tssk, hayaan mo na ‘yon, wala na ‘yon okay,” sagot niya, sabay yakap sa akin. Bago kami bumaba ng kotse, may iniabot siya sa akin na dalawang paper bag. “Ano ’to?” kunot-noo kong tanong. “Welcome gift ko sa ‘yo!” Nakangising sambit niya. “Thank you! Nag-abala ka pa.” “Basta ’wag ka nang iiyak, ha!” natatawang biro niya. Pagpasok namin ng mansyon… Nagulat kaming pareho nang may makitang pamilyar na babae sa sala. “Babe!” Nakangiting tawag ni Cassandra kay Michael. “Cassy?! Anong ginagawa mo dito?” Gulat na sambit ko.REIGN’S POV Bahagya akong natigilan habang papalabas ng silid. Papasok na ako ng opisina. Saglit kong nilingon ang silid ni Michael—naka-lock. “Paghiwalayin kaya natin ang parents natin?” Naalala kong tanong niya kanina. “Michael… kailangan ba talagang umabot tayo sa ganito?” sagot ko, bahagya kong tinaasan ang boses para takpan ang takot sa kahihinatnan ng plano niya para sa aming dalawa. “Reign, ito lang ang way para maging official tayo.” Nasapo ko ang ulo ko. “Pero kailangan bang sirain natin ang relasyon na mayroon ang parents natin? Michael… ayokong saktan si Mama.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. “Paano naman ako? Tayo? Hindi ko ba deserve na piliin at ipaglaban? Reign, laro lang ba ako para sa ’yo? Kasi ako—may plano ako para sa atin. Pero kung ikaw, wala. Mabuti pa sigurong putulin na lang natin ’to.” Napaawang ang bibig ko sa narinig. Masakit—dahil nandito na naman kami sa puntong kailangan may piliin. Hindi na ako nakasagot. Hindi dahil wala ako
REIGN’S POV Habang naglalakad ako paakyat ng hagdan, naramdaman kong may sumunod sa akin, pero hindi ko nilingon. Pagdating ko sa taas, bigla niya akong hinila papasok sa silid ko. Tinakpan niya ang bibig ko bago pa ako makapagsalita. “Shhh,” bulong niya sa tainga ko. Dahan-dahan siyang yumuko at idinampi ang labi niya sa labi ko—marahan, parang hindi nagmamadali. Unti-unting naglakbay ang kamay niya sa loob ng blouse ko hanggang sa matunton niya ang malusog kong dibdib at marahang pinisil iyon. “Ughhh, Michael…” mahinang ungol ko. “Louder,” bulong niya. Muli niya akong siniil ng halik—mula sa labi pababa sa leeg ko. Mariin. Parang naglalagay ng marka, tanda na sa kanya lang ako. Agad niyang hinatak ang kamay ko at dinala sa tapat ng ari niyang sobrang tigas. “Michael—” nanginginig ang boses kong sambit. “You kept me waiting for so long,” mapang-akit niyang bulong sa tainga ko. “Sorry,” nahihiya kong sagot. Itinaas niya ang baba ko. “Look at me.” Sumunod ako. Muling nagl
REIGN’S POV Mahigpit kong niyakap si Michael. Tama siya. Nagpunta ako sa restaurant dahil natakot ako—na baka makipag-date siya kay Cassandra at tuluyan na siyang mawala sa akin. Inangat niya ang baywang ko, paupo sa kandungan niya. Magkaharap kaming dalawa habang marahan niyang hinahaplos ang mukha ko. “Reign,” mababa ang boses niya, halos bulong. “Look at me.” Sumunod ako. Hindi ko na itinago ang mga mata kong namumula. Mahigpit niya akong niyakap. Aircon naman sa conference room, pero ramdam ko ang init ng katawan namin habang magkadikit. “Natakot ka ba?” tanong niya. “Oo,” halos bulong ko lang. Hindi na siya nagsalita. Sa halip, idinampi niya ang noo niya sa noo ko. Tumatama sa mukha ko ang hininga niya sa sobrang lapit namin, hanggang sa dahan-dahan na niyang sinakop ang mga labi ko. “Michael…” mahina kong sabi nang maghiwalay ang mga labi namin. Tumaas lang ang kilay niya, parang naghihintay ng sasabihin ko. “Conference room ’to,” nahihiya kong sabi. Par
MICHAEL’S POV Napatiim-bagang ako dahil hindi gumagalaw si Reign sa kinatatayuan niya. Hindi ko kayang makita siyang may kasamang ibang lalaki, lalo na’t iba kapag tumitig sa kanya si William—parang may binabalak na hindi maganda. “She’s with me,” sabi ni William, diretso ang tingin. “And with all due respect… huwag kang bastos.” Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa mga sinabi niya, pero mas lalo lang akong nainis dahil pinanindigan ni Reign ang mga sinabi nito. William Martinez. Ano bang gusto mong mangyari? Bakit si Reign pa ang nilapitan mo? Kalmado lang ang itsura niya. Diretso ang tindig. Walang yabang, walang ngiti. Pero ramdam ko ang panghahamon. Napatingin ako kay Reign. Nakatungo siya. Hindi niya ako tinitingnan. At doon ako mas nainis. “Date?” malamig kong tanong, hindi kay William kundi kay Reign. Hindi siya sumagot. At mas masakit pa ’yon kaysa sigawan niya ako. “Michael,” mahinang sambit ni Cassandra sa tabi ko, bahagyang hinihila ang manggas ng suit ko. “Baka n
REIGN’S POVBahagya akong natigilan sa narinig ko. Talaga bang makikipag-date na siya kay Cassandra? Napatingin ako sa kanya—nakangiti lang siya habang nakatitig kay Michael, sabay lingon sa akin at umirap. Tsk!“What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay.Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipindot ang cellphone para magpa-reserve ayon sa gusto ni Michael. Nang matapos ang tawag, saka pa lang sila umalis sa harap ko. Napa-buntong hininga ako ng malalim bago tumayo.Pumasok ako sa rest room, kailangan kong mailihis ang sarili bago ako umiyak sa table. Ano bang dapat kong gawin? Kung hindi pa ako kikilos, baka tuluyan na siyang makasal kay Cassandra.Arghhhh! Impit kong sigaw sa loob ng cubicle.“Grabe, ang sweet ni Sir kay Ma’am Cassandra ‘no?” Kumirot ang puso ko sa narinig.“Bagay na bagay talaga sila!” Sambit naman ng isa.“Balita ko dito daw nagwowork ang stepsister ni Sir Michael? Did you know her?” Tanong ng isa. Natigila
REIGN’S POVNagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido, napapikit. Masakit. Pero mas masakit ang alaala na agad sumiksik sa isip ko bago pa tuluyang magising ang diwa ko—kung paano nagtagpo ang mga labi ni Cassandra at ni Michael kagabi. Mabilis lang. Pero sapat para ipamukha sa akin na parang wala lang ako roon. Parang hindi ako nag-e-exist.Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Alam kong nagkamali ako. Alam kong hindi ko pa siya kayang panindigan. Pero tama ba na makipaghalikan siya sa ibang babae? Tama ba na ipakita niya sa akin na kaya niya akong palitan—nang ganun lang?Pinahid ko ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Kung hindi pa ako lalaban ngayon, baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Pero paano si Mama? Paano si Tito David na gusto akong maging anak niya? Hays! Saan ba ako lulugar?Tumayo ako, pilit pinatatag ang tuhod ko. Naligo ako, nagbihis, gumayak na parang norm







