تسجيل الدخولHello, dear readers! 😄 Ang kwentong ito ay kasali sa Forbidden Vows of Love contest dito sa GoodNovel. Kung nagustuhan ninyo, puwede nyo akong i-support sa pamamagitan ng gems o panonood ng ads — sobrang nakakatulong po ito sa akin! 💛 Huwag kalimutang mag-iwan ng comment kung ano ang naiisip ninyo sa kwento; masaya akong basahin ang feedback ninyo. 😊 At kung gusto nyo, puwede nyo rin po akong i-follow sa EFBII: Gabriel Pattern, para updated kayo sa mga bagong kwento at updates. Maraming salamat po sa pagbabasa at suporta!❤️
Maagang bumangon si William para magluto sa labas ng bahay. “B-boss? Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng tulong?” hindi makapaniwalang tanong ni Jack habang pinapanood itong nakayuko sa maliit na kalan sa gilid ng bahay. Kahoy ang gamit nitong panggatong. Halos mapapikit na si William habang paypay nang paypay sa apoy na ayaw lumakas. “Fúck…” mahinang mura nito nang biglang umusok nang makapal diretso sa mukha niya. Namumula na ang mata niya at nahihilam dahil sa usok, pero patuloy pa rin siya sa pagpaypay. Napaatras siya saka napaubo. Hindi na napigilan ni Jack ang sarili, bigla itong tumawa nang malakas. “Boss! Hindi ganyan magsiga!” tawang-tawa niyang sabi habang nakahawak sa tiyan. Tiningnan siya ng masama ni William, bigla naman itong tumahimik. “Then why don’t you help me?” “Akala ko ba ayaw mo ng tulong?” natatawang sagot ni Jack. Napailing na lang si William saka muling yumuko para ayusin ang kahoy. Maya-maya, tuluyan ding lumakas ang apoy. “Sa wakas…” bulong n
Bahagyang napaatras si Reign saka umiwas ng tingin. “Wil… s-seryoso ka ba talaga sa ’kin?” Tahimik lang siyang tiningnan ni William bago marahang tumango. “Oo naman.” Lalong umiwas ng tingin si Reign. Hindi niya alam kung bakit parang biglang umiinit ang mukha niya sa paraan ng pagtitig nito. “P-pero…” “Reign…” mahina nitong tawag habang unti-unting lumalapit. “I like you… and I wanna be with you until death do us part.” Natigilan siya saka napakunot-noo. “Wait lang?! Bakit parang pangkasalan na ’yang mga linyahan mo, aber?!” natatawang tanong niya habang nanlalaki ang mga mata at namumula ang pisngi. Bahagyang natawa si William nang makita ang reaksyon niya. “Oo nga,” kalmado nitong sagot. “Hindi naman kasi kita nililigawan para maging girlfriend ko.” Agad namang kumunot ang noo ni Reign saka bahagyang nag-pout na parang nagtatampo. “Eh bakit mo pa ’ko liligawan kung—” naiinis na reklamo niya pero bigla rin siyang natigilan nang takpan ni William ang labi niya gamit ang l
Umaalingawngaw ang malakas na tugtog sa buong mansyon habang kumikislap ang ilaw sa paligid ng swimming pool. Kasabay ng beat, parang wala na sa katinuan sina Cassandra at Manang Sabel habang sabay na gumigiling sa harap ni David. “Cheers, Manang!” natatawang sabi ni Cassandra sabay lagok ng alak. Sa gitna ng lahat ng ingay at hagikgikan nilang dalawa, kapansin-pansin naman ang pananahimik ni David sa gilid ng pool. Nakaupo lang siya, nakasandal, hawak ang bote ng alak habang tuloy-tuloy na umiinom. Para bang wala siyang kasama. “Daddy!” tawag ni Cassandra sa kanya pero parang wala itong naririnig. “Sir! Let’s dance!” paos nang aya ni Manang Sabel habang pasuray-suray na lumalapit sa kanya. Pero parang wala pa rin siyang naririnig. “Manang—” agad na hinawakan ni Cassandra ang braso nito. “Magpahinga ka na. Ako na ang bahalang magligpit dito.” Tumango naman si Manang Sabel bago tuluyang pumasok sa loob. “Daddy…” malambing na ulit na tawag ni Cassandra habang dahan-d
Tahimik lang na nakatingin si Elena sa kanya. Tinakwil at hinusgahan siya ng mga tao sa paligid niya. Wala na siyang ibang mapuntahan. Mabigat man sa loob niya, napilitan siyang sumama kay David. Para sa batang nasa sinapupunan niya. Makalipas ang ilang buwan, pinakasalan siya ni David Lucero. Pero hindi na bumalik ang dating Elena. “Elena! Elena ano ba! Lumabas ka diyan!” mariing sigaw ni David, pero hindi man lang ito nag-effort tumayo para pagbuksan siya ng pinto ng silid. Madalas siyang nakakulong sa kwarto. Hanggang sa isilang niya si Michael. Buong akala ni David, babalik na ang dati nitong sigla kapag nakapanganak na siya, pero hindi. Ni minsan ay hindi man lang nito hinawakan o inalagaan si Michael. Palagi siyang may hawak na bote ng alak at sigarilyo, madalas tulala lang habang lumuluha ang mga mata. At sa tuwing maririnig nitong umiiyak si Michael dahil gusto nitong magpabuhat o magpalambing— “Tumahimik ka nga!” “Manang! Patahimikin mo nga ’yan!” mariing hiyaw n
Paulit-ulit na pinipindot ni David ang screen ng phone habang nakaupo sa gilid ng kama. Isa. Dalawa. Tatlo. Wala pa ring sagot. Humigpit ang panga niya bago marahas na ibinaba ang phone sa mesa. “Damn it… bakit ba ayaw niyang sumagot?!” Napahilamos siya sa mukha saka mabilis na tumayo at naglakad palabas ng kwarto. “Cassandra!” malakas niyang tawag. Pero walang sumasagot. “Manang Sabel?!” Tahimik pa rin ang buong mansyon. “Damn it! Nasaan ba sila?!” Unti-unting bumigat ang dibdib ni David nang marealize niyang mag-isa na lang siya sa bahay. — Bahagya siyang napatingin sa baba ng hagdan. Parang nakikita pa rin niya si Michael na may hawak na kutsilyo. At si Elena… Nakahandusay sa sahig. Duguan. Wala nang buhay. Mabilis siyang umiwas ng tingin saka agad naglakad palabas ng mansyon. Napayakap siya sa sarili nang biglang humangin nang malakas. “Fúck… bakit ba mag-isa na lang ako?!” gigil niyang bulong. Habang naglalakad papunta sa garden, mabigat
Hindi man lang nasindak ang doktor sa sinabi ni Michael. Tahimik lang itong nakikinig habang nagsusulat, na para bang sanay na sa mga ganitong usapan. “Doc…” mahina niyang tawag habang nakatitig sa kisame. Napatingin sa kanya ang psychiatrist. “Posible bang maging normal pa ’ko?” Huminga nang malalim ang doktor saka marahang isinara ang folder na nakapatong sa mesa. “Michael…” kalmado nitong sabi. “Hindi ko masasabi kung magiging ‘normal’ ka balang araw.” Bahagyang kumunot ang noo ni Michael habang nakatingin pa rin sa kisame. “Pero hindi rin ibig sabihin no’n na wala ka nang chance magbago,” dugtong ng doktor. “May mga taong natututo, hindi dahil bigla silang nagiging maayos… kundi dahil pinipili nilang harapin ’yung mga ugali at desisyon na paulit-ulit na sumisira sa kanila at sa ibang tao.” Unti-unting dumiin ang hawak ni Michael sa cube na nasa kamay niya. “Sa ’yo…” sandaling tumigil ang doktor bago muling nagsalita. “May napapansin akong pattern. Kapag nasasaktan ka o na
REIGN’S POVBahagya akong natigilan. Seryoso ba siya? Makikipag-date talaga siya kay Cassandra? Napayuko ako at napakagat nang madiin sa ibabang labi. “What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay. Seryoso talaga siya. Nanginginig ang mga kamay
REIGN’S POV Nagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido. Masakit. Pero— Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Parang nanigas ang katawan ko habang naghahalikan sila sa harap ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong pigilan sila. Pero wala akong
REIGN’S POV Napabalikwas ako ng gising nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Tss! Akala ko pa naman tumatawag na si Michael—alarm lang pala. Walang ganang humiga ulit ako sa kama. Pipikit pa lang sana ako nang— “Shit, late na ’ko!” Pasado alas-otso na ng umaga. Napangiwi ako nang maramdama
REIGN’S POV Tinapik ni Daddy ang balikat ko, na para bang kino-comfort ako. “Ano bang problema?” seryosong tanong ni Daddy kay Michael. “Kung dahil lang sa mana—” “Hindi n’yo ako naiintindihan, Dad!” putol ni Michael sa kanya. “Wala akong pakialam sa pamana n’yo. Kaya kong kumita ng pera sa sari







