LOGIN“Ma…” mahinang tawag niya. “Ang sabi ko… sino ang kausap mo?” Dahan-dahang ibinaba ni Leona ang tawag. Lumapit siya kay Reign at iginaya ito paupo sa kama. “S-si… Josef. ‘Yung sa event, naalala mo pa ba?” Dahan-dahang tumango si Reign. “B-bakit niya tinatanong kung nasaan ka?” Sandaling natahimik si Leona, parang pinag-iisipan ang isasagot. “Anak, baka nag-aalala lang. Alam mo naman ang nangyari sa mansyon ng Lucero, ’di ba? Saka… hindi na rin iba si Josef sa ’kin anak. He’s a friend.” kalmadong sagot nito. Napabuntong-hininga si Reign habang nakatingin kay Leona na para bang hindi pa rin kumbinsido. “Kaibigan ba o… may something?” mahinang dagdag niya. “Reign,” mahinahong saway ni Leona, “wala ’yon.” Pero hindi pa rin makampante si Reign. “Ma, wala namang problema kung makikipag-kaibigan ka, pero— kung magkaka-stepfather ulit ako tapos kasing sama o mas masama pa kay David, ayoko na Ma… hindi ka pa ba nadadala sa mga nangyayari sa atin ngayon?” Napatigil si Leona. Dahan-
Tulala pa ring nakatingin si Reign sa direksyon ng pintong pinasukan ni William habang mainit pa rin ang mukha niya.Dahan-dahan siyang napahawak sa labi niya saka mariing napapikit.“Diyos ko…” nahihiyang bulong niya sa sarili. “A-ako ba ang… first kiss niya?” natatawang bulong niya habang papasok sa silid ng mama niya.Pagpasok niya sa silid, himbing nang natutulog ang mama niya. Tumabi siya rito at mahigpit niya itong niyakap.“Goodnight, Mama. I love you…” bulong niya saka ito hinalikan sa noo.Umunat ng higa si Reign habang nakatitig lang sa kisame.“Alam mo, Ma, nami-miss ko na ’yung buhay natin dati na… kahit mahirap, masaya at ligtas naman tayo… hindi tulad ngayon na… nakakatakot na ’yung mga nangyayari.”Napabuntong-hininga si Reign saka nagpahid ng luha.“Lord sana… matapos na lahat ng gulo na ’to,” bulong niya saka pumikit.——Kinabukasan…“Kung hindi ka rin lang mapapasakin… dapat ka nang mamatay!”Pawis na pawis na napabalikwas ng bangon si Reign.Mabilis siyang napahawak
Maghapon na ang lumipas matapos ibalita ang nangyaring sunog sa mansyon ng mga Lucero, pero hanggang ngayon hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in kay Reign ang nangyari. Paulit-ulit pa ring nagpa-flash sa isip niya ang nagliliyab na mansyon ng mga Lucero na napanood niya sa balita sa TV. Mariin siyang napapikit at napasandal sa sofa. “A-ang ikli lang pala talaga ng buhay ’no?” hilam sa luhang sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Mahigpit siyang niyakap ni Leona habang marahang hinihimas ang likod niya para pakalmahin. “N-never kong naisip na mauuna pa pala sa ’kin si Cassandra…” garalgal ang boses ni Reign habang umiiyak. “Shhh… anak, tahan na…” mahinang sagot ni Leona. “Sabi kasi nila, kapag masamang damo ka, hindi ka agad mamamatay… pero bakit nauna pa sa ’kin si Cassandra? Ibig sabihin ba no’n, mas masama ako sa kanya?” kunot-noong tanong ni Reign habang nagpapahid ng luha. Agad siyang binatukan ni Leona. “Reign, ikaw! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Kahit gaano pa ka
Tahimik lang si Michael habang pinagmamasdan silang dalawa.“You know what?” napangisi siya. “Hindi na masaya sa bahay na ’to.”Unti-unting nagdilim ang mukha niya.“Wala na si Mommy… wala na si Reign… puro masasamang alaala na lang ang nandito.”Mariin niyang hinawakan ang lighter sa kamay.“At kayo…” parang lasing na itinuro niya ang dalawa. “Dapat na rin kayong mawala.”“Teka! Wala naman kaming ginawang masama sa ’yo!” humahagulgol na sigaw ni Manang Sabel.Biglang natawa si Michael.“Wala?” dahan-dahan siyang lumapit dito. “Ilang beses mong ginamit ang katawan ko noon habang bata pa ’ko, Manang?”Biglang namutla si Manang Sabel.“M-Michael…” nanginginig ang labi niya habang napapailing. “B-bata ka pa no’n… a-akala ko hindi mo na naaalala…”Biglang natawa si Michael pero walang buhay ang mga mata nito.“Hindi ko makalimutan,” malamig niyang sagot. “Kada hahawakan ako ng ibang tao… ikaw agad ang naaalala ko.”Unti-unting nanginig ang buong katawan ni Manang Sabel.“S-sorry… hindi ko
Walang nagawa si Sylvia kundi ang sumunod kay Michael papuntang airport. Dahan-dahan siyang lumapit dito at umupo sa tabi niya. Nilingon siya nito pero hindi nagsalita si Michael. Habang papasok sila sa boarding area, ilang beses na gustong huminto ni Sylvia. Gusto niyang magtanong. Gusto niyang magalit. Pero sa tuwing makikita niya ang mukha ni Michael, parang nawawala lahat ng lakas niya. Mahal niya ito. At kahit gaano kasakit, mas gusto niyang manatili sa tabi nito kaysa tuluyang mawala sa kanya. Pagpasok nila sa boarding gate, tahimik lang silang pumila kasama ang ibang pasahero. Pagkatapos ng ilang minuto, nakasakay na sila sa eroplano. Pagkaupo nila, agad na sumandal si Michael sa upuan at pumikit. Tahimik lang si Sylvia, nakatingin sa bintana habang pilit pinipigilan ang luha. Pero hindi niya rin kinaya. Unti-unting yumugyog ang balikat niya kasabay ng tahimik na pag-iyak. Napamulat si Michael saka napabuntong-hininga nang makita siya. “Sorry…” halos b
“Michael? What happened?” Nanlalaki ang matang tanong ni Sylvia nang makitang nanlilisik ang mga mata ni Michael habang mariing nakatitig sa telebisyon. Mabilis siyang tumakbo palapit dito. “Michael?” nag-aalala niyang tawag saka dahan-dahang sinundan ang tingin nito. Pagtingin niya sa TV, agad niyang nakita ang mukha nina William at Reign sa screen. “Breaking News! Business tycoon William Martinez finally confirmed his upcoming wedding with fiancée Reign Nicole Del Pilar—” Hindi na niya tinapos ’yon. Mabilis niyang dinampot ang remote sa sahig sabay pindot ng power-off. “Michael… kumalma ka muna—” “We’re going back to Manila. Right now.” Mariing putol niya rito. Bahagyang natigilan si Sylvia. “Michael…” halos bulong niyang tawag. “B-bakit tayo babalik?” pilit niyang pinapakalma ang boses. “May last session ka pa dito, ’di ba? Alam mo namang hindi tayo pwedeng basta na lang umalis.” Mariing napakuyom ang kamao ni Michael. “Para saan pa ’yang pagpapagamot ko kung ikakasal n
REIGN’S POV “Ikaw ang may problema, Michael. Hindi ako.” Huminga siya nang malalim. “Fine. Then answer me. Bakit ka pumayag maging Lucero?” “Sino bang nagsabing pumayag ako?” balik ko. Tahimik lang siya. “Pagkatapos nating mahuli, dumating si Dad para sa interview. I was shocked, Michael—”
REIGN’S POV Huminga ako nang malalim. “Proud po. Siyempre. Malaking bagay ang maging bahagi ng pamilyang ito.” Bahagyang dumidiin ang kamay ni Michael sa likod ko. “Single ka ba ngayon, Miss Reign?” Biglang tumahimik ang buong sala. Ramdam ko ang mga camera na nakatutok sa mukha ko. Mariin kong
REIGN’S POVKusang bumaling ang mukha ko ng lumagapak sa mukha ko ang palad ni Mama. “Kahit kailan talaga hindi ka nag-iisip eh ‘no?” Nanggagalaiting aniya. “Kung hihiwalayan ko siya, tingin mo? Makakapag stay pa tayo dito sa mansyon?” Mariin niyang hinatak ang buhok ko. “Malamang hindi na ‘di ba?
MICHAEL’S POV Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa mga sinabi ni William, pero mas lalo lang akong nainis nang umupo ulit si Reign sa pwesto niya—at ipinagpatuloy ang pagkain, na para bang wala ako sa harap niya. “Date?” malamig kong tanong kay Reign. Hindi siya sumagot. “Michael,” mahinang sambit n







