LOGINHuminga nang malalim si Elicia at unti-unting lumayo sa mag-ama, wari’y nirerespeto ang takot ni Carlo. Ngunit sa lihim niyang isipan, nag-aalab ang matinding galit niya sa bata—humanda ka talaga sa akin kapag umalis ang ama mo. “Okay lang, mahal ko,” sabi niya kay Demon, na may ngiting puno ng kunwaring pag-unawa. “Baka tama ka nga. Medyo nagiging masungit ako nitong mga nakaraang araw dahil sa sobrang pag-aalala ko tungkol sa muling pagbabalik ng ating anak.” Saglit siyang huminto, saka marahang nagpatuloy, “Pwede bang hayaan mo muna akong makipag-usap sa ibang silid sa anak natin? Baka makatulong kung kami lang muna, para maipaliwanag ko ang lahat at maipadama sa kanya ang pagmamahal ko.” “Uhmmm…” Sandaling nag-isip si Demon bago tumango, ngunit hindi pa rin niya binitawan ang kamay ni Carlo. “Sige, pero huwag mong gagawin ang anumang bagay na ikakatakot niya sa’yo, Elicia,” mariing babala niya. Bumaling si Elicia kay Demon, ang mga mata’y kunwaring puno ng sakit at pag-una
Tumingin si Elicia sa kanilang papalayong likuran, mga mata niyang umaapoy sa poot. Mariin niyang kinagat ang labi hanggang sa mamula ito. “Bakit hindi ka pa mamatay, Carlo?!” bulong niya nang mahina, ngunit puno ng galit na tila naririnig sa buong silid. Umalis siya sa bintana at diretso tinungo ang isang lihim na cabinet sa sulok. Dahan-dahang binuksan ito—nakatago roon ang isang lumang litrato: isang babae na kamukha niya, kasama ang isang maliit na bata. Mariin niyang hinawakan ang larawan, hanggang sa mamaga ang kanyang mga daliri. “Ito na lang ang natitira sa’yo, Eli… at bukas, mawawala na rin ’to,” sambit niya, ngiting malamig at mapanganib. Kinuha niya ang isang maliit na kahon mula sa ilalim ng litrato. Binuksan ito—nakatago roon ang isang maliit na vial ng puting pulbos. Ngumisi siya. “Kung hindi ka naman talaga sa amin… kung hindi ka tunay na anak namin… walang saysay na mabuhay ka pa,” bulong niya habang maingat na inilalagay ang vial sa kanyang pitaka. Biglang
Naroon si Elicia, pabalik-balik sa loob ng maluwang ngunit malamig na silid. Halos mag-echo ang tunog ng kanyang takong sa marmol na sahig habang magulo ang isip niya, parang isang kulungang walang labasan. “Bwisit… bwisit… bwisit!” pabulong ngunit puno ng poot na sigaw niya, habang mariing pinipisil ang sariling sentido. “Bakit buhay pa ang tunay na Eli pati ang bata? Bakit buhay pa rin sila?!” Huminto siya sa gitna ng kwarto, nanginginig ang mga kamay. Bumalik sa alaala niya ang araw na pilit niyang ibinaon sa limot—ang araw na sigurado siyang tapos na ang lahat. “No’ng araw na ’yon…” halos pabulong na, pero nanginginig ang boses, “sigurado akong pinatay na namin silang mag-ina. Walang dapat mabuhay. Walang dapat bumalik.” Mariin niyang kinuyom ang kamao. Ang galit, takot, at pagkabigo ay nagsasama-sama sa dibdib niya na parang lasong unti-unting pumapatay sa kanya. “Pero bakit?” bigla siyang napahiyaw. “Bakit bigla na lang silang lumitaw?! Para bang multo ng kasalanan ko!”
Sa presinto, tuluyan nang bumigay si Eli. Lumuhod siya sa malamig na sahig, halos gumapang papalapit sa mesa ng pulis na kausap niya kanina. “Maawa kayo… pakiusap,” basag ang tinig niya, paulit-ulit na nanginginig. “Hindi ko kaya… hindi ko kayang mawala siya. Anak ko ’yon… ako ang nagpalaki, ako ang nagpuyat, ako ang nagtiis.” Humahagulgol siya, noo’y halos idikit sa sahig. “Kahit ikadena ninyo ako pagkatapos… kahit ikulong ninyo ako habambuhay… basta makita lang niya ako,” umiiyak niyang sambit. “Huwag n’yo lang akong ihiwalay sa anak ko…” Ngunit nanatiling tahimik ang mga pulis. Walang galit. Walang awa. Trabaho lang. Sa Villamor Mansion, napaupo si Carlo, yakap ang sariling tuhod. Parang biglang lumiit ang mundo niya. Ang dalawang babaeng parehong nagsasabing ina niya—parehong sugatan, parehong umiiyak. “Kung hindi kayo…” nanginginig niyang wika, hindi na makatingin kaninuman, “bakit parang… may mali sa lahat?” Napapikit si Demon, parang tinamaan ng mabigat na katot
Sobrang bigat ng hangin sa presinto. “HINDI AKO PWEDE MAKULONG! ANAK KO ANG BATANG IYON!” Basag at paos na ang boses ni Eli habang paulit-ulit niyang isinisigaw ang parehong linya, tila ba bawat sigaw ay kapit sa natitirang lakas ng kanyang kaluluwa. “Kahit pa sabihin ninyo kay Demon Villamor na ipa-DNA TEST AKO AT NG ANAK KO!” halos manginig na siya. “Malalaman nila… MALALAMAN NILANG AKO ANG TUNAY NA INA NG BATA!” Napaupo na siya sa sahig, yakap ang sarili, pero hindi huminto ang bibig niya sa pagsigaw—hanggang sa makulitan na ang mga pulis. Nagkatinginan ang mga ito bago tuluyang tinawagan ang Villamor hotline. Samantala, sa Villamor Mansion, mabigat din ang katahimikan. Nakatayo si Carlo Torrez Villamor sa gitna ng maluwang na sala—maliit ang katawan, nanginginig ang mga kamay, at halatang litong-lito. Ang pangalang iyon ang ibinigay ni Eli sa kanya. Apelyidong mabigat dalhin. Apelyidong may kapangyarihan… at dugo. Dahan-dahang lumapit si Demon Villamor. Hindi galit a
“Limang taon na!” halos mapunit ang lalamunan ni Elicia sa tindi ng sigaw. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang nakatitig siya kay Demon, ang mga mata’y namumula at punô ng galit at sakit. “Limang taon na simula nang mawala ang anak ko!” nangingibabaw ang panginginig sa bawat salitang binibitawan niya. “Hindi kaya… ang batang ’yan ang anak namin ni Demon na matagal nang nawawala—at ikaw ang may kagagawan ng pagkawala niya!” Biglang nanlamig ang paligid. Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong garden venue bago ito napalitan ng sunod-sunod na bulungan. Ang mga bisita’y nagkatinginan, ang ilan ay napahawak sa dibdib, ang iba nama’y napasinghap sa gulat. “Anak ni Sir Demon?” “Limang taon ang edad… parang tugma…” “Hindi kaya totoo ang sinasabi niya?” Unti-unting lumakas ang mga usap-usapan, tila alon na unti-unting nilalamon ang engrandeng selebrasyon. Biglang nanigas ang panga ni Demon. Kumislap ang malamig at mabangis niyang mga mata habang mahigpit na kinuyom







