Home / Romance / FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND / 🔥Chapter 21. Sagutan ng Mag-ina 👭

Share

🔥Chapter 21. Sagutan ng Mag-ina 👭

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-11-16 13:14:16

Niyakap ni Elicia ang kumot nang mas mahigpit, para bang iyon na lang ang natitirang proteksyon niya laban sa bigat na unti-unting bumabagsak sa dibdib niya. Isa-isang tumulo ang luha, hanggang sa tuluyan na siyang mapahikbi—mahina sa una, pero mabilis na lumakas habang nauunawaan niya ang nararamdaman.

Napahawak siya sa ulo, sabunot-sabonot ang buhok habang nanginginig ang balikat.

“Ang tanga mo, Elicia…” bulong niya, paos at durog ang boses.

“Ang tanga-tanga mo!”

Tumulo ang luha sa pisngi niya nang walang preno.

“Bakit ka naniwala? Bakit ka umasa? Bakit mo hinayaang… ganito?”

Pinulot niya ang perang nakakalat, at habang hawak-hawak niya ang mga papel na tila naglalaman ng insulto, mas lalo siyang napahagulhol.

“Ano ba ’to? Bayad? Ganun ba ko sa’yo? Ganun ba ako kahalaga?”

Tumulo na naman ang luha, mas mabilis, mas masakit.

Hindi niya alam kung galit ba siya kay Demon, o galit siya sa sarili niya—pero ramdam niyang mas mabigat ang pangalawa.

“Tanga… tanga ka, Elicia…” bulon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 135

    “Kailangan kong mahanap si Elina! Alam kong siya ang kumuha sa apo ko!” Mabigat ang boses ni Leonardo, puno ng galit at pangamba. Nanginginig pa ang kanyang kamao habang hawak ang gilid ng mesa sa police station. Walang paalam, tumalikod siya at mabilis na naglakad palabas—parang may sariling isip ang mga paa niya. Hindi niya ininda ang sigaw ng pulis na humahabol sa kanya. Ang tanging nasa utak niya: Torrez Residence, ang dati nilang tirahan, ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Sa labas, sumalubong ang malamig na hangin ng gabi. Bumuga ito ng usok sa bawat paghinga niya. Nakasakay siya agad sa kanyang sasakyan, padabog na isinara ang pinto, at pinaandar iyon na parang karerista—nag-iiskid pa ang gulong sa sementong basa ng ambon. Hindi niya alam… may anino na sumusunod sa kanya. Habang si Demon, seryosong nakaupo sa likod ng tinted na itim na van sa tapat ng presinto, tahimik na nagmamasid. Bahagyang umangat ang kanyang tingin. “Rumwaldo, ipasundan mo si Leonardo. Ngayon di

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 134

    Wala. Kahit ilang ulit nilang sinuyod ang ilalim ng ilog, kahit mangalay ang mga braso at manginig ang mga tuhod sa lamig, wala silang nakita—ni bakas ng sanggol, ni anumang palatandaan na naroon pa ito. Unti-unting umatras ang mga pulis, mabibigat ang mga hakbang, iwas ang mga tingin. Ang ilog ay nanatiling tahimik, parang sadyang itinatago ang katotohanan. Sa huli, wala nang nagawa kundi ang umalis. Tahimik ang biyahe pauwi sa mansion. Walang nagsasalita. Si Elicia ay nakatitig lamang sa bintana, yakap ang basang lampin na tila huling hibla ng pag-asa, habang tahimik na dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi. Si Demon naman ay tuwid ang upo, mahigpit ang kamao, ang mga mata’y puno ng dilim at pangakong hindi bibitaw. Pagdating sa mansion, sinalubong sila ng malamig na katahimikan—isang tahanang kumpleto sa yaman, ngunit lubos na kulang sa pinakamahalaga: ang anak na hindi nila nahanap. Ngunit sa puso ni Demon, malinaw ang isang bagay—hindi pa ito ang wakas. Hahanapin niya ang kato

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 133

    Isang mensahe ang muling lumitaw sa screen ng phone ni Demon—ngunit hindi ito galing kay Janice. Atty. Rumwaldo. Sir Demon, na-trace na namin ang lokasyon ng numerong binanggit ninyo. Saglit na tumigil ang mundo ni Demon. Tumigas ang kanyang panga, at dahan-dahang humigpit ang hawak niya sa telepono. Sa wakas. Isang hakbang palapit sa anak niya. Isang hakbang palapit sa katapusan ni Janice. Mabilis siyang nag-type, walang pag-aalinlangan. “Okay. Puntahan n’yo na agad ang lugar. Magsama ka ng mga pulis. Hulihin n’yo na ang babaeng ’yon.” Pinindot niya ang send—parang hatol na ibinagsak. Agad niyang pinatay ang tawag at huminga nang malalim, pilit kinokontrol ang nag-aalimpuyong galit sa dibdib—galit na matagal nang nagbabantang sumabog. Lumapit siya kay Elicia at marahang hinawakan ang kamay nito, ramdam ang panginginig ng mga daliri niya, ramdam ang takot na pilit nitong itinatago. “Tara na, Elicia,” mahina ngunit buo ang tinig ni Demon. “Nahanap na nila kung nasaan ang anak m

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 132

    Sinenyasan ni Janice ang isa sa mga tauhan. Isinubsob nila ang kontrata sa harap ng Don, kasama ang bolpen na halos nanginginig sa ibabaw ng mesa. “Pumirma ka,” malamig na utos niya. “Ngayon na.” Nanginginig ang kamay ni Don Ignacio habang dinadampot ang bolpen. Pawis na pawis ang noo niya, hirap ang paghinga, at nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang mukha ng apo—ang tanging dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang nakatayo sa impyernong iyon. Isang pirma. Dalawa. Hanggang sa mabuo ang huling guhit ng kanyang pangalan. Pagkababa ng bolpen, biglang nanlupaypay ang katawan ni Don Ignacio. “Don!” sigaw ng isa sa mga tauhan, ngunit huli na. Bumigay ang kanyang tuhod, at parang punong pinutol sa ugat, bumagsak siya sa sahig—wala nang malay. Bumagal ang galaw ng kanyang dibdib, halos hindi na makita ang paghinga. Saglit na natahimik ang buong sala. Pagkatapos, ngumisi si Janice. “Hayaan n’yo siya,” malamig niyang sabi. “Hindi pa siya

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 131 SPG

    Dahan-dahan bumaba ang kamay ni Demon sa pang-ibabang bahagi ng katawan ni Elicia—bawat hakbang ay may bigat na nagpapalakas ng kaba at init sa kanya. Ang balat ni Elicia ay nanginginig, ang kanyang hininga ay naging mabilis habang nararamdaman ang kamay ni Demon na lumalapit sa kanyang kepyas. Napabukaka si Elicia, sabay sabi. “Asawa ko na siya, hindi lang sa papel, mahal ko na siya at may anak kaming dapat iligtas.. Kaya hindi ko na kayang tutulan pa ang ginagawa niyang pag-angkin sa akin..” bulong ni Elicia, ang boses niya ay puno ng luha at determinasyon—ang takot ay napalitan ng pag-ibig at pangangailangan na iligtas ang kanilang pamilya. “Demon… ituloy mo na ang ginagawa mo! Hindi na ako makapaghintay pa!” dagdag pa ni Elicia, ang kanyang tinig ay matapang ngunit may kalituhan—hinihintay niya ito, naghihintay na yakapin ng buong puso ang pagiging kanya. “Yes.. Sweety,” sagot ni Demon, ang boses niya ay puno ng pagnanasa at pagmamay-ari—hindi na niya kinaya pang maghintay.

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 130. SPG

    Sinimulan ni Demon ang pag-overtake sa isang mahabang truck nang biglang umuga ang manibela. Isang malakas na kalabog ang nagmula sa ilalim ng sasakyan—parang may sumabog na bakal. “Ano ’yon?!” sigaw ni Elicia, napakapit sa dashboard. Hindi na nakasagot si Demon. Bumagal ang takbo ng kotse, hanggang sa tuluyang huminto sa gitna ng highway. Umusok ang hood, amoy sunog na goma ang pumuno sa hangin. Sumigaw ang makina ng huling hirap na ungol bago namatay. Napatingin silang dalawa sa labas. Madilim na ang paligid. Ang highway ay tila isang walang katapusang guhit ng kawalan. Walang ilaw maliban sa malalayong poste na kumukurap na parang pagod na bituin. Walang sasakyan, walang tao—tanging hangin at dagundong ng sarili nilang kaba. “Demon…” nanginginig ang boses ni Elicia. “Sira na ata ang sasakyan, anong gagawin natin Demon?” “Jan ka lang, wag kang bababa,” mariing sabi ni Demon, pero may halong pag-aalala na hindi niya kayang itago. Sumunod si Elicia, tahimik na tumango—

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status