تسجيل الدخولTahimik si Elicia habang nag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Paminsan-minsan, napapatingin siya kay Mr. Demon na abala sa pagtitig sa bintana. Hindi ito nagsasalita, ngunit ramdam niya ang bigat ng presensya nito.
Hanggang sa marinig niya ang malamig pero mahinang boses ng CEO, “Elicia… huwag kang lalayo.” “May ipapagawa pa po ba kayo, Mr. CEO?” mahinahong tanong ni Elicia, hawak pa ang mga dokumentong kakabigay lang sa kanya. “May trabaho pa po kasi ako at… kailangan kong sundan ang Mama ko. Baka hindi niya alam kung saan niya ako hahanapin.” Tumingin si Mr. Demon Villamor mula sa kanyang mesa. Tahimik muna ito bago marahang tumango. “Uhmmm… sige. Pero bumalik ka kaagad,” malamig ngunit may bahid ng pag-aalala ang tono niya. “Hindi ako sanay na may umaalis nang walang paalam sa akin, Miss Torrez.” “Po? A—ah, opo. Babalik po ako agad,” sagot ni Elicia, halos hindi alam kung paano babasahin ang tono ng CEO. Paglabas niya ng opisina, napahinga siya nang maluwag, parang nakawala sa bigat ng tensyon na kanina pa bumabalot sa kanya. Doon niya nakita sa labas si Daniel Valdez, may hawak na mga folder, halatang galing din sa meeting. “Sir Daniel, buti nandito ka,” ani Elicia, bahagyang ngumiti. “Ikaw na muna ang bahala sa mga papeles habang wala ako. Lalabas lang ako sandali.” Ngunit agad na napansin ni Daniel ang bahagyang pamumutla ni Elicia. “Okay ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ni Mr. Demon?!” may halong kaba at inis ang boses nito. “Huh? Hindi naman po!” mabilis na sagot ni Elicia, sabay iling. “Kinakabahan lang po ako. Kasi minsan, hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi ni Mr. CEO. Parang laging may ibang ibig sabihin.” Sandaling tumigil si Daniel, saka ngumiti nang pilit. “Ah… ganun ba. Sige, ako na muna dito. Mag-ingat ka, Elicia. At huwag ka masyadong magpapagod.” Ngumiti si Elicia, bahagyang nag-iwas ng tingin. “Salamat, Sir Daniel.” Habang papalayo si Elicia, sinundan siya ng tingin ni Daniel—mahaba, puno ng damdaming hindi niya kayang sabihin. “Uhmmm… Elicia,” bulong niya, halos pabulong sa sarili. “Kung alam mo lang…” Ngunit bago pa tuluyang makalayo si Elicia, lumingon sandali si Daniel, at nang makitang walang tao sa paligid, agad siyang pumasok sa loob ng opisina ng CEO—walang katok, walang paggalang, diretsong nilock ang pinto. “Papa!” singhal niya agad, puno ng bigla at sama ng loob. “Anong ginagawa niyo rito? Bakit bigla kayong bumalik dito?!” Napalingon si Demon mula sa mesa, bahagyang kumunot ang noo. “Uhmm… Oh, Daniel. Wala kang karapatang questionin ako. Narito ka sa kompanya ko bilang isang tauhan—hindi bilang anak ko. Kaya huwag mo akong sinasabihan ng ganyan.” “Tauhan?” mapait na tawa ni Daniel. “Tao lang ako ngayon, ‘no? Pero hindi niyo puwedeng itago, Papa! Alam kong may dahilan kung bakit kayo bumalik! Sawa nanaman ba kayo sa buhay niyo? May bago na naman kayong babaeng nilalaro?!” Mariing itinukod ni Demon ang kamay sa mesa. “Lapastangan ka, Daniel! Hindi mo alam ang sinasabi mo!” “Talaga? Hindi ba totoo?” pasigaw na tugon ni Daniel. “Sawa nanaman ba kayo sa mga babaeng nakapaligid sa inyo kaya bumalik kayo rito sa kumpanya?! Sawa na kayo kaya gusto niyo ulit maghanap ng bago?!” Tinitigan siya ni Demon—matindi, malamig, ngunit sa ilalim noon ay may bahid ng sakit. “Tama ka,” malamig niyang sabi, halos walang emosyon. “Sawa na ako. Pero hindi dahil sa mga babae, Daniel. Sawa na ako sa pagkukunwari. Sawa na ako sa mga taong nag-aakalang alam nila kung sino ako.” Nagpatuloy siya, marahang ngumiti nang may bahid ng pighati. “At oo… gusto ko ng bago. Gusto ko ng taong hindi madaling pagsawaan. At sa ngayon… I like Eli—” “Stop!” sigaw ni Daniel, agad siyang lumapit. “Hindi siya kagaya ng mga babaeng gusto mo, Papa! Hindi siya para sa iyo! Si Elicia ay mabait, inosente, at tapat sa trabaho! Wag mo siyang isasama sa mga babaeng nilalapastangan mo!” Umangat ang kilay ni Demon, bahagyang natawa, ngunit ang mga mata niya ay seryoso. “Nilalapastangan?” aniya. “Hindi mo ako kilala, Daniel. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin… o kung bakit ko ginagawa ang mga ito.” “Hindi ko kailangang malaman!” mariing tugon ng binata. “Basta tandaan mo, Papa—hindi lahat ng babae ay laruan mo. Si Elicia ay hindi mo kailangang kontrolin. Hindi siya katulad ng iba!” Tahimik si Demon. Matagal siyang tumitig sa anak niya bago marahang nagsalita. “Kung alam mo lang, Daniel…” bumaba ang boses niya, halos bulong. “Si Elicia ang babaeng hindi mo dapat pinoprotektahan laban sa akin—dahil siya mismo ang dahilan kung bakit ako bumalik.” Natigilan si Daniel. “A-ano’ng ibig mong sabihin?” Ngumiti si Demon, malungkot at misteryoso. “May mga lihim na mas mabigat pa sa pagkakamali, anak. At ang lihim na iyon… hawak ko.” Tahimik. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig sa loob ng opisina. At doon nagsimula ang katahimikang punô ng mga tanong—isa sa puso ni Daniel, at isa sa puso ng lalaking tinatawag nilang Mr. Demon Villamor. “Kahit ano pa ang dahilan niyo,” madiin na sabi ni Daniel, malamig ang tinig at matalim ang titig, “hindi sapat para gawin niyong laruan si Elicia.” Bahagya siyang ngumisi, puno ng hamon. “Dahil si Elicia…” tumigil siya sandali, nag-angat ng tingin sa ama, “…ay akin. Lihim kong minamahal—at kahit CEO ka pa, hindi mo siya basta makukuha.” “Tandaan mo rin sana,” malamig ngunit mabigat ang boses ni Mr. Demon, “kaya ka nandito sa opisina ko ay dahil sa akin.” Lumapit siya kay Daniel, mariing nakatingin. “Isang salita ko lang, pwede kang mawala sa kompanyang ‘to—at sa mundo ni Elicia. Kaya bago mo ako hamunin, isipin mong mabuti kung hanggang saan kaya mong panindigan ‘yang tapang mo.”Sa loob ng Villamor Tower, naroon ang pekeng si Elicia kasama ang mag-amang sina Demon at Carlo. “Gusto ko nang umuwi sa mama ko!” malakas na sigaw ni Carlo nang magising siya sa loob ng silid. “Stop crying, Carlo! Kahit kailan, hindi ka na makakabalik sa mama mo!” matalim na saad ng pekeng Elicia habang mariing nakatitig sa bata. Mas lalo lamang umiyak si Carlo dahil sa takot. “STOP CRYING! Kapag narinig ka ni Demon, papatayin ko ang mama mo!” galit na sigaw nito. “So… iyon pala talaga ang plano mo? Ang patayin ang tunay na si Elicia?” malamig na boses ang biglang umalingawngaw mula sa likuran nila. Nanlaki ang mga mata ng pekeng Elicia nang makita si Demon na nakatayo sa may pinto. “N-No… mali ang iniisip mo, Demon. Hindi ko—” “STOP PRETENDING!” mariing putol ni Demon. “Mga pulis, hulihin ninyo ang babaeng ito! At hanapin ninyo ang tunay kong asawa—si Elicia Villamor!” Agad na nilapitan ng mga pulis ang babae habang pilit itong nagpupumiglas. Lumipas ang ilang oras. Bumuk
“Tama ba ang ginagawa ko?” bulong ni Eli sa sarili habang nakatayo sa gitna ng katahimikan ng paint house. Para bang ang buong lugar ay humihinga nang mabagal, at siya lang ang hindi makasabay. “Bakit parang may mali… pero hindi ko maintindihan kung ano?”Hinawakan niya ang sariling sentido. May kumikirot na alaala sa likod ng kanyang isip, parang piraso ng salamin na hindi niya maikabit-kabit. “Bakit wala akong maalala nang maayos? Sino ba talaga si Daniel sa akin? At… anong dahilan niya para tulungan ako?”Ang mga tanong ay umiikot sa kanyang isipan na parang bagyong hindi tumitigil. Kanina lang, umalis si Daniel. Tahimik. Biglaan. At may bigat sa kanyang mga mata na parang may iniwan siyang hindi kayang sabihin.Ilang oras ang lumipas.Hindi mapakali si Eli. Sa bawat hakbang niya sa loob ng silid, tila may bumubulong sa kanya mula sa dingding, mula sa kisame, mula sa sarili niyang dibdib. Parang may katotohanang pilit lumalabas, pero siya mismo ang humaharang.Hanggang sa may napan
“Anong nangyayari? Sino ba ang taong dumating?” malakas na tanong ni Eli, halatang nag-aalala habang nakatago sa silid. “S-si Fiona…” maikling sagot lang ni Daniel. Hindi na niya naramdaman ang kirot ng sugat at ang dugong dumadaloy sa kamao niya; tila panandaliang napawi ng bigat ng emosyon na bumabalot sa kanya. Si Fiona ang dumating? Anong sinabi niya? Hinahanap ba niya ako?” tanong ni Eli sa sarili, bahagyang nanginginig sa takot at pag-aalala. “Hindi ka niya hinahanap,” mahinang paliwanag ni Daniel, pinapahid ang pawis sa noo. “Hindi mo ba narinig? Buong akala niya, ang babaeng kasama ni Demon ay ikaw… at hindi ibang tao.” Napabuntong-hininga si Eli, bahagyang napangiti sa gitna ng kaba. Hindi niya inasahan ang ganitong pangyayari—isang kalituhan na, sa kabutihang palad, nagbigay sa kanya ng panandaliang kapanatagan. Ngunit sa puso ni Daniel, nanatili ang galit at poot. Ang pagkawala ng kanyang ina at ang panlilinlang ni Demon ay patuloy na bumabalot sa kanya, sabay sa
“PASADO alas sais na nang makarating sina Eli at Daniel sa isang kompanya na dati nilang pinapasukan ni Fiona—at kung saan si Daniel ang manager noon. Bahagyang madilim pa ang paligid. Kakaunti pa lang ang empleyadong dumarating, at ang malamig na hangin ng umaga ay tila may dalang kaba. “Bakit dito tayo pumunta?” mahinang tanong ni Eli habang palinga-linga. “Baka makita tayo rito ni Demon? ’Di ba lagi siya rito? Kasi siya ang may-ari ng—” “’Wag kang mag-alala,” putol ni Daniel, malamig ngunit kontrolado ang boses. “Hindi na siya pumupunta rito. Ang kompanyang ito ay pag-aari ko na… at wala na siyang karapatang pumunta pa rito.” Napatigil si Eli. “Anong ibig mong sabihin?” Tahimik lang si Daniel. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa susi ng kotse, iwas ang tingin. May mga bagay na hindi pa niya kayang ipaliwanag. “Pumasok na tayo. Baka may makakita pa sa ’yo,” mabilis niyang sabi. “Talagang may makakakita sa akin dito. Kompanya ito,” sagot ni Eli na may halong inis at kaba.
Humakbang palapit si Daniel kay Elicia, mabigat ang bawat galaw na para bang pinag-iisipan niya ang bawat salitang lalabas sa kanyang bibig. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata nito—mga matang punong-puno ng sakit, pagod, at matagal nang kinimkim na pag-asa. “Elicia,” marahan ngunit mariin niyang tawag. Napatingin si Elicia sa kanya. Namumugto ang kanyang mga mata, bakas ang puyat at walang tigil na pag-iyak sa mga nagdaang araw. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit niyang niyayakap ang sarili, tila pinipigilan ang sariling tuluyang bumigay. “Tutulungan kitang makuha ang anak mo sa pamilyang Villamor.” Parang tumigil ang mundo ni Elicia sa sandaling iyon. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata, at napaatras siya ng kalahating hakbang, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig. “T-talaga?” nanginginig niyang tanong. “Hindi ka nagsisinungaling, Daniel? Hindi mo lang ba ako binibigyan ng maling pag-asa?” Napalunok siya, at tuluyan nang tumulo ang isang lu
Madaling-araw nang magising si Eli. Mabigat ang pakiramdam ng kanyang katawan at masakit ang ulo niya. Sa dilim, unti-unti niyang inalala ang lahat—at doon siya kinabahan. “Kailangan kong tumakas… kailangan kong mabawi ang anak ko sa babaeng ’yon,” nanginginig niyang sabi. “Ako ang tunay na Elicia, kaya ako ang dapat na nasa lugar niya.” Tumayo siya kahit nanghihina ang tuhod at buong lakas na sumigaw, “Tulungan niyo ako! Please! Tulungan niyo ako!” Ngunit walang sumagot. Ang boses niya’y agad nilamon ng katahimikan. Doon niya napagtantong nasa loob siya ng isang bodega—malawak, malamig, at walang kahit sinong makakarinig. Naupo siya sa sahig, pilit pinipigilan ang takot, nang bigla siyang makarinig ng mahinang katok sa pader. Tok… tok… Nanlaki ang mga mata ni Eli. Mabilis siyang tumayo. “May tao diyan! Tulungan niyo po ako!” sigaw niya, umaasang may sasagot. Sa halip, biglang lumakas ang katok. Sunod-sunod na kalabog ang tumama sa pader, paulit-ulit at mariin, dahilan p
Dok… ang pasyente! Nagaagaw-buhay po siya!” sigaw ni Mang Cardo, nanginginig sa takot habang halos mahulog ang hawla ng IV sa kamay niya. Sa loob ng kaluluwa ni Demon, biglang bumagsak ang lahat ng emosyon. Tumigil ang kanyang paligid, tila nag-ikot ang mundo sa kanya—an
Ang lakas naman ng loob mong sabihin ’yan!” sigaw ng babae, nanginginig sa galit. “Baka nakakalimutan mong ako ang nakatayo sa loob at pamamahay ng mga Villamor ngayon! At wala kang kahit anong patunay na kasal ka talaga kay Demon! Dahil sa anak kong si Janice siya ikinasal?!” Bawat salita ay para
Sa Villamor Mansion… Bakit sobrang tahimik ng lugar? Bakit wala ng mga bodyguard at mga katulong na makikita sa labas? Tanong ni Elicia, nanginginig ang boses sa halong takot at pag-aalala. Ang dating masiglang mansyon ay tila naging libingan ng katahimikan. “Miss… ano po ang kailangan mo?! Walan
“Lucas…” mahinang ulit ni Leonardo, tila may bigat ang bawat pantig. Kumunot ang noo niya, at sa isang iglap ay may bakas ng lungkot sa malamig niyang mga mata. “Si Ursula ang pumili ng pangalan?” “Yes, Sir,” magalang na sagot ng yaya, bahagyang yumuko. “Iyon po ang bilin niya.” Saglit na pumikit







