เข้าสู่ระบบ“No,” sagot ni Demon nang may kapangyarihan at pahiwatig ng proteksyon. “Elicia, sa akin ka. Ako ang bahala sa iyo. Sa mundo ko, ako ang nagdidikta… at ako rin ang nagtatakda ng tamang hakbang.”
Ang tinig niyang malalim at kontrolado ay umalingawngaw sa buong lobby ng Fashion Industry. Tahimik ang lahat, tila natigilan sa bawat salitang binitawan ng kanilang CEO. Ngunit sa di kalayuan, isang pamilyar na mukha ang napatigil sa paglalakad—ang ina ni Elicia. Napaatras siya, hawak ang dibdib, parang nilamig. Hindi niya inasahan ang lalaking makikita niya roon. Siya ‘yon… ang tanging nasambit ng isip niya. Ang lalaking iniwan niya noon. Ang lalaking minahal niya nang buong puso. At ngayon, ang lalaking pinakikitunguhan ng anak niya—si Mr. Demon Villamor, ang CEO ng Fashion Industry, ang dating asawa niyang akala niya’y tuluyan nang nawala sa buhay nila. “Si—si Demon?” mahinang bulong niya, halos hindi marinig. “Si Demon ang CEO ng Fashion Industry?!” Napatakip siya sa bibig. “Nagkataon lang ba ito… o pinaglalaruan kami ng tadhana?” Kumakabog ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang anak at ang lalaking minsan niyang minahal. May halo ng takot, gulat, at kirot sa kanyang mga mata. “Madam, okay lang po ba kayo?” tanong ng isang bodyguard na nakapansin sa pamumutla niya. “Ah—oo… ayos lang ako,” pautal niyang sagot, pilit na pinapanatiling matatag ang boses. Pero sa loob niya, may gulong hindi niya maipaliwanag. Narinig iyon ni Elicia, ngunit hindi siya makalingon. Ramdam niya ang pagkalito ng ina, ngunit mas nangingibabaw ang bigat ng presensya ni Demon sa tabi niya. “Elicia, let’s go,” sabi ni Demon, matatag ngunit mahinahon. Ang boses niya ay hindi basta utos, kundi paanyayang mahirap tanggihan—isang tono ng lalaking nasanay masunod. “Yes… Sir,” mahinang sagot ni Elicia habang nanginginig ang kamay. “Dito po ang daan.” Tahimik silang naglakad papunta sa elevator. Ramdam ni Elicia ang bawat tingin ng mga tao sa paligid—ang ilan ay may paghanga, ang iba’y may pag-usisa. Ngunit ang lahat ay nakapako sa kanila, sa kakaibang koneksyong hindi pa nila nauunawaan. Pagpasok nila sa elevator, nagsalita si Demon. “Mukhang kilala mo ang babaeng iyon kanina.” “Babae, sir?” tanong ni Elicia, iwas ang tingin. “Ah… si Mama po iyon.” Sandaling natahimik si Demon, bago marahang ngumiti—isang ngiting hindi niya ipinapakita sa iba. “Mama mo?” aniya, halos bulong. “I see.” Tumitig siya sa salamin ng elevator, tila nagbabalik ang mga alaala. “Ang mundo talaga, Elicia,” wika niya sa malamig na tono, “hindi nagpapatawa. Kung minsan, inuulit lang nito ang mga kasalanang akala mong nalimot mo na.” Hindi nakaimik si Elicia, ngunit naramdaman niya ang bigat ng bawat salitang iyon. Sa likod ng pormal at gwapong anyo ni Mr. Demon Villamor, may lalaking puno ng sugat, galit, at hindi natapos na pag-ibig—at ngayon, tila ang anak ng babae iyon mismo ang magbabalik sa lahat ng alaala. “Simula ngayon,” patuloy ni Demon habang bumukas ang pinto ng elevator, “ayoko ng mga lihim sa pagitan natin, Miss Torrez. Napakunot-noo na lamang si Elicia habang lihim na pinagmamasdan ang CEO nila. Minsan ay hindi niya maintindihan kung paano nagagawang magsalita ni Mr. Demon Villamor nang ganoon—diretso, walang paligoy, at madalas ay may halong lamig na nakakayanig ng loob. Ngunit sa kabila ng kanyang kasungitan, may kung anong karisma ang hindi maipaliwanag. Parang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay may bigat, ngunit may hatak na hindi mo kayang iwasan. Tahimik silang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo, patungo sa opisina ng CEO. Ang marahang tunog ng sapatos ni Demon sa marmol na sahig ay tila musika sa gitna ng tensyon. Hindi alam ni Elicia kung bakit, pero bawat sandali na magkasama sila, lalo siyang kinakabahan—at sabay naroon ang kakaibang paghanga. “Okay lang po ba kayo, Mr. CEO?” mahinahong tanong ni Elicia, pilit na pinapakalma ang sarili. “Kanina po kasi, parang… may kakaiba sa reaksyon ninyo nang makita ninyo si Mama.” Sandaling huminto si Demon, saka mabagal na tumingin sa kanya. Ang mga mata niya ay malamig, ngunit sa ilalim nito ay may lalim na tila puno ng nakatagong emosyon. “Ang Mama mo?” aniya sa mababang tinig, halos marinig lamang ni Elicia. “Nope. Hindi ko siya kilala—at ayokong makilala pa.” Nabigla si Elicia. Hindi niya inaasahan ang ganoong sagot. Parang may pinaghuhugutan, parang may galit na nakatago sa likod ng bawat salita. “Ah, g-ganun po ba,” mahinang tugon ni Elicia, hindi makatingin. “Pasensya na po, baka po napahiya ko kayo kanina…” Ngumiti si Demon, isang ngiting mahirap basahin—parang mapanganib, pero kaakit-akit. “Hindi mo ako kailangang hingan ng pasensya, Miss Torrez. Wala kang ginawang mali. Sanay na akong may mga taong nagtatanong ng mga bagay na hindi naman nila kayang intindihin.” Napalunok si Elicia. Hindi niya alam kung insulto ba iyon o simpleng pahayag. Pero sa halip na mainis, mas lalo siyang na-curious. “Pasensya na po talaga, Sir. Hindi ko na po uulitin.” Lumapit si Demon nang bahagya, halos ilang pulgada lang ang pagitan nila. “Wag kang masyadong mag-alala,” sabi niya, mabagal, halos bulong. “Hindi ako madaling masaktan. Pero may mga tanong na… mas mabuting hindi binubuksan.” Tumango na lang si Elicia, pilit na umiwas ng tingin, ngunit naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung dahil sa kaba o dahil sa paraan ng pagtitig ni Demon sa kanya—matalim, pero may kakaibang init. Pagkapasok nila sa opisina, tumungo si Demon sa malaking bintana at tumingin sa labas ng lungsod. “Miss Torrez,” wika niya sa pormal na tono, “huwag mong hayaang mahulog ang focus mo. Ang trabaho dito ay hindi laro. Kapag nagkamali ka, hindi ako magdadalawang-isip na palitan ka.” “Yes, Sir,” sagot ni Elicia, halos pabulong. Ngunit habang pinagmamasdan niya ang CEO—ang tikas ng tindig, ang awtoridad sa boses, at ang tila malungkot na lalim sa mga mata nito—isang tanong ang hindi mawala sa isip niya: Bakit parang hindi lang siya basta galit? Bakit parang nasasaktan din siya? At doon nagsimulang mabuo sa puso ni Elicia ang isang bagay na hindi niya dapat maramdaman—paghanga na unti-unting nahahaluan ng pag-ibig.Pagkatapos ng tensyonadong tagpo sa loob ng Parmacy, halos mabingi ang dalawa sa katahimikan habang bumibiyahe pabalik. Wala ni isa man sa kanila ang gustong magsalita. Si Daniel ay paulit-ulit na sumusulyap kay Elicia—maputla, malamig ang mga mata, at halatang malayo ang iniisip. Samantalang si Elicia ay nakatanaw lamang sa labas ng bintana, hawak-hawak ang bag na naglalaman ng bagay na ayaw pa niyang harapin. Pagdating nila sa Torrez Residence, agad bumigat ang hangin. “Salamat…” maiksing sabi ni Elicia bago pa man tuluyang buksan ang pinto. “Walang anuman,” sagot naman ni Daniel, pilit pinapakalma ang sarili. Pero bago pa sila makagalaw, may malakas at matalim na boses ang pumutol sa kanila. “Sino ‘yan?!” Nasa pintuan ang ina ni Elicia—si Elina—nakapamaywang, nakakunot ang noo, at kitang-kita ang halong pagtataka at inis sa mukha nito. “Magandang gabi po,” magalang na bati ni Daniel. Bigla namang nagbago ang tono ni Elina, naging peke ang ngiti sa labi. “Tuloy ka, hijo.” H
Habang patuloy ang pag-ikot ng mga gulong sa kalsadang basa pa ng ambon, nananatiling tahimik si Daniel sa pagmamaneho. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya kay Elicia, na nakasandal sa bintana, maputla, tila hinang-hina. “Elicia… sigurado ka bang ayaw mong magpacheck-up? Kanina ka pa kinakabahan—” “Ihinto mo,” mahina pero mariing sabi ni Elicia, hindi man lang tumitingin sa kanya. Napakunot ang noo ni Daniel. “Ha? Ihahatid na kita sa bahay niyo. Makakapagpahinga ka—” “I said, stop!” biglang sigaw ni Elicia, ngayon ay may halong panginginig ang boses. Agad na bumigat ang dibdib ni Daniel. Sa gulat at pag-aalala, madiin niyang ipinreno ang sasakyan. “Okay, okay! Sige, huminto na ako—Elicia, anong nangyayari?” Pero bago pa niya mabuksan ang seatbelt niya, mabilis na bumaba si Elicia, halos mabunggo ang pintuan sa pagmamadali. Patakbo siyang nagtungo sa gilid ng kalsada, hawak ang tiyan, at doon tuluyang bumulwak ang sunod-sunod na pagsusuka na kanina pa niya pinipigilan. “Elicia!”
“Baka pagod lang ako…” mahina niyang bulong sa sarili habang marahan niyang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Pilit niyang inaalo ang dibdib na kanina pa kumakabog nang hindi niya maintindihan. Dahan-dahan siyang tumayo, napapikit pa sa bigat ng ulo, at binuksan ang pinto upang sumagap ng hangin. Pagkalabas niya, agad siyang sinalubong ng malamlam na ilaw sa hallway. “Danica… pwede na ba akong umalis? Masama kasi pakiramdam ko…” halos pabulong niyang sabi, sabay hawak sa sentido. “Ikaw na muna bahala. Ikaw na rin bahalang magsabi kay—” “Ako na ang maghahatid sa ’yo sa bahay niyo.” Halos manigas ang buong katawan ni Elicia. Ang lalim ng boses. Ang diin. Ang tono. Parang— Parang si Demon. Nanlaki ang mga mata niya, napalingon nang dahan-dahan, parang natatakot makita kung sino ang nandoon. “De-Demon…?” Pero nang tuluyang makita ang mukha ng lalaki sa ilalim ng ilaw, mas lalo siyang napaatras. Si Daniel. Hindi si Demon. Pero ang boses… ang bigat ng presen
Lumipas ang dalawang linggo. Walang tawag. Walang email. Walang kahit anong balita kung kailan babalik si Demon. Para bang biglang nabura ang presensya ng lalaking dati ay kayang patigilin ang buong opisina sa isang iglap. Sa HR—walang info. Sa Board—puro shoulder shrug. Sa buong kumpanya—tahimik, masyado, nakakangilabot na tahimik. Pero para kay Elicia… bawat araw lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Hanggang sa isang umaga, habang inaabot niya ang stapler, biglang umikot ang paningin niya. Sumakit ang sikmura niya nang parang kinukuyog, at bago pa niya mapigilan, mabilis siyang kumaripas papunta sa banyo. “Hoy! Ano nangyayari sa’yo, Elicia?!” sigaw ni Danica, nagmamadaling sumunod. “Ano bang nakain mo at panay suka ka diyan?” Hindi na nakasagot si Elicia. Nakasubsob siya sa lababo, umaalulong ang sikmura, halos walang lumalabas kundi hangin pero masakit, sobrang sakit… at hindi normal. “Girl, ano ba?” tanong ni Danica habang kumakatok sa pinto ng cubicle. “Imposible namang buntis
Pov: Elicia Pagkapasok ko sa department namin, parang mas mabigat pa ang katahimikan kaysa sa pag-alis ni Demon mismo. Ang daming tao. Ang daming ingay. Pero sa loob ko—para akong nilaglag sa kawalan. Humigpit ang hawak ko sa bag, pilit na sinusupil ang kaba na kanina pa kumakalam. Umalis si Demon. Umalis… kagabi. Hindi ko matanggap. Hindi ko maunawaan. At habang naglalakad ako papunta sa workstation ko, biglang may sumulpot sa harap ko na parang multo—pero sobrang ingay. Si Daniel. “Hoy!” malakas nitong bati, may hawak pang kape at donuts. Medyo mas matagal ang tingin niya sa mukha ko bago siya ngumiti. “Ang blooming mo ata ngayon, ah? Bagay sa’yo yung pagka-fresh kahit puyat ka.” Napakurap ako. “Ay, hindi… ah—” Pero bago pa ako makabuo ng sagot, umikot na agad si Daniel sa swivel chair niya, halos napapadyak sa saya. Para bang sinadya niyang i-lighten ang mood ko. “Alam mo ba? First time ata sa buong taon na walang nagtatakbuhan dahil kay Sir Demon.” Kum
Tumigil ang ina, para bang may sasabihin—pero mabilis ding pinutol ito ng panginginig ng labi niya. Hindi niya kayang sagutin. Hindi niya kayang aminin. At higit sa lahat… ayaw niyang aminin. “Ma…” muli ni Elicia, mas mahinahon pero mas masakit. “Kil—kilala niyo ba siya?” Imbes na sumagot, napaatras ang ina. Parang ang mismong pangalan ni Demon ay apoy na ayaw niyang hawakan. “Huwag mo na siyang banggitin.” Mahina pero mariin. Walang sigaw, pero puno ng takot. “Ma, bakit?” nauutal si Elicia. “Ano bang meron sa kanya? Bakit parang—” “Hindi mo na kailangang malaman!” putol ng ina, pero hindi ito galit. Ito’y desperado. “Elicia… may mga taong mas mabuti nang hindi mo pinapakialaman. At isa na siya doon.” Napakunot ang noo ni Elicia, mas lalo pang nabuo ang kaba sa loob niya. “Pero bakit po?” Tumulo ang luha sa pisngi niya. “Ma, tanong lang ’yon… bakit parang natatakot kayo?” Napatingin ang ina sa kanya—isang tingin na punô ng bigat, hindi mapakali, pero hindi rin makabi







