LOGINSa bahay nina Elicia Torre...
“Wow! Ang bango ng niluluto mo, ah!” wika ni Leonardo na ama ni Elicia..habang papasok sa kusina, halatang kagagaling lang sa trabaho. May bitbit pa itong helmet at mga blueprint, suot pa ang polo na may bahid ng alikabok. “Ulam ba natin ‘yan, Mahal?” Ngumiti ang ina ni Elicia, halatang masaya habang inaayos ang isang lalagyan ng pagkain. “Hindi nuh! Para kay Elicia ‘to. Naawa ako kanina nang tumawag siya — sabi niya, wala pa raw siyang almusal. Kaya naisip kong dalhan siya ng baon sa opisina.” Napataas ang kilay ni Leonardo. “Ngayon mo lang siya bababaonan?” biro nito. “Ilang taon na siyang nagtatrabaho sa fashion industry, ngayon mo lang naisipan?” “Hoy!” natawa ang ginang. “Ang dami ko rin ginagawa dito sa bahay, no. Pero ngayong araw na ‘to, espesyal — kasi darating daw ang CEO nila. Ayoko namang gutom ang anak ko habang nakikipagkita sa malaking tao.” “Ah, kaya pala todo effort ka sa adobo,” sabi ni Leonardo sabay amoy sa kawali. “Parang may halong pagmamahal at konting sermon.” “Pagmamahal lang, walang sermon,” sagot ng ina ni Elicia na may halong tawa. “Eh ikaw naman, bakit maaga kang umuwi? Akala ko may project ka pa sa site?” “Umuwi lang ako kasi na-miss kita,” sagot ni Leonardo sabay ngisi. “Tsaka curious ako kung ano’ng hitsura ng ‘baon mission’ mo.” “Sus, palusot lang ‘yan!” biro ng asawa habang hinahalo ang adobo. “Halata namang gusto mong makikain!” “Eh ano pa nga ba,” tawa ni Leonardo. “Pero seryoso, nakakatuwa ka. Ngayon mo lang naisipan dalhan ng pagkain ang anak mo, pero parang buong barangay ang niluto mo.” “Para sigurado,” sagot ng ina. “Malay mo, pati boss niya makatikim. Baka ma-impress!” “Teka, teka…” ngumisi si Leonardo. “Baka naman pati boss ligawan mo ng adobo mo, ha?” “Loko!” sabay hampas niya sa braso ng asawa gamit ang sandok. “Sige ka, ‘pag tinuloy mo pa ‘yan, ikaw ang babalutin ko ng banana leaf!” Tawanan sila nang tawanan, at pagkatapos ay inayos ng ginang ang baon sa isang eleganteng lalagyan. “Ayan, perfect. Dadalhin ko ito bago mag-10:00 a.m., siguradong matutuwa ‘yung bata.” “O, siya, Mahal,” sabi ni Leonardo habang inaabot ang bag niya, “ako na mauna. Ingat ka ha, at ‘wag kang magpagutom sa biyahe.” “Hoy, ikaw ang mag-ingat. Baka mamaya, sa sobrang pagmamadali mo, maisip mong i-propose ulit sa akin!” biro ng babae. “Eh kung oo?” sagot ni Leonardo sabay kindat. “Araw-araw kita liligawan.” “Basta, sa susunod, ikaw naman magluto!” hirit niya habang naglalakad palabas ng bahay. Ilang oras ang lumipas… Nakahanda na ang lahat. Maayos na nakadisenyo ang lobby ng Fashion Industry Headquarters — makintab ang marmol na sahig, may chandelier na kumikislap, at amoy mamahaling pabango sa buong paligid. Ang mga staff ay nakapila nang maayos, nakangiti ngunit halatang kinakabahan. Si Elicia, nakatayo sa gitna, suot ang simpleng cream na corporate dress, buhok ay maayos na nakapusod. Habang hinihintay ang CEO, pilit niyang pinapakalma ang sarili. “Girl, ayusin mo ‘yang lipstick mo,” bulong ni Fiona habang nag-aayos ng blazer. “Baka pagdating ni Mr. Villamor, magmukha kang multo.” “Ha-ha, salamat sa confidence boost,” sarkastikong sagot ni Elicia. “Ikaw kaya ang kabahan, baka ikaw ang tanungin.” “Hindi ko problema ‘yun,” sagot ni Fiona sabay kindat. “Kung kasing gwapo daw ng sinasabi ‘yung CEO, baka mag-volunteer pa akong salubungin siya.” “Pwede ka naman, oh,” singit ni Danica sa likod. “Pero baka pag ngumiti siya, matunaw ka agad.” Napailing si Elicia, sabay hinga nang malalim. “Bakit ba kasi ako pa ang napili? Sa dami ng staff dito…” “Eh kasi ikaw daw ‘yung may charm,” pang-aasar ni Fiona. “Baka pag nakita ka niya, biglang may pa-background music: ‘You’re the one that I want...’” “Tumigil ka nga, Fiona!” sabi ni Elicia, pero hindi napigilan ang mapangiti. “Baka tuluyan akong ma-stroke sa harap ng CEO dahil sa kakulitan mo.” “Basta kalma lang, bes,” paalala ni Danica. “Ipakita mo kung bakit ka pinili ni Manager. Galingan mo, baka ma-promote ka!” Napatingin si Elicia sa wall clock — 11:28 a.m. Dalawang minuto na lang bago dumating ang CEO ng kumpanya — Mr. Demon Villamor — ang lalaking kilala sa buong fashion industry bilang perpeksiyonista, malamig, at imposibleng mapasaya. “Lord,” bulong ni Elicia sa sarili, “kung mabango ang adobo ni Inay, sana sapat ‘yon para swertehin ako ngayong araw.” Ilang minuto lang, ang abalang kalsada sa labas ng Fashion Industry ay biglang huminto. Mga sasakyan’y nagsitigilan, nagbigay daan sa isang hindi inaasahang pangyayari. Ang mga mata ng mga nagmamasid ay nakatuon sa isang makintab na itim na SUV na dahan-dahang huminto sa harap ng gusali. Mula sa sasakyan, bumaba ang matikas at misteryosong CEO na si Mr. Demon Villamor. Ang kanyang presensya ay agad nagdulot ng tensyon at kuryusidad sa paligid, tila bawat tao’y nakaramdam ng kakaibang pangungusap. Ang simpleng pagdating niya ay nagbunsod ng usap-usapan, intrigang mahirap kalimutan. “Go na! Miss Elicia Torrez!” sigaw ni Fiona, sabay sikil sa siko para bigyan daan si Elicia. Maingat ngunit determinado, lumapit si Elicia sa makintab na SUV na nakaparada sa harap ng Fashion Industry. Ang bawat hakbang niya ay may halong kaba at kumpiyansa, ramdam ang titig ng mga tao sa paligid. Bumukas ang pinto ng sasakyan, at isang malamig ngunit makapangyarihang aura ang bumalot sa lugar nang lumabas si Mr. Demon Villamor. Hindi na lang simpleng pagdating ito—tila bawat galaw ni Elicia at ng CEO’y nagdulot ng tensyon at palaisipan sa mga nakasaksi. “Ikaw ba si Miss Elicia Torrez?” tanong ni Mr. Demon Villamor, may halong katigasan at kawalang-pasensya, pero sa kanyang pormal na tindig, ramdam ang awtoridad at karisma. “Yes-yes po, ako nga po. Welcome back po sa Fashion Industry. Ang tagal niyo pong nawala,” mahinang sagot ni Elicia, habang hindi niya maiwasang mamangha sa kanyang presensya. “Matagal na nawala?” kunot ang noo ni Demon, ngunit sa bawat salita’y ramdam ang tiyak na kontrol. “Sa bawat oras na lumipas, may mga bagay na hindi na puwede ibalik. At sa opisinang ito, walang puwang para sa pagkukulang.” Narinig ang sigaw ni Daniel: “Miss Elicia! Pumunta ka sa office, at ako na ang bahala kay Mr. CEO!” “No,” sagot ni Demon nang may kapangyarihan at pahiwatig ng proteksyon. “Elicia, sa akin ka. Ako ang bahala sa iyo. Sa mundo ko, ako ang nagdidikta… at ako rin ang nagtatakda ng tamang hakbang.”Wala. Kahit ilang ulit nilang sinuyod ang ilalim ng ilog, kahit mangalay ang mga braso at manginig ang mga tuhod sa lamig, wala silang nakita—ni bakas ng sanggol, ni anumang palatandaan na naroon pa ito. Unti-unting umatras ang mga pulis, mabibigat ang mga hakbang, iwas ang mga tingin. Ang ilog ay nanatiling tahimik, parang sadyang itinatago ang katotohanan. Sa huli, wala nang nagawa kundi ang umalis. Tahimik ang biyahe pauwi sa mansion. Walang nagsasalita. Si Elicia ay nakatitig lamang sa bintana, yakap ang basang lampin na tila huling hibla ng pag-asa, habang tahimik na dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi. Si Demon naman ay tuwid ang upo, mahigpit ang kamao, ang mga mata’y puno ng dilim at pangakong hindi bibitaw. Pagdating sa mansion, sinalubong sila ng malamig na katahimikan—isang tahanang kumpleto sa yaman, ngunit lubos na kulang sa pinakamahalaga: ang anak na hindi nila nahanap. Ngunit sa puso ni Demon, malinaw ang isang bagay—hindi pa ito ang wakas. Hahanapin niya ang kato
Isang mensahe ang muling lumitaw sa screen ng phone ni Demon—ngunit hindi ito galing kay Janice. Atty. Rumwaldo. Sir Demon, na-trace na namin ang lokasyon ng numerong binanggit ninyo. Saglit na tumigil ang mundo ni Demon. Tumigas ang kanyang panga, at dahan-dahang humigpit ang hawak niya sa telepono. Sa wakas. Isang hakbang palapit sa anak niya. Isang hakbang palapit sa katapusan ni Janice. Mabilis siyang nag-type, walang pag-aalinlangan. “Okay. Puntahan n’yo na agad ang lugar. Magsama ka ng mga pulis. Hulihin n’yo na ang babaeng ’yon.” Pinindot niya ang send—parang hatol na ibinagsak. Agad niyang pinatay ang tawag at huminga nang malalim, pilit kinokontrol ang nag-aalimpuyong galit sa dibdib—galit na matagal nang nagbabantang sumabog. Lumapit siya kay Elicia at marahang hinawakan ang kamay nito, ramdam ang panginginig ng mga daliri niya, ramdam ang takot na pilit nitong itinatago. “Tara na, Elicia,” mahina ngunit buo ang tinig ni Demon. “Nahanap na nila kung nasaan ang anak m
Sinenyasan ni Janice ang isa sa mga tauhan. Isinubsob nila ang kontrata sa harap ng Don, kasama ang bolpen na halos nanginginig sa ibabaw ng mesa. “Pumirma ka,” malamig na utos niya. “Ngayon na.” Nanginginig ang kamay ni Don Ignacio habang dinadampot ang bolpen. Pawis na pawis ang noo niya, hirap ang paghinga, at nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang mukha ng apo—ang tanging dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang nakatayo sa impyernong iyon. Isang pirma. Dalawa. Hanggang sa mabuo ang huling guhit ng kanyang pangalan. Pagkababa ng bolpen, biglang nanlupaypay ang katawan ni Don Ignacio. “Don!” sigaw ng isa sa mga tauhan, ngunit huli na. Bumigay ang kanyang tuhod, at parang punong pinutol sa ugat, bumagsak siya sa sahig—wala nang malay. Bumagal ang galaw ng kanyang dibdib, halos hindi na makita ang paghinga. Saglit na natahimik ang buong sala. Pagkatapos, ngumisi si Janice. “Hayaan n’yo siya,” malamig niyang sabi. “Hindi pa siya
Dahan-dahan bumaba ang kamay ni Demon sa pang-ibabang bahagi ng katawan ni Elicia—bawat hakbang ay may bigat na nagpapalakas ng kaba at init sa kanya. Ang balat ni Elicia ay nanginginig, ang kanyang hininga ay naging mabilis habang nararamdaman ang kamay ni Demon na lumalapit sa kanyang kepyas. Napabukaka si Elicia, sabay sabi. “Asawa ko na siya, hindi lang sa papel, mahal ko na siya at may anak kaming dapat iligtas.. Kaya hindi ko na kayang tutulan pa ang ginagawa niyang pag-angkin sa akin..” bulong ni Elicia, ang boses niya ay puno ng luha at determinasyon—ang takot ay napalitan ng pag-ibig at pangangailangan na iligtas ang kanilang pamilya. “Demon… ituloy mo na ang ginagawa mo! Hindi na ako makapaghintay pa!” dagdag pa ni Elicia, ang kanyang tinig ay matapang ngunit may kalituhan—hinihintay niya ito, naghihintay na yakapin ng buong puso ang pagiging kanya. “Yes.. Sweety,” sagot ni Demon, ang boses niya ay puno ng pagnanasa at pagmamay-ari—hindi na niya kinaya pang maghintay.
Sinimulan ni Demon ang pag-overtake sa isang mahabang truck nang biglang umuga ang manibela. Isang malakas na kalabog ang nagmula sa ilalim ng sasakyan—parang may sumabog na bakal. “Ano ’yon?!” sigaw ni Elicia, napakapit sa dashboard. Hindi na nakasagot si Demon. Bumagal ang takbo ng kotse, hanggang sa tuluyang huminto sa gitna ng highway. Umusok ang hood, amoy sunog na goma ang pumuno sa hangin. Sumigaw ang makina ng huling hirap na ungol bago namatay. Napatingin silang dalawa sa labas. Madilim na ang paligid. Ang highway ay tila isang walang katapusang guhit ng kawalan. Walang ilaw maliban sa malalayong poste na kumukurap na parang pagod na bituin. Walang sasakyan, walang tao—tanging hangin at dagundong ng sarili nilang kaba. “Demon…” nanginginig ang boses ni Elicia. “Sira na ata ang sasakyan, anong gagawin natin Demon?” “Jan ka lang, wag kang bababa,” mariing sabi ni Demon, pero may halong pag-aalala na hindi niya kayang itago. Sumunod si Elicia, tahimik na tumango—
Sinundan nila ang tunog ng iyak, papalayo sa mismong lugar ng krimen. Palakas nang palakas ang iyak habang papasok sila sa mas masukal na bahagi ng damuhan. Humahawi ang mga pulis ng matataas na talahib, habang si Leonardo ay halos hindi na makahinga sa kaba. “Diyan… diyan galing,” sabi ng isang pulis, itinataas ang kamay. Pagdating nila sa gilid ng isang maliit at halos tuyong sapa, napatigil silang lahat. Tumigil ang lahat nang mas lalong luminaw ang tunog. Hindi ito iyak ng sanggol. Ito ay mahinang ungol at impit na meeee na pumuputol-putol. “Sandali…” napakunot-noo ang isang pulis. Lumapit siya sa ilalim ng puno at maingat na hinawi ang mga damo. At doon sila napatingin. Isang maliit na kambing, marumi sa putik, bahagyang nakatali sa lubid na halos mapigtas na. Nanginginig ito, tila gutom at takot—pero malinaw na hindi sanggol. Napatigil si Leonardo. Para bang biglang nawala ang lakas ng kanyang mga tuhod. “…Kambing?” paos niyang sambit. Tahimik ang paligid. Walang nags







