로그인
Boardroom. 37th Floor. Ratajkowski Group Tower.
8:03 AM. “Five minutes, Ms. Ratajkowski,” paalala ni Marcus, ang aking assistant. Tumango lang ako nang hindi man lang inaalis ang tingin sa aking laptop. Ramdam ko ang bigat ng araw na ito, pero hindi ito ang unang beses na haharap ako sa ganitong sitwasyon. Nakasuot ako ng signature na pulang kolorete sa labi, at ang aking itim na Armani blazer ay sadyang isinuot ko para magbigay ng mensahe—na ako ay handa, matatag, at hindi madaling patitinag. Hindi ako kinakabahan kapag may mga deal. Hindi ako kinakabahan kahit harapin pa ang pinakamatitinding kalaban sa negosyo. Pero sa pagkakataong ito… iba ang nararamdaman ko. Kinakabahan lang ako sa isang bagay—sa multo. At ‘multo’ talaga ang tawag ko sa kanya. Ang multo ng nakaraan ko, ang multo ng puso kong dinurog at iniwan noon pa man. “Damien Harrington is here,” bulong ni Marcus, parang nababasa niya ang takot na pilit kong itinatago. “Kasama ang buong legal team niya.” Sa isang iglap, parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Damien Harrington. Ang pangalang matagal kong pilit na nililimot. Ang pangalang naging bangungot at pangarap ko nang sabay. Ang nagmamay-ari ng Harrington Holdings—ang kumpanyang matagal naming kaalitan at ngayon ay kailangang makasundo. At higit sa lahat… ang lalaking iniwan ako sa altar. Limang taon na ang nakalilipas. Isang simpleng text message lang ang natanggap ko noon, ilang oras bago ang seremonya: Don’t wait for me. Pumikit ako nang mariin. Huminga nang malalim at dahan-dahang nagpakawala ng hangin. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong maging Megan Ratajkowski—ang CEO, hindi ang babaeng iniwan. “Ano pa hinihintay natin?” tanong ko, matatag at walang halong panginginig ang boses. “Let’s go.” Pagbukas ng malalawak na pinto ng boardroom, sabay-sabay na tumayo ang mahigit dalawampung matataas na opisyal. Mga miyembro ng lupon, mga mamumuhunan, mga abogado… lahat ng mata ay nakatuon sa akin. Naglalakad ako nang may awtoridad, puno ng enerhiya at kumpiyansa. Walang anumang bitak sa maskara ng aking pagkatao. Pero sa sandaling nakita ko siya sa kabilang dulo… gumuho ang lahat ng depensa ko. Nakatayo siya sa dulong bahagi ng mahabang mesa. Nakasuot ng tailored navy suit na bumagay nang husto sa kanyang maputing balat. Walang kurbata, at nakataas hanggang siko ang manggas ng kanyang damit, na parang kakagaling lang sa isang matinding labanan. Mas matangkad siya kumpara sa alaala ko, mas malaman at mas payat nang kaunti, pero mas mapanganib ang dating. Ang linya ng kanyang panga—na minsan ko nang hinaplos at nahawakan noon—ay mas matalim at mas seryoso ngayon. At ang kanyang mga mata… madilim na kayumanggi, matindi at tumatagos sa kaluluwa… nakatuon nang diretso sa akin. Walang pag-iwas. Walang bakas ng pagsisisi. Sa loob ng limang segundong katahimikan, walang nagsalita. Parang lahat kami ay nasa isang libingan—libingan ng aming nakaraan, libingan ng pag-ibig namin noon. “Good morning,” panimula ko. Malamig. Propesyonal. Walang emosyon. “I’m Megan Ratajkowski, CEO of Ratajkowski Group. Let’s begin.” Hindi siya ngumiti. Hindi man lang siya yumuko bilang pagbati. “Damien Harrington,” sagot niya lang. Mas malalim ang boses niya kumpara sa naaalala ko. Mas mabigat. “Harrington Holdings.” Dahan-dahan siyang lumapit. Isang hakbang. Dalawang hakbang. Kahit malayo pa siya, naamoy ko pa rin ang pamilyar niyang pabango. Amoy ng sedro o cedarwood at may halong kung anong matapang at madilim na sangkap. Amoy ng lalaking minahal ko… at amoy ng lalaking sumira sa akin. “Ms. Ratajkowski,” tawag niya sa akin sabay abot ng kanyang kamay. “Mr. Harrington,” tugon ko habang tinatanggap ito. Nang magdikit ang aming balat… parang kumidlat sa buong sistema ko. Mainit. Matatag. At nakakabaliw na pamilyar. Nanginginig ang mga daliri ko, pero mahigpit kong kinuyom ang palad ko para itago ito sa kanya. Lumapit siya nang bahagya, sapat para tanging ako lang ang makarinig sa kanyang ibinulong. “You look good, Megan. Stronger.” “Less naive,” sagot ko pabalik sa mahinang boses, bago ko biglang binawi ang aking kamay at umatras. Akmang uupo na ako sa pangunahing upuan sa dulo ng mesa, pero nagulat ako nang umupo rin siya sa kabilang dulo. Diretso sa tapat ko. Wala nang ibang pwedeng pwesto para sa kanya. Parang sadyang inayos ng tadhana na magkaharap kami. Nagsimula na ang presentasyon. Mga numero. Mga proyekyon. Mga tuntunin ng pagsasama. Ang Ratajkowski Group at Harrington Holdings—kapag nagsama, ito ang magiging pinakamalaking kasunduan sa loob ng isang dekada. May halagang labindalawang bilyong piso ang nakasalalay dito. Pero sa totoo lang… wala akong marinig kahit isa sa mga sinasabi ng mga nagsasalita. Dahil sa buong oras, nakatitig lang siya sa akin. Hindi sa mga slides. Hindi sa mga abogado niya. Sa akin lang. Tinitingnan niya ako na parang binabasa ang bawat detalye ng mukha ko. Parang sinasaulo niya ang bawat kurba, bawat galaw, parang limang taon siyang nagkulang at ngayon ay sinusulit niya ang bawat segundong nakikita ako. “Any questions from the Harrington side?” tanong ni Marcus, na sumira sa matagal na katahimikan. Hindi man lang siya lumingon kay Marcus. Nakadikit pa rin sa akin ang kanyang mga mata. “One,” sagot niya. Nanahimik ang buong kwarto. Parang huminto ang paghinga ng lahat. Sumandal siya paharap, nakapatong ang siko sa mesa. “Why did you take this deal, Megan? You don’t need us. Alam ng lahat na nasa tuktok na ang Ratajkowski Group. Kayo na ang hari ng industriya.” Ginamit niya ang pangalan ko… pero kasunod ang apelyido ko. Parang mga estranghero lang kami. Mas masakit pa ito kaysa sa pag-alis niya noon. Mas masakit pa kaysa sa lahat ng luha ko noon. “Because business is business, Mr. Harrington,” sagot ko habang pilit na ibinibigay ang isang ngiting walang kainit-initan. “Not personal.” “Everything between us is personal,” sagot niya. Mababa lang ang boses, pero malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko. Nanigas ako sa aking kinauupuan. “Let’s keep this professional,” putol ko sa sasabihin pa sana niya. “Next slide, please.” Pero hindi pa siya tapos. Dahan-dahan siyang tumayo. Mabagal at sadyang ipinararamdam ang bawat kilos. Lumakad siya palapit sa pwesto ko at huminto mismo sa gilid ng aking upuan. Lahat ng tao sa kwarto ay tila natigilan. Walang gumagalaw, walang nagsasalita. Naglatag siya ng isang makapal na folder sa mesa, sa mismong harapan ko. “Non-negotiable clause,” aniya. “Section 9.3.” Binuksan ko ito. Itim at puti. Puno ng mga legal na salita at kondisyon. Pero sa pinakailalim na bahagi, may nakasulat sa kamay. Pamilyar na sulat-kamay. Ang sulat-kamay na minsang sumulat ng mga pangako at tula para sa akin. “Meet me. Tonight. 9 PM. Sky Lounge. One hour. Then I’ll sign whatever you want. -D” Tinaas ko ang tingin ko sa kanya, puno ng galit at pagkamuhi. “This is inappropriate,” bulong ko, halos hindi na marinig dahil sa diin ng aking ngipin. “This is necessary,” sagot niya nang diretso ang tingin. “For both of us.” Isinara ko nang malakas ang folder. Pilit at mabilis. “We’ll review this with our legal team,” anunsyo ko sa buong kwarto. “Meeting adjourned for lunch break.” Nang igalaw ko ang ulo ko bilang senyales, sabay-sabay na nagsitayuan ang lahat ng tao at nagsimulang lumabas. Pero si Damien… hindi pa rin umaalis. Yumuko siya nang bahagya, malapit sa aking tainga. Ang init ng hininga niya ay dumampi sa aking leeg. “Limang taon, Megan. Limang taon kitang hinanap sa bawat sulok ng mundo. Huwag ka nang tumakbo ngayon.” At pagkatapos noon, umalis na siya. Naglakad palayo nang hindi lumilingon. Walang paliwanag. Walang paalam. Parang limang taon na ang nakalilipas, inulit niya ulit ang ginawa niya. Tanghali. Opisina ko. 40th Floor. Wala akong gana kumain. Naglagay lang ako ng kaunting salad sa plato, pero hanggang doon lang ito nanatili—hindi nagalaw, hindi nahawakan. Kumatok si Marcus at dahan-dahang sumilip. “You okay, Boss? Namumutla kayo.” “Fine lang,” sagot ko. Pero alam kong hindi siya naniniwala. Kahit ako, hindi ako naniniwala sa sarili ko. Mahigpit pa rin ang hawak ko sa folder na iniwan niya. Binuksan ko ulit ito. Tinitigan ko ang Section 9.3. Walang kakaiba sa mga nakasulat na kondisyon. Legal na legal. Pero ang maliit na sulat sa ilalim… iyon ang pumatay sa akin. One hour. Then I’ll sign whatever you want. Mayabang. Mapang-angkin. Parang wala siyang pinagbago. Parang hindi siya ang lalaking iniwan akong umiiyak sa loob ng simbahan, nakasuot ng puting damit na dapat sana ay simbolo ng kaligayahan, pero naging damit ng kahihiyan at pagkasira ng pagkatao. Biglang umugong ang aking telepono. Unknown Number. Alam ko agad kung sino ito. Damien: 9 PM. Don’t make me wait again. Mapait akong napangiti at mahinang tumawa. Maghintay? Ako ang naghintay sa’yo ng limang taon, Damien. Limang taon akong nagtanong kung nasaan ka at kung buhay ka pa ba. Me: I don’t meet exes at night. At lalong hindi sa ganyang oras at lugar. Damien: I’m not your ex. I’m the man who never stopped being yours. Sa inis, inihagis ko ang telepono ko papunta sa sofa. Bakit ngayon lang siya bumalik? Bakit ngayong kailangan ko siya para sa pagsasamang ito? Nagkataon lang ba ito? O isa itong sakit ng ulo na matagal na niyang pinaghandaan? Ang pagsasamang ito… hindi lang ito basta negosyo. Ang pondo at kita mula rito ang magliligtas sa ospital ng nanay ko. Ito ang magsisiguro na mananatiling bukas ang pasilidad na nag-aalaga sa kanya. Ito rin ang magsisiguro sa trabaho ng mahigit tatlong libong empleyado na umaasa sa kumpanya namin. Kaya ba siya bumalik? Dahil alam niyang sa puntong ito, kailangan ko siya? 7:45 PM. Sky Lounge. Penthouse ng Harrington Tower. Hindi ako dapat nandito. Laban sa lahat ng katwiran, laban sa lahat ng pangako ko sa sarili ko na lalayo na ako sa kanya… nandito pa rin ako. Dahil kailangan ko ang kasunduang ito. Dahil sa nanay ko. Dahil sa mga taong umaasa sa akin. At higit sa lahat… dahil sa maliit at tangang bahagi ng puso ko—yung bahaging akala ko ay patay na—gusto pa rin ng kasagutan. Gusto pa rin ng katapusan. Nandoon na siya pagdating ko. Nakatayo sa harap ng malawak na salamin kung saan tanaw ang buong liwanag ng siyudad ng Maynila. Wala na ang amerikana ng kanyang suot, nakabukas ang ilang butones ng kanyang puting damit, at nakataas muli ang manggas. May hawak siyang baso ng whiskey, dahan-dahang iniinom habang nakatingin sa malayo. Nang lumingon siya, parang tumigil ulit ang ikot ng oras. “You came,” wika niya. Simple lang ang pagkakasabi, pero kitang-kita ang ginhawa at kagalakan sa kanyang mukha. Parang batang matagal nang naghihintay sa regalo. “One hour lang,” paalala ko habang nakahalukipkip, pinapakita na nandito lang ako para tapusin ang kailangang tapusin. “Talk. Then we’re done. Pipirma ka na, at maghihiwalay na tayo ng landas.” Tumango siya. Itinuro ang upuan sa tapat niya. “Drink?” “Water lang,” sagot ko. Siya mismo ang bumuhos ng tubig at inabot sa akin. Nang magdikit ulit ang aming mga daliri… ramdam ko pa rin ang kuryente. Matapos ang limang taon, pareho pa rin ang epekto niya sa akin. “So,” panimula ko nang matalim ang tingin. “Bakit? Bakit mo ako iniwan noon? At bakit ka bumalik ngayon lang?” Ibinaba niya nang malakas ang kanyang baso sa mesa. Tumunog ito nang malakas, kasabay ng bigat ng kanyang dinadala. “Because I had to,” sagot niya. Seryoso. Mapait. “My father was dying noon. At si Isabelle—ang pangalawang asawa niya—ang babaeng gusto siyang agawan ng lahat… nagbanta siya. Banta niyang papatayin ang nanay mo kung hindi ko kakanselahin ang kasal. May hawak siyang ebidensya. Mga medikal na rekord, mga taong handang gumawa ng paraan. Sinabi niyang lalason niya ito o papapahirin niya ito sa mundo.” Nanlamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay kinilabutan ako sa sinabi niya. “Sinungaling,” bulong ko, pero may bahid ng pagdududa. “Pwede mo naman sanang sinabi sa akin. Pwede tayong lumaban nang sabay. Pwede tayong tumakas nang sabay.” “I was only 25 years old noon, Megan,” pag-amin niya. Medyo basag na ang boses niya. “Batang-bata pa ako. Takot. At tanga. Akala ko sa paraang iyon mapoprotektahan kita. Akala ko kapag nawala ako sa buhay mo, kapag kinasuklaman mo ako, iiwan ka nila at hindi ka na guguluhin pa. Akala ko ang pagkawala ko ang pinakaligtas na opsyon para sa’yo.” “Ang pagkawala mo ay duwag na gawain,” giit ko. Nagsimula nang uminit ang mga luha sa gilid ng aking mga mata, pilit kong pinipigilan na bumagsak. “Siguro,” tango niya, puno ng pagsisisi. “Pero ito ay duwag na gawain na isinilang dahil sa pagmamahal. Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko noong kinabukasan, nang makita ko ang pangalan at litrato mo sa mga balita? ‘Bride abandoned at the altar.’ Gusto kong mamatay. Gusto kong lumabas at sumigaw sa lahat na hindi totoo iyon, na mahal kita at hindi ko sinasadya ang lahat.” “Eh bakit hindi mo ginawa?” mapait akong tumawa. “Bakit ka nanatiling nawawala?” “Because I promised myself I’d come back,” sagot niya nang matatag. “Babalik ako kapag ligtas na ang lahat. Babalik ako kapag sapat na ang lakas ko para protektahan ka. Limang taon ang inabot ko para gibain ang buong impluwensya at koneksyon ni Isabelle. Limang taon bago ko siguraduhing wala nang sinumang makasasakit sa’yo o sa mga mahal mo sa buhay.” Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa aking kinauupuan. “Megan, hindi ako bumalik para sa pagsasamang ito o sa kumpanya. Ibibigay ko sa’yo ang buong negosyo kung hihingin mo. Nandito ako dahil hindi ako tumigil sa pagmamahal sa’yo. Dahil hanggang ngayon… akin ka pa rin.” “Don’t,” babala ko. Tumayo rin ako para magpantay kami. “Don’t say that. Nawala mo na ang karapatang sabihin ‘yan limang taon na ang nakalilipas.” “I know,” sagot niya. At pagkatapos noon, ginawa niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Lumuhod siya. Sa isang tuhod. Doon mismo, sa gitna ng Sky Lounge, habang nasa likuran niya ang kumukurap-kurap na mga ilaw ng siyudad ng Maynila. “Hindi ako lumuluhod para humingi ng tawad lang,” sabi niya. Nakatingala siya sa akin, at nakita ko ang luha sa kanyang mga mata. “Humihingi ako ng pagkakataon. Yung isang oras sana… gawin nating isang taon. Yung isang taon… gawin nating habambuhay. Pakasalan mo ulit ako, Megan. This time, hinding-hindi na ako aalis. Susunugin ko na ang buong mundo bago ko hayaang may sinumang makasakit sa’yo ulit.” Natahimik ako. Ang galit, sakit, hinanakit, at matagal na pangungulila… lahat ay naghalo-halo sa aking dibdib. “Damien, tumayo ka diyan,” utos ko. Nanginginig ang buong katawan ko. “Not until you say yes,” matigas na sagot niya. Matigas at mapilit—ang Damien na kilala at minahal ko noon. Pumikit ako nang mariin. Ito ang lalaking dumurog sa puso ko at iniwan akong wasak. Ito rin ang lalaking nagpatibay sa akin at nagpakilala kung paano magmahal nang totoo noon pa man. “I need time,” bulong ko. “You have 24 hours,” sagot niya sabay tayo nang tuwid. “Sa loob ng 24 oras, pipirma ako sa kasunduan nang walang kondisyon. Matatapos na ang lahat ng ito kung ‘yan ang gusto mo. Pero pagkatapos niyan… hahanapin pa rin kita, Megan. Araw-araw. Hanggang sa maniwala ka sa akin. Hanggang sa tanggapin mo ulit ako.” Lumapit siya nang husto. Isang hakbang lang ang pagitan namin. Dahan-dahan niyang hinaplos ang gilid ng mukha ko at hinalikan ako sa noo. Malambot. Magalang. Parang ako ang pinakabanal na bagay para sa kanya. “Forever mine,” bulong niya malapit sa aking labi. “Always.” At tulad ng dati, naglakad na siya palayo at iniwan ako. Naiwan akong nakatayo, nanginginig, at may hawak na maliit na kahon. Ang kahon ng singsing. Ang singsing na dapat sana ay suot ko na ngayon. Ang singsing na ibinalik ko noon, pero tinago at itinabi niya nang limang taon. Pag-uwi ko, 11 PM na. Binato ko ang kahon sa loob ng malalim na drawer ng aking kabinet. Sinubukan kong itago ito, katulad ng pagtatago ko sa damdamin ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa isip ko ang bawat salitang binitawan niya. “I’m not your ex. I’m the man who never stopped being yours.” Bente-kwatro oras. Bente-kwatro oras para magdesisyon kung isusugal ko ulit ang puso ko sa kanya. Bente-kwatro oras. Bago tuluyang baliktarin ni Damien Harrington ang takbo ng buhay ko—muli. At sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon… natakot ako. Hindi sa kanya. Kundi sa sarili ko. Dahil alam ko… alam kong sa kabila ng lahat ng sakit at galit… may bahagi pa rin ng pagkatao ko na handang maniwala ulit. May bahagi pa rin ng puso ko na umaasang sa huli… sa akin pa rin siya babalik.7:00 PM. Harrington Mansion. Forbes Park.Hindi ito simpleng bahay. Para itong palasyo.Nakatayo ako sa tapat ng malaking gate. Naka-black cocktail dress ako. Simple lang pero mukhang mahal at maamo. Ito ang proteksyon ko. Sa tabi ko si Damien, naka-suit, at mahigpit ang hawak sa kamay ko.“Relax ka lang,” bulong niya. “Matutuwa sila sa’yo.”“Imposible ‘yan,” sagot ko. “Galit sila sa akin limang taon na ang nakalipas.”Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. “Galit sila noon kasi akala nila mawawala ako sa kanila. Hindi dahil sa’yo.”Pinindot niya ang intercom at dahan-dahang bumukas ang malaking gate.Dining RoomMahaba ang mesa at kumikinang ang malaking ilaw sa itaas. Nakaupo na doon sina Victor Harrington Sr. at ang misis niyang si Celestia Harrington.Si Victor Sr. – nasa 60 anyos na, uban na ang buhok, matalim ang mga mata. Yung tipong isang tingin pa lang, nanginginig ka na sa takot.Si Celestia – nasa 50s, maputi at kulay ginto ang buhok, may suot na perlas, at nakangiti pe
6:00 AM. Safehouse. Gising ako dahil sa init ng dibdib ni Damien. Yakap-yakap niya ako mula sa likuran, parang takot na takot siyang mawala ako kapag binitawan niya. “Good morning, Mrs. CEO,” bulong niya sa tenga ko. “Wala pa akong ‘Mrs.’,” sagot ko, pero nakangiti ako. “Wala pa,” sabi niya. Tapos hinalikan niya ang balikat ko. “Pero malapit na.” Bumangon kami. Maligo. Mag-almusal. Mga simpleng bagay na ginagawa ng magkasintahan. Pero normal pa ba kami? Matapos ang limang taon na puno ng sakit? Parang panaginip lang ang lahat. “Ready ka na ba?” tanong niya habang inaayos niya ang manggas ng damit niya. “Para saan?” “Para harapin ang mundo,” sagot niya. “9 AM, ang pagpirma ng merger. Live ‘yan sa lahat ng news channels. At pagkatapos nun…” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Pagkatapos nun, ia-announce ko na sa buong mundo na akin ka na ulit.” Kabado ako bigla. “Damien, hindi pa ako sanay sa maraming tao—” “Hindi kita pinipilit,” putol niya agad. “Pero pagod
Hindi pa rin ako makatulog.Nasa loob lang ng drawer ko ang singsing. Ang lumang singsing ng panunumpa. Tatlong carat, hugis parihaba o emerald cut. Ibinigay niya ito sa akin limang taon na ang nakararaan, at kinuha rin niya ito nang siya ay umalis at iwan ako.Ngayon… nasa kamay ko na naman ito.“Dalawampu’t apat na oras,” bulong ko sa sarili habang nakatitig sa kisame. “Anong gagawin ko sa loob ng dalawampu’t apat na oras?”Biglang tumunog ang cellphone ko. Mensahe galing kay Mama:Anak, kumusta yung meeting niyo kanina? May nakuha ba kayong desisyon?Hindi ko pa nasasabi sa kanya na si Damien ang katapat namin sa kasunduan—na siya pala ang tinutukoy nilang ka-kumpanya, at siya rin pala ang lalaking sumira sa akin noon.Me: Okay lang, Ma. Naging maayos naman. Kailangan ko lang talaga ng mahabang tulog ngayon. Pagod lang po.Mama: Sige, anak. Basta kumain ka ng maayos ha? Huwag magpapagutom. Love you.Love you too, Ma.Pero paano kung totoo nga ang lahat ng sinabi ni Damien? Paano ku
Boardroom. 37th Floor. Ratajkowski Group Tower.8:03 AM.“Five minutes, Ms. Ratajkowski,” paalala ni Marcus, ang aking assistant.Tumango lang ako nang hindi man lang inaalis ang tingin sa aking laptop. Ramdam ko ang bigat ng araw na ito, pero hindi ito ang unang beses na haharap ako sa ganitong sitwasyon. Nakasuot ako ng signature na pulang kolorete sa labi, at ang aking itim na Armani blazer ay sadyang isinuot ko para magbigay ng mensahe—na ako ay handa, matatag, at hindi madaling patitinag.Hindi ako kinakabahan kapag may mga deal. Hindi ako kinakabahan kahit harapin pa ang pinakamatitinding kalaban sa negosyo. Pero sa pagkakataong ito… iba ang nararamdaman ko.Kinakabahan lang ako sa isang bagay—sa multo.At ‘multo’ talaga ang tawag ko sa kanya. Ang multo ng nakaraan ko, ang multo ng puso kong dinurog at iniwan noon pa man.“Damien Harrington is here,” bulong ni Marcus, parang nababasa niya ang takot na pilit kong itinatago. “Kasama ang buong legal team niya.”Sa isang iglap, para







