Share

CHAPTER 9

Galit

Two weeks had passed. Friday ngayon at walang pasok. Bukas ang birthday ni David kaya ngayon ang alis namin. I already packed my things. Nag-aayos na lang ako ng sarili at hinihintay si Lucas na sunduin ako. Ang usapan magkikita kami sa bahay nila Kath dahil Van nila ang sasakyan namin.

I looked myself in the mirror. I'm wearing a white printed crop top, a gingham wrap mini skirt, white chunky sneakers and a small red bag. Naka-braided half up ang ayos ng buhok ko.

Napangiti ako nang makitang maayos na akong tingnan.

"Ava, nandiyan na si Lucas." pumasok si Yaya Berta sa kwarto ko.

"Pasabi po, pababa na," sagot ko.

Kinuha ko ang mga gamit ko bago bumaba. Nakita ko si Lucas na masayang kausap si Lola. Close na close talaga sila ni Lola.

"Tara na?" tinapik ko sa balikat si Lucas.

He looked at me with amusement on his eyes. Pansin ko na tulala siya kaya tinaas ko kamay ko at hinagayway 'yon sa harapan niya. "Earth to Lucas!" tawag ko.

Ngumiti siya pagkuwan. "Ako na magdadala ng gamit mo," aniya bago kinuha ang dala ko.

Humarap ako kay Lola na nakangiti sa amin.

"Lola, mauna na po kami." paalam ko.

"Mag-ingat kayo doon," paalala niya bago tumingin sa'kin. "lalo ka na."

Napasimangot ako. "Hindi na po ako bata, Lola," tugon ko.

"Hindi ka na nga bata, pero 'yong height mo pang bata." natawa si Lola.

Mas lalo akong napasimangot. Ano naman kung 5'4 lang ako? Kasalanan ko bang hindi na ako tumangkad?

"Oh siya at umalis na kayo," sambit niya bago tumingin kay Lucas. "Lucas ikaw ng bahala sa apo ko."

Tumango naman si Lucas. "Don't worry, Lola. Akong bahala sa apo niyo!"

Lumabas kami ni Lucas at sumakay kami ng kotse niya para pumunta sa bahay nila Kath. Nang makarating kami sa bahay nila Kath ay nandoon na ang lahat.

"Nandito na ang mga late." bungad sa amin ni Kath.

"Sorry," nag-piece sigh ako sa kanya. "advance happy birthday." bati ko kay David na nakatayo.

"Salamat, Ava," nakangiti na sabi niya. "tara na! Para makapag-pahinga pa tayo pagkarating sa villa dahil mahaba-haba ang pahinga natin." anunsyo niya.

Lumapit sa'kin si Blake. "Pandak, may pagkain doon. Gusto mo?" alok niya.

"Pandak-pandak! Sakalin kaya kita riyan?" inirapan ko siya.

Kinurot niya ang pisngi ko. "Mukha kang manika sa suot mo."

Nasasanay na siyang palaging kurutin ang pisngi ko. Minsan tuloy iniisip ko kung lamog na ba 'yong dalawang pisngi ko sa kanya.

"I am beautiful and I know that," I proudly said.

Natigilan ako nang makita si Alison na kasama ang dalawa niyang demonyita na kaibigan.

Lumapit ako kanila Kath at April na busy sa pag-aayos ng gamit sa Van na sasakyan namin.

"Kasama sila?" pabulong na wika ko. Ngumuso ko sa tatlo na malayo sa amin.

"Ah, oo. Kaibigan pa rin sila ni Kuya David kaya kasama sila," sagot ni Kath.

Now I know why Blake is so excited about this trip. Nagkibit balikat ako bago sumakay sa Van.

"Pandak, dito ka sa tabi ko," sabi ni Blake na nakaupo sa pangalawang roll ng Van.

Sumunod ako sa sinabi niya. Nasa tabi siya ng bintana at ako ang nasa tabi niya. Si David ang magda-drive ng Van habang nasa driver's seat si Kath.

Sa unang roll ng Van ay nakaupo si Lucas, April at Jyra. Kami nila Blake, Althea at Gino dito sa third roll ng Van. Habang nasa dulo sila Alison at Alyssa.

"Malayo-layo pa ang biyahe papunta sa villa namin. Soundtrip muna tayo!" Masayang sambit ni Kath.

Nagpapatugtog sila ng malakas at sobrang lakas nila ni April kumanta. Napuno ng tawanan ang buong sasakyan dahil sa pagkanta ni Kath ng Traitor. Malakas ang tawanan naming dahil pumiyok siya sa dulo part ng chorus.

"Kath, hindi ka naman broken hearted kaya itigil mo yang ka-drama-han mo!" saway ni Althea na katabi ang boyfriend niyang si Gino.

"Shut up, Althea! Walang basagan ng trip!" inirapan siya ni Kath kaya natawa si Althea.

Nang matapos ang kanta ay napalitan ito kaagad ng bago. You Belong With Me by Taylor Swift ang kinakanta nila. This time pati sila April at Althea ay nakisabay na kay Kath.

Muling napuno ng tawanan ang loob ng saksayan na lahat kami'y kumakanta na ng dumating ang chorus ng kanta. Napangiti ako sa kanila.

Napatingin ako kay Blake nang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Nang sinipin ko ang mukha niya ay nakita kong nakapikit ang dalawang mata niya.

"Respeto naman sa mga single diyan!" sigaw ni April habang nakatingin sa amin ni Blake. Nakangising aso siya.

"Clingy naman talaga 'yan si Blake," ani David. "kaya Ava, humanda ka!" tumawa siya pagkatapos.

"Tahimik nga kayo! Kitang natutulog yung tao." saway ko sa kanila.

"Ganiyan talaga ang matalino. Noong isang araw pa 'yan walang tulog dahil naghahanda para sa cooking festival. Kinakabahan ang g*go!"natatawa na sambit ni David.

Kaya pala hindi nang aasar sa'kin dahil pagod.

Lahat sila alam na pagpapanggap lang meron sa amin ni Blake. Sila Alison at dalawang kaibigan lang niya ang walang alam. Syempre!

Napatingin ako ulit kay Blake. Out of nowhere I smiled when I saw his face. Nakabusangot ang mukha niya habang natutulog. Mukhang masama ang panaginip. Pinilig ko ang ulo bago tumingin sa ibang direksyon.

My god, Ava! Bakit ka ngumingiti riyan? Baliw ka na ba?

Muli kong pinilig ang ulo. I took a deep breath because my heart feels weird. Biglang nag-iba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit at para saan 'yon.

I tried to compose myself but my heart started beating so fast when I felt Blake's hand intertwined with mine. Hindi ako agad nakagalaw sa kinauupuan ko.

Maingay sila Kath pero hindi 'yon ang naririnig ko. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ay hindi ko na marinig sila Kath na kumakanta at pintig na lang ng puso ko na lang ang naririnig ko.

Napatingin ako sa kamay namin bago tumingin ulit kay Blake na nakapikit pa rin. I bit my lower lip. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Buong biyahe ay tahimik lang ako. Natigil sila Kath sa pagkanta at mga natulog na dahil sa haba ng biyahe. Tahimik ang loob ng Van. Tulog pa rin si Blake at nakahawak pa rin ang kamay niya sa'kin. Hindi ako gumagalaw dahil ayokong ma-istorbo ang pagtulog niya.

Dahan-dahan akong gumalaw para kunin ang cellphone ko nang magawi ng mata ko ang pwesto nila Alison. Nakatingin sa'kin ang nanlilisik at galit niyang mga mata.

For the first time, I saw an emotion on her face. Galit na galit ang tingin niya sa'kin na parang kaya niya akong patayin gamit lang ang mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya bago napalunok. Kinabahan ako sa uri ng tingin niya.

Dapat ay matuwa ako dahil alam ko na nagseselos siya sa amin ni Blake. Lagi siyang tahimik at mukhang mahinhin sa school.

Pero ngayon, ibang-iba siya sa Alison na nakilala ko. She's jealous but I'm kinda scared because of that.

"Blake, we're here," I whispered to him. Marahan ko siyang ginising. Buong biyahe ay tulog siya kaya masakit na masyado ang balikat ko.

He slowly opened his eyes. Mapungay ang mga mata niya na tumingin sa'kin. Umayos siya ng upo kaya napangiwi ako dahil sa sakit ng balikat. Almost four hours din ang biyahe at hindi ako nakatulog dahil sa sakit ng balikat.

"Okay ka lang? Sorry I slept for too long," malumanay na wika niya.

Umiling ako. "Okay lang ako, medyo nangawit lang ang balikat ko," sagot ko.

Bumababa ang tingin niya sa balikat ko bago iyon hinawakan at marahan na minasahe. "I'm sorry," pabulong niyang sambit.

"Okay lang. I know you're tired. I understand," sabi ko bago ngumiti sa kanya.

"Pasintabi naman diyan! Nandito na tayo, naglalandian pa rin kayo? Hustisya sa mga single dito!" sigaw ni Kath.

Doon ko napansin na lahat sila ay nakatingin sa amin ni Blake. I bit my lower lip dahil sa pagkahiya.

Humalakgak si Blake. "Maghanap din kayo ng jowa niyo! Mga inggit lang kayo!" sigaw niya pabalik.

Inirapan siya ni Kath. "Tse! I'm waiting for the right guy!" sigaw pabalik ni Kath.

"Enough, guys! Ayusin na natin ang mga gamit natin para makapagpahinga na tayo," mahinhin na sabi ni Alison.

Kumpara kanina, maamo na ang mukha niya. Nawala na ang galit sa ekspresyon ng mukha niya. Ibang-iba siya ngayon kumpara kanina habang lahat ng tao dito sa Van ay tulog.

"Alison's right. We need to move fast. Kailangan nating ma-enjoy ang three days vacation natin dito dahil mabilis lang ang oras." segunda namang sambit ni Jyra.

Tumango ang lahat kaya gumalaw na kami. Napapikit ako nang humampas ang hangin sa mukha ko. It's so refreshing here!

Nasa taas ng bundok ang Villa nila Kath at David. Mula dito sa garahe nila ay kita ang bayan ng Isla Esme.

White ang kulay ng Villa. Two floors siya at gawa sa glass ang Villa. Pumasok kami sa loob at mas akong namangha dahil sa pool nila sa likod.

Mukhang mag-e-enjoy ako rito!

Komen (2)
goodnovel comment avatar
Yuuki Asuna
alam ko yang galawan ni Alison. mukhang maiinis ako sa kanya ah
goodnovel comment avatar
Dimple
mukhang nasa loob ang kulo ni Alison. hmmm...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status