Share

Chapter 9

Author: Ms. Nerie
last update publish date: 2026-03-18 11:44:37

Pag-akyat nila, magulo at makalat ang silid ni Cassandra—tila may hinahanap ang sinumang pumasok at nanloob. Bukas ang sliding door patungo sa terrace at sira ang lock nito. Ang mga halaman doon ay nakatumba, at ilang mga paso pa ang basag at durog.

"Mas nakakatakot ba talaga ko kaysa sa nanloob dito sa shop mo?" sarcastic ang ngiti na tanong ni Ismael, iwas na iwas kasi siyang dumikit dito, kahit sumusunod sa likuran nito.

Hindi niya pinansin ang lalake.

Maya-maya'y nag spark ang ilaw at
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 66

    “Bakit ka natagalan sa banyo? Uwi na tayo, nakapagpaalam na ako sa kanila.” sabi ni Ismael.Nasa garden ito, naghihintay. Pumasok na sa loob si Abby, kaya silang dalawa na lang ang natira sa tahimik na bahagi ng hacienda.“Ha? Ah…” saglit na natigilan si Cassandra, saka tumalim ang tingin niya. “May pinakinggan lang akong gustong umagaw sa asawa ko.”Hindi na siya naghintay ng sagot. Nauna siyang naglakad palayo.Napakunot ang noo ni Ismael, pero maya-maya’y tumaas ang gilid ng labi niya. Napailing siya, nakapamulsa habang sinusundan si Cassandra—parang aliw na aliw sa ipinapakitang reaksiyon nito.Pagdating sa sasakyan, aabutin na sana ni Cassandra ang pinto—Pero bigla siyang hinarangan ni Ismael.Nakatayo ito sa harap niya, may pilyong ngiti, halatang nanunukso.“Nagseselos ang asawa ko?”Umirap si Cassandra. “Hindi. Tabi nga diyan,” masungit niyang sagot sabay tulak sa kanya para makalapit sa pinto.Ngunit imbes na tumabi—Mabilis na nakabig ni Ismael ang bewang niya.Sa isang mai

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 65

    Sa hacienda ng mga Villegas, pumarada ang sasakyan sa harap ng malawak na driveway na may batong daanan at malalaking halaman sa magkabilang gilid. Magaan ang paligid, tanging huni ng mga ibon at pagpreno ng sasakyan ang maririnig.Naunang bumaba si Ismael. Umikot siya sa kabilang side ng sasakyan at binuksan ang pinto para kay Cassandra.Ngumiti si Cassandra, akmang iaabot ang kamay niya kay Ismael para tuluyang bumaba—Bigla na lang may tumakbo palapit.“Ismael!”Isang dalagang nasa early twenties ang sumulpot mula sa gilid ng driveway.Mabilis ang takbo niya—parang walang inaalalang tingin ng iba. Casual ang suot: white shirt na naka-half tuck sa denim shorts, sneakers, at buhok na natural ang bagsak na bahagyang magulo pero hindi nakakasira ng itsura. Malaya ang galaw niya, parang sanay sa mundo na hindi siya hinahadlangan.Bigla na lang siyang yumakap sa bewang ni Ismael.“Ismael… na-miss kita!”Mahigpit.Parang matagal niyang hinintay ang sandaling iyon.Sandaling katahimikan.P

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 64

    Napatigil ang tauhan.Isang maling galaw lang—ramdam niyang katapusan na niya.Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay.Ngumisi si Indira.Isang hakbang.Saka siya kumilos. Mabilis. Eksakto.Hinablot niya ang braso ng tauhan, pinilipit pababa—walang pagkakataon para pumalag.THUD.Bumagsak ang lalaki, dumapa sa semento—biglang nawala ang lakas.“Huli na. Mali ka ng hinostage.” malamig na sabi ni Indira.Bahagya siyang yumuko, tinapakan ang likod nito para tuluyang hindi makagalaw.Agad humarap si Ismael kay Cassandra.“Nasaktan ka ba?” maingat ang boses niya, pero may bakas ng pag-aalalaHinawakan ni Ismael ang magkabilang balikat nito, mabilis na sinuri ang mukha, leeg, mga braso—gustong makasiguro na walang tinamong sugat.“Hindi…” mahinang sagot ni Cassandra.Pero nanginginig pa rin ang boses.At ang mga mata niya—halatang hindi pa nakakabawi.Sandaling tumigil si Ismael.Huminga siya nang malalim.Saka marahang hinila si Cassandra palapit.Isang braso ang pumalibot sa likod nito—mahi

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 63

    “T*NGINA!”Malakas na napamura si Indira nang bumagsak ang rolling shutter sa harap ng shop. Mabilis siyang umatras, hinugot ang armas mula sa tagiliran. Ang mga mata niya, sinuri ang paligid—exit points, blind spots, galaw sa loob.Wala nang magagawa sa harap. Sarado na.“Dito…” mahinang bulong niya sa sarili.Kumilos siya agad.Hindi siya dumaan sa harap. Alam niyang trap na iyon ngayon. Sa halip, mabilis siyang umikot sa gilid ng building, dumulas sa makitid na daanan patungo sa likod ng shop.Alam niya ang lugar na ‘yon.Kung may exit, doon dadaan.Sa likod ng shop—madilim, tahimik, at mas malawak kaysa sa inaasahan.May mga nakaparadang sasakyan. Ilang lalaking nakaitim.At sa gitna—isang nakabukas na van.“Bilisan niyo.”Isang boses ang marahang nag-utos, at doon niya nakita si Cassandra—pilit na kinakaladkad papasok.“Bitawan niyo ako!” sigaw ni Cassandra, pumipiglas habang hawak siya ng dalawang nakaitim na tauhan sa magkabilaang braso. Si Janus nakasunod lang.Nakangiti.P

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 62

    “Ismael… ito ba ang hinahanap niyo?” Nakangiting lumapit si Cassandra, inosente ang mukha habang itinaas ang hawak na brown envelope. “Kanino ba ’to? Selyado eh, kaya hindi ko na binuksan. Nakita ko lang sa table ko.” Sa isang iglap, nag-iba ang takbo ng pangyayari. Nagkatinginan sina Ismael at Divina. Ilang saglit na walang nagsalita. Pagkatapos— Napabuga ng hangin si Divina, napasapo sa dibdib na parang kakaligtas lang sa matinding panganib. Samantala, si Ismael— Mabilis na lumapit. Walang babala, niyakap niya si Cassandra nang mahigpit. Halos mapasubsob ito sa dibdib niya sa lakas ng pagkakayakap. “A-Ano bang nangyayari?” nagtatakang tanong ni Cassandra. Bahagyang kumunot ang noo, pero gumanti rin siya ng yakap, kahit halatang nalilito. “Ah… pasensya na, Cassandra…” singit agad ni Divina, pilit pinapakalma ang sarili. “Sa akin ’yan. Naiwan ko kanina sa lamesa mo.” Mabilis niyang kinuha ang envelope mula sa kamay ni Cassandra, bahagyang nakayuko, iwas ang tingin. “Pase

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 61

    Nanginginig ang buong katawan ni Divina habang nakatayo sa dilim sa gilid ng villa. Kanina pa siya roon, palihim na nakamasid kina Ismael at Cassandra. Nakita niya kung paano sila maglambingan, kung paano magtinginan na parang sa isa’t isa lang umiikot ang mundo. Mas lalo lang siyang nababahala sa tuwing naaalala ang utos sa kanya. Hindi niya kayang sirain ang relasyon ng dalawa. Pero paano naman siya? Paano ang nanay niya? Kahapon, habang nasa bayan siya para bumili ng mga gamit sa tahian, bigla na lang siyang hinarang ng mga lalaking nakaitim. Kilala niya ang mga ito—tauhan sila ni Arsenio. Wala silang sinayang na oras at agad siyang binalaan. Kapag hindi niya ginawa ang utos, siya at ang nanay niya ang magbabayad. Iniabot sa kanya ang isang brown envelope. “Ang laman nito ang pinakamalalim na sikreto ni Ismael,” sabi ng isa sa kanila, may ngising hindi umaabot sa mata. “Kailangang makita ito ni Cassandra. Kapag hindi mo inilagay sa lugar na makikita niya… huwag mo n

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 15

    Napaatras si Cassandra, at sa sobrang taranta, dumulas mula sa kanyang katawan ang tuwalya. Tumambad kay Ismael ang hubo't hubad niyang katawan. Nakita niyang lumunok si Ismael, at sa takot na baka siya ay sungaban, kusang pumikit ang kanyang mga mata nang lumapit ito. Ngunit sa halip na gawin an

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 6

    Ika-limampu't walong kaarawan ni Arsenio Vergara. Idinaos ang selebrasyon sa harap ng mansion nito sa Cavite. Dumalo ang mga kakilala, kamag-anak at kasosyo ng mga ito sa negosyo. Maging si Cassandra, bilang fiancée ni Janus. Kalagitnaan ng kasiyahan, natahimik ang lahat. Dumating ang hindi inaa

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 13

    "Namatay yong mga alagang manok, nakawala sa kulungan, napagdiskitahan ni Bulldog, nakapasok pa sila dito sa bahay kaya nagkalat ang dugo, para hindi mamaho kinatay na ni Ismael kagabi ang mga manok at ayun, pinamigay sa mga tao dun sa sakahan." paliwanag ni Manang Saning ang sinasabing Bulldog ay

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 23

    Ang nagngangalit na mga mata ni Ismael ay unti-unting lumamlam, tila may init na biglang tumagos sa laman ng kanyang mga titig. Sa Isang hakbang, mabilis nitong natawid ang pagitan nila at agad na nahawakan ang likod ng ulo niya. Ibinaba ang mukha at sinakop ang mga labi Cassandra.. Malalim at sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status