KELLYIT’S been a couple of weeks since we parted. Wala na rin akong narinig mula kay Brandon. Actually, naging maayos naman ang paghihiwalay namin this time. I was there for work and since there was history between us, sinamantala niya ’yon para ayusin ang nangyari noon. But just like any wound that’s not fully healed, kapag binuksan ay may kirot pa rin at kung minsan ay nagdurugo. I listened to him apologize at totoo sa loob ko na pinatawad ko na siya. It was time for me to let go of the past. It’s not that I hate him because hate is a strong word, pero unang karelasyon ko siya at kahit paslit pa kami noon, inisip ko talaga na siya na ang huli. Imagine my disappointment when he thought the worst of me and my family. Funny how fate plays with our lives, dahil fifteen years later, nandito na naman siya at gustong manuyo. “Gusto kong manligaw uli.” Iyon ang sabi niya sa akin. What am I supposed to say? Siyempre, tumanggi ako. Kahit ’yong kaloob-looban ko, gusto nang matunaw.“Ma’am,
KELLYI HAD a haircut and treatment done. Ang sabi ni Teresa sa akin ay mas babagay ang A-line bob. She tried to offer highlights pero tumanggi ako. As much as possible, gusto ko sana ’yong hindi masyadong ime-maintain. Kapag humaba na ang buhok ko ay malayo na rin sa root ang kulay.I was about to pay when a customer walked in. Isang batang babae na nasa edad sampu hanggang dose. Maganda ang bata pero mukhang maldita. Si Tamara ang lumapit sa kaniya at sinabi nitong gusto nito ng gupit na katulad sa akin. Napangiti ako roon dahil bagay naman sa kaniya ang gupit ko.“Kelly?”Nang lumingon ako ay isang matangkad na lalaki ang nakita ko. He looks familiar, pero bakit hindi ko maalala ang pangalan niya? Naging kliyente ko ba siya? Kaklase?“It’s Byron. Byron Lanting. Schoolmates tayo sa Lyceum. Ahead lang ako ng isang taon.”Pilit kong inalala ang unang pagkikita namin sa Lyceum. Was it just one sem? Siya ba ’yong may binalikan na subject kaya naging magkaklase kami?“Binalikan ko ’yong
KELLYANOTHER week passed at naging regular kong ka-text si Byron. This Friday, he mentioned about taking me to the Sailing Grove. It’s a waterfront restaurant about an hour and fifteen minutes from my place. In fairness, kahit may kalayuan, mukhang masarap ang pagkain. Wala akong damit na babagay roon at umikot na ako nang umikot kahapon sa mall. ’Buti na lang at may sale. Pinili ko ang isang jumpsuit na kulay itim. May belt na iyong kasama at may accessories naman ako sa bahay. Meanwhile, Brandon would drop an e-mail once in a while and he would often send me lunch in the office. I sometimes wonder why he won’t call me. Gusto ko siyang tanungin nang deretso kung bakit niya ginagawa ito. I am so confused about him. One minute he would show me interest, and the next thing I know, he’s gone. ’Tapos magpaparamdam uli. And the cycle goes on.Okay naman sana si Byron, may anak nga lang pero wala naman sabit. Mukhang naka-move on na rin naman siya sa yumao niyang asawa. I just . . . I wor
KELLYTINOTOO ni Brandon ang sinabing matutulog siya sa couch ko rito sa office. He was too tall for it pero napagkasya niya ang sarili, nakabaluktot nga lang. Napabuntonghininga ako habang tinititigan siya. Kapag nakapikit, akala mo hindi kayang saktan ang damdamin ko. I rolled my eyes then shook my head. Bakas ang pagod sa guwapo niyang mukha at hindi rin ako nakatiis. Kinuha ko ang mini blanket na nasa drawer ko at saka tumayo para kumutan siya. Medyo malamig ang air-con dito sa office at kahit paano, gusto ko siyang maging komportable habang naghihintay sa akin. Tinungo ko ang pinto para baliktarin ang sign. Kung may inquiries man ay bukas na lang. Hindi rin naman ako magtatagal ngayon sa office at balak kong umuwi na pagkatapos kong magawa ang schedule ng mga tao. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng schedule but my phone kept buzzing. I put it on a silent mode para makatulog si Brandon. Pati yata ang pag-vibrate ay kailangan ko na ring i-turn off. Before I did, tiningnan ko muna a
KELLYMASAKIT alalahanin ang nakaraan. Kahit pala humingi na ng tawad si Brandon, may natitira pa ring kirot dahil ang totoo, higit na may kasalanan ang kaniyang ina. Kung tutuosin, wala naman talagang kasalanan si Brandon noon. He was a kid himself, just like me. Malupit lang talaga ang kaniyang ina sa akin . . . sa pamilya ko. Dahil sa paningin niya, dukha kami. At ang dukhang katulad ko ay walang puwang sa mundo nila. Was it wrong for my young heart to fall for someone like him? Alam kong hindi siya mahirap katulad namin. Alam kong nakaaangat sila sa buhay, pero hindi ko naman akalain na ganoon kayaman ang pamilya ng lalaking minahal ko. They are not only wealthy. They are very wealthy.Kahit yata anong pagsisikap ko ay hindi ako papantay sa yaman nila. At wala naman akong intensiyon na maging kagaya nila. Sino ba ang ayaw ng pera at umalwan sa buhay? Ang sa akin lang, gusto ko lang naman ng simpleng buhay. Iyong hindi na ako mamomroblema sa pambayad ng bills o pagkakasakit ko o n
KELLYWALANG sleepover na magaganap. Ang lagay, e santong paspasan na ba ’to dahil malapit na kaming mawala sa kalendaryo? “Ipagluluto kita sa apartment at sabay tayong magdi-dinner pero hindi ka matutulog doon.” Inirapan ko siya. “Susunduin mo rin ako bukas ng umaga dahil pinaiwanan mo sa akin ang sasakyan ko sa office. Maliwanag?”Hindi naman sa demanding pero ako ang batas. Char!“Okay. I like that. May okra ka?” Humigop siya ng kape habang nakatingin sa akin. Minsan, naiilang na ako sa katitingin niya. Ayaw lubayan ang mukha ko. Feeling ko tuloy, para akong specimen sa ilalim ng microscope. Ang cute ko namang fungi! “Hindi pa rin ako kumakain ng okra. Tsk.” Inirapan ko siya. “Kung gusto mo ng okra, pumunta tayo sa grocery at ibibili kita ng isang kilo. Ulam mo nang isang linggo ’yon. May bagoong sa bahay saka kalamansi.”“Kahit isang linggo pang okra ang ulam ko, basta sa apartment mo ako kakain.” Ngumisi siya sa akin nang nakaloloko. Talagang hindi mapigil sa linyahan niya.Su
KELLYSIMULA nang araw na ’yon hanggang sumapit ang Biyernes ay bantay-sarado ako kay Brandon. Kulang na lang, pati cell phone ko ay kunin niya. I don’t understand myself why I’m letting him. I really don’t.Pero baka rin dahil ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. Ulit.I enjoy our daily banters kahit sa aming dalawa ako ang nauunang mapikon. I just have to make him jealous each time para makabawi sa kaniya kahit paano. “It’s Friday. Did you remember to cancel your date?” tanong niya sa akin bandang alas-tres ng hapon. He picks me up at home in the morning, stays with me in the office, and drives me home. Kulang na lang matulog siya sa apartment ko. One time, I asked him if he had nothing better to do than babysit me. Baby naman daw niya ako at tungkulin niya ’yon dahil mahal niya ako. Kaunti na lang, maniniwala na ako sa kaniya. “I already sent him a text message and he called as well. Akala niya na-wrong sent ako.”I really feel bad for Byron. Siguro kung hindi bumalik si Brandon
BRANDON“YOU think this is a game?” inis na tanong ni Kelly sa akin. Nagsukatan kami ng tingin at salubong ang kilay ng mahal ko. I didn’t really mean it like that. Gusto ko lang naman siyang patawanin. Kelly loves being challenged. Siya ’yong tipo ng tao na competitive. I just really want to have with her like old times. Ngayon kasi ay puro na lang kami trabaho. Nasa bakasyon nga ako, pero si Kelly ay nasa opisina mula Lunes hanggang Biyernes. On weekends, I was told she still works at home. She needs a break. “Ayaw mo? You finally have a chance to get rid of me.” I grinned at her.“Wipe that smile off your face, Aspirez. I accept the challenge but I want the terms to change,” masungit niyang wika sa akin. That’s what I’m talking about! Finally, I get to see the old Kelly a little bit. She’s like an onion that needs to be peeled layer by layer. “If I win, you’re going to tell me everything you did in the last fifteen years. How many women you dated and took to bed”—she paused—“an