Share

Chapter 11

'Why am I even here?' tanong ni Jade sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang paligid.

Lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho ay nagkakasiyahan at kahit na dalawang oras na silang naroon ay wala man lang siyang narinig na hindi magandang gawi o usap-usapan na tungkol sa kanilang boss. Sa halip ay puro papuri at paghanga ang kaniyang naririnig. 

"You should find a girlfriend or fiancee now, sir Greg. You will not be young forever," turan ng isang babae na nasa middle 30's na and edad.

 

"I think its a bit early, sir Greg is just twenty six years old. His young, kind, smart and handsome. For sure he will find the right woman for him," saad naman ng isa na nasa early 40's na lalaki.

"Haha, hindi pa naman po ako nagmamadali. Besides, I'm still finding and waiting for someone," nahihiya na turan ni Greg. 

"Ohh, you mean your first love, sir?" tanong ng isang lalaki at nagsimulang asarin nila ang kanilang boss. Namula naman ang tenga ni Greg na siyang dahilan ng pagtawa ng ilan sa kaniya.

'His first love?' tanong ni Jade sa kaniyang isipan. Ngunit binalewala na niya lamang ito.

Naroon sina Jade at Elle sa isang mahabang mesa kung saan ay kasya ang bente na tao at nasa harapan lamang ni Jade si Greg.

"That woman is really lucky to have you as her boyfriend or husband, sir Greg."

"Aww, I'm a bit jealous whoever your first love, sir Greg. For sure she won't find anyone like you so she better not hurt you or broke your heart." Sumang-ayon naman ang karamihan sa tinuran ng katrabaho nilang babae na mukhang kaedad lamang ni Greg.

Napangisi na lamang si Jade sa kaniyang naririnig. Nakakaramdam na rin siya ng inis sa kaniyang sarili sapagkat mukhang inakusahan niya ang isang walang kaalam-alam na tao.

Sa ilang buwan na pananatili niya sa kompanya bilang sekretarya ni Greg ay nararamdam talaga ni Jade ang sinserong kabaitan ng kaniyang amo. Siya lamang naman itong hindi makapaniwala sa totoong ugali ni Greg sa kadahilan na rin sa nangyari noon sa kaniya. Dahil sa inis ay kaagad niyang ininom ang isang baso na nasa kaniyang tabi. Bahagya siyang napaubo ng malasahan ang inumin.

"Are you okay, Jade?" tanong ni Elle na nasa kaniyang tabi.

"Why did you drink that? You know that you have a low tolerance on alcohol."

Hindi na nagawang sagutin ni Jade si Elle sapagkat ilang segundo siyang umuubo. Pakiramdam niya ay mayroong apoy ang kaniyang lalamunan dahil sa anghang na dulot ng kaniyang ininom.

Nasapo niya ang kaniyang noo at pinagalitan ang sarili sapagkat hindi niya man lamang tiningnan ang nakuhang baso. Tanging wine lamang ang iniinom ni Jade ngunit tanging kalhati lamang sa wine glass ang kaniyang iniinom sapagkat kaagad siyang nanghihina sa tuwing nakakainom ng matatapang na alak.

"Drink this." Alok ni Greg sa isang baso na mayroong tubig. Kaagad naman itong ininom ni Jade kaya bahagyang nawala ang nararamdamang apoy sa kaniyang lalamunan.

"Are you alright, now?"

"Hmm... Yeah, thank you," saad ni Jade. Napatingin naman siya sa kaniyang paligid. Kaagad siyang nahiya ng makitang ang lahat ng tao sa kanilang mesa ay nakatingin sa kaniya. Kahit ang ilang katrabaho na hindi kalayuan sa kanilang mesa ay napatingin din sa kaniyang gawi at nagtataka kung ano ang nangyari. Nahiya naman si Jade kaya humingi siya ng tawad sa mga kasamahan.

Lumipas ulit ang dalawang oras ay naroon pa rin sila sa MD's R and B. Habang tumatagal ay nagkakaroon na ng epekto ang alak na ininom sa Jade sa kaniyang katawan. Bahagyang nakakaramdam na siya ng pagkahilo ngunit kinokontrol niya ang kaniyang sarili upang hindi mawalan ng malay.

Nagpaalam muna siyang pupunta sa banyo. Nang makapagbanyo ay nanatili lamang siya sa labas ng banyo, nakaupo habang yakap-yakap ang kaniyang mga binti.

"Ms Wetzel, are you okay?" turan ng isang tinig. Dahan-dahan naman na inangat ni Jade ang kaniyang mukha at tumambad sa kaniya ang isang maamong mukha ng lalaki na nag-aalala.

Kaagad  na naramdaman ulit ni Jade ang inis dahil sa presensya ng kaniyang boss.

"I think you're really drunk right now. Please get up, aalalayan kita," saad ni Greg habang tinutulungan na tumayo si Jade.

Nang makatayo si Jade ay kaagad niya naman na iwinaksi ang kamay na nakahawak sa kaniyang braso.

"Hey! Don't touch me!" sigaw niya na naging dahilan upang bahagyang magulat ang kaniyang katabi.

Dahil sa kalasingan at marahas na galaw ni Jade ay nawalan siya ng balanse sa kaniyang pagkakatayo. Mabuti na lamang at nasagip ni Greg ang kaniyang beywang ngunit sa hindi inaasahan ay nagdikit ang kanilang mga labi.

Parang naestatwa si Greg sa kaniyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Hindi rin siya makapaniwala na nangyari ang ganoon sa kanila ng kaniyang sekretarya. Samantala, sa kabilang banda ay walang kaalam-alam si Jade sa sitwasyon ngayon nilang dalawa ng kaniyang amo. Ngunit ng maramdaman niya na mayroong nakaharang sa kaniyang labi ay kaagad niya itong kinagat.

"Ouch! That hurts!' d***g ni Greg at bahagyang lumayo sa kaniyang katabi ngunit inalalayan niya pa rin si Jade sa paghawak sa mga braso niya. Isinuri ni Greg ang kaniyang labi sa pamamagitan ng kaniyang dila. Bahagya muli siyang napad***g ng makaramdam ng sakit at makalasa ng dugo mula sa kaniyang labi.

Hindi makapaniwalang pinagmamasdan ni Greg ang babaeng lasing na lasing sa kaniyang harapan. Ngunit naalarma siya ng may narinig na mga munting paghikbi mula kay Jade.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Greg habang dahan-dahan na inaangat ang mukha ng kaniyang sekretarya. Parang hinaplos ang kaniyang puso ng makita ang lungkot sa mukha ni Jade ngunit kaagad din siyang nagtaka ng makitang mayroong bahid ng sakit at galit ang kaniyang mga mata na nakatitig kay Greg.

"I... I hate you! You killed my parents! I'm... I'm sure you were there... You were there that night! Plano mo rin bang patayin ako katulad ng lalaki na 'yon, ha?! Your evil!" saad ni Jade habang umiiyak. While Greg was stunned from what he just heard. Ilang segundo ang lumipas bago na-process sa kaniyang utak ang sinasabi ni Jade.

"You killed them! Your evil!" muling saad ni Jade habang pinapalo siya nito. 

"Hey! Please come down. I think you misunderstand something. Please listen to me first, Ms Wetzel," saad ni Greg habang pinipigilan ang mga kamay ni Jade na patuloy na pinapalo siya. 

Kaagad na hinawakan ni Greg ang magkabilang braso ni Jade ng sandaling kumalma na ito. Sinabi niya rin ang nangyari ng gabi na 'yon ngunit hindi siya nauunawaan ni Jade sapagkat hilong-hilo na ito.

'My head hurts. Bakit umiikot ang paligid? Who is this person anyway? Argh! I feel sick,' saad niya sa kaniyang isipan.

"Wala akong intensyon na saktan ka Ms Wetzel. Actually, that night, I was the one who---" Hindi na naituloy ni Greg ang kaniyang sasabihin sa pagkat ay natigilan siya ng mayroong mainit na likido ang bumuhos sa kaniyang dibdib.

Kaagad siyang napatingin kay Jade na sa kasalukuyan ay natutulog na. Hindi siya makapaniwala sapagkat nawalan na lamang ng malay ang babaeng kaniyang kaharap pagkatapos na sukahan siya nito.

'What should I do with this girl?' tanong ni Greg sa kaniyang sarili.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status