“Pero, mom, I love him!”
Mula rito sa kwarto ko ay rinig na rinig ko ang boses ni Ate. Napailing ako. Akalain mo ‘yon marunong pala magmahal ang isang demonyita.
Kinuha ko ang bag ko at sinukbit ito sa balikat ko. I called Drizelle to meet me in our favorite place before going out of my room. I’m planning on surprising Zander para makabawi sa pagkukulang these past weeks. We barely talk as well due to our busy schedules.
Nadaanan ko ang kuwarto nina Mom at Dad na bahagyang nakabukas. Nagtatalo si Ate at Mom. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko silang nagtatalo. Usually kasi binibigay ni Mom agad-agad ang ano mang gusto ni Ate nang walang sinasabi. Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila at wala akong planong intindihin. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero agad ding napahinto dahil sa sumunod na sinabi ni Mom.
“Of all people why desire an engaged man, Ella?”
Wala akong narinig mula kay Ate maliban sa hagulgol niya. Napailing ulit ako. Iba rin ang taste ng babaeng ‘to eh. Hahakbang na sana ulit ako pero nabato ako sa kinatatayuan nang lumabas sa bibig ni Mom ang hindi ko inaasahan.
“Tahan na. Gagawa ako ng paraan para mapasayo siya.”
Binagsak ko ang paa at inis na inis na umalis.
How could they think of ruining someone else’s relationship? Paano kung sa relasyon nila ni Dad gawin ‘yon? Paano kung sa anak nila gawin ‘yon, sa amin ni Ella? Paano kung gawin sa relasyon namin ni Zander ‘yon? Don’t they know karma?
Dumiretso ako sa garahe at pinaharurot paalis ang puting Lamborghini Urus na kotse ko. Binili ko ‘to gamit ang sariling pinaghirapan kong pera. Ito ang unang iniregalo ko sa sarili ko. Habang nagmamaneho ay nakasalubong ko ang kotse ni Zander na binabaybay ang daan papuntang mansion ng Sullivan.
Dali-dali kong nilagay ang bluetooth handsfree sa tenga at tinawagan si Zander gamit ang navigation system. Isang ring pa lang ay sumagot na siya.
“Hi, baby. Why did you drive? Papunta na dyan ang drive ko. Excited ka ba sa lunch natin?” bungad niya na ikinakunot ng noo ko.
“What lunch, love?” sagot ko at diniinan ang endearment namin na lagi kong ginagawa tuwing tinatawag niya akong baby.
I just don’t like the baby-thingy parang pang teen-ager and we’re adults. Love sounds mature and sounds better.
“Anastasia?” gulat at nauutal pang sambit niya. He sounded like he was expecting someone else.
“Oh? Bakit parang hindi ako ang inaasahan mo? May hinihintay ka bang ibang tawag?” nagtatakang tanong ko. Hindi ko maalis ang mga kunot sa noo ko.
“Nagulat lang ako at may time ka pa sa lalaking papakasalan mo.” Mabigat at may diin niyang binigkas ang bawat salita.
“I’m sorry, love. I know I was busy these past few weeks. I‘ll make it up to you. I promise.” Kinagat ko ang ilalim na labi. Hindi kami pwedeng mag-away ngayon. Ikakasal na kami next month. “And about the lunch, I’ll be there. I have all the time for you now, love. Just tell me where and what time. Dadaan lang muna ako sa Wallow to meet Drizelle,” paliwanag ko nang hindi inaalis ang tingin sa daan.
“Okay...” maikling tugon niya.
“See you later. I love-”
Napabuntong hininga ako nang ibaba niya ang tawag at hindi man lang ako pinatapos. Inis kong winaksi ang earpeace na nasa tenga ko. Hinigpitan ko ang hawak sa steering wheel at tinapakan ang gas. Pinarada ko ang kotse sa parking space ng Wallow Restaurant na laging naka-reserve para sa ‘kin, sa suki at isang Sullivan.
Bumaba ako ng kotse at tinitigan ang lugar. Ang ganda ng lugar mapalabas at mapaloob. Ang landscape, ambiance, lokasyon at mga pagkain at inumin walang palya maliban na lang sa sistema nila dahil ang nakakatapak lang sa engrandeng lugar na ‘to ay mga mayayaman at may pangalan sa lipunan.
Nakabusangot akong pumasok sa loob pagkatapos akong pagbuksan ng pinto ng guwardya. Agad namang lumapit ang isa sa mga waitress sa ‘kin. I looked around for the manager. Dati kasi siya ang nagi-entertain sa ‘kin but I don’t mind. Maybe he's not around.
“This way, engineer. Miss Agincillio is waiting for you.” Ginaya niya ako patungo sa lagi naming pwesto. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
Nagsalubong ang kilay ko nang lumagpas kami sa usual private room namin. I called for the waitress' attention.
“Miss, isn’t this the place?” I pointed on the biggest room for VIPs.
“No, ma’am. The room was reserved ahead of time,” paliwanag ng babae kaya tumango na lang ako.
Sakto namang bumukas ang pinto dahil lumabas ang isa sa mga waiter. Napangiwi ako nang makita ‘yong gagong Xeonne na prenteng nakaupo sa couch at nakaakbay sa dalawang babaeng nagkulang ang tela ang mga suot na nakaupo sa magkabilang gilid niya. Tumuwid siya ng upo nang makita ako sa awang ng pinto.
“Don’t close the door,” aniya sa waiter. “The view is beautiful.” Ngumiti siya sabay kagat ng ibabang labi habang nakatingin sa ‘kin.
Inangatan ko siya ng kaliwang kilay saka ng isang gitnang daliri at umirap bago umalis. Narinig ko na naman ang nakakakulo ng dugong mga tawa niya. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang dugo ko tuwing nakikita ko siya.
“Oh bakit naka busangot ‘yang mukha mo?” bungad ni Drizelle. Umiiling niyang sinubo ang tinidor na may slice ng red-velvet cake. “So ano ang atin?” dagdag niya at ibinaba ang tinidor.
Hinila ko ang upuang nasa harapan niya at pabagsak na umupo rito. Nilapag ko ang bag sa mesa at pinag-cross ang mga binti. Sumandal ako at humalukipkip.
“Nakasinghap lang ng masamang hangin,” nakasimangot kong wika. “Anyways... I will surprise Zander next week. Since I am freaking jobless we could go out of town. What do you think?” Hinintay ko ang suhestyon niya.
“Hindi ka ba muna mago-order?” Nagkibit-balikay siya.
“Hindi na. Nag-aya kasi si Zander na mag-lunch,” sagot ko.
Inikot ko ang tingin para tingnan ang kabuoan ng kuwarto. Maliit at simple lang siya pero maganda. May bilog na mesa sa gitna na binabalot ng puting tela at may upuang gawa sa makapal na kahoy ang nakapuwesto magkabilaan sa mesa. The wall is painted cream and is holding various renaissance paintings. The floor is layered with khaki vinyl. The ceiling was painted beige and is holding a bronze French style chandelier. On our side was a huge glass window with parted brown thick curtains. The view of the river and the COE bridge from here is refreshing. This room perfectly suits a couple having a romantic dinner. I should take Zander here for dinner.
“Hoy!” Binagsak niya ang braso sa mesa. “Nakikinig ka ba? Pangiti-ngiti ka d‘yan?” Malisyosa niya akong tiningnan.
Napapitlag naman ako sa ginawa niya. Binalik ko ang tingin. “Sorry... what were you saying?”
“I said, you should not go out of town. Hassle lang ‘yon. Why don’t you have a romantic date on a cruise? Spend a night together,” suhestiyon niya at tinaas-baba pa ang kilay.
“But wouldn’t it be boring? Anong gagawin namin do’n? Panoorin Ang mga dolphin buong araw? Alam mo naman si Zander madaling magsawa ‘yon.” Kinagat ko ang ilalim na labi para mag-isip ng magandang gawin.
“Buti hindi nagsawa sa ‘yo,” bulong niya.
Halos magdugtong ang mga kilay ko sa narinig. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o ano. Humilig ako paharap para ilapit ang sarili sa kanya.
“What did you say?”
“Wala!” Ngumiti siya nang pilit at napakamot sa batok. “Sabi ko para hindi magsawa ay asikasuhin mo lalo na pag gabi.” Nginitian niya ako nang nakakaloko at may kasama na namang taas-baba ng kilay.
“It can wait naman ‘til next month. After the wedding and during the honeymoon. Alam mo naman ang paniniwala ko na-”
“Ang pagiging birhen ang pinakamagandang regalo mo sa asawa mo,” dugtong niya sabay paikot ng mga mata. “Pero ‘yon nga eh... ikakasal na naman na kayo next month. Sigurado naman na kayo do’n ‘di ba?” Tiningnan niya ako at hinintay ang sagot ko kaya tumango na lang ako. “Iyon naman pala eh. Ibigay mo na. You’re both adults naman na at halos limang taon ding hinintay ni Zander ‘yan.” Sumubo na naman siya ng cake.
“Well... he waited for five years. For sure he could wait until next month.” I shrugged.
Napahilamos siya sa mukha at tamad na sumandal sa upuan. “Hindi sa pinag-oover think kita ha pero what if kaya siya nakapaghintay sa loob ng limang taon dahil sa iba niya ginagawa?”
I pulled a long face and stared straight in her eyes. “Do you know something?”
Umiwas siya ng tingin sabay tawa ng pilit. “Kaya nga what if. Ano ka ba!” Mahina niyang hinampas ang braso kong nakapatong sa mesa. “Hindi naman siguro magagawa ni Zander ‘yon. Kilala na natin siya since college. Mahal na mahal ka no’n at ako ang saksi sa pagmamahal niya,” bawi pa niya bago mabilis na uminom ng juice habang namumula ang mukha. “Pasensya ka na kung maliit na kuwarto lang ang kinuha ko ha? Ito lang kasi afford ko.” Pag-iiba niya ng usapan.
“It’s okay...” Tiningnan ko ulit ang silid. “Actually, I like it. I should take Zander here some time.” Napangiti na naman ako sa naiisip.
“Alam mo ikaw lang ang mayaman na mahilig sa simple.” Pinasada niya ang tingin sa ‘kin. Tinapunan niya ng tingin ang bag kong nasa mesa. Pansin ko ang sandaling pag-ngiwi ng labi niya.
Wide-leg denim pants, oneshoulder white fitted top, sneakers at simpleng black sling bag lang ako. I always wear simple para kahit anong oras na may emergency sa site ay pwede akong dumiretso do’n nang hindi inaalala ang suot ko. I checked my phone pero wala pa ring message galing kay Zander. I was about to call him but my phone rang and Dad’s name flashed on the screen. I swiped it to the right to answer his call.
“Come to my office and present the proposal to Mr. Monteverde.” His voice was full of authority.
“But ,Dad, I am no longer your employee. Besides it’s lunch time and I’m going out for lunch with Zander,” I frowned.
“But, Anastasia, you’re still my daughter. Besides I haven’t signed your resignation yet.”
Napasimangot ako nang gayahin niya ang pananalita ko.
Yeah right... I am your daughter but you never treated me as one. You just feed me, clothed me, sheltered me but never made me feel like I am part of the family, that I am your daughter.
Diniinan ko ang kagat sa ilalim na bibig para iwasang lumabas ang hinanakit ko sakanya, sa kanila ni Mom. Kahit ‘yan ang pinaparamdam nila ay may respeto pa rin ako sa kanila and I don't want to hurt them.
“Marami namang pwedeng mag-present sa kanya, Dad. Pwede namang si Ate o ikaw,” maktol ko.
“He pushed your twin sister out of the conference room and he doesn’t want me either. He wants you,” Dad explained.
Hindi ko mapigilang mapangita dahil sa ginawa niya kay ate. “Pero bakit ako?”
“Iyan din ang pinagtataka ko,” mabilis niyang sagot at pinahid no’n ang mga ngiti ko sa labi.
Grabe ka sa ‘kin dad ha. Pwede mo namang sabihin na dahil sa ganda ko o talino ko o ano.
“Please... sweetheart,” paglalambing niya.
Napabuntong hininga ako at um-oo. Dali-dali akong nagpaalam kay Drizelle and asked her a favor to prepare the date on the cruise at pumayag naman siya. I also messaged Zander na hindi ko siya masasamahan sa lunch and that I am sorry.
Nakasimangot akong pumasok ng conference room. Sinalubong ako ng mga mata ni Xeonne na prenteng nakaupo. Nakapatong ang mga binti sa parehabang mesa at sa dibdib naman ang mga braso.
“Mr. Monteverde...” malamig kong tawag sakanya.
“Yes, Mrs. Monteverde?” Ngumisi siya sabay kagat-labi.
“You know you don’t have to buy an island for me or anything at all right?” I grabbed his hand resting around my neck and pulled myself closer to him. His firm chest pressed against my back. I could feel his heart beating faster.“I know.” His arm tightened around my waist as he nozzles against my nape.The gentle warmth of his breath caressed my skin, sending chills down my spine.“But I want to,” he added and planted a long kiss on my neck.I turned around and was met by his intense gaze. I cupped his face and leaned over as I shut my eyes close. I felt his soft lips against mine. He grabbed my nape and deepened the kiss. He nudged me against the soft silk beneath us and with his lips still against mine, he swiftly climbed on top of me. The space on each sides my head slightly sunk as he ositions himself cornering me. I wrapped my arms around his neck kissing him like we’ve never kissed for years. Each kiss screams how I longed for him.Suddenly he stopped.Resting my head back, I
“Wife?”Mabilis na lumapit sa ‘kin si Xeonne. Puno ng pag-alala ang mga mata niya.“What’s wrong?” Pinunasan niya ang magkabilang pisnge ko.Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Hindi ko alam kung sa tuwa dahil sa wakes gising na siya o sa naiisip na siya, si Xenon at Alesia bilang isang buong pamilya.“I’m sorry, Wife.” He hugged me.Napatawa ako nang mapakla. Right. Syempre anak niya si Xenon. He won’t give him up easily.“So this is goodbye then?”Kusa siyang kumawala sa pagkakayakap at tiningnan ako nang magkasalubong ang mga kilay.“What are you talking about?” Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko.Winaksi ko ang mga kamay niya at umatras palayo sa kaniya. “If you’re leaving me for her fine but please don’t take Xenon away from me.”“Huh?” Sandali niya akong tinitigan ng may pagtataka pagkatapos ay binaling niya ang tingin sa ‘kin. “Alesia...” May pagbabanta sa boses niya.Tumawa na parang kontrabida si Alesia. Lumapit ito kay Xeonne at muling kumapit sa braso niya.“I’m
“Hindi ko naiintindihan. Bakit naman gagawin ni Alesia ‘to?” Hindi mapakali si Mom.Pabalik-balik siyang naglalakad dito sa sala. Napatitig ako sa cellphone na nilapag ko sa mesa. Kalahating oras na simuna nang kunin ni Alesia ang anak ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na balita.“Damn it!” Marahas na sinara ni Lucero ang laptop. “Alesia’s phone’s is upstairs. She’s using a burner phone to call you. I can’t trace itband the tracking device on Xenon is not working.”“The heck, Lucero!” Binato ko siya ng throw pillow. “Paano kung malaman nila ang tungkol sa tracking device? You’re putting my son in danger.”“He’s in danger either way lalo na kung may galit sa ‘yo si Alesia,” inis na tugon niya.“And you think that makes me feel better?” Pabagsak akong umupo.My husband’s missing and now my son? Napasabunot ako sa sarili. What’s her reason? Is it because of Xeonne? Mabilis kaming napatingin sa cellphone ko nang sandaling tumunog ito. Agad ko itong dinampot. I rece
“Who the hell would kidnap Xeonne?” Lucero asked while driving.“Yeahh... Who?” I stared at my ring.I twisted the ring for I don’t know how many times and somehow I couldn’t figure out where I want it. I’ve been wearing this for a long time but it makes me uncomfortable lately. Napansin ko rin ang pagiging maluwag nito. Hindi ko alam kung nangayayat ba ako or ano. I just don’t feel this ring.“Anastasia,” tawag ni Lucero.“Ha?” Napatingin ako sa kaniya gamit ang rear view mirror.“Kanina pa ako nagsasalita but you’re not paying attention.” Sandali niyang ibinaling ang tingin sa ‘kin. “I feel like you don’t care.”Nagsalubong ang mga kilay ko. “About what?”“About Xeonne being missing?” Tiningnan niya ako na may pagtataka.“Of course I care. It’s my Xeonne we’re talking about.” Mabilis kong pagtanggi. “I’m just not myself knowing that he’s nowhere to be found.”Hindi ko alam kung sino ang niloloko ko, si Lucero ba o sarili ko mismo. Xeonne’s gone for a day now and somehow I don’t feel
“How am I going to keep my distance when every time you’re out of my sight I feel like dying?”His voice was soft but carries immense pain.“How can they expect me to survive without you when even a single day of your absence shatters my sanity?”The pain in his voice receded and sheered sadness causing his voice to crack.“How can they ask me to let you go when I couldn’t even imagine a second of my life without you?”His sadness turned into desperation. He uttered each word with strong emphasis and strained defiance.Every time he spoke, he sounded more and more desperate. I could feel the heaviness in his words, the pain, and it shatters me. I slightly opened my eyes and saw his green eyes staring back at me brimming with tears.“Xeonne...” The moment I called his name, tears streamed down his cheek. I smiled at my barely opened eyes. “It’s nice to see you again kahit na sa panaghinip lang.”I know I was dreaming. Naaalala ko ang sariling nagtatrabaho pa rin sa madaling araw. Hin
“Why do you have to come back?”I heard Tremaine’s voice. I felt a sharp pain on the back of my head. My migraine is getting worse as time passes by.“Why come back, Anastasia?” She touched my cheek.I was stunned. It was indeed Tremaine’s voice. And her touch. It was gentle and warm like it used to be. Am I dreaming? “Sobrang liit ng mundo. Sa dinami-dami ng mga bata ikaw pa talaga ang na pusuan ko.” Hinaplos niya ang pisnge ko. “I know it’s not your fault but why do you have to look like her growing up?” Look like who?“It would have been easier if you don’t move like her, talked like her, looked like her.” Kinuha niya ang kamay ko at kinulong ito sa pagitan ng mga palad niya. Her warmth felt so real. I know I wasn’t dreaming. I want to open my eyes and let her know that I was awake but I want to hear from her more. I want to hear her the answers behind my whys. Why did she mistreat me, hurt me. I want to know her reasons, her real deep reasons and not that reputation bullshits.