Fist of Claws: The Rise of the New Alpha & his Queen

Fist of Claws: The Rise of the New Alpha & his Queen

last updateLast Updated : 2023-03-21
By:  O.O.C GabrielCompleted
Language: English
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
95Chapters
4.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Brilliant but always get his kicked: he was loved by girls and he's every girls type of guy. Lucas' life turned weird when he noticed the changes in his body. Faced with threats from supernatural and mortal enemies, Lucas must find a way to adapt to his new life as a werewolf and as well keep it a secret. The journey of becoming the new werewolf alpha has just begun but at what cost?

View More

Chapter 1

Chapter 1 - Lies

Takot.

Iyon agad ang namayani sa puso ni Katya habang pinupulot ang nakakalat niyang damit sa sahig. Ang kaninang kasiyahan na inakala niya ay napalitan ng panganib.

Bakit hindi si Markus ang nakahiga sa kama? Who the fuck did I give my virginity to?!

Iyon ang malaking katanungan ni Katya. Hindi niya mawari kung bakit ibang lalaki ang nakahiga sa kama. Hindi si Markus na mismong target nito, kundi isang estranghero. Gayunpaman, hindi mapagkakaila ang angking kagwapuhan nito. Parang hinulma upang maging perpekto. Ngunit mas lalo iyong ikinabahala ni Katya. Sino ang lalaking iyon?

"Shit!" mahinang mura ni Katya habang balisang sinusuot ang damit niya. "Anong gagawin ko? Oh my God!"

Isa pa sa malaki niyang kasalanan, mukhang nabudol pa siya sa gayumang binili niya. Isang uri ng aphrodisiac ang nabili niya at hindi love potion, dahilan upang may mangyari sa kanila ng lalaki. How did she know? She tried the potion first para siguraduhin na hindi nakakalason. 

Laki rin ng kaniyang pagsisi kung bakit hindi niya sinigurado na si Markus ang nasa kwarto. 

Pero sa isip niya rin naman, wala namang ibang natutulog sa kwartong iyon kundi si Markus lang. Madilim rin nang gabing may nangyari sa kanila kaya hindi niya agad nasilayan ang mukha ng lalaki.

And after all, nakainom rin siya ng gabing iyon.

"Ang tanga-tanga mo, Katya. Kanino ka ba nagmana?" naiiyak na sambit niya sa sarili.

Dumoble ang takot ni Katya nang marinig na umungol ang lalaki at bahagyang iminulat ang mata nito. Sa sobrang balisa na makita at makilala siya ng lalaki, nahila agad ni Katya ang malaking japanese figurine at ipinalo iyon sa ulo ng lalaki. Nawalan muli ng malay ang lalaki.

"Sorry! Sorry! Pero hindi mo pwedeng makita ang mukha ko!" natatarantang paghingi ng tawad ni Katya. Iyon lang din kasi kaagad ang nakita niyang paraan para muling matulog ang lalaki. "I'm sorry! Sorry talaga!"

Labis na guilt ang naramdaman ni Katya nang makita ang walang malay na mukha ng lalaki. Bahagya ring namula ang ulo nito kung saan niya hinampas. Mukha rin naman itong inosente. Lalo siyang nakonsensya.

Hala! Tama ba ang ginawa ko? What if hindi na siya magising? Lord... Help me!

Pinilit rin kilalanin muli ni Katya kung sino ang lalaki, pero hindi niya talaga maalala. Napakagat na lamang siya ng labi sa sobrang pagkataranta.

Bahala na si Kuromi!

Sa huli, bago pa tuluyang sumikat ang araw, nilisan na ni Katya ang kwarto at palihim na bumalik sa kwarto ng mga katulong. Gayunpaman, lumipas ang buong araw na halos hindi lumabas si Katya ng kwarto. Idinahilan niya na lamang sa mga kapwa katulong na masama ang pakiramdam niya. Ngunit ang katotohanan, takot na takot siyang makita ang lalaking naka-one night stand niya. 

At sa loob ng isang araw na pagkukulong niya, wala rin naman siyang nabalitaan na may bisita ang hacienda. Inumaga na rin ng uwi si Markus noong gabing iyon dahil sa party na dinayo nito.

So it wasn't really Markus... So who the fuck is that man?

"Ba't mo ginupitan ang buhok mo?" bungad ni Clarisse, kaibigan niya sa trabaho, nang makita na pinutulan ang mahaba niyang buhok.

"Naengkanto kasi ako," dahilan ni Katya, ngunit sa totoo lamang ay gumagawa siya ng paraan upang hindi siya makilala ng lalaki. Nais niyang baguhin ang anuman na tungkol sa kaniya na maaaring maalala ng lalaki.

If the man remembered her having a long hair, she would cut her hair short. If the man remembered her perfume, she would change it. Ganoon ang pagkatakot niya. Lahat ay handa niyang baguhin sa katawan niya huwag lamang siyang matandaan ng lalaki.

"Engkanto? Sabog ka ba? Ang ganda-ganda ng buhok mo tapos gugupitin mo lang?"

"Tch, basta may dalang malas ang mahabang buhok na 'to!" rason ni Katya, pero nanghihinayang rin siya dahil ilang taon niya ring pinahaba ang buhok niya.

Markus once complimented her long and silky hair. Iyon ang rason kung bakit mahal na mahal niya rin ang mahabang buhok niya. Napapikit na lamang siya sa panghihinayang.

I have to do it or else...

"Rinig mo ba, may bisita pala si Sir Markus?" Sumilay ang kakaibang ngiti sa mukha ng kaniyang kaibigan.

Parang sumabog ulit sa kaba ang puso ni Katya nang marinig ang sinabi ni Clarisse. "B-bisita?"

Tumango si Clarisse at bahagyang ngumiti. "Yes! And ang balita, step-brother ni Sir Markus mismo!" Biglang tumili ito at niyugyog siya

S-step-brother?!

"And nakita ko mismo kahit sa malayo, sobrang gwapo niya! Mas ma-appeal kaysa kay Sir Markus! Grabe 'yong tindigan at katawan! Nakakapag-laway!"

Natulala si Katya nang mapagtanto ang rebelasyong iyon. Daig niya pa ang na-stroke bigla dahil halos manigas ang buo niyang katawan. Tuloy pa rin ang pagyugyog ni Clarisse sa kaniya.

No. Kumalma ka, Katya! Hindi pa sure kung iyon talaga ang naka-one night stand mo. Just pray that hindi siya 'yon!

"Actually, noong isang gabi pa talaga siya dumating. Kaya pala nakita ko si Madam Jen na nagdala ng breakfast kanina sa kwarto ni Sir Markus kasi doon pala ito tumuloy!"

W-what?!

Sunod-sunod ang naging pagmura ni Katya sa kaniyang utak. 

"Tapos ang chika, 'yon pala 'yong billionaire na kapatid ni Sir Markus na may-ari ng iba't ibang malalaking kompanya at isa pang Mafia! Kyah!" patuloy na tili ng kaniyang kaibigan. "Para siyang lumabas sa libro! What if magkagusto siya sa akin? Edi mala-libro na ang story namin? Shit!" 

Halos mahilo si Katya nang mapagtanto niya ang katauhan ng lalaking naka-one night stand niya. Bukod sa kapatid pa ito ng lalaking pinapangarap niya, hindi rin pala ito isang ordinaryong tao lamang. Muli niya ring naalala kung paano niya ito hinampas sa ulo.

Mafia? Holy shit!

Tuluyang nandilim ang paningin ni Katya. Ang tanging tumatakbo na lamang sa utak niya ay ang hiling na sana hindi na siya magising muli...

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
95 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status