LOGINSorry, after this ibabalik ko na sa main characters ang kwento. Gusto ko lang bigyan ng moment ang ibang side characters. Thank you!
PAGOD na lumabas si Fiona sa kotse sabay kuha ng paperbags. Umaga pa lang ay busy na siya ay kanina ay regular check up niya.Kondisyon iyon ni Emilio, upang maiwasan na mabuntis siya at hindi pa naman ito gumagamit ng proteksyon. Kaya siya ang nagsasakripisyo na uminom ng contrac*ptives.Pagkatapos ay dumaan siya sa mall at namili ng mga damit at gamit na nagustuhan lang niya habang naroon. Bitbit ang pinamili ay sumakay na siya ng elevator, hindi na pinansin pa ang tingin ng ibang residente—sanay na siya.One time, may isang matandang babae ang nagtanong kung anong trabaho niya at madalas siyang makita na laging may bitbit na mamahalin at branded na gamit.Hindi niya sinagot ang matanda kaya nainis ito, simula noon ay iba na ang tingin ng mga nakatira sa building na iyon. Marahil, pinag-uusapan siya at kung ano-anong sinasabi pero wala na siyang pakialam.Ang mahala sa kanya ay na-e-enjoy niya ang tinatamasang buhay.Pagkarating sa tamang palapag ay lumabas na siya at naglakad patun
BINAGALAN ni Caitlyn ang pagmamaneho ng makarating sa condominium building ni Ezekiel, sa unahan ay napansin niya ang isang pamilyar na sasakyan kaya pasimple siyang sumunod pero dahil limitado ang parking space ay napilitan siyang pumarada.Sa kabilang direksyon siya nakakita at pagkatapos ay kinuha ang dalang gift para sa pamilya ni Ezekiel. May gaganaping family dinner sa itaas kaya pinaghandaan niya talaga ng husto.Naglakad siya patungo sa elevator at nang makarating sa tamang palapag ay naabutan niya sa harap ng pinto ang pamilya nito na siyang sinusundan niya kanina. "Good evening po,"magalang niyang pagbati sabay ngiti.Nagkusa na rin siyang bumeso sa Ginang habang tinanguan naman siya ni Federico.Saktong bumukas ang pinto at bumungad si Ezekiel na direkta agad ang tingin sa kanya. Napaiwas siya ng tingin, matapos makaramdam ng hiya dahil ilang araw niya rin itong iniiwasan.Kahit na naging maayos naman sila pagkatapos ay hindi niya pa rin maiwasang mailang."Mauna na kayong
MAGSASALITA pa lang sana si Damian ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Binalewala niya ngunit ang tingin ng tatlo ay nanatili sa kanya."Ba't 'di mo muna sagutin 'yan at baka importante," ani Alejandro, may kaunting malisya sa boses.Nanlalamig ang palad ni Damian ng kunin sa bulsa ang phone. Galing sa bahay ang tawag kaya dali-dali niyang sinagot, "Hello?"Natatarantang boses ng isa nilang katulong ang maririnig sa kabilang linya, "Sir! Nahimatay po si Madam!""A-Ano? Bakit, anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod niyang tanong, biglang nanigas ang katawan sa takot."Hindi po namin alam. Bigla na lang po siyang natumba habang naglalakad."Napatingin si Damian kay Alejandro at sinabi ang nangyari, "Kailangan ko lang puntahan ang asawa ko sa ospital." Nang pumayag ito ay wala siyang sinayang na oras at agad ng lumabas ng opisina.Nabigla naman si Sandro sa naging desisyon ng ama at kinuwestiyon ito, "Hahayaan niyo lang siya, Dad?"Huminga nang malalim si Alejandro. "Wala naman siyan
KATATAPOS lang kumain ni Fiona ng almusal ng maisipan niyang tawagan ang tiyahin. Gusto niyang kumustahin kung ano ng kalagayan nito sa bagong tinitirhan.Gaya ng ipinangako ni Emilio na ililipat ang mga ito sa ibang lugar habang ipapakulong naman si Lando. Ngunit nakailang ring na pero hindi naman ito sumasagot, hindi na rin siya nag-abalang magtext.Makalipas ang ilang sandali ay pinadalhan siya ng mensahe.Amor: Bakit ka tumawag?Fiona: Wala nangangamusta lang.Amor: Okay lang kami.Hindi na siya nagreply pero ilang sandali pa ay nagtext ulit ito ng mahabang mensahe.Amor: Salamat sa lahat ng itinulong mo, Fiona. Simula ngayon, hindi na kami manggugulo at manghihingi sa'yo ng kung ano-ano. Ito na rin ang huling message ko. Ingat ka palagi.Napakunot-noo siya sa pagbabago ng mensahe. Walang duda na lalayo na ito, pero bakit biglaan?Nakakapagtaka, gayong pinangako nito dati na laging mangungumusta sa kanya kapag may pagkakataon.Bakit biglang nag-iba?Gayon pa man ay hindi na niya m
KATOK sa pinto ang nagpalingon kay Mika habang nasa kwarto siya at nag-aayos ng dokumento."Mika, ready na ang pagkain," saad ni Caitlyn."Okay! Palabas na!" sagot niya at hinayaan muna ang documents sa may kama. Pagkatapos ay lumabas na siya at naupo sa harap ng hapagkainan.Matapos magdasal ay tahimik lang silang kumain pero habang tumatagal ay napapansin na niyang tila malalim ang iniisip ng kaibigan. Minsan, pinaglalaruan lang nito ang pagkain o hindi kaya ay sobrang bagal ngumuya at may pagkakataong malalim ang paghinga."May nangyari ba?" hindi napigilang tanong ni Mika.Nag-angat ng tingin si Caitlyn sabay iling. "Wala."Ngunit hindi siya kumbinsado, kilala niya ang kaibigan. Alam niya kung may pinagdadaanan ito at natitiyak niya iyon. Gayon pa man ay hindi niya ito kinulit ng tanong.Hanggang sa matapos silang kumain ay tahimik lang ito kaya siya na ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Himalang hindi ito tumanggi, pero habang naghuhugas ng pinggan ay nakarinig siya ng pagkab
PAGBALIK sa kotse ay nagpaalam si Sandro na hindi na sasabay sa kotse at may pupuntahang ibang lugar.Si Meriam na siyang kasama sa sasakyan ay agad naramdaman ang pagbabago ng mood ng anak. Alam niyang nagdadahilan lang ito pero hindi na siya nagtanong pa, tiyak niyang nasaktan ito sa nangyari."Gamitin ko na ang kotse, para 'di ka mag-commute."Tumango si Caitlyn, bilang pagsang-ayon sa sinabi ng ina. "Ako na lang ang maghahatid kay Mommy pauwi," dagdag niya pa.Umiling si Sandro, nais niyang mapag-isa at ayaw niyang isama pa ang driver sa kanyang pupuntahan. "Magta-taxi na lang ako." Hindi na siya naghintay pa na magsalita ang dalawa at agad ng naglakad patungo sa tabi ng kalsada para mag-abang ng masasakyan.Bumuntong-hininga si Meriam, walang ibang nagawa kundi pagmasdan ang likod ng anak. Mayamaya pa ay si Caitlyn ang binalingan niya. "Uuwi ka na rin ba?""Sa ospital ako, 'Mmy." Gusto niyang i-check kung ano nang nangyari sa lalake.Haplos sa balikat ang iginawad ni Meriam. "Ing
BUMABA si Mika sa jeep at naglakad patungo sa ospital. Yakap niya ang ilang libro habang patungo sa malapit na kainan, hindi kalayuan sa ospital para bumili ng makakain sa hapunan—at medyo may kamahalan ang pagkain sa loob.Isang simpleng karinderya at sa kabilang kalsad ay mga magkakahilerang rest
SA LUMANG BODEGA, na pagmamay-ari ng pamilya Salvante matatagpuang nakakulong ang mag-anak na siyang dumukot noon kay Caitlyn.Sama-sama sa isang kwarto ang mag-asawang sina Amor at Joey, kasama ang kapatid ng huli, si Lando at ang anak nilang si Boyet—na ilang oras pa lang ang nakararaan ay muntik
BUMILIS ang pintig ng puso ni Caitlyn, una ay nakaramdam siya ng kakaibang kiliting umakyat papunta sa kanyang batok hanggang sa mag-init ang kanyang mukha.Mabuti na lamang at dim ang ilaw sa resto kaya, marahil ay hindi nito mahahalata kung namumula na ang kanyang pisngi.Napangiti naman si Ezeki
MAKALIPAS ang ilang minuto, habang naglalatag ng pinggan at kubyertos ang magkaibigan ay narinig nila ang tunog ng doorbell.Tumayo si Federico at nagpresentang siya na lamang ang magbubukas ng pinto. Bumungad agad sa kanya ang nakakunot-noong mukha ng anak.“Si Caitlyn?” tanong agad ni Ezekiel.“N







