LOGINPAGOD na lumabas si Fiona sa kotse sabay kuha ng paperbags. Umaga pa lang ay busy na siya ay kanina ay regular check up niya.Kondisyon iyon ni Emilio, upang maiwasan na mabuntis siya at hindi pa naman ito gumagamit ng proteksyon. Kaya siya ang nagsasakripisyo na uminom ng contrac*ptives.Pagkatapos ay dumaan siya sa mall at namili ng mga damit at gamit na nagustuhan lang niya habang naroon. Bitbit ang pinamili ay sumakay na siya ng elevator, hindi na pinansin pa ang tingin ng ibang residente—sanay na siya.One time, may isang matandang babae ang nagtanong kung anong trabaho niya at madalas siyang makita na laging may bitbit na mamahalin at branded na gamit.Hindi niya sinagot ang matanda kaya nainis ito, simula noon ay iba na ang tingin ng mga nakatira sa building na iyon. Marahil, pinag-uusapan siya at kung ano-anong sinasabi pero wala na siyang pakialam.Ang mahala sa kanya ay na-e-enjoy niya ang tinatamasang buhay.Pagkarating sa tamang palapag ay lumabas na siya at naglakad patun
BINAGALAN ni Caitlyn ang pagmamaneho ng makarating sa condominium building ni Ezekiel, sa unahan ay napansin niya ang isang pamilyar na sasakyan kaya pasimple siyang sumunod pero dahil limitado ang parking space ay napilitan siyang pumarada.Sa kabilang direksyon siya nakakita at pagkatapos ay kinuha ang dalang gift para sa pamilya ni Ezekiel. May gaganaping family dinner sa itaas kaya pinaghandaan niya talaga ng husto.Naglakad siya patungo sa elevator at nang makarating sa tamang palapag ay naabutan niya sa harap ng pinto ang pamilya nito na siyang sinusundan niya kanina. "Good evening po,"magalang niyang pagbati sabay ngiti.Nagkusa na rin siyang bumeso sa Ginang habang tinanguan naman siya ni Federico.Saktong bumukas ang pinto at bumungad si Ezekiel na direkta agad ang tingin sa kanya. Napaiwas siya ng tingin, matapos makaramdam ng hiya dahil ilang araw niya rin itong iniiwasan.Kahit na naging maayos naman sila pagkatapos ay hindi niya pa rin maiwasang mailang."Mauna na kayong
MAGSASALITA pa lang sana si Damian ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Binalewala niya ngunit ang tingin ng tatlo ay nanatili sa kanya."Ba't 'di mo muna sagutin 'yan at baka importante," ani Alejandro, may kaunting malisya sa boses.Nanlalamig ang palad ni Damian ng kunin sa bulsa ang phone. Galing sa bahay ang tawag kaya dali-dali niyang sinagot, "Hello?"Natatarantang boses ng isa nilang katulong ang maririnig sa kabilang linya, "Sir! Nahimatay po si Madam!""A-Ano? Bakit, anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod niyang tanong, biglang nanigas ang katawan sa takot."Hindi po namin alam. Bigla na lang po siyang natumba habang naglalakad."Napatingin si Damian kay Alejandro at sinabi ang nangyari, "Kailangan ko lang puntahan ang asawa ko sa ospital." Nang pumayag ito ay wala siyang sinayang na oras at agad ng lumabas ng opisina.Nabigla naman si Sandro sa naging desisyon ng ama at kinuwestiyon ito, "Hahayaan niyo lang siya, Dad?"Huminga nang malalim si Alejandro. "Wala naman siyan
KATATAPOS lang kumain ni Fiona ng almusal ng maisipan niyang tawagan ang tiyahin. Gusto niyang kumustahin kung ano ng kalagayan nito sa bagong tinitirhan.Gaya ng ipinangako ni Emilio na ililipat ang mga ito sa ibang lugar habang ipapakulong naman si Lando. Ngunit nakailang ring na pero hindi naman ito sumasagot, hindi na rin siya nag-abalang magtext.Makalipas ang ilang sandali ay pinadalhan siya ng mensahe.Amor: Bakit ka tumawag?Fiona: Wala nangangamusta lang.Amor: Okay lang kami.Hindi na siya nagreply pero ilang sandali pa ay nagtext ulit ito ng mahabang mensahe.Amor: Salamat sa lahat ng itinulong mo, Fiona. Simula ngayon, hindi na kami manggugulo at manghihingi sa'yo ng kung ano-ano. Ito na rin ang huling message ko. Ingat ka palagi.Napakunot-noo siya sa pagbabago ng mensahe. Walang duda na lalayo na ito, pero bakit biglaan?Nakakapagtaka, gayong pinangako nito dati na laging mangungumusta sa kanya kapag may pagkakataon.Bakit biglang nag-iba?Gayon pa man ay hindi na niya m
KATOK sa pinto ang nagpalingon kay Mika habang nasa kwarto siya at nag-aayos ng dokumento."Mika, ready na ang pagkain," saad ni Caitlyn."Okay! Palabas na!" sagot niya at hinayaan muna ang documents sa may kama. Pagkatapos ay lumabas na siya at naupo sa harap ng hapagkainan.Matapos magdasal ay tahimik lang silang kumain pero habang tumatagal ay napapansin na niyang tila malalim ang iniisip ng kaibigan. Minsan, pinaglalaruan lang nito ang pagkain o hindi kaya ay sobrang bagal ngumuya at may pagkakataong malalim ang paghinga."May nangyari ba?" hindi napigilang tanong ni Mika.Nag-angat ng tingin si Caitlyn sabay iling. "Wala."Ngunit hindi siya kumbinsado, kilala niya ang kaibigan. Alam niya kung may pinagdadaanan ito at natitiyak niya iyon. Gayon pa man ay hindi niya ito kinulit ng tanong.Hanggang sa matapos silang kumain ay tahimik lang ito kaya siya na ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Himalang hindi ito tumanggi, pero habang naghuhugas ng pinggan ay nakarinig siya ng pagkab
PAGBALIK sa kotse ay nagpaalam si Sandro na hindi na sasabay sa kotse at may pupuntahang ibang lugar.Si Meriam na siyang kasama sa sasakyan ay agad naramdaman ang pagbabago ng mood ng anak. Alam niyang nagdadahilan lang ito pero hindi na siya nagtanong pa, tiyak niyang nasaktan ito sa nangyari."Gamitin ko na ang kotse, para 'di ka mag-commute."Tumango si Caitlyn, bilang pagsang-ayon sa sinabi ng ina. "Ako na lang ang maghahatid kay Mommy pauwi," dagdag niya pa.Umiling si Sandro, nais niyang mapag-isa at ayaw niyang isama pa ang driver sa kanyang pupuntahan. "Magta-taxi na lang ako." Hindi na siya naghintay pa na magsalita ang dalawa at agad ng naglakad patungo sa tabi ng kalsada para mag-abang ng masasakyan.Bumuntong-hininga si Meriam, walang ibang nagawa kundi pagmasdan ang likod ng anak. Mayamaya pa ay si Caitlyn ang binalingan niya. "Uuwi ka na rin ba?""Sa ospital ako, 'Mmy." Gusto niyang i-check kung ano nang nangyari sa lalake.Haplos sa balikat ang iginawad ni Meriam. "Ing
MAHIGPIT na hawak ni Caitlyn ang bitbit na lunchbox habang pinapanood ang boyfriend na iparada ang kanyang sasakyan.Si Ezekiel na ang nagpresinta para hindi na siya mahirapan pa sa paghahanap.“Hintayin mo na lang ako sa office,” iyon ang sabi ng binata.Pero hindi niya ginawa at matiyaga itong hi
HABANG NAGHAHAPUNAN ay panay ang tingin ni Caitlyn sa cellphone, kanina pa siya may hinihintay.“Ano ‘yun?” tanong ni Mika habang ngumunguya, ang kutsara ay nasa labi pa. “May hinihintay kang tawag or something?”Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Caitlyn, saka binaba ang hawak na kubye
AKMANG ibibigay na ni Amor ang cellphone nang biglang dumating si Lando, sumigaw ng, “Hoy!” Saka dali-daling lumapit sabay hablot ng cellphone mula sa hipag.Umiwas naman ng tingin si Fiona pero hindi nakaligtas sa gilid ng mga mata ang matalim na tingin nito. Walang duda na tama ang hinala niyang
NILUKOB ng takot si Fiona sa banta ni Lando, hindi niya akalaing iba-blackmail siya nito. Bigla siyang nanlamig sa kaba, iniisip kung kailan pa kaya nito naisip na gawin ang mga bagay na iyon?Si Amor naman sa kabilang dako ay agad hinampas ang likod ng bayaw, sabay agaw ng cellphone. “Ano bang gin







