BAGO pa man matapos ni Caitlyn ang sasabihin ay bigla siyang niyakap ni Fiona at sumigaw, para hindi marinig ng mga magulang sa ibaba kung sakaling naipagpatuloy pa niya ang sasabihin.“F-Fiona, anong nangyayari diyan?” ani Meriam, matapos mabigla sa ginawa ng anak.“M-Mommy, Daddy… baka, pwede naman nating pag-usapan ‘to? Kahit ano pa sigurong nagawang kasalanan sa’kin ni Ate.”“Sumusobra na siya, hindi ko na kaya pang pakisamahan ang batang ‘yan!” ani Alejandro.Mula sa pagkakayakap ay pinakawalan ito ni Fiona saka humakbang pababa ng ilang baitang. “Intindihin na lang natin siya, Daddy. Hindi biro ang pinagdaanan niya. Kaya sige na, Dad, patawarin na natin siya.” Matapos ay tuluyan siyang bumaba para lapitan ang magulang. Kumbinsihin pa ang mga itong huwag palayasin si Caitlyn.Ngunit si Alejandro ang tipo ng taong hindi basta-bastang nagbabago ang desisyon.Kaya si Meriam ang nilapitan niya. “Mommy, kumbinsihin mo naman si Daddy, nakakaawa si Ate.”Dahil sa oras na mapaalis sa bah
PAPASIKAT pa lang ang araw nang lumabas si Caitlyn. Gaya ng nakagawian ay naglakad-lakad siya, nag-eexcercise. Pagbalik sa silid, una niyang tiningnan ang cellphone at napansin ang notifications sa private group.“Anong meron?” Saka niya clinick.Doon ay natuklasan niyang bumaba ang stock sa mercado.“Ang aga naman, lahat ba affected?” Unang tiningnan ang account niya saka siya nakahinga nang maluwag. “Buti na lang talaga at inayos ko.”Pagkatapos ay binalikan niya ang private group. Nagbigay ng kaunting suggestion dahil nagkakagulo na ang mga miyembro.Nang may nag-comment, si King.“Aba, binibigyan na nga ng suggestion… Kung sabagay, nasa kanya pa rin naman kung susundin niya o hindi?” Matapos basahin ang comment.May isa pang nag-comment.Gemini: Maaga ka atang nagising ngayon?Wala itong pinapatungkol kaya nagreply siya pagka-send ay sabay pa silang dalawa ni King.Miss Inno: Nag-jogging ako.King: May duty pa pero pauwi na.Napakunot-noo si Caitlyn, biglang na-curious kung anong
DAHIL sa reaksyon ni Caitlyn ay napalingon ang pamilya sa gawi niya maging si Yna.Napatayo agad si Meriam, rumehistro sa mukha ang pagkaasiwa sa pagdating ng anak. “N-Nandiyan ka na pala, kumain ka na ba?”“Umakyat ka na sa kwarto mo,” utos ni Alejandro.Ngunit hindi nakinig si Caitlyn, gusto niya ng kasagutan. “Si Yna ang girlfriend ni Kuya? Pa’no nangyari ‘yun?”Dumilim ang ekspresyon ni Sandro. “Anong problema mo?!”Bumuntong-hininga si Caitlyn. “Nakalimutan n’yo na ba kung anong ginawa niya sa’kin?”Rumehistro ang kaba sa mukha ni Yna ngunit ikinubli niya sa pamamagitan ng pagngiti. “Caitlyn, matagal na ‘yun. Kung ano man ang nagawa kong kasalanan sa’yo, then, I’m sorry.”Umismid si Caitlyn. “Sorry? Sa tingin mo’y madadaan lang sa sorry ang lahat?”“Bakit, anong ginawa niya sa’yo?” tanong ni Jude, na kararating lang at narinig ang sinabi nito.Agad naman lumapit si Fiona sa binata sabay hila palayo kay Caitlyn. “Ba’t ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay.”Nagpatianod nam
NAIILING na kumamot sa likod ng ulo si Matthew. Hindi niya maintindihan kung bakit mainit na naman ang ulo ng kaibigan.Oo, suplado ito at mahilig mambara pero alam niya kung talagang wala na ito sa mood kaya dapat na siyang tumahimik.“Sa’n mo pala gustong kumain?” Habol niya rito, pilit sinasabayan ang mabilis nitong lakad.“Wala nang oras, babalik na lang ako,” ani Ezekiel.Napatingin naman si Matthew sa suot na relo saka siya napangiwi. Dahil mag-quarter to six na, kailangan na nitong bumalik sa ospital.“Mag-drive thru na lang tayo. Akin ng susi, ako nang magmamaneho habang kumakain ka.” Sabay lahad ng kamay sa harap nito.Huminga nang malalim si Ezekiel, bahagyang naibsan ang inis na nararamdaman. “Pa’no ang kotse mo?”“Balikan ko na lang.”“‘Wag na, ayos lang ako—” tatanggi na dapat siya nang ipasok ni Matthew ang kamay sa bulsa niya, sabay kuha ng susi ng kotse. “Ang kulit.”Natawa naman si Matthew. “Kung ‘di ako makulit, wala ka sanang kaibigan ngayon. Sa ugali mong ‘yan? ‘Di
NAGTAAS ng kilay si Ezekiel, sa biglaang pagsulpot ng dating nobya ng pamangkin. Kasalukuyan siyang abala sa pag-reply ng message nang bigla itong naupo sa harap niya at nagtaas ng boses.“May kailangan ka, Miss Salvante?” tanong niya matapos ilapag sa table ang cellphone.Napakurap si Caitlyn, ang tapang na itinayo niya kanina ay biglang nawala.“Anong kailangan mo sa’kin?” tanong muli ni Ezekiel, bahagyang nadagdagan ang iritasyon ng sandaling iyon.Natauhan si Caitlyn, muling bumalik ang tapang. “Hindi ko alam na sa kabila ng busy schedule ng isang doctor ay may oras pa pala itong makipag-date?”Napakunot-noo si Ezekiel, naguguluhan sa sinasabi nito. “Anong klaseng language ba ‘yang sinasabi mo’t ‘di ko maintindihan?” sarkasmo niyang sabi.“Ngayon ay nagmamaang-maangan ka pa?” Saka siya pagak na natawa. “Now, I know… magtiyuhin nga kayo ni—” bago pa man niya matapos ang sasabihin ay biglang hinablot ni Mika ang braso niya sabay hila.“C-Caitlyn, anong ginagawa mo?”“Bakit?” nagugul
PAPASOK na ang dalawa sa mall nang muling tumawag ang ama ni Mika at dinecline lang niya.“Sinagot mo sana, ayokong pagalitan ka ni Tito mamaya,” ani Caitlyn.“Hayaan mo—” Muling tumunog ang phone.Kaya inagaw na ni Caitlyn at sinagot ang tawag. Pagkatapos ay inilapit niya iyon sa tenga ng kaibigan. Kahit halata sa mukha nitong ayaw kausapin ang ama ay wala na rin nagawa.“Hello? Naririnig mo ba ‘ko? Umuwi ka ngayon din,” utos ni Arnel sa anak.Hinawakan ni Caitlyn ang balikat ng kaibigan. Alam niyang magmamatigas ito kaya inunahan na niya. “Sa susunod na lang tayo magbonding— Tara, ihahatid na kita.”“Magta-taxi na lang ako,” tanggi ni Mika. Ayaw niyang baka may kung anong sabihin ang ama sa oras na magharap ang dalawa.Hindi na rin nagpumilit si Caitlyn at hinatid na lamang ito sa tabi ng daan para mag-abang ng masasakyan. Mayamaya pa ay nakasakay na ito at binayaran na niya ang pamasahe nito kahit tumanggi si Mika.Pag-andar ng taxi ay tumuloy na siya sa mall. Wala naman siyang gus