LOGINNAGPUNTA si Yna sa ospital para bisitahin si Jude. May dala siyang isang maliit na bouquet at pagkain na alam niyang paborito nito. Tahimik ang hallway ng ward kahit may mangilan-ngilang tao sa malapit. Marahan ang kanyang mga hakbang habang papalapit sa private room kung saan naka-confine si Jude.Nang sandaling iyon ay mag-isa lang ang binata sa loob ng silid. Hindi niya makita ang bantay, marahil ay umalis sandali, kaya walang ibang tao.Ngunit sa halip na pumasok ay nanatili siya sa tapat ng pinto, pasimpleng sumilip sa maliit na window portion. Kung saan ay kitang-kita niya ang binata na mahimbing ang tulog, bahagyang nakatagilid ang ulo.Dahan-dahan ang pagngiti ni Yna habang pinagmamasdan ito, tila natutuwa. Ngunit kung titingnan nang mabuti ay sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa supot ng pagkain na dala pati sa hawak na bulaklak.Malambing ang tingin niya kay Jude, ngunit may halong galit na hindi kayang ikubli ng mga mata."Tingnan mo tuloy ang nangyari," anas niyang sinus
BANDANG ALAS-SIYETE NG GABI, gaya ng napag-usapan ay nakipagkita si Fiona sa grupo ng huwad na journalist sa isang liblib na bahagi ng siyudad. Madilim ang lugar at iilan lang ang ilaw ng poste sa gilid ng kalsada. Tahimik din ang paligid dahil bihira ang dumaraang sasakyan.Ipinarada niya ang kotse sa tabi habang palinga-linga siya sa paligid, hawak niya nang mahigpit ang handbag saka naglakad papasok sa isang lumang gusali. Hahawakan niya pa lamang ang handle ng lumang metal na pinto nang biglang bumukas at sumilip ang isa sa limang miyembro ng grupo, na siyang inutusan niya para pasundan si Caitlyn at guluhin ito sa oras na umalis ng condo."Good evening, Ma'am. Kanina pa namin kayo hinihintay," anito.Walang imik na pumasok si Fiona, unang bumungad sa kanya ang kakaibang amoy maliban sa madilim na lugar. Medyo nakaramdam siya ng kaba dahil siya lang mag-isa at lima ang naghihintay sa kanya.Sa dami ng pinagdaanan ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Paano pala kung hi
PAGPASOK ay may nag-assist agad sa mag-lola. Ngunit dahil parehong malayo ang taste ng isa't isa ay nagtawag pa ng isang kasamahan ang staff ng clothing store."Meron ba kayong…" paunang tanong ni Consolacion saka binanggit ang gusto niyang style at design ng damit.Magalang na tinuro naman ng staff ang kabilang direksyon. "Nando'n po, Ma'am."Tinanguan niya ang apo at pagkatapos ay sinundan na ang saleslady. Habang si Caitlyn ay naiwan ay in-assist naman ang isa pang staff."Ano pong gusto niyong style at design, Ma'am?""Iyong neat at light lang sana… saka, kung pwede 'yung mga longsleeves," aniya dahil kailangan niya pa rin itago ang ilang peklat sa braso, kahit na madalas ay init na init na siya sa suot kapag kailangan niyang lumabas."Okay, saglit lang po, Ma'am," saad ng saleslady, sabay alis upang kunin ang damit na gusto niya.Habang naghihintay ay nagpalinga-linga naman siya sa paligid. Malaki-laki ang store at may ilang customer din sa paligid. Ngunit may nakaagaw ng pansin
KINABUKASAN, gaya ng napag-usapan ay sinundo ni Caitlyn ang abuela. Sa daan pa lang ay pinaalam na niyang parating na siya at makalipas ang halos kalahating oras ay narating na niya ang hotel.Saglit niyang pinarada sa gilid ng gusali ang kotse kung nasaan ang parking lot at pagkatapos ay pumasok na siya sa loob.Kahit tanghaling tapat ay maraming tao ang naglalabas-masok sa hotel. Pagkatapos ay naghanap siya ng mauupuan para maghintay at nang makakita ng bench na nakahilera malapit sa elevator ay pumwesto na siya roon.Pagtingin sa cellphone ay may reply na ang abuela.Consolacion: Saglit lang at pababa na 'ko.Caitlyn: Okay, nasa may bench lang po ako. 'La.Pagkatapos ay tinago na niya ang cellphone at naghintay. Pero hindi pa man umiinit ang kinauupuan niya ay may isang lalakeng papalapit sa kanya.Base sa paglalakad at kilos ay mahahalatang isa itong binabae. Pagkatapos ay umiwas na siya ng tingin sa pag-aakalang uupo lang gaya niya pero nang tumigil ito sa harap ay doon na siya n
BINABA ni Yna ang hawak na kubyertos at tiningnan si Sandro. Mababanaag sa kanya ang iba't ibang ekspresyon ngunit nangingibabaw ang lungkot. "Don't make promises, Sandro. Minsan na tayong nagkalabuan dahil sa pamilya mo.""Si Caitlyn naman 'yun," agap na saad ni Sandro. "Sina Mommy at Daddy ay wala naman problema sa'yo, gusto ka nila."Umiling-iling siya, patuloy pa rin sa pagkukunwari hanggang sa tuluyan na itong maging desperado para lang muli silang magkabalikan."If you're hesitating, I can wait. Hindi naman ako nagmamadali," dagdag pa ni Sandro. "Let's continue," anas niya saka muling kumain at ganoon din ang ginawa nito.Nang matapos ay hindi rin naman sila nagtagal doon. Hinatid siya ng binata patungo sa nakaparadang sasakyan. Bago tuluyang sumakay sa loob ay humabol pa ng salita si Sandro, "Tatawagan na lang kita.""You still have my number?"Ngumiti ang binata. "Of course, 'di ko binura at memorize ko," proud niyang sabi.Napangiti si Yna at walang ano-ano ay binigla ito ng
BAKAS ang pagtataka sa mukha ni Jude, naguguluhan siya kung bakit ganoon na lamang ang takot na makikita sa mukha ng ina. "Iniisip niyo bang may gagawin muli akong masama sa kanya?"Umiling si Mariel. "Hindi sa gano'n—""Kung hindi, e, ano? Na-trauma ba siya at ayaw na 'kong makita?"Malikot ang mga mata ni Mariel, naghahanap ng maidadahilan upang hindi umalis ang anak at puntahan si Caitlyn. "M-May ibang araw pa naman. Ang mas mabuting gawin mo ay magpagaling hanggang sa ma-discharge ka at mapuntahan—""Pointless." Sabay hawi ni Jude.Na-out balance si Mariel at muntik nang matumba kundi lang napakapit sa pader. Pag-angat ng tingin ay nakita niya ang guilt sa mukha ng anak pero ilang sandali pa ay umiwas ito ng tingin at binuksan ang pinto."Jude!" Kahit hindi pa maayos na nakakatayo ay hinabol niya ito na agad huminto. Iyon pala ay may nakaharang sa labas. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang kapatid. "'Kel, mabuti naman at nandito ka."Seryosong nakatingin si Ezekiel sa pama
KADALASAN sa hapon bumibisita si Meriam sa ospital pero nang araw na iyon ay maaga siya sa nakasanayan. Tanghali para makasabay sa pagkain si Caitlyn. “Pinaluto ko ang paborito mong pagkain at baka namimiss mo na,” malambing niyang sabi habang inilalabas ang mga container sa dalang bag.Inayos nama
NAGTAAS ng kilay si Ezekiel, sa biglaang pagsulpot ng dating nobya ng pamangkin. Kasalukuyan siyang abala sa pag-reply ng message nang bigla itong naupo sa harap niya at nagtaas ng boses.“May kailangan ka, Miss Salvante?” tanong niya matapos ilapag sa table ang cellphone.Napakurap si Caitlyn, ang
DAHIL sa pagsigaw ni Caitlyn ay napasugod ang ilang katulong, maging si Fiona ay lumabas sa sariling kwarto.“Oh my gosh! Fifi! Dali, kunin niyo siya!” utos ng dalaga sa mga katulong na naroon.Kung nakakamat*y lang siguro ang tingin ni Caitlyn ay baka kanina pa bumulagta ang dalaga sa sahig. “Alag
PAPASOK na ang dalawa sa mall nang muling tumawag ang ama ni Mika at dinecline lang niya.“Sinagot mo sana, ayokong pagalitan ka ni Tito mamaya,” ani Caitlyn.“Hayaan mo—” Muling tumunog ang phone.Kaya inagaw na ni Caitlyn at sinagot ang tawag. Pagkatapos ay inilapit niya iyon sa tenga ng kaibigan.







