LOGINPINAGMASDAN ni Caitlyn ang itsura ni Marcus, bagamat nagawa na nitong magamot ang sarili ay halata pa rin sa mukha ang hirap. Pinagpapawisan ito at bahagya pa ring namumutla.Hindi niya tuloy maiwasang makita ang sarili sa kalagayan nito. Nakakaawa at sugatan, kung hindi niya tutulungan? Para na rin siyang walang pinagkaiba sa ibang tao na sarili lang ang iniisip."Kung ayaw mo, ayos lang naman sa'kin. Pakihatid na lang ako sa sakayan ng bus, kaya ko—""Ano nga ulit 'yung address?" aniya, sabay lahad ng kamay upang mahingi ang cellphone nito.Pinakita naman ni Marcus ang lokasyon at pagkatapos ay nagmaneho na si Caitlyn. Binilisan niya ang takbo ng kotse pero nananatili pa rin ang ingat.Makaraan ang ilang sandali ay hindi niya maiwasang magtanong, may gumugulo lang talaga sa isip, "May humahabol ba sa'yo at gusto kang saktan? I mean, mukhang nagawa naman na nila… So?"Saglit niya itong nilingon ngunit pikit ang mga mata, tila natutulog. Kinabahan siya, buti na lang at magpupula ang t
NATARANTA na si Caitlyn nang mawalan ito ng malay. Bigla siyang nanlamig at kinilabutan, sinubukan niya pa itong gisingin sa pamamagitan nang pagtapik sa pisngi. Ngunit hindi ito nagrereact kaya mas lalo siyang kinabahan."Jusko po! 'Wag kang mamamatay rito!" Saka siya dali-daling nagmaneho patungo sa ospital ngunit nang maalala ang pakiusap ng lalake ay iniliko niya ang sasakyan. "Sa'n naman kita dadalhin ngayon?!" Parang gusto na lang niyang maiyak sa sitwasyon na iyon. Kung nasa bansa lang siguro si Ezekiel ay madali lang siyang matutulungan ng nobyo.Sa huli ay bumalik siya at pumasok sa subdivision. Mabuti na lamang at hindi nang-usisa ang guard sa entrance, pagkakita sa kanya ay pinapasok agad siya.Malaki at malawak ang subdivision, may iilang lupa na bakante kaya doon niya napiling pumarada saglit. Pagkatapos ay bumaba agad siya sa kotse para tingnan ang kondisyon ng lalake.Namumutla ito at pinagpapawisan, pero hindi iyon ang mas pinagtuonan niya ng pansin kundi ang sugat nit
TUESDAY MORNING ay abala na agad si Caitlyn. Ngayong araw ang pottery class na in-enroll-an niya noong isang araw.Gusto niyang matuto ng bagong skill aside sa painting kaya nag-suggest si Mika na may malapit na studio sa university at agad naman siyang pumunta to enroll.Muntik pa nga siyang hindi makakuha ng slot dahil last month pa iyong enrollment, pinagbigyan lang siya ng teacher at nag-back out ang isang students.Sa kusina ay naabutan niyang nagluluto ang kaibigan, na ikinabigla niya. "Oh, ang aga mo atang nagluto?"Nakangiting lumingon si Mika. "Maaga akong nagising, saka first day mo ngayon sa pottery class. Dapat nasa kondisyon ang kamay mo at hindi pagod sa pagluluto."Napangiti si Caitlyn sa narinig at pagkatapos ay kumuha ng dalawang pinggan para tumulong sa hapagkainan."Ako naman ang babawi ngayon," dagdag pa ni Mika habang hawak ang spatula at ihahain na ang sunny side-up egg. Pagkatapos ay nilagay na niya ang kawali sa lababo."Hmm, ang bango," anas ni Caitlyn, matapo
NATIGILAN si Ezekiel nang makita kung sino ang pasiyente, walang iba kundi si Consolacion. Naguguluhan siya dahil noong nakaraang buwan ay kasa–kasama niya pa ito, malusog at hindi niya nakitaan ng kahit na anong senyales ng sakit."You know her?" tanong ng nurse. "Is she your grandmother?"Napakurap-kurap si Ezekiel, biglang natauhan saka mabilis na sinuri ang matanda. "No… but I knew her," iyon lamang ang sinabi niya."Sa'n ang masakit, 'La?" kausap niya sa matanda.Si Consolacion na namumutla at hirap makahinga dahil sa kondisyon ay nagawa pang ngumiti ng makita si Ezekiel. Saglit lang iyon dahil tumindi na naman ang kirot saka niya tinuro ang tiyan.Tumango si Ezekiel sabay tingin sa nurse na kasama, tinanong niya ito kung anong sakit ng matanda."Ako, Dok! Alam ko, ako lagi ang naka-assign sa kanya," saad ng isang pinay na nurse sabay lapit. "May ovarian cancer siya."Napatitig si Ezekiel sa nurse, naalala niyang ito iyong nagkuwento kanina na may isang pasiyente na may taning na
HULING BUMABA ng sasakyan si Alejandro, hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang nangyari sa kaibigan. Naglakad siya papasok kasama ng asawa at ni Sandro.Pagpasok ay nagsilingunan ang mga tao, nagbubulungan. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung anong sinapit nito sa kulungan. May iilang kamag-anak ang sinisisi siya sa nangyari, kung bakit niya pa pinakulong si Damian.Habang ang iba ay lubos na nauunawaan ang nangyari, siya itong trinaydor kaya tama lang na idaan sa legal na proseso ang lahat. Iyon nga lang, maagang binawian ng buhay si Damian.Unang gabi iyon ng lamay kaya maraming tao ang nagpunta, iba't ibang reaksyon matapos makitang naroon ang pamilya Salvante.Ang kapatid ni Damian ay galit na galit gustong paalisin ang tatlo pero iba ang pananaw ng asawa. "Ba't mo sila paaalisin? Tao silang humarap dito kaya tao ko rin silang pakikitunguhan."Nabigla ang kapatid ni Damian sa narinig, bumakas ang inis sa mukha. "Matapos nang ginawa nila kay Kuya? Hindi ko sila mapa
BUMABA ang tingin ni Caitlyn sa kamay nitong nasa kanyang braso. Nagkatinginan silang dalawa ni Fiona, tila napapasong binawi ang kamay saka umiwas ng tingin."A-Ano… itatanong ko lang sana kung may extra money ka diyan? Kailangan ko lang kasi, ibabalik ko naman—""How much?" agap na sagot ni Caitlyn. "Unti lang ang cash ko, okay lang ba sa'yo ang online transfer?"Nahihiyang tumango si Fiona. "Ahm… kung ayos lang sa'yo. Kailangan ko ng fifty thousand."Napakunot-noo si Caitlyn. "May pinagkakautangan ka ba kaya sobrang laki—""'Wag ka na lang magtanong kung wala ka naman maibibigay." Sa kabila ng lahat ay ma-pride pa rin si Fiona ng sandaling iyon.Inis na natawa si Caitlyn, naiirita sa inuugali nito. "Ikaw 'tong may kailangan tapos ganyan ka sa'kin? Masama bang malaman kung anong paggagamitan mo sa gano'n kalaking pera?"Tikom ang bibig ni Fiona, hindi niya pwedeng sabihin ang totoo. Kahit ikamatay niya pa, hindi siya aamin na naging kerida siya ng isang matandang negosiyante at ngay
PINARADA ni Caitlyn ang kotse sa isang gusaling natatanggal na ang pintura. Sa loob matatagpuan ang opisina ng taong kausap kanina.Pangalawang beses na niyang nakapunta sa lugar kaya hindi na siya takot kahit madilim ang hallway at nasa dulong bahagi pa ng gusali ang sadya.Nang makarating ay kuma
PINAGMASDAN ni Meriam ang natutulog na anak. “Hindi naman malubha ang sakit niya, tama? Pero si Fiona, mas higit akong kailangan ng anak ko rito,” aniya, pinipili ito kaysa kay Caitlyn—ang sariling anak. “Maaari bang ikaw na muna ang bahala sa kanya?” Saka niya ito nilingon.Hindi umimik si Ezekiel
NAISUGOD sa tamang oras si Fiona kaya agad siyang nailigtas ng doctor. Bukod roon ay mababaw lang din ang sugat at malayo sa pulso kaya walang panganib na dulot ang nagawa nito sa sarili.Ngunit dahil marami-raming dugo ang nawala ay kinailangan na obserbahan, iyon ang sabi ng doctor.Matapos matah
NATAMEME si Fiona, nawalan na ng masasabi dahil may punto ito. Ngunit hindi siya makakapayag na masasayang lang ang pinaghirapan.Ilang oras niyang pinag-isipan ang gagawin para mapalayas sa bahay si Caitlyn. “M-Malay ko! Siguro may ginawa kang paraan para makapasok sa kwarto ko.”Umismid si Caitly







