Share

Flirting the Cold Billionaire
Flirting the Cold Billionaire
Author: Ehryn Writes

Chapter One

Emily Chavez's Point of View

"Hi, gorgeous!"

Nilaro-laro ko ang wine glass na hawak bago ibinaba iyon. I traced my not so long finger nails on the glass before looking at the man who sat just beside me on the counter of the night club where I am in right now.

Kusang lumandas ang ngiti sa mga labi ko nang makita kung sino ang kaharap. It's the ever handsome Patrick Suarez, of course I know him. Isa siya sa pinakasikat na actor sa kasalukuyan dito sa Pilipinas. Una kong napansin ang buhok nito na medyo magulo at mahaba ng kaunti kaysa sa normal na malinis na gupit ng mga lalaki. The black small earring on his right ear sparkled.

Hindi ko mapigilang punahin ang ilong niya na mas maganda pa ang korte kaysa sa akin.

"You're alone?" He asked in a usual husky and flirty voice of a guy.

Bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi niya. I gulped. I wonder what his lips tastes like. Binasa ko ang mga labi saka humalakhak ng bahagya.

"Actually, no." Ipinatong ko ang kaliwang legs sa isa at pinaikot ang high stool na inuupuan.

I looked around the noisy place. Nasa night club ako ni Red. Mula nang dumating ako rito sa Pilipinas two weeks ago ay ito pa lang ang napapasukan kong club maliban doon sa bar na pinuntahan namin for my friend's birthday party.

Dito talaga kami madalas dahil bukod sa kaibigan ko ang may-ari ay mamahaling bar ito. You need to have the black card as an entrance card for this place, hindi ka nila papapasukin basta-basta. It's like a place full of elite people. From different powerful families, politicians, businessmen, actors and actresses, models... those on the high hierarchy.

"I'm with my friends," dugtong ko sa naunang sinabi.

"Oh," he uttered in an amused tone. Ngumisi siya. "Where are they though?"

I rolled my eyes. "Probably enjoying the night without me."

He chuckled. Bumalik ang buong atensyon ko sa kanya. Nagtagal ang tingin ko rito hanggang sa mawala ang ngiti sa mga labi niya. Tumaas ang dalawang kilay na tila nag-aabang kung ano ang susunod na mangyayari.

Thrilling, I guess.

Sikat na actor ba naman ang nasa harapan ko. Minus the bodyguards and his fanatics. I love his shirt. Red and flirty.

"So..." Isinandal ko ang siko sa may counter top at hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Do you have a girlfriend?"

His lips rose in amusement. "I don't have any."

"Really?" Inalis ko ang kamay sa may counter at bumaba ng stool na kinauupuan.

Kinagat niya ang ibabang labi at medyo nabasa iyon. There are a lot of guys that are more hotter than him but I can't argue anymore because I admit, he's kind of my type, too.

"R... really," tila nahihirapang sagot niya. Ang mga mata niya ay bumagsak na sa mga labi ko.

I smirked in a seductive way.

Men...

Tsk. Tsk.

"So," naglakad ako palapit lalo sa kanya hanggang sa mahawakan ko na ang kanyang balikat.

I traced my fingers on his shoulder blades down to his arms. He stiffened. Gusto kong matawa. He's obviously good at it, pero bakit parang nawawala siya sa normal niyang pagkatao ngayon?

"Walang magagalit kung gagawin ko ito?" tanong ko.

His lips parted and I leaned in to kiss his lips. Ang mga kamay niya ay humawak sa baywang ko para umalalay. He hold me in a very sensual way, I thought so, he's good at this. Kinagat ko ang ibabang labi niya at ipinasok ang dila ko upang makipaglaro pa lalo sa kanya.

Nakaupo pa rin siya sa may stool at ako ay nakatayo. Isinukbit ko ang dalawang braso sa magkabila niyang balikat at bahagyang sinabunutan ang kanyang buhok. He moaned. He likes it. Mula sa buhok ay ibinaba ko ang kanang kamay ko patungo sa kanyang leeg hanggang sa kanyang dibdib. Umatras ako at inilayo ng kaunti ang labi sa kanya. Nakabuka pa rin ang kanyang mga labi, tila nang-aakit na mahalikan muli.

He tastes good, surely.

"Damn," he muttered. "Such sweet lips."

"I know." I winked at him.

Bumaba siya ng kinauupuan niya at dahil doon ay napasandal ako sa may counter. Inilapag niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid, kinukulong ako sa pwesto ko ngayon. I raised my left brow. Naghahamon kong sinalubong ang mga tingin niya.

I've been here for around thirty minutes. Malapit na nga akong umalis dahil nabo-boring-an ako. Imagine, everyone's just shaking their hands, getting to know each other, talking about business and the like... that's just some of the things I hate about these kind of situation with the people who does nothing but to work their ass off. Hindi naman nila na-e-enjoy ang pera nila.

"Ako naman ang magtatanong..." He planted a soft and quick kiss on my lips. "Do you have a boyfriend?"

Nakatingala na ako sa kanya dahil kahit na naka-heels ako ay matangkad pa rin siya ng kaunti sa akin. Matamis na ngiti ang pinakawalan ko.

"I don't do boyfriends, baby."

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinadausdos ang daliri patungo sa aking labi. Bumagsak ang kanyang labi sa ibaba ng aking tainga at hindi ko mapigilang hindi mapaungol dahil doon. I tilted my head to give him more access. He traced it down to my neck using his tongue.

Ang mga kamay ko ay bumaba sa kanyang dibdib pababa pa lalo sa kanyang sinturon. He's really turned on. Nasagi ng daliri ko ang alaga niya at natawa ako nang maramdaman na nanigas ang buo niyang katawan.

Itinulak ko siya ng bahagya dahil natanaw ko na si Kyra na papasok sa loob ng club. She's late, as usual. Luminga-linga siya at nagsalubong ang mga mata namin. Agad niyang inalis ang tingin sa akin at lumipat sa kasama ko.

"My friend is here," sambit ko sa lalaking kasama.

Bumalatay ang pagkadismaya sa mukha ng gwapong lalaki na ito. I just love kissing and flirting but I really don't do, you know, that thing, to just anyone. I'm a virgin by the way.

Sanay lang ako sa pagiging liberated, like making up here and there, just not to places that are too public. I just love the fun and the thrill, nothing more to it.

Bago pa makalapit si Kyra ay muli kong tinulak si Patrick para makaalis pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.

He gulped. Halatang nahihiya siya sa itatanong o sasabihin. I love it thought, yung epekto ko sa lalaking pinapantasya ng milyon-milyon na tao. Inayos ko ang buhok ko at inilagay lahat iyon sa kanang balikat.

"Can I ask for your number?"

I smiled. Tumingkayad ako ng kaunti para mahalikan siya sa labi at nanatili akong nakatingkayad, ilang pulgada lamang ang layo ng labi namin sa isa't isa para sabihin ang mga huling salita ko para sa kanya.

"I don't give my details to just anyone. I'm sorry."

"Ouch," anito at ngumisi. "Bawal na rin ba makipagkaibigan?"

The spirit, huh.

I rolled my tongue inside my mouth. Umayos na ako ng tayo at humalukipkip. Siguro ay wala namang mali na makipagkaibigan sa kanya. We don't like each other anyway. And it seems like he's a good guy, just a bit... horny. But most guys are like that kaya understandable na iyon. Plus I kissed him first so...

Iniabot ko ang kamay sa kanya para makipagkilala.

"Emily Chavez."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Bumilog iyon at halatang nagulat sa sinabi ko.

"Emily... you're the heir of Chavez's?" Nalaglag ang panga niya. "You are the owner of the most prestigious hotels and biggest resorts here?"

I scoffed. "Nope. Pag-aari iyon ng parents and grandparents ko."

"Ikaw nga? Oh, shit!" Pumikit siya nang mariin. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya yung nangyari kanina, hindi ko alam. Is this a test or something? I'm really sorry..."

Halata ang pagkataranta niya. Katulad ng sabi ko ay kilala ko siya pero hindi lang ang pagiging actor ang dahilan kaya ko siya kilala. Last month ay pumirma siya ng kontrata para maging endorser ng hotels namin.

"Oh, kalma." I let out a soft chuckle. "Hindi iyon test or something. Don't worry about it."

"I'm really sorry, Emily..."

Pinangkitan ko siya ng mata. "The apology makes me feel so damn bad."

Nagulat siya at umambang magso-sorry ulit pero pinilit niya na hindi banggitin.

"Hindi ko alam..." Umiling-iling siya. "We can still be friends, right?"

Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya. Magpapaalam na sana ako pero narinig ko na ang boses ni Kyra sa likod ko.

"Patrick Suarez?!"

Napaigtad ako sa lakas ng boses niya. Umatras ako at tiningnan si Kyra na ngayon ay sobrang lalim na ng gitla sa noo. She's obviously annoyed and shocked at the same time. Pinagkrus niya ang dalawang braso saka ako hinarap.

"What the heck, Ems? Papatayin ka ng mga fans niyan!"

"Wait..." Napatingin kami pareho ni Kyra kay Patrick. "Model ka, 'di ba? Kyra, is that it? Nagkasama na tayo sa isang product campaign before pero parehong busy kaya hindi na rin tayo nakapag-usap."

"Bakit kayo magkasama?" She rolled her eyes. "My goodness, Emily, nasa Pilipinas ka, pag-uusapan ka ng mga tao rito!"

"We're in an exclusive night club--"

"Oh, come on! You're kissing Patrick fvcking Suarez for heaven's sake!"

"Did you just curse my name in front of me?" namamanghang tanong ni Patrick sa kaibigan ko.

Humarap ako kay Patrick dahil nahihiya na ako sa sobrang harsh ng mga salitang lumalabas sa bibig ni Kyra.

"Uh, I'll go with my friends na," paalam ko.

"You better be," singhal ni Kyra at hinila ako na hindi man lang hinintay ang sasabihin ni Patrick.

Hila-hila niya ako hanggang sa makarating kami sa second floor ng club. Kung makahila naman siya ay parang nakikipagkita ako sa taong ibinabawal ng pamilya ko sa akin. Like those in the movies.

Umupo kami sa may sofa sa medyo sulok at narinig ko na tinawagan niya ang ilan sa mga kaibigan namin para ipaalam kung saang pwesto kami nakaupo.

"Bakit hindi ka na lang mag-focus sa talagang dahilan kaya ka umuwi rito sa Pilipinas?" nanenermon na naman ang tono niya. "I swear ito na ang huli nating punta sa club na ito. Pagagalitan ka na ng dad mo, Emily!"

She nags more than my mom does.

"Drinks, Ma'am, pinabibigay po ng kabilang table."

Nagtaas ako ng kilay at sinilip ang tinutukoy niya. May grupo ng magbabarkada roon na halatang mas bata sa akin. Kumindat ang isa pero wala ako sa mood makipaglandian lalo na at naririndi na ako sa sermon ni Kyra.

Plus I don't really like younger men.

"Thanks," sambit ko at hindi na lang pinansin pa ang lalaki. Hindi naman siguro iyon lalapit lalo na at may kasama ako.

"You really use your charms everywhere, huh," sabi ni Kyra na ikinatawa ko.

Kinuha ko ang wine at nagsalin sa may wine glass na kasamang ibinigay ng waiter. Dalawa iyon kaya sabay naming pinulot iyon at pinagtama sa ere ang mga baso.

"We get to enjoy free drinks for that."

Umiling-iling siya pero ngumiti rin. Childhood bestfriend ko si Kyra, dito pa lang kami sa Pilipinas noon nakatira. Nagkahiwalay kami nung umalis ako pero nag-aral din siya sa France noon at madalas kami magkita kahit na magkaiba ang university na pinasukan. Umuwi siya sa Pilipinas three years ago at doon na nagsimula ang modeling career niya.

"So, anong plano mo?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status