Share

Chapter 4

Chapter 4

Natapos ang pangamba ni Karen nang mailabas na sa hospital si Cedric. Tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan at nakahinga na rin nang maluwag.

"Ma, nasa'n na po tayo?" tanong ni Cedric kaya't tinignan ni Karen ang anak.

"Nandito na tayo sa bago nating titirhan, anak," sagot nito sa kaniya. Nasa harapan sila ng isang maganda at simpleng bahay.

"D-Dito po?" tanong ni Cedric at hindi makapaniwala sa ganda at ayos ng bahay na kanilang titirhan.

"Oo, anak. Masaya ka ba?" tanong ni Karen dito. Walang ano-ano nang tumalon sa tuwa si Cedric at bakas sa mukha nito ang saya.

"Opo, 'ma! Ang saya-saya ko!" natutuwa nitong sabi.

"Tara na sa loob," pagyaya ni Karen sa anak at saka sila pumasok sa loob ng bahay. Kumpleto na sa gamit at kung ano-anong disenyo ang nakalagay sa loob nito. Pati sa magiging kwarto ni Cedric ay halos punong-puno ito ng mga laruang panlalaki. Gayundin ay may mga damit at gamit na siya para sa eskwelahan. Kumpletong-kumpleto ang laman nito.

"Mama! May bag ako rito oh! Mag-aaral na po ba ako?" takang tanong ni Cedric dahil sa nakitang bag at school supplies sa loob nito.

"Oo, Cedric. Simula sa lunes, papasok ka na sa isang private school."

Mas lalong natuwa si Cedric dahil sa narinig. Siya? Papasok na sa isang private school?

"Wow, 'ma! Hala! P-Paano po nangyari lahat ng 'to?" tanong na lang ng bata dahil sa tila biglaang bungad sa kaniya ng ganitong mga bagay.

Hindi nakasagot si Karen dahil hindi niya kayang ipaliwanag sa anak ang dahilan ng lahat ng ito. Masyado pa siyang bata para malaman ang lahat ng ito.

Naalala na lang bigla ni Karen ang pag-uusap nila ni Mr. Ferrario.

//FLASHBACK\\

Nang matapos halikan si Karen ni Mr. Ferrario ay bigla na lang niyang naramdaman ang papel na ibinigay sa kaniya nito. Isang cheque.

"1.2 Million P-Pesos?" gulat niyang tanong nang makita ang laman nito.

"Pauna ko 'yan sa 'yo ngayon at tinanggap mo ang alok ko. Do whatever you want gamit ang perang 'yan," paliwanag ni Valer kay Karen.

"A-Ang laki naman nito, Mr. Ferrario."

"Maliit na halaga lang 'yan kumpara sa laki ng sayang ibinigay mo sa 'kin sa gabing 'to. You deserve that money, Karen. And by the way, just call me Valer. Masyadong formal kung Mr. Ferrario pa, hindi ba?"

"S-Salamat, Valer."

//END OF FLASHBACK\\

Dahil sa laki ng perang 'yon kaya't nagawa niyang bilhin ang bahay na ito at mga gamit na kailangan nilang mag-ina. Gayundin ay nakasisiguro naman siya sa pag-aaral ng anak sa private school dahil alam niyang may gano'ng kalaking pera siyang kikitain tuwing gabi.

"Mama! Tara po! May pool!" biglang pagyaya ni Cedric sa kaniya at hinila siya palabas ng bahay. Nang makarating sila sa pool ay naupo silang mag-ina sa gilid at isinawsaw sa tubig ang mga paa nila. "Mama! Ang laking blessing naman po nito sa 'tin."

Ngumiti lang si Karen at niyakap ang anak. Alam niyang matinding pagtitiis ang kailangan niyang harapin para kay Cedric. Ito na lang ang natitira niyang pamilya. Wala siyang malapitan na kahit sinumang kamag-anak dahil wala na ang mga ito sa dati nilang kinalalagyan. At alam niyang wala siyang mahihinging tulong sa mga ito dahil isa lamang siyang ampon.

Kunsabagay ay ngayon lang din naramdaman ni Karen ang ganitong kagandang buhay. Pinaghirapan niya naman ito ngunit sa hindi magandang paraan. 'Yon ay ang pagbebenta niya sa sarili sa taong ang gusto lamang ay mapaligaya siya.

Ngunit ano namang magagawa niya? Ang lahat ng ito ay para sa anak niya at hindi para lang sa kaniya.

Hindi na niya napapakinggan pa nang maayos ang sinasabi ng kaniyang anak sa kaniya hanggang sa unti-unti na itong nakatulog. Ipinatong nito ang ulo ni Cedric sa ibabaw ng kaniyang hita at humiga. Hindi pa rin kasi maalis ni Karen sa isip ang dahilan ng lahat ng 'to.

PAGSAPIT ng gabi ay naghain na ng hapunan si Karen. Sabay silang kumain ng kaniyang anak bago niya ito paglinisin ng sarili at pinatulog. Oras na naman ng kaniyang trabaho. Kaya't ng matapos niyang kumilos ay saka na siya umalis at nagtungo sa lugar kung saan sila magkikita ni Mr. Ferrario.

Nalaman na lang din niya rito na tila ibinenta siya ng baklang amo kay Mr. Ferrario para sa gabi-gabi nitong pagpapaligaya sa kaniya. Kaya ngayon ay wala na siyang ibang susundin kundi si Mr. Ferrario lang. Kung ano at gusto nito ay 'yon ang masusunod.

Kalaunan ay nakarating siya sa isang private resort ni Mr. Ferrario para doon gawin ang grabaho niya. Nakita niya ang liwanag ng loob ng isang room kaya't doon siya pumasok. Nakita na lang niya si Valer na naninigarilyo habang nakaupo sa isang wing chair.

"Late ba 'ko?" takang tanong ni Karen sa kaniya. Ngumiti nang marahan at umiling lang si Valer sa kaniya. Napansin na lang ni Karen na tila nag-iisip nang malalim si Valer kaya't nagawa niyang tanungin ito. "May problema ba?"

Hindi muna siya sinagot ni Valer at isang tingin lang ang ibinato sa kaniya. Lumapit si Karen at naupo sa katabi nitong wing chair.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko," paninimula ni Valer habang nakatitig sa inaalog niyang baso.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong naman ni Karen. Hindi sumagot si Valer dahil iniisip niya na baka kapag sinabi niya ang tungkol sa problema niya sa kaniyang asawang si Iracibeth ay baka hindi na ituloy pa ni Karen ang gagawing pagtatrabaho nito sa kaniya. Hindi maipagkakaila ni Valer na sa unang gabi pa lang nilang dalawa ni Karen ay patay na patay na siya rito.

"Nevermind," sabi lang nito saka tumayo at hinubad ang suot na bathrobe. Bumungad kay Karen ang matipuno at basa nitong pangangatawan gayundin ang tattoo nito sa kanang braso. May suot itong slacks. "Shall we?" pagyayaya nito sa kaniya.

Bagaman wala pa sa mood si Karen ay wala siyang magagawa. Tumayo siya at hinubad ang kaniyang suot na manipis at fitted na dress pati na ang kaniyang sapatos. Ibinungad niya kay Valer ang ganda ng hubog ng kaniyang katawan.

Ilang sandali pa nang sinimulan na nila ang kanilang negosasyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status