Share

Chapter 2

Chapter 2

Nang matapos maligo at maibihis ni Karen ang ipinapasuot na damit sa kaniya ni Chandie ay agad naman siya nitong inayusan. Hindi komportable si Karen sa suot na halos kita ang dibdib at hita niya. Gayundin ay may sapatos na may mataas na takong siyang suot. Ito na ang palagi niyang susuotin sa kaniyang bagong trabaho.

"Ay! Perfect!" biglang sabi ni Chandie nang matapos siya nitong ayusan. Nang imulat ni Karen ang mga mata ay namangha siya sa sariling ganda at alindog. "Iba ang kamandag mo, Karen!" dugtong pa nito.

"A-Ano na pong gagawin ko?" tanong ni Karen kay Chandie. Bakas sa tono ng pananalita ni Karen ang kaba.

"Lumabas ka na, hija. Sigurado akong agad may te-table sa 'yo," sagot ni Chandie sa kaniya. Kaya dahil dito ay agad siyang lumabas at kahit kinakabahan ay kailangan niyang gawin ito.

Para sa anak.

Inayos ni Karen ang paglalakad at tindig para makakuha ng customer. Nang may makatinginan siyang lalaki ay agad niya 'yong nginitian at kinindatan kahit ang totoo ay hindi siya sanay sa ganito.

Nakita na lang niya na bumulong ang lalaki sa isang bakla at tinuro siya. Dali-dali namang pumunta ang bakla sa kinaroroonan ni Karen at sinabihan.

"Teka? Bago ka ha? Ang swerte mo! Gusto kang i-table no'n, oh," sabi ng bakla sabay turo sa lalaking kinindatan ni Karen. Agad namang pumunta roon si Karen. Mas lalong lumalakas ang kaba at takot niya habang pinupuntahan ang unang magiging customer niya.

Nang makarating ay agad umupo sa tabi ng lalaki si Karen, 'yon lang ay may isang dangkal ang pagitan dahil nahihiya pa siya.

"Halika rito. H'wag kang mahiya sa 'kin," sabi ng lalaki saka siya iniurong nito papalapit sa kaniya. Marahang iniharang ni Karen ang mga kamay niya para hindi masyadong magdikit ang katawan nila ng lalaki.

"B-Bakit ako ang pinili mong i-table?" biglang bungad na tanong ni Karen. Marahan namang natawa ang lalaki dahil sa tanong niya.

"Because you're so d*mn hot and sexy, babe. I wanna play with you right now," sagot ng lalaki sa mahinang tono ng pananalita. Ramdam ni Karen ang init ng hininga nito.

"H-Ha?"

"Wanna come with me?" tanong ng lalaki sa kaniya dahilan kaya't tinignan niya ito sa mga mata. Bigla na lang niyang naalala ang sinabi ng baklang manager sa kaniya kanina na libo-libo kapag magbibigay ng tip ang mga customer.

Dahil sa gustong magkaroon agad ng malaking pera ay agad sumang-ayon si Karen sa sinabi ng lalaki. Tumayo silang dalawa at dinala si Karen ng lalaki sa sasakyan nito. Nang makapasok sa loob ay naupo si Karen sa passenger seat habang ang lalaki ay nasa driver seat.

"A-Anong gagawin natin dito?" tanong ni Karen kahit may ideya na siya kung bakit sila nandirito.

"Let's do f*ck here, baby," matigas na sabi ng lalaki at saka hinawakan ang ibabaw ng hita ni Karen. Dahil sa pagkabigla ay agad inalis ni Karen ang kamay ng lalaki sa kaniya. "W-Why?" tanong ng lalaki.

"B-Baka may makakita s-sa 'tin e," pagdadahilan ni Karen dito.

"Sshhh... Walang makakakita sa 'tin dito, don't worry. Akong bahala sa 'yo," sabi ng lalaki. Nang muli nitong hinawakan ang hita ni Karen ay hindi na ito pumalag pa at hinayaan gawin ang lalaki sa kung anong gusto nitong gawin sa kaniya.

NANG matapos ang trabaho ni Karen ng madaling araw ay agad siyang binigyan ng among bakla ng kaniyang unang sweldo. Nagulat siya sa laki ng pera na nasa loob ng envelope. "A-Akin po 'to?" 'di niya makapaniwalang tanong.

"Yes. Thanks to you, hija. Hindi ako nagkamaling kunin ka. Dahil sa dami ng customer na napaligaya mo, dumami rin ang tendency na bumalik-balik sila rito. Good job, Karen."

"S-Salamat po!" sabi nito bago ito umalis kalaunan. Sa kaniyang paglalakad, tinignan niya rin ang bawat tip na binibigay sa kaniya ng mga lalaking nai-table at napaligaya niya. Halos umaabot ng 50k ang tip niya at hindi pa kasama roon ang pinakasweldo.

Kulang pa rin ito para may maipangbayad sa hospital bill ng anak.

Pinuntahan niya sa hospital ang anak na si Cedric at nakitang namamahinga ito. Lumapit siya at naupo sa tabi ng kama saka hinalikan sa kamay ang nagpapahingang anak.

"Cedric, kaunting tiis na lang at mapapagamot na kita. Saglit na lang ito," sabi nito sa anak. Maya-maya pa nang ilapat ni Karen ang ulo sa ibabaw ng kama at unti-unting nakaramdam ng antok.

SA MANSION...

Abala sa pagkakalkal ng mga impormasyon si Valer Ferrario nang bigla bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Nakita niya ang asawang si Iracibeth na galit na galit ang hitsura.

"What the h*ll is this, Valer?!" galit na galit niyang tanong sa mister habang hawak ang mga papel.

"Didn't you read what that paper is all about? Are you stup*d or something?" wala namang emosyong tanong ni Valer sa asawa saka umiling nang marahan.

"F*ck you, Valer! Hinding-hindi ko pipirmahan ang letcheng divorce papers na 'to! Anong akala mo? Gano'n-gano'n na lang?" bulyaw ni Iracibeth sa asawa. Bakas na bakas ang galit niya kahit sa totoo ay gusto niyang maluha sa gustong gawin ng asawa.

"Then don't. I don't even f*cking care, Iracibeth. Go and do your own stuffs," walang emosuong saad ni Valer bago ito tumayo at akmang lalabas ng silid nang harangan siya ng asawa.

"Don't you dare walk away from me, Valer! Bakit? May iba ka na ba? Ha?!" tanong ni Iracibeth ngunit hindi siya tinugunan ng asawa, sa halip ay idineretso nito ang paglalakad hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

They are five years married at sa limang taon ding ito ay iba't ibang pagsubok ang dumating sa kanilang buhay ngunit hindi nila 'yon napagtagumpayan. Nakita ni Valer kung ano ang totoong ugali ng asawa kaya't nawalan na siya ng gana rito. Gustuhin man niyang mambabae ay wala naman siyang oras.

At sa limang taon din nilang pagsasama ay minsan na silang binigyan ng anak ngunit namatay 'yon dahil sa isang aksidente. Hindi naniniwala si Valer na aksidente lamang 'yon kundi kagagawan 'yon ng isa sa kaniyang mga kalaban. Kaya't dahil dito ay sinimulan niyang hanapin kung sino ang taong gumawa no'n sa kaniyang anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status