Share

Chapter 5

Chapter 5

Madaling araw nang magising si Karen. Kailangan na niyang umalis dahil aasikasuhin niya pa ang anak na si Cedric. Habang nagbibihis, nagising na lang nang kusa si Valer.

"Uuwi ka na?" tanong nito kay Karen.

"Oo. Kailangan ko pang asikasuhin ang anak ko," sagot ni Karen sa kaniya. Tila marahang nabigla si Valer sa isinagot nito.

"May anak ka?" paninigurado niya.

"Oo. Nakalimutan ko pa lang sabihin sa 'yo. I'm a single mother, Valer."

Sandaling hindi nakaimik si Valer sa isinagot ni Karen. Ang buong akala niya ay dalagang-dalaga pa ito.

"How?" ito ang unang naitanong niya sa kaniya.

"Nabigla ka ba? Hmm... Nagawa ko lang naman 'tong ganito kasi talagang matindi ang pangangailangan ko para sa 'min ng anak ko. Specially para sa kaniya. Nawalan ako ng trabaho, napalayas kami sa dati naming apartment tapos na-ospital pa siya. Sunod-sunod na pagsubok ang ibinigay sa 'kin. I have no choice kaya pumasok ako sa club. And after that, na-meet kita. Inalok mo 'ko and I grabbed it."

"Hindi ka nagdalawang-isip?" tanong muli ni Valer.

"Nagdadalawang-isip ako pero kapag iniisip ko ang kapakanan ng anak ko, tine-take ko na lang ang mga opportunity. Hindi naman para sa 'kin 'to e. Para sa anak ko 'tong ginagawa ko," sagot ni Karen sa kaniya.

Hindi makapaniwala si Valer sa katatagan ni Karen bilang isang ina. Alam naman niyang hindi lang si Karen ang ganitong klase ng ina ngunit dahil sa ngayon ay may nasasaksihan siyang ganito ay mas lalo siyang humanga para sa kaniya.

"You're a great mother, Karen," biglang sabi ni Valer sa kaniya. Tila hindi naman makapaniwala si Karen sa sinabi nito.

"H-Huh?"

"Sana lahat ng babae, kagaya mo. Ginagawa ang lahat para sa anak," dugtong pa ni Valer.

"Bakit, Valer?" tanong muli ni Karen. "Teka, may asawa ka na ba?"

Biglang nahinto sa kinaroroonan si Valer nang tanungin 'yon ni Karen.

"Wala," diretsong sagot nito bilang pagsisinungaling. Hindi niya alam sa sarili. Pakiramdam niya ay bababa ang dignidad niya kung aamin man siya.

"T-Talaga? Wala kang asawa? Wala kang anak?" tanong muli ni Karen ngunit umiling lang si Valer bilang tugon.

"Karen, may hihingiin sana akong pabor sa 'yo," pag-iiba ni Valer sa usapan.

"Ano 'yon?"

"Pwede ba kitang ihatid sa inyo? Gusto kong makilala ang anak mo."

"H-Huh? Bakit naman, Valer?"

Para kay Karen, nakakabigla ang gano'ng pabor sa kaniya. Ano namang gagawin ni Valer kung sakaling makilala niya ang anak ni Karen?

"N-Nami-miss ko lang kasi yung p-pamangkin ko," nauutal niyang pagsisinungaling.

"B-Baka kasi magtaka yung anak ko kung sinong lalaki ang kasama ko. Baka mamaya, kung anong isipin niya."

"H'wag kang mag-alala. Hindi niya 'yon maiisip sa 'yo. Akong bahala."

Kalaunan nang umalis sina Karen at Valer para puntahan si Cedric. Saktong alas siete ng umaga nang magising ang bata, ngunit bago mangyari 'yon ay nagbihis si Karen ng pambahay at nakapaghain na ng almusal. Ilang sandali pa nang lumabas si Cedric sa silid niya at nakita ang ina. Nahinto na lang din ang bata nang makita si Valer.

"G-Good morning po," magalang niyang bati saka siya pumunta sa tabi ng ina at niyakap ito. "Mama, sino po siya?" mahina niyang tanong ngunit dinig 'yon ni Valer.

"A-Ahmm..."

"Kaibigan ako ng mama mo, Cedric," tugon ni Valer dahil alam niyang hindi makakasagot si Karen sa tanong niya.

"Kilala niyo po ako?" takang tanong ng bata. Ngumiti at tumango naman si Valer bilang tugon.

"A-Ahmm... Kumain muna tayo," pagputol ni Karen sa usapan ng dalawa. Pumwesto silang mag-ina sa mga bakanteng upuan.

Sinimulan ni Cedric na magdasal bago sila sabay-sabay na kumain. Palihim na sinusulyapan ni Valer ang mag-ina at napapangiti. Naiisip niya na paano kaya kung buhay ang anak nila ni Iracibeth? Ganito rin kaya sila kasaya?

HINDI NAPANSIN ni Karen na nakatulog siya matapos ng mahaba-habang pagkilos. Nang magising ay agad siyang tumayo at tinignan ang oras. Ala una na pala ng hapon. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili bago pumunta sa kusina. Balak sana niyang magsimula nang magluto ngunit nakita niya na may kaserola sa ibabaw ng lutuan. Amoy na amoy niya ang lutong Adobo.

"S-Sinong nagluto nito?" takang tanong niya. Bigla na lang pumasok sa isip niya ang anak na si Cedric dahilan kaya't hinanap niya ito sa kwarto at sa palibot ng bahay. Nahinto na lang siyang bigla nang makita ito sa may tabi ng pool habang kausap si Valer. Nakatalikod ang mga ito mula sa kaniya kaya't hindi siya kita.

"Paano po kayo naging friends ni mama?" tanong ni Cedric dito.

"Hmmm... Sa isang place kung saan siya nagwo-work. I saw her and asked her at the same time. And after no'n, naging friends na kami," sagot ni Valer sa bata.

"Ano pong in-ask niyo sa kaniya?" takang tanong ni Cedric.

"Ahmm... About her work. And hanggang sa napunta 'yon sa mga interested things. Basta interested things."

"Ahh... Gano'n po ba?" sabi ni Cedric dito habang tumatango-tango. "Teka po, may family ka po ba? Like sariling family? Asawa po tsaka anak?" tanong muli ng bata.

"Wala, Cedric."

"Po? E hindi niyo po ba nai-try na mag-asawa? Hindi po ba lonely kapag walang asawa't anak?" takang tanong muli ni Cedric.

"It's very lonely, Cedric. Very much," sa pagsagot na 'yon ni Valer ay halata ng bata na malungkot ang tono na 'yon. Kaya nagulat na lang si Valer nang bigla siyang yakapin ng bata.

"H'wag po kayong mag-alala, friends ka naman po ng mama ko so friends na rin po tayo para hindi ka na maging lonely," sagot nito. Hindi maipaliwanag ni Valer ang nararamdaman sa ginagawa ng bata sa kaniya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito mula sa isang bata.

Samantala, natutuwa si Karen sa ipinapakita ng anak na si Cedric sa kaniya. Ngunit naaawa rin siya para dito dahil walang kaalam-alam ang bata kung sino ang kausap niya. Bagaman ayaw magsinungaling ni Karen sa kaniyang anak ay hindi naman niya magawa dahil masyado pa itong bata. Ayaw niya itong biglain sa katotohanan. Alam niya na balang araw ay maipapaliwanag din niya ito sa kaniya at maiintindihan siya ng anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status