Share

Chapter 3

Chapter 3

Kinabukasan nang muli na namang sumapit ang gabi ay muling nagtrabaho si Karen sa club at nagpaligaya ng mga lalaki. Halos karamihan sa mga customers ay gusto siyang maka-table. Pati ang mga binigyan niya ng kaligayahan sa unang pagpasok niya ay gusto ulit siyang kunin.

"Grabe ang alindog mo, Karen. Kakaiba ka!" sabi ni Chandie nang ayusan si Karen.

"Ginagawa ko lang naman kung ano ang trabaho ko e. Tsaka isa pa, ginagalingan ko lang din," paliwanag ni Karen.

"Kunasabagay, lahat naman kasi tayo e may pangangailangan. O sige, Karen. Push lang nang push ha? Kaya mo pa 'yan. Mukha ka pa rin namang fresh sa dami ng lalaking gustong angkinin ka," huling sabi ni Chandie bago iwan si Karen.

Muling tinignan ni Karen ang sarili sa salamin. "Para sa anak mo 'to," sabi niya sa sarili. Ilang sandali pa nang tumayo na siya para simulan ang trabaho. Ngunit sa paglabas pa lang niya ay nakita niya na kinakausap ng boss niyang bakla ang isang lalaki na tila nasa edad 40+ na. May kasama itong apat na lalaki na nasa likuran nito.

"Mukhang special customer nila," sabi ni Karen sa sarili at saka naglakad papunta sa may bar tender.

Samantala, habang kinakausap si Valer ng baklang manager sa club ay nililinga niya ang paningin sa buong paligid. Bigla na lang napukaw sa pansin niya ang isang babae na naglakad papunta sa may bartender.

"Who's that?" tanong niyang bigla sa bakla habang hindi inaalis ang tingin sa babaeng 'yon.

"Sino, Mr. Ferrario? Ahh! Si Karen ba?" tanong din ng bakla bilang paninigurado.

"Karen."

"Ay bago namin 'yan! Teka, ipatatawag ko para i-table ka," sabi nito at walang ano-ano nang puntahan niya si Karen sa kinaroroonan nito.

"Karen. Karen, hija," tawag niya dahilan kaya't lumingon naman ito sa gawi niya.

"Bakit po?" takang tanong nito.

"Nandito si Mr. Ferrario. Ikaw ang gusto niyang maka-table. H'wag na h'wag na h'wag mong sasayangin 'tong opportunity na 'to naku!"

Takang tinignan ni Karen ang gawi kung nasa saan ang tinutukoy ng amo niya. "Siya po?" paninigurado niyang tanong.

"Oo siya. Bilis na. Puntahan mo na siya at baka magbago pa ang isip no'n. Go!"

Tumayo si Karen at saka pumunta nang dahan-dahan papunta sa gawi ni Mr. Ferrario. Medyo nahihiya pa siyang humarap at hindi niya maipaliwanag ang kaba na nararamdaman din niya.

"Mr. Ferrario. Siya si Karen. O siya't maiiwan ko muna kayo ha? Karen, ikaw nang bahala sa special customer natin," huling sabi ng may-ari bago ito umalis. Samantala, naiwan si Karen sa harapan ni Mr. Ferrario at hindi siya makatingin ng diretso rito.

"Karen," tawag nito kaya't nagkadahilan si Karen para tignan siya. "How old are you?" tanong nito.

"28 po, sir," magalang niyang sagot.

"Hmmm.... Good."

"G-Good?" tanong ni Karen. Ngumiti si Mr. Ferrario sa kaniya bago nito senyasan ang mga kasamang tauhan para magsipag-alis.

"Can you satisfy me?" tanong ni Mr. Ferrario sa kaniya.

"Ano bang klase ang gusto mo?" tanong din naman ni Karen. Tila nawala na ang hiya nito dahil alam niya na pera naman ang magiging kapalit nito.

"Anything you can do."

HINDI mapigilan ni Karen ang tumugon ng ung*l habang ginagalaw siya ni Mr. Ferrario. Bawat pagdampi ng labi nito sa kaniyang katawan ay tila nakapagbibigay ng daloy ng kuryente sa bawat ugat niya. Hindi niya maipagkakaila na sa iilang lalaki na ang kaniyang napapaligaya ay kay Mr. Ferrario lang siya naging ganito.

Hindi naman itinitigil ni Valer ang ginagawa sa dalaga. Sa bawat pag-ung*l nito at galaw ng kaniyang balakang ay mas lalo siyang ginaganahan. Mas lalo niyang binibigyang diin ang bawat ginagawa rito.

At sa halos tatlong oras nilang pagbibigay init sa kanilang mga katawan ay natapos na rin ang dalawa. Habang nagbibihis si Karen ay bigla na lang siyang nahinto nang makita na may inaabot si Mr. Ferrario sa kaniya.

Isang cheque.

"A-Ang laki naman nito!" hindi niya makapaniwalang sabi nang makita ang nakasulat na halaga rito. Halos tumataginting na 500k pesos.

Mababayaran na niya ang hospital bill ng anak!

"Is that enough?" tanong nito sa kaniya.

"Oo. Sobra! Maraming salamat," sabi nito at akmang yayakapin niya si Mr. Ferrario ngunit kaagad niya ring pinigilan ang sarili.

Nakangiti habang tinatapos ni Karen ang pagbibihis nang muli niyang harapin si Mr. Ferrario. Kita niya na tila nag-iisip ito nang malalim dahilan kaya't tinanong niya ito.

"Bakit? Anong problema?"

Ngumiti lang nang marahan si Mr. Ferrario sa kaniya saka umiling. Inilapat na lang nitong bigla ang palad sa pisngi ni Karen dahilan kaya't marahan itong nagulat.

"Thank you for making me happy, Karen. Kahit itong gabi lang," sabi nito. Ngumiti lang si Karen bilang tugon. "Pero alam kong hahanap-hanapin pa rin kita."

Hindi alam ni Karen kung anong ipinupunto ni Mr. Ferrario sa kaniya. "You're so d*mn perfect."

"A-Ano pong pino-point niyo?" tanong ni Karen dahil sa kuryosidad.

"Babayaran kita sa kahit magkanong halaga basta't paligayahin mo lang ako."

Marahang nanlaki ang mga mata ni Karen dahil sa narinig mula sa kaniya.

"A-Ano pong ibig ninyong sabihin?" muling paninigurado niya.

"Aangkinin kita sa bawat gabi, Karen. At sa bawat gabi ring 'yon ay ibibigay ko ang halaga ng perang gusto mo. Basta't mapaligaya mo lang ako."

Naging maganda sa pandinig niya ang ino-offer ni Mr. Ferrario sa kaniya dahil tungkol sa pera, ngunit nang maisip ang sarili at ang anak na si Cedric ay tila nag-aalangan siyang sumagot.

Kaya lang naman siya pumasok sa ganitong trabaho ay para mabayaran ang hospital bill ng anak na si Cedric. Ngunit inisip din niya na pagkatapos no'n ay saan na sila ulit pupulutin? Maglalakad na naman ba sila ng pagkalayo-layo at paano kung mangyari ulit kay Cedric 'yon? Hindi na makakaya pa ni Karen.

Muli ay inisip niya na para naman sa kaniyang anak ang ginagawa niya. Gusto niyang mapag-aral si Cedric at mapagtapos ito. Magkaroon ng magandang buhay at hindi matulad sa kaniya.

"Karen," tawag sa kaniya ni Mr. Ferrario saka hinawakan ang magkabila niyang kamay. Kita niya ang expression ng mukha nito na tila nagmamakaawang sumang-ayon siya sa inaalok nito.

"T-Tinatanggap ko ang alok mo," sagot ni Karen kaya't halos mapangiti nang napakalapad si Mr. Ferrario.

"I'll give you everything I have just follow my lead, Karen. Ako na ang bahala sa 'yo," sagot ni Mr. Ferrario bago muling halikan sa labi si Karen.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status