Share

Following The Ferrario
Following The Ferrario
Author: Rouzan Mei

CHAPTER 1

Author: Rouzan Mei
last update Last Updated: 2023-03-10 12:32:55

"Magsilayas kayo rito! Alis! Alis!" Halos itaboy ng isang ginang ang mag-inang Karen at Cedric dahil hindi sila nakakapagbigay ng pambayad sa upa ng bahay, kuryente at tubig ng dalawang buwan. Ito ay matapos iwan si Karen ng kinakasama at ipinagpalit siya sa mas batang babae.

"Parang awa niyo na po, aling Precy. Wala na po kaming mapupuntahan ng anak ko e. N-Naghahanap naman po ako ng trabaho. Pakiusap naman po, oh," pagmamakaawa ni Karen habang yakap-yakap niya ang anak na si Cedric.

"Puro ka pakiusap, Karen. Nakaraang buwan mo pang dinadahilan 'yang paghahanap ng trabaho mo, ah? Bakit wala ka pa rin'g katraba-trabaho ngayon, ha?" tanong naman ng ginang ngunit hindi siya makatugon. Iniisip ni Karen sa sarili na minamalas siya sa buhay.

"Aling Precy, maawa naman po kayo sa 'min. Nakikiusap po kami sa inyo na kahit kaunting panahon pa po," pakiusap naman ng batang si Cedric.

"Manahimik ka. Isa ka pa. Kinukunsinti mo kasi 'tong nanay mo sa paglalandi niya. Tignan niyo nga 'yang buhay ninyo," sagot naman ng ginang.

"Aling Precy, sobra ka naman po yata? Una sa lahat, hindi ako lumalandi. Hindi ko pinababayaan ang anak ko. Lahat ginagawa ko para sa kaniya," pagdepensa ni Karen ngunit napangisi naman ang ginang.

"Hindi ka lumalandi? E 'di ba pinalitan ka nga ng nobyo mo sa mas bata dahil nagsasawa na sa 'yo? Isa pa, ano'ng hindi mo pinababayaan ang anak mo? E tignan mo nga ang kalagyan niya. 'Yang kalagayan niyo. Sige nga," sagot naman ng ginang. Tila nakaramdam ng init ng dugo si Karen dahil sa sinasabi ng nito kaya’t hindi na niya napigilan pa ang sarili.

"Ang sama ng ugali niyo!" sigaw nito at walang ano-ano siyang lumapit sa ginang. Sinabunutan niya ito sa galit kaya’t napapadaing naman ang ginang sa sakit, habang ang mga kapitbahay ay nakikiusyoso at nanonood.

Inaawat si Karen ng kaniyang anak habang ang ilang pamangkin ng ginang ay lumabas upang patigilin ang nangyayari.

"Ang sama-sama ng ugali niyo! Kung ayaw niyo kaming pagbigyan, e 'di h'wag! Pero wala kayong karapatan na matahin kami ng anak ko dahil wala kayong karapatan! Hindi niyo alam ang pinagdaraanan namin!" bulyaw ni Karen ngunit kaagad na humarang ang isa sa mga dalagang pamangkin ng ginang.

"Ate Karen, p-pasensya na po kung anuman ang sinabi ni tita. A-Ako na po ang humihingi ng tawad sa kaniya," saad nito para maiwasan ang gulo.

"Senia! Ano'ng sinasabi mo? Umalis ka nga r'yan," pagtutol ng ginang at hinila ang dalagang pamangkin. "Dapat lang siyang makarinig ng gano'ng salita. Dalawang beses ko na ngang pinagbigyan, umaabuso pa? Hala sige, lumayas kayo ng anak mo sa pamamahay ko. Doon ka maglandi sa labas at h'wag dito. Alis!"

Huminga na lamang nang malalim si Karen habang ang anak niyang si Cedric ay hinihila siya paalis. Hindi na pinatulan pa ni Karen ang ginang at kinuha ang mga gamit nila sa bahay. Halos damit lang ang kanilang dinala dahil ang mga kagamitan ay galing sa paupahan ng ginang.

"Aalis talaga kami sa impyernong 'to! Tsismosang matanda!" bulyaw ni Karen bago sila umalis ng anak niya. Pinatabi pa nito ang mga taong nakaharang sa gate dahil sa pakikiusyoso.

Sa paglayo ng mag-ina mula sa pinanggalingan ay napaisip bigla si Karen. Saan na sila pupunta ngayon at ano ang maipapakain niya sa anak?

Huminga nang malalim si Karen. Hindi niya alam kung paano muli magsisimula. Ang pagsisimula na kahit kailan ay hindi niya naranasang makabangon mula sa hirap.

"Mama, hayaan niyo po, magtatrabaho na lang din po ako," biglang sambit ni Cedric kaya't binalingan ito ng tingin ni Karen. Huminto sila sa paglalakad at pinantayan nito ang anak. Tinignan ni Karen si Cedric sa mga mata habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi nito.

"Anak, h'wag mong alalahanin si mama. Hindi mo kailangang gawin 'yon dahil ako ang gagawa ng paraan para makahanap ulit tayo ng bahay na matitirhan," saad nito sa anak. Tumango naman si Cedric bilang tugon.

Niyakap ni Karen ang kaniyang unico hijo at doon ay lihim siyang napaluha. Kung tutuusin ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya pero hindi siya pwedeng sumuko sa hamon ng buhay.

NANATILI sa convenience store ang mag-ina nang makaramdam ng gutom si Cedric. Nakaupo sila sa may labas upang doon muna magpalipas ng ilang minuto. Binilhan ni Karen ang anak ng tinapay at malaking tubig, habang siya ay hindi na inalintana ang gutom na nararamdaman. Hindi na nagkasya pa ang perang pambili ng pagkain.

"Mama, ikaw po?" tanong ni Cedric sa ina nang alukin niya ito ng tinapay. Ngumiti naman si Karen at umiling sa kaniyang anak. "Kanina ko pa po naririnig yung gutom ninyo e. Baka po manghina kayo," saad pa ng bata.

"Cedric, anak, okay lang si mama. H'wag mo akong alalahanin, ha? Sige na, kumain ka na ulit," sabi lang ni Karen sa anak. Dahil dito ay tinuloy na ni Cedric ang pagkain.

Matapos kumain ay sandali pa silang nanatili hanggang sa mapagdesisyunan na nilang umalis ulit kahit na hindi nila alam kung saan sila pupunta.

Tinuloy lang nila ang paglalakad hanggang sumapit na ang gabi. Hindi alam ni Karen kung saan muna sila pwedeng mamalagi hanggang sa nakita niya ang isang makitid na eskinita na may mga dyaryo at karton.

"Halika, 'nak," saad nito at dali-daling pumunta ang mag-ina sa gawing 'yon. Gamit ang mga karton ay gumawa si Karen ng mahihigaan nila ng kaniyang anak. Pinatong din nito ang mga dyaryo sa paanan upang hindi malamigan.

"Mama, dito po tayo?" tanong bigla ni Cedric. Sandaling tinignan ni Karen ang ginawang higaan at ngumiti sa anak kahit na sa loob-loob niya ay nasasaktan siya.

"O-Oo. Saglit lang naman e. Pansamantala. Pinapangako ko sa 'yo na bukas na bukas din, matutulog na ulit tayo sa kama, ha?" pangako nito sa anak. Tumango naman si Cedric bago siya nagtungo sa kaniyang ina at nahiga. Antok na antok na ito at gusto ng magpahinga.

Nakatalikod ang bata mula kay Karen habang nagpapahinga. Humiga sa likuran nito si Karen at hinahaplos ang buhok ng kaniyang anak, at sa pagkakataon din'g 'yon ay hindi na maiwasan pa ni Karen ang maluha. Naaawa siya para sa kaniyang anak. Nag-iisa lamang ito ngunit hindi pa niya mabigay-bigay ang marangyang buhay na hangad niya para dito.

Hindi pinaparinig ni Karen ang kaniyang emosyon dahil baka magising pa ang anak na si Cedric. Agad din niyang pinupunasan ang mga luha niya dahil ayaw niyang matuluan ito ng luha. Ayaw niyang ipakita sa bata ang sakit at bigat na dinadala niya.

Hindi makatulog si Karen dahil sa kakaisip, ngunit ilang sandali pa ay pumasok sa isipan niya na baka merong pwedeng mapasukan ng mga ganitong oras. Dahil dito ay agad siyang tumayo at umalis upang maglibot-libot habang natutulog pa ang kaniyang anak.

Sa pangalawang kanto lang mula sa kinaroroonan nila ay nasilayan niya ang bukas na club. Maraming tao sa labas at loob. May mga magaganda at sexy na babae ang may kausap na foreigners o 'di kaya'y kapwa pinoy na may kaya.

Napalunok si Karen ng laway ngunit napagdesisyunan niyang magtungo roon. Pumunta pa siya sa isang babae na abala sa pakikipag-usap sa customer para kausapin.

"E-Excuse me, miss. Pwede pa bang mag-apply rito?" tanong ni Karen kaya't nilingunan siya ng babae. Tinignan siya nito mula paa hanggang ulo habang ngumunguya ng bubblegum.

"Apply ka?" walang gana nitong tanong. Tumango naman si Karen at ngumiti nang bahagya. "Pumasok ka sa loob. Lagpasan mo yung counter at nandoon ang opisina ni manager. Doon ka mag-apply," turo ng babae. Ngumiti at nagpasalamat naman si Karen bago niya puntahan ang sinabi ng babae.

Sa pagpasok niya ay maingay sa loob ng club. Malakas na musi at merong mga babaeng sumasayaw nang mabagal sa stage habang suot ang 'di kaaya-ayang damit. Marami rin'g mga naghah*likan at mas lalong napukaw sa pansin niya ay ang pagyayaya ng mga babaeng nagtatrabaho rito sa mga lalaking customer paakyat sa hagdan.

Isinawalang bahala 'yon ni Karen at kaagad na nagtungo sa tapat ng isang pinto. Kumatok siya nang tatlong beses bago niya ito pihitin at silipin ang loob. Nakita niya ang isang babaeng tila nasa edad 40+ na naka-make-up nang makapal at maikling damit.

"Good evening po," pagbati ni Karen. Sumenyas naman ang babaeng 'yon na pumasok ito dahil abala ito sa paninigarilyo. "M-Mag-a-apply po sana ako," saad kaagad ng dalaga sa kaniyang sadya.

Hindi kaagad sumagot ang tila manager ng club. Tinignan niya si Karen mula sa mukha at sa katawan nito habang tumatango-tango.

"May asawa?" tanong ng babae.

"W-Wala po."

"Anak?"

"Isa po. Ten years old," sagot niya. Tumango-tango naman ang babae at tumayo mula sa kinauupuan.

"Ilang taon ka na?"

"Twenty-six po," magalang na sagot ni Karen. Tila nagbilang pa sa isip ang babae at saka tumango.

"Kaya mo bang magpaligaya ng lalaki?"

Sa tanong na 'yon ay sandaling hindi nakaimik si Karen at napalunok ng laway. Tila napatanong din siya sa kaniyang sarili kung kaya ba niyang magpaligaya ng lalaki.

Pero nang maisip din ang kalagayan nilang mag-ina, tila nagbago ang takbo ng utak niya.

"Opo. Kaya ko po," sagot niya.

"Hmm... Sige. Gusto kitang tignan kung paano ka mag-entertain ng lalaki. Maraming mayayaman ang dumadayo rito para sa mga naggagandahang babae rito. May foreigners, businessmen, o kahit married men. Lahat, meron kami. Kaya dapat marunong kang mag-adjust kung ano ang gusto nila. Kung mas magaling kang mag-entertain, mas malaki ang bigayan," paliwanag ng babae.

Huminga nang malalim si Karen sa narinig ngunit nagbitiw siya ng isang malapad na ngiti at may paninindigang sagot.

"Gagawin ko po lahat para mapaligaya sila."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Following The Ferrario   Chapter 5

    Chapter 5Madaling araw nang magising si Karen. Kailangan na niyang umalis dahil aasikasuhin niya pa ang anak na si Cedric. Habang nagbibihis, nagising na lang nang kusa si Valer."Uuwi ka na?" tanong nito kay Karen."Oo. Kailangan ko pang asikasuhin ang anak ko," sagot ni Karen sa kaniya. Tila marahang nabigla si Valer sa isinagot nito."May anak ka?" paninigurado niya."Oo. Nakalimutan ko pa lang sabihin sa 'yo. I'm a single mother, Valer."Sandaling hindi nakaimik si Valer sa isinagot ni Karen. Ang buong akala niya ay dalagang-dalaga pa ito."How?" ito ang unang naitanong niya sa kaniya."Nabigla ka ba? Hmm... Nagawa ko lang naman 'tong ganito kasi talagang matindi ang pangangailangan ko para sa 'min ng anak ko. Specially para sa kaniya. Nawalan ako ng trabaho, napalayas kami sa dati naming apartment tapos na-ospital pa siya. Sunod-sunod na pagsubok ang ibinigay sa 'kin. I have no choice kaya pumasok ako sa club. And after that, na-meet kita. Inalok mo 'ko and I grabbed it.""Hindi

  • Following The Ferrario   Chapter 4

    Chapter 4Natapos ang pangamba ni Karen nang mailabas na sa hospital si Cedric. Tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan at nakahinga na rin nang maluwag."Ma, nasa'n na po tayo?" tanong ni Cedric kaya't tinignan ni Karen ang anak."Nandito na tayo sa bago nating titirhan, anak," sagot nito sa kaniya. Nasa harapan sila ng isang maganda at simpleng bahay."D-Dito po?" tanong ni Cedric at hindi makapaniwala sa ganda at ayos ng bahay na kanilang titirhan."Oo, anak. Masaya ka ba?" tanong ni Karen dito. Walang ano-ano nang tumalon sa tuwa si Cedric at bakas sa mukha nito ang saya."Opo, 'ma! Ang saya-saya ko!" natutuwa nitong sabi."Tara na sa loob," pagyaya ni Karen sa anak at saka sila pumasok sa loob ng bahay. Kumpleto na sa gamit at kung ano-anong disenyo ang nakalagay sa loob nito. Pati sa magiging kwarto ni Cedric ay halos punong-puno ito ng mga laruang panlalaki. Gayundin ay may mga damit at gamit na siya para sa eskwelahan. Kumpletong-kumpleto ang laman nito."Mama! May bag ako r

  • Following The Ferrario   Chapter 3

    Chapter 3Kinabukasan nang muli na namang sumapit ang gabi ay muling nagtrabaho si Karen sa club at nagpaligaya ng mga lalaki. Halos karamihan sa mga customers ay gusto siyang maka-table. Pati ang mga binigyan niya ng kaligayahan sa unang pagpasok niya ay gusto ulit siyang kunin."Grabe ang alindog mo, Karen. Kakaiba ka!" sabi ni Chandie nang ayusan si Karen."Ginagawa ko lang naman kung ano ang trabaho ko e. Tsaka isa pa, ginagalingan ko lang din," paliwanag ni Karen."Kunasabagay, lahat naman kasi tayo e may pangangailangan. O sige, Karen. Push lang nang push ha? Kaya mo pa 'yan. Mukha ka pa rin namang fresh sa dami ng lalaking gustong angkinin ka," huling sabi ni Chandie bago iwan si Karen.Muling tinignan ni Karen ang sarili sa salamin. "Para sa anak mo 'to," sabi niya sa sarili. Ilang sandali pa nang tumayo na siya para simulan ang trabaho. Ngunit sa paglabas pa lang niya ay nakita niya na kinakausap ng boss niyang bakla ang isang lalaki na tila nasa edad 40+ na. May kasama itong

  • Following The Ferrario   Chapter 2

    Chapter 2Nang matapos maligo at maibihis ni Karen ang ipinapasuot na damit sa kaniya ni Chandie ay agad naman siya nitong inayusan. Hindi komportable si Karen sa suot na halos kita ang dibdib at hita niya. Gayundin ay may sapatos na may mataas na takong siyang suot. Ito na ang palagi niyang susuotin sa kaniyang bagong trabaho."Ay! Perfect!" biglang sabi ni Chandie nang matapos siya nitong ayusan. Nang imulat ni Karen ang mga mata ay namangha siya sa sariling ganda at alindog. "Iba ang kamandag mo, Karen!" dugtong pa nito."A-Ano na pong gagawin ko?" tanong ni Karen kay Chandie. Bakas sa tono ng pananalita ni Karen ang kaba."Lumabas ka na, hija. Sigurado akong agad may te-table sa 'yo," sagot ni Chandie sa kaniya. Kaya dahil dito ay agad siyang lumabas at kahit kinakabahan ay kailangan niyang gawin ito.Para sa anak.Inayos ni Karen ang paglalakad at tindig para makakuha ng customer. Nang may makatinginan siyang lalaki ay agad niya 'yong nginitian at kinindatan kahit ang totoo ay hi

  • Following The Ferrario   CHAPTER 1

    "Magsilayas kayo rito! Alis! Alis!" Halos itaboy ng isang ginang ang mag-inang Karen at Cedric dahil hindi sila nakakapagbigay ng pambayad sa upa ng bahay, kuryente at tubig ng dalawang buwan. Ito ay matapos iwan si Karen ng kinakasama at ipinagpalit siya sa mas batang babae. "Parang awa niyo na po, aling Precy. Wala na po kaming mapupuntahan ng anak ko e. N-Naghahanap naman po ako ng trabaho. Pakiusap naman po, oh," pagmamakaawa ni Karen habang yakap-yakap niya ang anak na si Cedric. "Puro ka pakiusap, Karen. Nakaraang buwan mo pang dinadahilan 'yang paghahanap ng trabaho mo, ah? Bakit wala ka pa rin'g katraba-trabaho ngayon, ha?" tanong naman ng ginang ngunit hindi siya makatugon. Iniisip ni Karen sa sarili na minamalas siya sa buhay. "Aling Precy, maawa naman po kayo sa 'min. Nakikiusap po kami sa inyo na kahit kaunting panahon pa po," pakiusap naman ng batang si Cedric. "Manahimik ka. Isa ka pa. Kinukunsinti mo kasi 'tong nanay mo sa paglalandi niya. Tignan niyo nga 'yang buhay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status